webnovel

Prologue

"Mag-oout ka na?" Tanong ni Ma'am Reena, ang manager ko. Naghahanda na kasi ako ng mga gamit ko nung pumasok siya sa employee's room.

"Opo, Ma'am. Parating na rin daw po si Kev, hihintayin ko na lang po siya tapos aalis na po ako." Paliwanag ko at tumango-tango naman siya bago lumabas muli ng room. Ganito kasi ang patakaran nila. Bawal umalis hangga't wala 'yong kapalitan mo. Kaya kapag late 'yung papalit sa'yo, nakaka-inis kasi sayang sa oras! Katulad nitong si Kev, kung saan-saan na naman siguro pumunta kaya nalate na naman!

"Bulaga! I'm here!" Napatalon ako sa upuan ko dahil may mataas na tinis ng boses ang umalingaw-ngaw sa buong room. "Bayern, Kev! Late ka na nga, naninigaw ka pa!" Biro ko sa kanya. "Ay bakit? May problema ka ba sa boses ko?" Naka-pameywang pa ito at nakataas ang isang kilay. Tss. Ahitin ko 'yang kilay mo eh! "Oo! Meron! Bilisan mo na nga para maka-alis na ako! Dami pang kuda eh!" Pagtataray ko sa kanya at kinuha ko na ang bag ko. "Ay, sungit! Hala sige! Lumayas ka na! Mukhang lalandi ka na naman eh! Hahaha!" Dinilaan ko lang siya bago lumabas ng room. Well, totoo naman na maliliwaliw ako ngayon. Charot! Joke lang syempre!

Pero, shocks! Anong oras na ba?! May usapan pa naman kaming magkikita kami ng ala-una! Arrrghhh! Uuwi pa ako sa bahay para magpalit! Kevin Jose! Kasalanan mo 'to kapag pumalpak itong date ko ha!!!

Nagmamadali akong pumasok sa unit ko para magpalit ng damit. Huhu! Ala-una na! Shocks, nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa siya! Haynako, bahala na talaga!

Kinalkal ko na rin ang bag ko para hanapin 'yung phone ko at kung sinuswerte ka nga naman, drain na pala ito! Ahhh! Shocks, sana pala kanina ko pa chineck! Pero okay lang, May powerbank naman ako, so, kahit nasa byahe ako, pwede ko itong icharge.

Whoo! Bakit kaya ako kinakabahan? Hindi naman ito 'yung first time na magkikita kami ni France pero grabe 'yung kaba ko! Well, sino nga ba si France?

Hmmm, ka-schoolmate ko siya at nagkakilala kami nung intramurals last year. And yep, he asked for my number (not my name on facebook and I found it cute), and since then, nililigawan na niya ako. Haba ng buhok ko, diba?! Sa kabila ng hectic sched, nakakaya ko pang asikasuhin ang lovelife ko! Hahaha! It's a matter of time management, folks. He always volunteered to fetch me from school to my unit and yes, kahit na hindi tugma ang sched namin sa school and kahit wala siyang pasok, wala siyang palya sa paghahatid sa akin pauwi. Sweet but I need to test his patience. Sabi nga ng mga kaibigan ko, dapat daw sa mga ganyan, hindi ko na pinapalampas at sunggaban ko na raw kaagad! Kaloka! Well, I don't know what they really mean on "sunggaban" at ayaw ko nang alamin pa. Parang may kakaibang meaning eh! Hahaha!

Kidding aside, nandito na kaya siya?

Umupo ako sa favorite spot namin dito sa cafe na 'to at hinintay na magbukas ang phone ko. And, voila! I've received messages and may 20 missed calls. Lahat 'yon ay nanggaling kay France.

From: France

Lhan? Sorry but I can't meet you up today. Emergency lang.

Lhan? Nasa work ka ba? Want me to fetch you up? Pero I have to go after that. May kailangan lang akong asikasuhin.

Hey. Lhan. Pumunta ako sa work mo and Kev said that you're not there.

Where are you? Wala ka sa unit mo?

Hey, Lhan. I have to go. Hindi ko alam kung nasaan ka at kung bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. I'm sorry, may aasikasuhin lang ako.

Take care, huwag kang maglalakad pauwi. Delikado na these days.

Oh shocks! Malamang sa malamang, nagkasalisi kami neto ni France! Shiz! Bakit hindi ko kasi tinignan 'yung phone ko kanina diba?! Edi sana, hindi na ako gumastos ng pamasahe! Huhu!

Pero, nevermind. Bibili na lang ako ng coffee at magpapalipas ng oras doon sa park malapit sa school. Ilang oras lang naman at may klase na ako.

Naglibot-libot muna ako sa mall nang biglang magring ang phone ko. Tumatawag pala si Mhel. Hmmm, may kailangan siguro 'to sa'kin. Hahaha! Joke!

"Bakit?" Sagot ko sa kanya. "Maka-bakit naman 'to! Hindi man lang nag-hello o hi! Tss!"

"Ayaw ko eh." Biro ko sa kanya. Hahaha! Na-iimagine ko 'yung mukha niya na nakataas 'yung dalawang kilay at nakapameywang!

"Are you with France? I've heard some strange humor about him dito sa library. Ganoon ba kasikat 'yang bebe mo at hanggang dito sa library walang kasawaang "France" 'yung naririnig ko?!" I chuckled. Kahit kailan talaga! Napaka-mainitin ng ulo! Psh!

"Baka ibang "France" naman 'yang naririnig mo?" It's weird. Bakit kinabahan ako?

"Nope. I'm sure, it's about him. Anyway, are you with him or nah?"

"Nah. He can't meet me up today. Emergency raw eh. Pero, late ko na nabasa 'yung mga texts niya." Napagdesisyunan ko nang pumunta sa park. At para hindi mainit, dito na lang ako sa parking lot ng mall dadaan papunta sa park.

"Oh gosh. So, it's true?" Bakas sa tono ng pagsasalita ni Mhel ang pagkagulat kahit na sa phone lang kami magka-usap.

"Ghad. Please. Stop beating around the bush and tell me ab--"

"Didn't you miss me? I'm finally back, France. Isn't it what you want?" Wait. France? Oh c'mon! It's just a coincidence. Imposibleng 'yung kakilala kong France 'yung tinutukoy nung babae.

"Huy. Lhan?" Tawag ni Mhel sa kabilang linya. Pero, naaninag ko 'yung lalaking kausap nung babaeng nagsalita kanina.

It's... France.

And he saw me.

I automatically turned my back and run. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon pero wala nang atrasan. Tumatakbo na ako palabas ng parking lot. "Lhan?! Wait!" Confirmed. It's him.

"Hey! Babe! Where the hell are you going?!" Sigaw nung babaeng kausap niya and once again, huminto ako at tinignan ko sila. Nagbabaka-sakaling hindi si France 'yung nakita ko.

At sino 'yung niloloko ko rito? I've seen it. With my own eyes. France and that girl is kissing passionately with France back on me and the girl's facing me. The hell! What did I do to witness this kind of heartbreaking scene? Ahhh! Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon.

Nasasaktan ako.

Next chapter