I would like to share my short story to you guys that I accidentally found in my email. This work of mine is my entry to a some one shot story contest way back in 2018, so it's been 2 years since I've done it and passed it as my entry, but sadly, got rejected as I didn't get any following responds to them but it's just okay. Better luck next time to me haha So, try and spend some time to this work of mine (Smile) I'll appreciate it as I'm also willing to read your comments to this story (Smile).
Sa bawat patak ng ulan, katumbas ng isang luhang dadaloy sa 'king pisngi. Mabigat, masakit. Kasabay ng mabilis at mabigat na buhos ng ulan ang ala-alang pilit kong kinakalimutan, pilit kong tinatago para malimot ang sakit. Malamig ang simoy ng hangin pero bakit hindi ko ramdam? Manhid at wala na yata akong pakiramdam.
Naalala ko ang mga salitang binigkas ng iyong labi sa 'king harapan, ang sabi mo "Love is not on my list, stop it before you get hurt" alam mo bang halos gumuho ang mundo ko sa 'yong sinabi?
Iniwan mong parang dinaanan ng isang matinding bagyo dahil sa laki ng pinsala. Isang matinding ulang sisira sa buong lugar, sa buong puso ko. Sira na. na kapag nasira na, mahirap ng ayusin, mahirap ng ibalik. Sa dating tayo....dahil wala ka na.
Pinaasa mo lang ba ako? O ako itong umasang mamahalin mo ko hanggang dulo? Ito ba 'yong akala mo ay bubuhos ang ulan dahil sa bigat ng ulap pero hindi pala? Na akala mo ay matutuloy pero mauudlot pala?
Bumuntong hininga na lamang ako sa lahat ng sakit na nararamdaman, sa bigat ng pinapasan ko sa aking dibdib. Pilit kong pinipigilan ang luhang mainit pa sa pinakulong tubig na huwag dumaloy sa 'king pisngi, dahil alam kong sa oras na bubuhos ito, hindi ko alam kung titila pa.
Nagsimula lang naman tayo sa simpleng "Hi" at "Hello", tanda mo pa ba kung paano ako bumanat ng mga biro at ng kalokohan sayo?
Lumapit ako at pasimpleng tinanong ka kung naintindihan mo ba yung itinuro ni Prof.
"Oo"
"Sandali lang ha? May pupulutin lang ako"
"Huh? Ano 'yon?"
Litong-litong yung mukha mo 'non, kunot ang noo at palipat-lipat ang tingin mo sa 'kin at sa paligid. Tumawa ako at dahan-dahang yumuko para kunin yung puso kong nahulog na pala dahil sayo "Eto oh" sabi ko at nagkorteng puso ang mga kamay ko. Napatawa ka sa ginawa ko, nakangiting nakatingin ka sa 'kin. Nagniningning ang iyong mga mata.
"Ako nga pala si Tracy, ikaw si?"
"I'm Drex"
Inabot mo yung kamay ko para sa shakehands, halos mangisay ako sa kilig at walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Ngumiti ka ulit ng matamis sa 'kin na lalong nagpawala sa aking sarili, hindi mo pa binibitawan ang kamay ko dahil sa higpit ng hawak ko 'ron. Sa gitna ng pagsasaya ko, tanaw ko ang mga kaibigan kong nagwawala na sa kaniya-kaniyang pwesto at halos mahimatay na rin sa kilig dahil sa 'ting dalawa. Ngumiti ako sa kanila sabay kindat ng pasimple.
Uwian at malakas ang ulan sa labas, wala akong dalang payong kaya busangot ako habang nakakatitig sa labas nang bigla kang lumapit sa 'kin at nginunguso ang hawak mong payong. Lumiwanag ang mukha ko dahil makakasama ulit kita. Alam mo bang matagal ko ng pinpangarap na sana ay makasama ko ang taong mahal ko sa ilalim ng malakas at malamig na simoy ng hangin kasabay ng mabigat na pagpatak ng ulan? Ewan ko, pero pakiramdam ko kasi ay iyon ang pinakamasayang mangyayari sa buong buhay ko. At ngayon ay mangyayari na,
"Halika na." Tumango ako't sumunod sayo.
Basang-basa na tayo ng ulan pero heto tayo at nagkakatuwaan pa, marami na ang mga istudyanteng nakatitig sa 'tin dahil sa kalokohan ko at ikaw naman ay nakikisabay sa mga kabaliwang ginagawa ko.
Pakiramdam ko ay 'yon ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko...
Akala ko 'yun na ang simula ng pag-iibigan natin pero hanggang kaibigan lang pala lahat. Kaibigan na hinding-hindi muuwi sa pag-iibigan kase ang sabi mo bawal, hindi pwede. Hindi ko alam kung bakit bawal, kung may problema ba? Pero hinayaan ko na lang kase 'yon ang desisyon mo, yun ang naging desisyon mo.
Hindi ko alam kung paano mo nalamang may nararamdaman ako para sayo, kung may nagsabi ba o masiyado lang talaga akong halatado.
"Kung pakiramdam mo ay nahuhulog ka na, pigilan mo. Hindi ko 'to sinasabi sayo dahil ayoko sayo, may dahilan ako. Balang araw maiintindihan mo rin. "
"Pwede dahil hindi bawal pero bawal dahil may hadlang...may problema."
Hindi ko naintindihan ang huling sinabi mo dahil pakiramdam ko ay may malalim itong kahulugan. Hindi ko alam kung ano ba 'yung sinasabi mong may hadlang at may problema. Ano man ang dahilan mo sana ay maintindihan ko balang araw.
Alas-dos ng umaga nang magising ako dahil sa lakas ng pagtunog ng cellphone ko, akala ko kung sino ang tumatawag ng ganung dis-oras ng gabi, ikaw pala. Nang mabasa ko ang nakaregister mong pangalan na tumatawag sa phone ko, nagising ang tulog kong kaluluwa. Mabilis pa sa segundong sinagot ko 'yung tawag mo.
"H-hello?" Kinakabahang bungad ko sayo. Inayos ko ang magulong buhok ko at umayos ng higa sa kama kahit na hindi mo naman ako nakikita, ang gusto ko kasi lagi akong mukhang maganda sa paningin mo. Gusto ko sa 'kin lang ang atensyon mo, hindi ko kasi kayang makita kang tumitingin sa iba.
"Tra---cy"
Rinig ko ang sigawan ng mga tao at nakaka-aliw na tugtugin sa kabilang linya, rinig ko rin ang mahihinang hikbi niya na parang pinipigilan itong lumabas sa paborito kong parte ng mukha niya, ang kaniyang labi.
Hindi ko masabi kung lasing ba siya o ano, pero pakiramdam ko ay nasa isang bar siya. Tinanong ko siya kung nasaan ba siya at kung bakit siya tumatawag ng ganitong oras ng gabi,
"Sa HD Bar. Wala lang" rinig ko ang pagak niyang tawa. Ngayon, sigurado na 'kong lasing siya.
Pinatay ko ang tawag at tumayo sa higaan. Nagbihis ako at humanap ng taxi sa labas para ihatid ako sa HD Bar. Alam kong delikadong lumabas ang isang katulad kong babae sa ganitong oras, pero nag-aalala ako sa kaniya. Kung may problema man siya, ang gusto ko ay nasa tabi niya ako, laging nasa tabi niya.
Pumasok ako sa loob ng Bar. Ito yung unang beses kong makapasok sa isang Bar. Hinanap kita, nakita kitang nakayuko sa isang tabi at may hawak na baso ng alak sa 'yong kamay. Lumapit ako at hinawakan ka sa 'yong balikat. Tumaas ang tingin mo sa 'kin at nanlaki ang mata mo.
Hinawakan ko ang kamay mo at walang kibong hinila ka palabas 'don. Nagpahila ka naman at sumunod sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang maggiging reaksiyon ko, magagalit ba? Maiinis o masasaktan dahil sa nakikita kong mukha kang miserable ngayon. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.
Humakbang pa ako pero hindi na kita mahila. Tumigil ka at seryosong nakatingin sa 'kin, nang biglang isa-isang bumuhos ang mga luha mo hanggang sa kahit anong gawin mong hawi rito ay napapalitan naman ng bago. Binitawan ko ang kamay mo at tinakpan ang mukha ko. Naiiyak ako, hindi ko mapigilan.
Lumapit ka sakin at niyakap mo ako ng mahigpit, lalong lumakas ang hagulgol ko at hindi ko na mapigilang lumabas ang aking mga hikbi sa aking labi. Nag-iyakan tayong dalawa sa hindi ko malamang dahilan, walang kumikibo sa 'ting dalawa. Sakit. Bakit 'yun ang nararamdaman ko habang yakap mo ako ng mahigpit? Pakiramdam ko ay mawawala ka sa 'kin sa oras na kumalas ako sa 'ting yakap.
At hindi ko alam na mawawala ka sa 'kin nang hindi ako handa.
"Hi Tracy, alam kong mababasa mo 'to dahil hindi ko pa ito nasisimulan ay hinabilin ko na kay Mama na ibigay niya ito sa pinakamagandang babaeng may pangalan na TRACY MENDEZA. Ang ganda mo talaga, Baby.
Haayyy! Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan 'to, nalilito ako.
Alam mo ba nung panahong wala ka pa sa buhay ko? Yung panahong wala pa 'kong kilalang TRACY na kalog at baliw, pakiramdam ko walang direksiyon ang buhay ko, pakiramdam ko wala itong patutunguhan. Sa bawat araw na lumilipas lalo akong nawawalan ng ganang mabuhay sa mundong ito, dahil alam ko rin namang kahit anong oras, kahit anong araw ay pwede akong mawala, sa kahit ilang segundong lumilipas ay alam kong pwede akong mamatay. Dinasal ko tuloy kung bakit hindi na lang ako mamatay agad? Nakakasawa ang paulit-ulit na gamutan, ang paglabas masok ko sa hospital at ang mga limitadong galaw at ang halos oras-oras kong pag-inom ng gamot. Sawang-sawa na ako. Nakakasawa rin palang umasang gagaling pa ako.
Hanggang sa nakilala kita, tuwang-tuwa ako sayo dahil ang sarap mong kasama at ang gaan ng loob ko sa 'yo. Lagi tayong magkasama, nagbibiruan at sabay na tumatawa sa kalokohang banat mo. Sa bawat araw at oras na magkasama tayo, hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhulog. Nagkaroon muli ng direksiyon ang buhay ko. Bumalik ako sa dating gawi ko, nagpagamot at kung ano-ano ng therapy ang sinubukan ko para lang gumaling ulit. Sinunod ko ang lahat ng sinabi ng doctor sa kin, lahat ng habilin niya para lang gumaling ako.
Mahal kita kaya hindi ko kayang mawala na lang ng basta-basta sa tabi mo. Kung noon gustong-gusto ko ng mawala ngayon naman ay dinarasal ko na sana ay humaba at madugtungan pa ang buhay ko.... Pero hindi natupad ang dasal ko.
Naalala mo ba 'nung sinabi ko sayong 'pwede pero bawal?' Yun ay dahil alam kong mawawala lang ako sa tabi mo. Lalo lang kita masasaktan. Mahal na mahal kita kay minabuti kong lumayo na lang sana sayo para makalimutan mo na lang ako pero hindi ko pala kaya.
Ang plano ko sana noon ay magtatapat lang ako ng pagmamahal ko sayo kapag magaling at malakas na ulit ako. Pero ang lupit talaga ng buhay, pinagtapat sa 'min nung doctor na humahawak sa 'kin na wala na raw akong pag-asa. Malala at mahina na raw ang resistensiya ng katawa n ko. Stage 4, lung cancer.
Hindi ko kaya. Ayokong mawala sa paningin mo. Ayoko sanang iwan ka, pero hanggang dito na lang ako. Hanggang dito na lang talaga ako, tayo. Pinilit kong lumaban para sayo, pero hindi ko kinaya. Ang mismong katawan ko ang bumigay at hindi ang puso ko na patuloy ka pa ring mamahalin kahit mawala na ako sa paningin mo.
Muli mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ninety-nine billion times, Baby.
Paalam...
Your love,
Drex love's Tracy."
Hindi ko alam kung ilang beses na bang tumulo ang luha ngayong araw na 'to at hindi ko rin alam kung ilang beses ko na bang paulit-ulit na binabasa ang sulat niyang 'yon para sa 'kin.
It's been 3 year's mula ng makilala at minahal ko siya, hanggang ngayon.
Umayos ako ng pagkakatayo sa harap ng bintana at tinatanaw ang malakas na ulan sa labas. Hilig niya rin ang maglaro sa ilalim ng ulan kaya pala hindi siya umangal noon ng basang-basa kaming nakauwi kahit may payong naman kaming dala.
Tinuyo ko ang luhang umagos sa aking pisngi at pinigilang lumabas ang nagbabadyang luha sa 'king mata.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang unti-unting paghina ng ulan hanggang sa tumigil ito, kasabay ng pagtigil ng aking paghikbi.
Tumalikod ako at ngumiti, alam kong binabantayan niya ako. Lagi siyang nasa tabi ko. Mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya.
Ang ulan ay parang luha, bubuhos na lang bigla nang hindi mo namamalayan, it's either na masaya ka o nasasaktan ka. Hindi rin ito papatak hanggat hindi bumibigat, na kapag bumigat papatak ang luha, na kapag hindi na kayang dalhin bubuhos ang ulan.
coming soon