webnovel

Prologue

"Mama saan po tayo pupunta!? "pang limang beses ko ng tanong kay mama pero ni isa aya wala parin siyang sagot sa aking katanungan.

"Ma huwag nating iwan sina Kuya,paano na sila ron Ma!?tanong ko ulit kay mama.

" Ouvrez le portail! "bigkas ni Mama sa isang chant na ang ibig sabihin ay open the portal,ngunit bago kami pumasok ay may sinabi pa sakin si mama.

"Anak tandaan mo mahal na mahal ka namin kaya sa ngayon ay kailangan kitang dalhin sa ligtas na lugar,patawarin mo si Mama sa gagawin niya"humahagulhul na sabi ni Mama at kahit na hindi ko ito masyadong naiintindihan ay tumango na lamang ako.

" I Reine Ciana Meredith est en train de sceller les souvenirs de ma petite princesse nommée Thana Rhey Exas Meredith et il ne sera dégagé que lorsque je me suis mort ou que je veux que ce soit désactivé!"bigkas ni mama sa mga salitang hindi ko maintindihan at bigla na lamang akong nahimatay.

Queen Ciana POV

Pagkatapos kong icast ang sealing spell ay nahimatay na ang aking munting prinsesa.

"Mahal na mahal ka namin aking prinsesa pero kailangan mo ng mailayu sa lugar na ito pero pangako mahal ko pagdating ng iyong ikalabing-walong taong gulang ay tadhana mismo ang magdadala sayo pabalik rito sa ating mundo."bulong ko sa tenga ng anak ko at pigil na pigil na lumuha.

Dali-dali akong pumasok sa portal ng aking ginawa habang akay-akay ang aking munting prinsesa.Ilang sandali lang ay nakarating narin kami sa mundo ng mga tao.Sa tingin ko ngayon ay nandito kami sa isang kagubatan kaya naglakad lakad pa ako hanggang sa makita ko ang isang malaking bahay.

Agad-agad akong tumakbo roon at ng nasa harap na ako ng tarangkahan ng kanilang bahay ay dahan-dahan kong inilagay ang aking munting prinsesa at pinindot ang doorbell at agad kong ginawang invincible ang sarili upang hindi makita.

Maya-maya pa ay lumabas ang isang babaeng kaedaran ko lamang at gulat na gulat ito ng makita ang munting prinsesa ko,pagkaraan ng sandali ay agad niyang binuhat ang aking munting prinsesa at pumasok na sa kanilang bahay.

Nagcast na ulit ako ng portal pabalik sa Encantasia at pumasok roon.

"Paalam mahal ko"naiiyak king bulong sa hangin.

Next chapter