Chapter 1

'tok tok', dalwang sunod na katok ang narinig ko sa pinto ng kwarto ko..

"son?? are you awake?" hayst si Mom lang pala.. ano bang araw ngayon?

Pilit kong inabot ang cellphone ko sa side table para tingnan kung anong oras na at araw ngayon??

huwaaaaat?? its Saturday, wala akong class.

"Mooom!!, its Saturday I don't have class today, let me sleep" medyo inaantok kong sagot sa kanya.

Maya maya pa narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Mom, naramdaman kong hinigit nya ang comforter na nakabalot sa katawan ko..

"Hey young man get up. Its already 9. Come on fix your self. May lunch date tayo with Dizon Family" sinasabi yan ni Mommy habang hinihila akong patayo.

Hayyssstt si Mom talaga panira ng moment nag-eenjoy pa ako kasama ang kama ko eah..

At ano daw?

Lunch date?

Dizon Family?

"Lunch date Mom?" tanong ko at tuluyan na akong bumangon. Kahit tinatamad ako, tumayo na ko at dumeretso sa cr para maghilamos.

"Yeah may pag uusapan lang" sagot nya habang inaayos ang kama ko.

Bahagya pa akong sumilip sa kanya at hindi ko alam kung namalik-mata ba ako o totoong kumislap ang mga mata nya. Hindi ko na lang ito pinasin at nagtuloy na sa ginagawa ko.

Pagkatapos kong maghilamos lumabas na ko at agad lumapit sa kanya, na ngayon ay tahimik na inililibot ang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko..

Nakuuuu, lagot na!! Ang dami ko pa namang kalat, may ginagawa kasi akong school requirement kagabi.

Biglang nangunot ang noo nya ng makita ang mga nagkalat na papel malapit sa computer set ko, sisitahin na nya sana ako ng inunahan ko na syang magsalita.

"Mom naman pwede bang hindi na lang ako sumama?" pagkuha ko ng atensyon nya.

Tahimik nya lang akong tinitigan. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para magpa-cute sa kanya. Sigurado ako na gagana ang paraan na ito. Ayoko kasi talagang sumama, kailangan kong mag-focus sa ginagawa kong requirement.

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Mom, wahahaha kunting effort pa mapapapayag ko na rin sya.

Syempre sa gwapo ko ba namang ito? No one can resist my charm, specially my lovable mother.

Nag-puppy eyes pa ako at inilagay ang mga kamay sa magkabilang pisngi na parang batang humihingi ng atensyon.

"Hey, JOHN HERBY MELECIO, TIGILAN MO YANG PAGPAPA-CUTE MO, hindi mo ko madadaan dyan, kailangan mong sumama" medyo pasigaw na sabi ni Mom sabay iwas ng tingin sakin.. hahahaha ang cute ni Mom affected masyado. I told you guys... kunting pa charm pa mapapapayag ko na rin sya..

I want to sleep more. Ang dami kaya ng inaayos kong requirements kagabi, pagkatapos sinabayan pa ng lintek na gazette na yun.

Tsk! Napaka-demanding pa naman ng Prof namin dun, akalain mong sa Monday agad ang pasahan eah kahapon lang nya ibinigay. Mabuti sana kung ganun kadali ang paggawa eah kaso hindi, sasakit na ulo mo sasakit pa kamay mo.

BTW I'm 19 years old , 1st year student taking Bachelor of Science in Industrial Engineering..

Magsasalita pa sana ako pero nawalan na ako ng pagkakataon ng biglang lumabas na ito ng kwarto ko..

Hayy nakuu!! mukhang wala na akong lusot dito.. huhu

No choice makasama na nga lang..

Pupunta na sana ulit ako sa cr para maligo ng dumungaw si Mom sa may pinto ko na nakabukas pa pala.

"No need to wear formal attire, kung san ka lang komportable ok? I'll wait you downstairs" sabi nya, tumango lang ako habang nagpapa-cute pa rin..

Please gumana ka!

"Tsk, stop pouting son.. You look like a dog" with that tuluyan na syang umalis..

WTF??

whaaaat?? Ako mukang aso??

Hayst tangnaaa.. cute ako pero hindi mukhang aso..

Binalingan ko muna ng atensyon ang mga nagkalat kong papel, hayst..

Ano-ano na ba ang mga natapos ko?

Ugh! pakshit wala pang kalahati.

Pinaghiwalay ko ang mga madadaling gawin kesa sa mahihirap. Mas uunahin ko yung mahihirap, kingina naman kasi nakaka-frustrate ang dami ng gawain, patapos na kasi ang isang semester kaya ito naghahabulan ang mga gawain para sa amin.

Nang mailagay ko na sa study table ko ang mga papel, may napansin akong kakaiba.

Teka?

Hindi akin ang isang 'to ah?

Puteeeek, ano ito?

Elementary o High School student ba ang may-ari nito?

Pano naman ito napasama sa mga gamit ko? Litsi pinagtripan na naman ata ng mga ugok kong kaibigan ang bag ko kahapon.

Kung nagtataka kayo kung ano yung bagay na nakita ko, isa lang naman itong bond paper pero may naka-drawing.

Isang hugis babae at lalaki na parehong walang mukha, magkahawak ang dalawa ng kamay. Sa itaas nun may nakalaga na 'A love L' Watdapak??? Uso pa ba 'to??

Hinanap ko kung may pangalan ba itong papel na ito, para maibalik ko sa may-ari, siguro sa isang elementary student to. Malalagot talaga sakin kung sino man ang naglagay nito sa bag ko.

Oh?

May pangalan.

"Marthalyn" basa ko sa nakasulat sa likod.

"Son, maligo ka na. Baka ma-late tayo" rinig kong sabi ni Mom sa may pintuan kaya napabaling ako dun.

Nakita ko syang nakapamewang at nakataas ang mga kilay.

"Mom look, ang dami ko pong gagawin oh, Please wag nyo na akong isama." pakiusap ko habang nakangusong nakatingin sa mga papel sa study table ko.

"No, Son family date yun" ngayon ay mahinahon na nyang sabi.

"Gaano ba yan ka-importante Mom?" medyo naasar na ako, mas kailangan ko kasing unahin ang mga ginagawa ko kesa makipagkainan sa ibang tao. Studies first.

'sumama ka na lang kasi Herby malay mo maganda ang kalabasan' sigaw ng utak ko.. waaaaaah ayoko nga eah!!

"Importante anak, importante" bakas mo na ang lungkot sa tono ng pananalita nya.

"Pero Mom-------" agad na nyang pinutol ang sasabihin ko.

"No more BUTS John Herby" mataas na boses nyang sabi, nanatili pa rin ito sa ganong posisyon.

"Pero po ang sinabi ko hindi But" sagot ko naman na medyo natatawa pa.

"Manahimik kang bata ka, ganun din yun pag-english" pfffttt ahahahaha ang cute talaga ng Mommy ko, pero hindi pa rin gumana, masasama pa rin ako nyemas..

Bigla na lang umalis si Mom, lumapit ako sa pinto at tulyan na iyong isinara.

Napansin ko naman ang hawak ko..

Tsk!! Nilamukos ko ito at binato sa basurahan. Hindi ko na kasalanan kong naiwala ka ng nagmamay-ari sayo, at dahil naaasar ako pasensya ka na at nadamay ka.

Ang corny kasi ng nakasulat, naiirita ako lalo.

Walang Forever mga ulol!!

'tsk, tsk, wag bitter Herby, mahahanap mo din ang katapat mo' sigaw naman ng konsensya ko.

avataravatar
Next chapter