Chapter 2

Katatapos ko lang maligo at nag aayos na ko ng buhok ngayon, tangna ang gwapo ko talaga.. pero hindi ko parin taggap na kasama ako..

"Nice", bulong ko sa sarili ko habang sinusuklay ang buhok ko using my fingers.

"Huy JH, takte kang bata ka, ba't ang pangit pangit mo ha bro??" biglang litaw ng isang lalaki sa may pintuan ng kwarto ko.

Ano daw??

Hahaha kapal ng lalaki na to ha, tangna magkamukha lang naman kami, anyway sya yung kuya ko na mukhang unggoy wahahaha si Kuya Harry

"Ulol ka kuya, magkamukha lang tayo haha so pangit ka rin", sagot ko sa kanya habang inaayos naman ang sintas ng sapatos ko, well sabi ni Mom kung saan daw ako komportable yun ang soutin ko, kaya ito .

Isang white T-shirt na tinernuhan ng black pants at Black Vans Shoes.

Oh diba? Simple! Takte pero 'attack ito' hahaha.

After I tie my shoe, binalingan ko si Kuya na pirming nakaupo sa harap ng computer set ko sa left side ng room ko..

oooopsss?? mukang maglalaro pa ito wah.

"Huy kuya, wag mo ng i-open yan, aalis na ko" sabi ko sa kanya.

Nilingon naman nya ako. Magsasalita na sana sya ng may sumulpot na naman sa pinto ng kwarto ko.

Tangna!

Uso ba mga kabute ngayon?? puro sulpot na lang.

"Huy kuya Harry, pinapunta ka dito ni Mommy para sunduin si Kuya Herby, hindi para maglaro" sabi ni Hope, ang pinaka cute kong kapatid..

Sya ang bunso samin at nag iisang babae, she is 10 years old. Sa aming tatlo sya ang pinaka kamukha ni Dad, pero sad to say hindi nya ito nakasamang lumaki.

My Dad passed away when she was 5.

Bumaling ito ng tingin sakin, "Nakss ang pogi naman ng Kuya Herby ko", sabi nya habang lumalapit sakin.

"Syempre sakin ka nagmana eah" sabi ko tas ginulo ko ang buhok nya.. hehehe nangunot ang noo nya naaasar siguro, ang cute.

Bigla namang tumayo si Kuya, at padabog na naglakad papunta sa pinto.

"Tsk, tara na nga, huy JH magpakabait ka mamaya ha" sabi nya sabay labas ng kwarto.. hala anyare dun??

Ang sungit talaga buti na lang mabait ako haha,.. walang connection diba? parang kayo lang ng crush mo.

Bumaba na rin kami ni Hope, naabutan ko si Mommy na nagsusuot ng earings. Simpleng floral dress lang ang suot nito.. hehehe ang swerte ko sa Mom namin, para lang syang dalaga.

Nang makita nya kami agad syang napangiti.

"There you are, my angels. Let's go??" and then we left our house.

--------------------

Si Kuya Harry ang nagda drive and si Mom ang nakaupo sa passenger seat, while me and Hope are in the back seat.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang mag isip, bakit kaya may lunch date kami with Dizon family??

Kung about naman kasi sa business yun dapat hindi na kami kasama ni Hope,

Like fuckk???

Ok lang kung kasama si Kuya kasi Business Ad naman sya, eah ano naman kinalaman ng pagiging Engineer ko dun?? diba? hahaha..

Oh well baka naman family friends namin, hayst bahala na nga..

Mas dapat kong problemahin yung nakatambak kong gawain.

---------- -----------------

After almost 30 minutes narating na namin ang isang subdivision???

Eah?

Akala ko ba date?

Owwwkkiii what I mean is date, yung sa labas kakain sa Restaurant, ganun. Pero mukang sa bahay ito gaganapin.

Tumigil na ang kotse namin sa tapat ng isang----??

Isang ---

GLASS HOUSE????

Seryoso??

Hahaha tangna ang astiiiggg..

Oo hindi rin pang karaniwan ang bahay namin, pero iba 'to!!

Glass house, yung pwede ka ng manalamin dito, pero hindi mo makikita ang loob..

In fairness mukhang yayamanin talaga itong ka date namin..

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip...

Anong klaseng pampatibay kaya ang ginamit para sa bahay na ito.?

Mas pinagtuunan nila ng pansin ang desenyo.

Nakakamangha, anong architecture company kaya any may contract dito?

Pagkatapos mag-park ay dire-diretso kaming pumasok at nakakabighani ang lawak ng kanilang garden sa harap.

Nyeta bahay pa ba 'to?

Kung tutuusin mukha na itong Dangwa, yung tindahan ng mga bulaklak at halaman.

Nakakamangha talaga ang exterior design ng bagay na ito.

Napatigil naman ako ng may makitang babae na nakaupo sa isang sa mga bench na nandito sa garden, may hawak itong hose ng tubig.. hmm mukhang magdidilig sya,

Tiningnan ko yung wrist watch ko.

Luh? pass 11 na pero magdidilig pa lang sya?

Baka mamatay yung halaman, kasi diba? Masyado na syang nainitan tas lalagyan mo ng tubig?

May chance na lalo syang malanta.

Kung kelan naman tirik na tirik na ang araw nababaliw na sya.!

Teka?

Sino ba 'tong babae na 'to??

Ah baka isa sa mga maids dito, ang lakas ng trip nung babae na yun.

Hahahaha tangna parang baliw sa suot nya, ang haba kasi talaga ng palda nya, as in.. hanggang talampakan tas tangina,

Naka-jacket??

Nyeta anong trip yun?

Hahaha cute sana yung hair nya eah kasi medyo kulot pero?

Takte ang kapal ng salamin nya sa mata.. hahahaha langya, hindi ba parang mas mahirap ang may malalaking salamin? uso na ang contact lens sa panahon ngayon.

At tekaaaa?? bakit ko ba sya tinitingnan?

Ano bang pake ko? tsk makaalis na nga.

Nung mag uumpisa na kong maglakad, bigla syang tumayo at binuksan ang gripo, dahilan para magkaron ng tubig ang hawak nyang hose..

And whaaaaaaaaat the fuuuuuccckkk???

Mabilis at malakas ang agos ng tubig na syang tumatama sa katawan ko dahil nakatapat sakin yung hose.

Kaya ito basang basaaaaa na koooo.

BADTRIP BIG TIME!!

Tangna,,"what the eff??" medyo gulat at inis kong baling sa kanya..

Linteeeeekk

Bumabakat na ang katawan ko.

Nagmistulang naligo ako sa ulan dahil sa nangyari. Dikit na dikit ang basa kong damit sa patubo ko pa lang na mga abs kitang kita ito remember white tshirt ang suot ko.

Tangna tiningan ko ng masama yung babae na yun, kung nakakamatay lang ang tingin marahil ay nasa kulungan na ako dahil sa kasong pagpatay.

At ayun sya tulala lang habang nakanganga.. na para bang hindi makapaniwala sa nangyari.

Takteeee..

GREAT!!

Just great!

avataravatar
Next chapter