1 Chapter 1

I checked myself on front of the mirror and turns around then smiles. Shocks! Bagay talaga sa akin ang school uniform ko. Once again, I turn around and smiles on front of our full length mirror.

"ALYSSA! ANDYAN NA ANG SERVICE MO! BILISAN MO! KANINA PA KITA SINABIHAN NA KUMILOS NANG MAAGA!" suddenly, my wide smile turns into frown.

Ang aga aga, nagbubunganga si Mama. Kanina pa kaya ako nakaayos dahil excited ako maging high school student. At dahil na rin sa private school ako papasok. Since kindergarten kasi sa public school lang ako nag aral.

"Eto na. Lalabas na ako." I grabbed my sling bag as I hurriedly ran out from our house.

Bukas na ang pinto ng service van at bigla akong kinabahan at ayaw kong pumasok sa loob. Paano ba naman kasi lahat ng nakasakay, nakatingin sa akin. Mapa-nanay at estudyante na kung tingnan ako ay parang alien.

"Sakay na." napilitan lang ako sumakay nang magsalita si Mama.

Alam ko ang weirdo nito pero, yes kasama si Mama. I asked her na samahan niya ako dahil sa new environment para sa akin at may mga rumor na maaarte daw ang taga private schools.

Nakarating ako ng school na di man lang nagsasalita o gumagalaw. Stiff lang ako sa buong byahe dahil tahimik lang din naman ang mga nakasakay din sa service van.

"O, pumasok ka na sa loob. Aalis na ako. Hintayin mo na lang dumating si Ka Ramil para sunduin kayo mamaya." paalam ni Mama bago siya umalis at iwan ako sa may pinto ng classroom. Napasimangot na lang ako dahil hindi niya talaga ako binigyan ng pera. Katwiran niya may biscuits na pinabaon naman daw siya. Tss.

Dire-diretso akong pumasok sa loob at umupo sa armchair sa pangatlong row. Tinignan ko ang paligid ko at mukhang magkakakilala na sila dati pa. Pero may mga ilan na katulad ko na walang kakilala at naninibago sa tao sa paligid.

Nilabas ko na lang ang phone ko at naglaro ng games na ni-download ko kagabi. Wala pa namang teacher sa loob at may mga kulang pa ata na students. Habang busy ako sa kalalaro, napatingin ako bigla sa bagong dating na magiging kaklase ko na umupo sa tabi ko. Isang babae na diretso ang mahabang niyang buhok pero hindi niya ako tinapunan ng pansin. Wala din naman akong pakielam kasi ako yung tipo ng tao na kung hindi mo ako papansinin, asa ka pa na pansinin kita.

Binalik ko na ulit ang paningin ko sa nilalaro ko. Mayamaya ay pumasok na sa tingin ko ay ang magiging adviser namin kaya nilagay ko na lang sa bulsa ko ang phone ko.

"Goodmorning 1st year-Adonis! I am Teacher Heidi and I'll be your adviser for this school year. Today is just an orientation about the do's and don'ts inside the room and campus." bati ng nagpakilalang teacher na tama nga sa hula ko na magiging adviser namin. Marami pa siyang sinabi like siya ang teacher namin sa Science subject at rules niya as an adviser at ang tungkol sa ESP. Ang English Speaking Policy.

"See you class, tomorrow! No lates and absents. Bye." nagsilabasan na ang mga kaklase ko, pagkalabas ni teacher Heidi. Nagmadali na din akong lumabas kasi nakita ko ang isa sa ka-servicemate ko na kaklase ko din pala at natakot ako na baka maiwan lalo na umiral ang pagkakuripot ni Mama.

Wala pa man din akong pera. Sunod ako ng sunod sa kanya hanggang sa may nilapitan siya na ka-servicemate din namin at nag usap sila. Paikot ikot silang naglalakad sa may gymnasium at ako naman sunod lang ng sunod. Tapos napansin ata nila na sumusunod ako at sinusulyapan nila ako. Nagpatay malisya na lang ako at pasimpleng umiirap kasi pwede naman nilang hindi ako pansinin. Ayaw ko lang maulit ang dati kasi noong elementary na naiwan ako ng service van sa pag aakalang nakauwi na ako sa amin. Wala akong kapera pera noon at hindi rin ako marunong tumawid sa kalsada buti na lang nakita ako ng kapitbahay namin at sinabay pauwi. Kaya kinakabahan din ako na maiwan ngayon dahil sa wala akong pera at di ko tanda ang plate number ng service van ko ngayon.

Sunod ako ng sunod hanggang sa ma-realize ko na pumasok sila sa cr ng boys. Namula bigla ang mukha ko at pumunta na lang sa parking lot. Doon ko na lang hihintayin ang service van. Napa-facepalm na lang ako bigla.

Bakit ngayon ko lang naisip na sa parking lot maghintay? Pinapahiya mo ang sarili mo, Alyssa! Nakakahiya na para akong stalker na nakasunod sa kanila!

Napabuntong hininga na lang ako. Huwag ko na nga problemahin 'yong kanina. Siguro after 30 minutes, dumating na ang service van. Paano ko nalaman? Nakita ko kasi ang driver ng service van. Unti unti na akong lumalapit habang pina-park ang van. Pero nagulat ako dahil ang mga ka-servicemate ko na bata ay nag uunahan na makasakay sa loob. Ang gugulo nila at may naggigitgitan pa. Napangiti na lang ako dahil hindi na bago sa akin ang ganitong scenario kasi noong elementary ako, ganyan din ako. Parang wala din pala halos pinagkaiba ang taga-private at public school pag sa service van.

At nang turn ko na para pumasok sa loob, sa pinakadulo sa may kanan na may bintana ako pumuwesto. Tinignan ko ang mga ka-servicemates ko at mukhang magkakakilala silang lahat. Ako lang yata ang naligaw at di sila kilala.

Napaiwas ako ng tingin nang pumasok yung dalawang lalaki na sinusundan ko kanina. Jusko, nakakahiya talaga ang ginawa ko kanina! Dumungaw na lang ako sa bukas na bintana kesa makita silang dalawa. Naririnig ko ang ingay nila at mas tumindi pa nang magtawanan sila. Nako, hindi naman siguro nila pagchichismisan ang ginawa ko kanina. Sana.

Pinagmamasdan ko lang ang nasa labas nang lumapit ang driver ng service van at kinausap ako.

"Ineng, ano ngang pangalan mo? Medyo makakalimutin kasi ako sa pangalan. Ako nga pala si Ka Ramil o Kuya Ramil." nakangiti na sabi niya habang nakalahad ang kamay. Mukha naman siyang mabait kahit noong una kong kita sa kanya na nagpunta sa bahay ay natarayan ko. Malay ko ba na siya ang driver ng service van. Hindi kasi talaga ako friendly kaya ganon talaga ang nagiging reaction ko sa strangers.

"Alyssa po." matipid na sagot ko at inabot ang kamay niya. Napakunot ang noo ko na biglang tumahimik sa loob ng service van. Ayaw ko man lumingon pero sabi ng utak ko kailangan ko daw. Pagtingin ko sa mga tao sa loob, lahat sila nakatingin sa akin. Lalo na ang dalawang sinusundan ko kanina. Anong meron..?

Gusto ko magtanong pero naunahan ako magsalita nung lalaki na kasama ng kaklase ko.  "Anong pangalan mo?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"A-alyssa ang pangalan ko." medyo nauutal na sagot ko. Jusko, bakit ako nauutal? Hindi naman niya ako tinitignan ng masama pero pakiramdam ko nasa hotseat ako. Tapos 'yung mata pa niya na singkit, hindi ko maiwasan na tignan.

"Tagasaan ka?" sunod na tanong niya.

"Kung saan ako kanina sinundo ng service." walang buhay na sagot ko. Hindi ba niya na-realize ang tanong niya? Narinig ko na naghagikgikan ang mga bata kong ka-servicemates at ang iba pa. Naramdaman ko din na umandar na ang service van.

Tumikhim siya, siguro kasi napahiya. "Emman nga pala. Nakatira sa bahay namin at taga-Laguna talaga ako." Biglang nangislap ang mata ko. Taga-Laguna din kasi ako at natutuwa ako pag may nakikilala na nakatira sa hometown ko.

"Talaga? Saan ka sa Laguna? Ako kasi sa may Tagapo." nagpipigil ng ngiti na sabi ko. Kasi baka kalaro ko siya dati. Hindi ko kasi tanda ang pangalan ng mga kalaro ko noon.

"Sa may Complex ako." bigla akong na-disappoint sa sagot niya. Akala ko pa naman kapitbahay namin dati. Plano ko na sana maging tahimik hanggang sa makauwi ako kaso pinakilala niya isa-isa ang mga ka-servicemates namin. Nalaman ko na Jasper ang pangalan no'ng kaklase ko at magpinsan sila at ang pinakamatanda ay si Ate Angela na 2nd year na. At kaya pala sila halos magkakakilala kasi magkakamag anak sila. Ako lang talaga ang naligaw.

"Ah, okay." walang gana na sagot ko para matapos na ang pag uusap namin. Tumingin na ulit ako sa labas ng bintana para malibang ako sa dinadaanan namin.

Pero mukhang wala siyang balak na tantanan ako kaya nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Ang pinagtataka ko lang, bakit mo kami sinusundan ni Jasper at balak mo pang sumunod sa cr kanina?" napatingin ako sa kanya bigla at nakangisi siya.

"H-hindi ah! B-bakit ko naman kayo susundan?!" defensive na sagot ko. Jusko! Nakakahiyang malaman nila na takot ako maiwan ng service van!

"Ahh. Hindi mo pala kami sinusundan noong paikot ikot na kami sa gymnasium pero nakabuntot ka pa rin? O baka naman takot kang maiwanan ng service?" nakahawak siya sa baba niya habang tumatango tango na nakangisi pa din.

Naipon ata lahat ng dugo sa mukha ko at nararamdaman ko na namumula na ako. Nakitang kong natatawa ang mga servicemates namin na iba. Bwisit. Hindi ko na lang siya pinansin nang huminto na sa tapat ng bahay namin ang service van. Inirapan ko na lang siya bago ako bumaba at narinig ko pa ang pagtawa niya.

Bwisit na lalaki na iyon. Gaganti ako, makita niya.

-

Hinihintay ko na sunduin ako ng service van at nandito na ako sa labas ng gate dahil paniguradong pag nasa loob pa ako ng bahay, magbubunganga na naman si Mama na paghihintayin ko pa ang service sa paglabas ko. Mygad! Para bang isang kilometro ang layo mula sa loob hanggang labas ng gate. Nakakaloka.

Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagkikita namin ng madaldal na lalaki na sa pagkakatanda ko ay Emman ang pangalan. Masyado kasi akong na-shock kahapon kaya di na ako nakasagot sa kanya. At naalala ko bigla ang nakakainis niyang ngisi. Nagtagis bigla ang ngipin ko. Sakto namang nakita ko na parating na service van. Oo, alam ko na iyon ang service van kasi tinandaan ko na kahapon ang plate number.

Bumukas ang pinto at ang lahat ng nasa loob ay nakatingin sa akin. Pati 'yung bwisit na lalaki. Sumakay ako at ang natitirang pwesto ay 'yung sa tabi pa niya. Umupo na lang ako nang tahimik. Subukan lang talaga niya na magsalita, hindi ako magdadalawang isip na bigwasan siya.

Pero ang inaasahan ko na mang aasar siya, ay di naman nangyari. Tahimik lang kaming lahat at seryoso ang mga itsura. Gusto kong matawa dahil kung anong iningay nila kahapon, ngayon naman parang may anghel sa loob ng service van sa sobrang katahimikan.

"Sabagay, mas pabor sa akin. Tahimik." isip isip ko.

Nakababa na kami at lahat, tahimik talaga. Kanya-kanya kaming pasok sa campus pero parang di sila magkakakilala. Napailing na lang ako habang papasok sa loob ng classroom. Ganto ba talaga? Ay ewan, wala na akong pakielam sa kanila.

-

English time na at naloka ako na first day para sa subject na ito ay may quiz agad. Tungkol pa sa riddles. Napakamot ako ng pasimple sa ulo ko. Wala naman akong kuto o dandruff pero mahina ako sa ganito. Ilan lang ang pamilyar sa akin na kaya kong sagutan.

Nakita kong pasimple na sumisilip sa sagot ko 'yung katabi ko na lalaki. Ano ba yan, masyado siyang halata! Nang wala na siyang mahita sa akin, kinalabit niya 'yung lalaki sa harapan niya at mukhang doon siya hihingi ng sagot. Aba matinde!

Matagal akong nakatitig sa mga riddles na nasa libro ko nang humarap sa akin 'yung babae na nasa unahan ko. Napatingin ako sa kanya na nagtataka.

"Hey, may sagot ka na sa number 5?" tanong niya sa akin. Napatingin tuloy ako bigla sa English teacher namin na may binabasa sa libro at napatingin din sa mga kaklase ko na obvious na nagkokopyahan ng sagot. Siguro, okay lang sa teacher namin.

"Uhh. Oo, meron. Clock ang sagot." sagot ko sa kanya. Tutal naman humingi siya ng sagot baka matulungan niya ako sa ibang riddles. Kaya hindi na ako nahiyang magtanong din.

Nagcheck na ng sagot and I got 7/10. Not bad. Nagtulungan kaming parehas at natatawa kami na parang timang dahil nagpapalitan kami nang naging sagot namin. Ni-dismiss na rin kami ng teacher namin at break time na.

Inaayos ko ang gamit ko nang may lumapit sa akin at nakalahad ang kamay niya. "Tara?" nakangiting sabi nung babae na katulungan ko sa pagsasagot ng riddles. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay niya.

Pumunta kami sa canteen at umupo kami sa available na table. "Sandali lang, ha? Bibili lang ako ng pagkain." paalam niya at tumalikod sa akin. Mukha naman siyang mabait at kitang kita na babaeng babae kumilos. Mahaba ang buhok niya na diretso hanggang bewang. Halos kasingtangkad ko lang siya.

Nang makabalik siya, tinanong niya ako kung hindi ba ako kakain. "May baon ako." Tinaas ko ang lunch bag ko na may laman na biscuit at juice. Si Mama kasi mas okay daw na may baon ako kesa gumastos pa daw ako. Ayaw lang niya aminin na kuripot talaga siya. Tss.

Nag-usap na lang kami ng kung anu-ano habang kumakain at napatawa siya na parang may naalala.

"Kanina pa tayo nag-uusap, di ko man lang natanong anong pangalan mo."

"Okay lang 'yun. Alyssa. Alyssa Salvador ang name ko." Ngumiti akong tipid.

"Ahh. Ako naman si Lara Danica Lazaro."

"Nice meeting you, Lara." napatingin naman siya sa relo niya.

"Tara na. Malapit na matapos ang break." sabi niya at parehas kami tumayo para bumalik sa classroom.

And finally, I found a friend from her. I'm no longer a loner anymore.

-

"Bye, Alyssa. Bukas ulit!" nakangiting sabi ni Lara habang kumakaway. Sabay kasi kaming lumabas nang matapos ang huling klase namin. May service van din na naghahatid-sundo sa kanya.

"Bye!" kumaway din ako at naglakad na papunta sa service van ko.

Pagkalapit ko pa lang naririnig ko na naman ang katulad na katulad na ingay nila kahapon. So, umaga lang talaga sila tahimik?

Sumakay na lang ako sa loob at kita ko na nanahimik sila pagkaupong pagkaupo ko. Tinignan ko sila na parang nagsasabing What?.

"Oh, andito na pala si Stalker." napalingon ako sa nagsalita na iyon at nasa dulo siya malapit sa likuran ni Ka Ramil. Awtomatikong inirapan ko siya.

"Kumpleto na ba ang lahat?" narinig kong tanong ni Ka Ramil.

"Oo, Kuya Ramil. Nandito na si stalker. Hindi naman tayo pwede umalis ng wala siya. Takot pa naman siyang maiwanan." pinagdiinan talaga niya 'yung maiwanan habang walang humpay na tumatawa siya.

Napakuyom ang kamay ko sa inis. Konting konti na lang, gusto ko na siya bugbugin.

"Alam mo, Ebak, kung wala kang masabing matino, manahimik ka na lang." nagtitimpi na sabi ko. Nagtawanan ang mga servicemates namin. Totoo naman kasi, para siyang Ebak, gusto ko siyang iwasan kaso pakalat kalat.

"Emman ang pangalan ko. At ikaw naman si Stalker. Si Piggy stalker. Hahaha." di niya yata napansin na siya lang natawa sa sinabi niya.

Napasimangot ako ng tuluyan. Oo malaman ako, pero di naman ako mukhang baboy. May curves pa din ako!

"Makalait ka, Emman. Mataba ka din naman noong elementary kaya nga Botchock ang tawag namin sa'yo." sabi ni Ate Angela.

Ano daw? Botchock? Mas tunog baboy! Hahaha. Nagpipigil akong tumawa pero di ko na napigilan.

"HAHAHA." maluha luha na ako kakatawa.

"Oh, ano masaya ka na ng lagay na 'yan?" mukha naman siyang di napikon nang tignan ko. Inirapan ko na lang siya.

"Saka matagal na iyon. Pumayat na ako. Kita naman sa muscles ko di ba?" tumaas taas pa ang kilay niya habang pinapakita niya ang muscles niya na wala naman.

Nilabas ko na lang ang phone ko at naglaro ng games. Wala na akong balak kausapin pa siya. Pero parang pinaglihi ata ang siraulo sa higad dahil nangati na naman ang bunganga niya kaya kung anu ano na naman ang sinasabi.

"Alam mo, Alyssa, sa susunod, alam mong kayo ni Jasper ang huling hinihintay, pakibilisan ang paglalakad. Uwing uwi na kami. Aba, kanina feeling mo beauty queen ka pang naglalakad. Hindi ka na nga queen, wala ka rin namang beauty. Beast ka lang. Hahaha."

Sinamaan ko siya nang tingin 'yung tipong mamatay ka na! Mamatay ka na! Kaso manhid ata ang siraulo na ito.

"Kunwari ka pa, idadahilan mo pa sila na uwing uwi. Baka nga taeng tae ka na. At dinadaan mo sa pagdada dahil baka lumabas sa pwet mo bigla." hindi ko napigilan na sabihin. At mukhang bentang benta ang sinabi ko at nagtawanan ang mga servicemates namin.

Sakto namang huminto na ang service van at bumaba agad ako. Napatingin pa ako sa loob at nakita ko nakatingin siya sa akin at kinindatan ako. Nangilabot ako bigla at nagmamadaling dumiretso papunta sa kwarto.

That guy! Never pa ako nainis ng sobra sa isang tao. Sa kanya lang. Bubugbugin ko na talaga siya next time.

avataravatar
Next chapter