Chapter 3

"Hey, so titigan mo lang ako nyan? ha? look what you did to me?? are you out of your mind ha? tsk, gusto mong mawalan ng trabaho?" nangigigil ako tangna pigilan nyo ko..

Naitikom nya ang bibig nya. Nagulat siguro sa pag sigaw ko..

'tsk, pathetic' bulong ko sa sarili ko..

Wala na..

Sira na ang araw ko,

Pano na ko nito? Pakshit naman oh, sinasabi ko na nga bang ang pangit ng ideyang isama ako rito eah badtrip talaga.

Gusto kong manapaaaaak, may anger and tempered issue kasi ako eah,

"HOOOOO!" buga ko ng hangin para pakalmahin ang sarili ko..

' esay lang Herby, babae yan, babae wag mong papatulan' bulog ng konsensya ko..

Takteee!!

Iniwan ko na sya dun na hindi parin gumagalaw, bahala sya dyan, badtrip ako..

Pumasok na ako sa loob, nasalubong ko naman si Mom na papalabas, siguro ay para hanapin ako..

"Herby? Anak? What happened to you?" medyo nanlaki ang singkit nyang mata sa pagkagulat, may bastos lang naman na katulong ang gumawa nito sakin.

"Naku, Bro. Ba't naman nag swimming ka sa pond nila? Nainitan ka ba masyado? Hahaha." singit naman ni kuya na nasa likod ni Mom, pang asar din ito eah.

Sasagot na sana ako ng bigla na namang may magsalita.

Ano ba?? uso ba singitan? Ganun? Bastusan??

"Bala-e? What happened?" tanong ng isang babae na I think kasing edad lang ni Mom,

Teka?

Bala-e??

Eah?

Diba yun yung tawagan ng mga magulang ng mag asawa? Ayy basta yun na yun badtrip pa rin ako..

Lumingon naman sa kanya si Mom at nagkibit balikat, pagkatapos sabay silang tumingin sakin.

"Herby right? Anong nagyare iho?" medyo may pag-aalalang tanong nya..

Patay ka ngayong katulong ka mawawalan ka na ng trabaho dahil sa kagagahang ginawa mo sakin.. evil laugh

"Kasi po yu---------" king ina naputol na naman ang sasabihin ko ng may nagsalita ulit.. Ngayon naman nasa likod ko sya .. Papasok pa lang ng pinto..

"Sorry Mommy, hindi ko po sinasadya, ako po ang may gawa nyan sa kanya" bigla akong napalingon dun sa mala anghel na boses na yun..

Huwaaaaat??

Sya?

MOMMY??

Tangna! anak nila to?

Seryoso ba? pweeee, so ibig sabihin hindi to katulong dito?

Luh?

Bakit parang nawiwindang ako sa mga nangyayari?

Haaysstt so anak nga nila ito?

Wala binabawi ko na pala yung mala anghel nyang boses, erase that.

Nandidiri ako sa suot nya.. Seryoso hindi mo alam kung manananggal ba 'to o sinaunang tao..

Kagaya nga ng sabi ko kanina ang haba ng palda nya na hanggang talampakan at naka loose jacket pa..

Anak ng,

Tibong Maria Clara ikaw ba yan???

Ayyy mali maganda pala si Maria Clara..

Lalo pa akong naasar nung lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko sabay sabi ng "sorry" at todo ngiti pa.

Urgh!! may braces din sya.. Nang aasar ata 'tong babae na 'to eah..

Pinakunot ko ang kilay ko para ipakita na naaasar ako sa kanya..

Mukhang natakot naman sya kasi nabitawan nya ang balikat ko at nawala ang ngiti sa kanyang maninipis na labi.

Aish 'HERBY STOP DESCRIBING HER WILL YOU?' sigaw ng isang parte ng utak ko,

"Oh sya, iho.. halika magpalit ka muna ng damit, ihihiram kita kay Adrian" sabi naman ng Mommy nitong Nerd na 'to.

Tumango na lang ako bilang pag sang ayon,

-------------------------------

Nauunang maglakad si Mom at Tita Judy, yung Mommy ni Nerd.

Pababa na kami para kumain nakapagpalit na rin ako ng damit, so sa kuya nya pala 'tong damit..

Hmm magka-size naman kami, at masasabi kong maganda ang taste nya sa mga damit.

Pagbaba namin ng hagdan, dumiretso na kami ng dining room, nandun na sina Kuya at Hope, magkatabi sila, may dalawa na ring lalaki silang kasama at nandun na rin yung nerd..

Naiirita talaga ako twing nakikita ko sya..

Medyo nailang naman ako nung tingnan ako nung lalaking medyo bata, siguro ito yung Adrian, damit nya kasi suot ko.

Pag tingin ko naman dun sa isa pang lalaki, na sa tingin ko ay ang padre de pamilya, aba nakangiti sya sakin?

Bigla itong lumapit sakin at inakbayan ako.. taktee ang bigat wah..

"Aba, Veronica! ito na ba ang inaanak ko?" tanong ng lalaki kay Mom..

Tumango lang ito, pagkatapos ay ginulo nya ang buhok ko.

Ah may ninong pala ako.

Sabi nga ni kuya saming magkakapatid ako ang may pinakamaraming ninong at ninang, pero hindi ako naniniwala. Kasi kahit isa wala akong nakilala.. king ina mga kuripot sila, wala nga akong matandaan na nagbibigay sa akin tuwing pasko noong bata pa ako. TSK!

Nag-umpisa na kaming kumain ng magsalita si Tita Judy.

"Inaanak mo pala siya Andrei?" tanong nya sa asawa nito.

"Ah oo Hon, ewan ko ba kay pare, isinulat ang pangalan ko sa listahan.. hahaha" tawang tawa nitong kwento..

Tsskk.. napipilitan pa ata to ah.. langyaaa..

Bahala sila dyan, gusto ko nang matapos to para makauwe na ko at makatulog.

"Aiish" daing nung babaeng nasa harapan ko. Hawak hawak nya ang daliri nya na may kunting dugong lumalabas, mahina lang ang pagkakasabi nito, kaya hindi nakuha ang atensyon ng iba na patuloy parin sa pagkukwentuhan

"Tanga" bulong ko, pero napalingon sya sakin.

Ooooopppss napalakas ata at narinig nya.

Agad ko namang kinuha ang tissue table sa gilid ng plato ko at medyo lumiyad paharap para maabot ko ang kamay nya, at tsaka ko ito pinunasan.

"Mag iingat ka kasi sa susunod, para kang bata kung kumain" sabi ko sa kanya habang dinadampi ko ng bahagya ang tissue sa daliri nya.

Bumalik na rin ako sa pagkaka ayos ng upo at lahat sila nakatigil at nakatingin sakin.

May problema ba?

"What?" medyo inis kong tanong..

Eah pano ba naman kasi parang may nagawa akong kasalanan sa klase ng tingin nila..

Haysst.. wag nilang sabihin na binibigyan nila ng malisya yung ginawa ko kanina??

Tangna kahit asar ako dun sa babaeng yun, ayoko pa rin ng nakakakita ng babaeng nasasaktan, at isa pa.. nandidiri ako sa dugo, yun lang yun at walang iba..

Muli na ulit silang nagkwentuhan.

"Kuya Herby, kunan mo naman po ako nun" sabi ni Hope habang tinuturo ang isang cupcake, nagde-dessert na kami ngayon.

Agad naman akong kumuha ng dalawa at binigay yun kay Hope. Kumikislap pa ang mata nya ng nilapag ko ito sa plato nya.

"Ah, Mom, Dad? hindi pa ba natin pag uusapan ang agenda nitong date na to? May class pa ko mamayang 2?" medyo naiinip na tanong nung Adrian..

Oo nga naman.. puro kwento lang sila ng kwento, why just straight to the point na diba?

Para makauwi na agad.. tsskk may plates pa kong tatapusin eah..

"Ah yeah, napasarap lang ng kamustahan" sagot naman ni Tito Andrie..

"Ehem,, a-ah D-dad, a-a-ano po ba pag-u-u-u-sapan natin?" oh? nagsalita rin ang Nerd, tse muntanga pautal utal pa..

King ina naiirita talaga ako dun sa brace nya.. bakit kailangan pa nya nun? Eah ang ganda na ng ngipin nya..

"Ah, iha, pag uusapan natin amg tungkol sa kasal nyo" malumanay naman na baling dito ni Tita Judy..

Naramdaman ko naman ang pagsiko ni kuya sakin.

"Looks like, your life will be miserable, hak hak" mahina nyang bulong sakin.

Nyeta , ano bang pinagsasabi nito?

Nang aasar na naman ata 'to eah, pina-ngunutan ko lang sya ng kilay.. at takte ngumisi lang ang baliw kong kapatid..

"H-ho?? a-ako? i-ikakasal? kanino po?" gulat na tanong ni Nerd, teka.. ano nga pangalan nito? ayt bahala sya dyan...

"With my son iha, with HERBY. You will marry him." sagot ni Mom, na todo ang ngiti sakin.

Narinig ko namang nag 'tsk' si Adrian, problema nito?

Samantalang ipit na tawa ang narinig ko mula kina kuya Harry at Hope.

Tsk, ikakasal lang naman eah..

Ayos lang yu--------??

ANOOOOO??

IKAKASAL??

'With my son iha, with HERBY. You will marry him' nag play ulit sa utak ko ang sinabi ni Mom,

KING INA, ngayon palang nagsi-sink in sakin ang mga binanggit nyaaa..

'With my son iha, with HERBY. You will marry him'

OH NOOOO?? BAKIT AKO?

'With my son iha, with HERBY. You will marry him'

ANONG KASALANAN KO PARA PARUSAHAN NG GANITO..??

'With my son iha, with HERBY. You will marry him'

POTAAAAA.

Parang tanga na ko dito.

AYOKO

Nakanganga lang ako at isa-isa silang tiningnan ng hindi makapaniwala, nung dumapo ang paningin ko kay Nerd, nakayuko lang ito..

Tsk, gustong gusto mo naman, maya maya pa, medyo gumalaw ang balikat nito na parang humihikbi?

Teka? Umiiyak ba sya?

Bigla syang tumayo, nag bow muna sya samin at tumatakbong umalis.

So ganun?

Walk out ang peg?

King ina.. ako dapat ang gagawa nun..

Ano ba itong gulong napasok ko??

avataravatar
Next chapter