webnovel

Chapter 3

Nakatingin ako ngayon sa stand ng nagtitinda ng mangga. Pakiramdam ko, naglilihi ako. Pero echos ko lang 'yun. Pero parang ang sarap nung mangga na nasa stick lalo na ang daming bumibili na students.

Pagkabili ko ay pumunta na ako sa parking lot para sumakay sa loob ng service van. Yes, for the first time in forever, medyo maaga kami pinalabas at naunahan ko si Emman. Bumaba lang ako at iniwanan ko ang gamit ko para lang sa mangga.

Aba, andun na din pala ang chonggo sa loob ng van. Sasakay na dapat ako nang iharang niya ang paa niya.

Tinignan ko siya nang masama. "Saan mo 'yan nabili?" tanong niya.

"Sa bilihan."

"Saan 'yung bilihan?"

"Doon."

"Saan doon?"

"Ewan ko sa'yo!" inis na sabi ko at kumagat sa mangga na may bagoong.

"Sa'yo ko nga tinatanong kung saan tapos alam ko? Ibili mo ako ng ganyan." napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Bumili ka ng sa'yo! May paa ka di ba?"

"Ayoko nang bumaba. Tutal andyan ka na sa labas, ikaw na." sabi niya habang inaabot ang 5 peso coin niya.

"Ang kapal po ng mukha mo. Di mo ako utusan!"

"E di hindi ka makakapasok dito sa loob." at lalong hinarang niya ang paa sa papasok ng service van.

"Isusumbong kita kay Ka Ramil!" pagbabanta ko.

"Isumbong mo. Sumbungera ka pala." ngumisi pa ang animal.

Kesa patulan pa siya lalo, kinain ko na lang 'yung mangga na hawak ko. At kita ko na inggit na inggit siya sa kinakain ko. Sige lang, mainggit ka lang-

"Aray!" ako iyon. At paano di ako mapapaaray?! Ibinato ba naman sa akin 'yung 5 peso coin niya at tumama sa noo ko. Sa sobrang inis ko, pinulot ko 'yung coin at binato pabalik sa kanya kaso nakaiwas ang tarantado. Tawa siya ng tawa.

"Alam mo, sumosobra ka na! Hindi na ako natatawa sa pinaggagawa mo at pinagsasabi mo. Pwede ba tigilan mo ako kahit isang araw lang?" una nakasigaw ako pero biglang nanghina ang pakiramdam ko. At sa hindi inaasahan, may pumatak na luha mula sa mata ko. Bwisit.

Ayaw na ayaw ko magpakita nang kahinaan kahit kanino man. Kaso tao din ako at napupuno. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang bwisitin ako ng lalaking nagngangalang Emman. Nasanay na rin ako. At kahit na minsan nagkakapisikalan kami, iba 'yung ngayon. Parang nade-degrade ang pagkatao ko dahil gusto niya akong gawin utusan at kailangan niya pang magbato para masunod ang gusto niya.

Pwede naman kasi makiusap nang ayos pero mukhang wala sa bokubularyo niya iyon. Napangiti ako ng mapait at pinulot ko ang 5 peso coin niya at pumunta sa bilihan ng mangga.

Inabot ko sa kanya ang naka-stick na mangga pero parang nag aalinlangan siya na kunin. Walang emosyon na nakatingin ako sa kanya. Wala din ang mapagbiro niyang ngisi na pinapakita pag binubwisit niya ako. Nangangalay na ako kaya kinuha ko ang kamay niya at pinahawak sa kanya 'yung mangga. Sumakay na ako sa loob at umupo sa pinakadulo. Ayaw ko nang kausap. Kailangan ko lang makapag isip kasi baka gumana ang pagkawarfreak ko.

I just need to relax. At after noon, I'm back to normal.

-

Ang bilis ng panahon at heto finals na. Nagstretching ako. Sumakit ang likod ko kakareview kaninang madaling araw. I think ready na ako sa exam. Narinig ko na ang busina ng service van kaya lumabas na ako. As usual, tahimik tuwing umaga at 'yung mata ko automatic na may hinahanap. Wala siya. Biglang naging down ang pakiramdam ko.

Dapat nga masaya ako dahil walang mambibwisit sa akin. Last Friday nangyari 'yung incident sa mangga. Napatawad ko naman siya dahil di naman talaga ako nagtatanim ng galit. Kailangan ko lang talaga mag cool down.

Umandar na ang service van pero iniisip ko pa rin bakit wala siya. Hanggang sa matapos ang exam sa araw na ito, iniisip ko siya. Ano bang nangyayari sa akin? Pakielam ko naman kung absent siya?

Baka naman na-guilty siya at umiyak ka ba naman sa harap niya.

Dapat lang talaga na ma-guilty siya pero okay naman na. Forget and forgive lang.

O kaya, lumipat na siya ng school?

May kung anong pumitik sa puso ko. Magta-transfer siya kung kelan finals na? Pero naiinis talaga ako.

"Alyssa, bakit kinakausap mo ang sarili mo? Care to share?" napalingon ako sa nagsalita na iyon. Si Lara pala.

"Wala ito. Iniisip ko lang kung tama kaya ang mga sagot ko sa exams." hindi naman sa ayaw ko magshare sa kanya. Malamang tutuksuhin lang ako niyan pag sinabi ko 'yung dahilan ng pagiging ganito ko. Ako, magkakagusto kay Emman? E hate na hate ko iyong Ebak na 'yun!

"Sabi mo e. Cr lang ako." nangingiting sabi niya at iniwan ako.

Baka naman na-late lang tapos humabol na lang para makapag exam?

Ay juskong curiosity! Sisilip na lang ako sa room nila, nang matahimik ako! Naglakad ako nang mabagal papunta sa room nila at lumingon ng mabilis sa loob kaso nahuli ako ng isa sa kaklase niya.

"Sinong hinahanap mo? Si Emman ba?" ngumiti ng nakakalokong ang kaklase niya na lalaki habang nasa tapat ng room nila.

Nanlaki ata ang mata ko. "H-hindi a-ah! B-bakit ko naman siya hahanapin?" napaka-obvious ko talaga. Stutter pa more!

"Wala nga siya. Absent. Huwag kang mag alala, hindi namin siya tinatago." ngumisi pa siya lalo.

"Napatingin lang ako." inirapan ko pa siya bago ako nagmartsa pababa ng hagdan sa tabi ng room nila.

Absent nga talaga siya. At bakit ko ba pinoproblema kung absent siya? Parang hapung hapo ako dumiretso ng parking lot at andun na ang service van. Ako pa lang ang nasa loob kaya kinuha ko na lang ang phone ko sa bulsa. Pero mayamaya, binulsa ko ulit. Wala ako sa mood maglaro ng games.

Naririnig ko na ang maiingay na boses ng mga servicemates ko at nagsisakayan na sila.

"Alyssa, alam mo ba kung bakit absent si Emman?" tanong sa akin bigla ni Ate Angela.

Napakunot bigla ang noo ko. At bakit sa akin siya nagtatanong?

Oo nga naman. Hinahanap mo nga din di ba?

Aish!

"Aba, malay ko dun!" sagot ko.

At parang lumaki ang tenga ko dahil isa sa servicemates ko na bata ang may alam kung bakit.

"May tigdas si Kuya Emman, kahapon pa."

"Uy, curious Si Ate Alyssa!" side comment ng isa.

"Hindi. Asa pa. At anong pakielam ko sa hambog na 'yun?" napataas pa ang kilay ko.

"Bakit ba galit na galit ka sa kanya? Baka magkatotoo sa'yo ang The more you hate, the more you love?" hirit naman ni Ate Angela.

Ano daw? No! Walang katotohanan ang kasabihan na iyon!

"Wala akong gusto sa kanya! Sa yabang niya, hinding hindi ako magkakagusto sa kanya!" napairap na lang ako sa sinasabing posibilidad na magkagusto sa kanya.

"Ang sabi ko lang naman, baka magkatotoo pero nag explain ka na. Baka in-denial ka lang?" nangingiti pa si Ate Angela.

Nagkacrush na ako before at alam ko ang pakiramdam. Puro kilig ang nararamdaman ko pag nakikita ko sila. Pero kay Emman? Gusto ko siyang paslangin. Gusto ko siyang bugbugin hanggang sa hindi niya maisipang tumawa at ngumisi pa. Pero bakit lungkot ang nararamdaman ko na di ko siya nakita ngayon?

Totoo nga kaya na nagkakagusto na ako sa kanya? Eww, nagkakagusto ako sa langaw na nakadapo sa tae?

-

Bakasyon na at eto ako may 30 minutes na atang ine-explore ang Facebook profile ni Emman gamit ang phone ko. Naghahanap kasi ako nang mailalait sa kanya pag nagkita kami sa pasukan. Joke! Hindi naman ako katulad niya na sobrang mapang insulto. Oh, well I call him names para makaganti ako. Tinitignan ko ang mga profile pictures niya at ang loko, photogenic sa pictures niya.

Baka nga crush mo kasi aminin mo, hindi siya ganon kagwapo.  Sa standard mo ng kagwapuhan.

Tse! Hindi! Wala akong gusto sa kanya. In-open ko ang dummy account ko para i-add siya. Naka-private kasi ang acount niya. Para naman may balita ako kung lilipat siya ng school at baka magpaparty pa ako.

Alam kong online pa siya dahil 2 minutes ago pa lang nang mai-update ang profile picture niya. Isang oras na akong naghihintay na i-accept niya ang friend request ko pero mukhang di siya nag a add ng hindi niya kilala. Ni-search ko ang pangalan niya kaso walang nalabas sa results. Ni-block pa ata ako.

Naglog back in ako sa real account ko at nakikita ko ang profile niya.  Ayaw ko naman siya i-add sa account ko talaga.

Argh! Naihagis ko ang phone ko sa kama. Ano ba, Alyssa! Parang nagiging stalker ka nga na tukso niya sa'yo! Ayoko na!

Next chapter