webnovel
#ACTION
#ROMANCE
#MYSTERY
#TEEN

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!

MissKc_21 · Teen
Not enough ratings
127 Chs
#ACTION
#ROMANCE
#MYSTERY
#TEEN

SIMULATED GIRLFRIEND

AIKKA's POV

(another day)

Bumaba na ako ng sasakyan.

Nagulat ako dahil nasa main gate na si Nathan at hinihintay ako.

"Good morning Aikka" ngiting bati ni Nathan sa akin.

"Good morning" sabi ko naman.

I tried to act as usual. Ayoko namang mapansin niya na crush ko rin siya noh.

"ako na ang magdadala ng gamit mo" sabi niya tapos kinuha niya ang books ko pati ang aking bag.

"kasama ba iyan sa panliligaw mo?" tanong ko.

"siyempre, ayoko namang mahirapan ka. Di ba sabi ko na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para pasayahin ka araw-araw? Eh paano ko iyon magagawa kung nahihirapan kang dalhin ang mga gamit mo?"

Ay grabe. Ikaw na Nathan!

"siya nga pala...eto oh" pilit niyang iniabot sa akin ang isang papel.

Shocks! Love letter ba ito?

Mukhang maiihi na talaga ako sa undies ko dahil sa kilig.

"ah...yung papel mo pala iyan sa Science Quiz nyo. Ikaw daw ang highest" proud na sabi niya.

Ay, akala ko naman love letter.

"talaga? totoo?" sabi ko na lang.

"oo, nagkamali daw ng isa si Cloud at ikaw lang ang nakaperfect"

Well, maganda na rin ang balitang iyon. At least, sa crush ko pa nanggaling di ba?

"bestie!! may sasabihin ako sa iyo! totoo ba?" biglang sulpot ni Elaine. Nakakagulat talaga ang isang ito minsan eh.

"ang alin?" pagtataka ko naman.

Ano na naman kaya ang balitang iyan?

"boyfriend mo na daw si Spade?" aligagang tanong niya.

"ha?!!!!" sabay pa naming react ni Nathan.

"mamaya na natin ito pag-usapan. Sinusulong ka na ng mga baliw niyang admirers! magtago na tayo!!!" hinila ako ni Elaine.

This time, nagsitakbuhan na kaming tatlo.

And we hid somewhere kasi nakakatakot sila.

"Aikka! asaan ka na?" narinig pa naming sabi ng isa sa mga admirers ni Spade. Yung boses niya, parang panghorror movie na naghahanap ng mabibiktima niyang tao.

Pahamak talaga ang Spade na iyon!

When we got our chance, agad kaming nagtungo sa forest park.

Doon kami nagtago sa malalaking puno near the pond.

Hingal na hingal kami sa kakatakbo. But naririnig pa rin namin ang mga yabag ng paa ng mga admirers ni Spade.

Mukhang nagspread talaga sila ng mabuti sa buong academy para mahuli ako.

I'm dead. I'm totally dead!

"Aikka! kin.... thing.." pabulong na sabi ni Elaine. Wala naman akong maintindihan dahil sa hina ng boses niya.

Nagsign language siya.

Mas lalo ko siyang hindi naintindihan kasi weird na mga signs na ang ipinapakita niya. She's crazy talaga minsan.

"Aikka....where are you?" napatakip ako ng bibig sa gulat. Malapit na ang mga babae sa kinaroroonan namin.

Sinenyasahan ako ni Nathan na huwag mag-ingay. Medyo magkalayo rin kasi ang mga puno kaya hindi kami makapag-usap.

Sa sitwasyon namin ngayon, para kaming targets na pilit tumatakas para mabuhay.

Naku talaga, kapag nakita ko talaga ang Spade na iyon! Kakalbuhin ko talaga siya ng walang gunting.

After 10 minutes siguro, umalis na ang mga babae sa forest park. Nakahinga rin ako ng malalim.

"Aikka, ano iyon? totoo ba?" seryosong tanong ni Elaine.

"let me explain okay? honestly, kagabi kasi..we have a deal ni Spade" sabi ko.

"deal?" ask naman ni Nathan.

"yes, pumayag akong magpanggap na girlfriend niya para mahuli ang gumagawa ng kaguluhan dito sa SA" sabi ko.

"really? Aikka,naniwala ka naman sa taong iyon" disappointed na sabi ni Nathan.

"I'm sorry guys, ayaw niya kasi akong tantanan eh kaya pinagbigyan ko siya." explain ko.

"My Gee bestie, you're making your life complicated" worried na sabi ni Elaine.

"hindi ka na ba pwedeng magback out? saka ano namang kinalaman ng pagpapanggap niyo sa mga nangyayari dito sa SA?" takang tanong ni Nathan.

"sabi niya kasi na may gusto daw sa kanya ang nanggugulo kaya kailangan ko daw na magpanggap bilang gf niya."

"wow! ang gwapo naman ata masyado nang kumag na iyon? ipatirador kaya natin ng matauhan" inis na sabi ni Elaine.

"Aikka....paano kung totoo ang sinasabi ni Spade? eh di inilagay mo sa panganib ang buhay mo? hindi ko kayang may mangyaring hindi maganda sa iyo Aikka kaya please, habang maaga pa, itigil niyo na ang lahat ng ito" Nathan.

Well, he has a point.

"okay, let me talk to him first" sabi ko.

"Ako na ang magpapapunta sa kanya dito. Huwag ka na munang magpakita sa mga students. Baka ano pang gawin nila sa iyo." sabi ni Nathan.

Iniabot niya sa akin ang mga gamit ko.

"Elaine, ikaw na ang bahala kay Aikka. Dyan lang kayo" seryosong sabi ni Nathan

"Ases! oo na.. kaya pumunta ka na don. Hindi ito movie at hindi ka naman mamamatay kaya go na."

Kill joy talaga itong si Elaine. Siya sana ang gusto kong papuntahin doon eh para kaming dalawa lang ni Nathan ang maiwan dito.

Bwahaha. Okay tama na.

Lumipas ang ilang minuto, bumalik si Nathan.

"oh, asaan na yung kumag na iyon?" tanong ni Elaine.

"sabi niya tatawag na lang daw siya." Nathan.

Shocks! Kairita!

Kinuha ko ang aking phone at hinintay ang tawag niya.

(phone's ringing)

"Hey you!" sabi ko.

"okay calm down, I want to talk with you personally..magkita tayo mamaya sa rooftop ng admin building. Hihintayin kita doon."

"Peacock! kainis ka tal_"

tut...tut....tut...

Binabaan na niya ako ng phone.

"ang sama talaga ng ugali ng Spade na iyon, binabaan talaga ako?"

--------------

Time check: 3:30 ng hapon

Argh! sobrang stress na ako sa kakatago sa kung saan-saan para makaiwas lang sa mga paranoid niyang admirers.

Sinabihan na nga ako nila Elaine at Nathan na umabsent na lang muna para hindi ako mapahamak eh.

Bwiset! kung hindi dahil sa Spade na iyan! Hindi ako mahihirapan ng ganito!

Nagtext na siya.

He's waiting na sa rooftop.

Dali ko siyang pinuntahan doon at hinampas ng bag ko.

"aray! iyan ba talaga ang way of greeting mo sa akin?"

"hindi!! ito ang greeting ko sa mga baliw na kagaya mo!" hinampas ko ulit siya ng bag.

"calm down okay, ano bang ikinagagalit mo?" nakangisi pa niyang tanong.

"hindi mo alam? nahirapan lang naman akong pumasok ng classes ko dahil sa mga admirers mong paranoid na kagaya mo"

"di ba pumayag ka sa deal natin? inuumpisahan ko lang naman ang plan natin ah" kalmang sabi niya na mas lalo kong ikinakainis.

Sana isinama ko na lang si Elaine dito para mapagtulungan namin siya. Grrr...hinampas ko ulit siya ng bag.

"stop it okay, ganyan mo ba tratuhin ang boyfriend mo?" sabi niya habang sinasagang ang mga hampas ko sa kanya.

"shut up! binabawi ko na ang bwiset na deal na iyan! kaya tantanan mo na ako" me.

"oops! you can't do that Ms. Montero, a deal is a deal" sabi niya tapos lumapit siya sa gilid ng building at tinanaw ang kabuuan ng academy.

"anong hindi pwede? hawak mo ba ang buhay ko para diktahan mo sa lahat ng dapat kong gawin?" sabi ko.

"well, hindi ko hawak ang buhay mo at hindi kita dinidiktahan. I'm just giving you the opportunity to know who's behind the incident that happened to you these past few weeks."

Napaisip ako bigla. I think he found some hints about those people.

"do you somehow heard of Mr. Black from Moon Corporation?"

Wait. How did he know about it?

Thank you pala sa pa-power stones Miss Lyn and AnLoren....you know who you are guys!

Maraming salamuch!

MissKc_21creators' thoughts