50 Dear Diary

SOBRANG traffic sa EDSA at hindi na gumagalaw ang mga sasakyan.

"What time ba ang flight ni Levi?"

"Ten fifteen," sagot ni Selena.

Pagtingin ko sa orasan ay quarter to ten na! Shit na malagkit! Baka 'di ko siya maabutan!

"Anu nang gagawin ko?"

Kinuha ni Selena ang cellphone at nagpipindot sa screen. Ilang minuto pa ang lumipas at may motorsiklo na huminto sa tapat ng passengers seat.

"Ayan na ang sundo mo, binook na kita ng angkas."

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng effort at tulong ni Selena. Sabi ko na nga ba at may tinatago rin siyang kabaitan. Hindi ko napigilan ang sarili at hinagkan siya ng buong higpit.

"Thank you so much, Selena!"

"Okay, okay, dali na at baka wala kang maabutan."

Binitawan ko siya at nagmadaling bumaba ng kotse. Inabot sa'kin ni kuya ang helmet, sinuot ko 'yun, at sumakay sa likuran. Nagba-bye ako kay Selena bago humarurot si Kuya Angkas at lumusot-lusot sa tila maze na mga sasakyan.

"Kuya! Pwede bang pakibilisan mo pa? Hinahabol ko kasi ang pag-ibig ko!"

Natawa si kuya, "Parang pelikula lang ma'am ah. Pero sige, susuportahan kita diyan. Kapit ka lang mabuti ma'am para 'di ka malaglag."

"Salamat kuya! Salamat talaga!"

Kumapit ako nang mahigpit kay kuya at mas binilisan niya ang pagharurot. Wait for me Levi. . .this time, I WILL CHOOSE YOU!

Biglang may pinindot si Kuya Angkas sa cellphone niya. Nagulat ako ng marinig ang soundtrack ng Pokemon. Meron palang built-in speaker ang motor ni Kuya.

~ I want to be the very best

Like no one ever was, To catch them

Is my real test, To train them

Is my cause (Ooh) ~

Mas bumilis ang pagtakbo ng motorsiklo. Tila nakipagpatintero kami ni Kuya Angkas sa mga kotse. Mas hype pala magdrive si kuya kapag may background music. Para kaming nasa action movie ng fast and the furious! Kamag-anak ata ni Kuya angkas si Paul Walker!

~ I will travel across the land

Searchin' far and wide, Each Pokémon

To understand, The power that's inside

(Power inside) ~

Di nagtagal at nakarating kami ng NAIA Terminal 1. Agad akong bumaba ng motor. "Salamat kuya!"

"Ma'am sandali!"

Napatigil ako at lumingon pabalik.

"Yung helmet ko po!"

"Ay! Sorry kuya," agad kong tinangal ang helmet at binalik sa kanya.

"Good luck ma'am! Gotta catch him!"

Tinaas ko ang dalawang kamao sabay sigaw," Fighting!"

~ Pokémon

It's you and me, I know it's my destiny

Pokémon, Ooh you're my best friend

In a world we must defend

Pokémon ~

Nakipagpatintero ako sa mga tao. Nagmadaling tumakbo. Hingal na hingal ako at panay ang ikot ng ulo ko para hanapin siya.

~A heart so true

Our courage will pull us through

You teach me, And I'll teach you

Pokémon… (Gotta catch 'em) Gotta catch 'em

Gotta catch 'em all ~

LEVI! LEVI! LEVI! I gotta catch you! Please don't leave! Tinignan ko ang flight details sa Flight board. Five minutes na lang at aalis na ang byahe from MNL-LHK!

No, no, no, no, no!

Nagmadali akong tumakbo papasok pero hinarang ako ng mga guards. "Ma'am flight ticket niyo po."

"Kuya! Please papasukin niyo ako. Kailangan ko lang habulin yung pag-ibig ko kuya! Please!" halos lumuhod ako sa harapan ng staff.

"Hindi pwede ma'am, kami naman ang mawawalan ng trabaho niyan," kakamot-kamot siya sa ulo.

Nagpapadyak ako na parang bata, "Kuya! Yung pag-ibig ko! Aalis na siya!"

"Bakit kasi hinayaan mong umalis?!"

Sunud-sunud na ang buhos ng luha ko, "Ang arte ko kasi, eh! Pinagtatabuyan ko siya kahit ang totoo mahal na mahal ko siya!"

"Eh kasalanan mo pala eh! Maarte ka eh!"

"Kaya nga kuya, please, kailangan ko siyang habulin! Please kuya papasukin niyo na ako!"

"Miss gusto sana kitang suportahan sa pag-ibig mo pero malalagot talaga ako!"

"Kuya naman, eh!"

"Mahal mo ba talaga siya?"

"Mahal na mahal…huhuhu… sobra…."

"Sabihin mo nga sa kanya, I love you!"

Natigilan ako, "Paano ko naman sasabihin eh ayaw mo nga ako papasukin?!"

"Eh bahala ka, lalo kitang 'di papasukin!"

Naiinis na nagpapadyak ako. Bahala na maging mukhang tanga. Para sa pag-ibig.

"Levi, I love you!"

"Lakas mo pa, para marinig niya hanggang dun sa boarding gate!"

"LEVI I LOVE YOU!!! PLEASE BUMALIK KA NA DITO!!!"

Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakielam!

"LEVI! IKAW ANG MAHAL KO! I CHOOSE YOU! KAYA PLEASE! BUMALIK KA NA!"

"Talaga? Wala ng bawian yan, ah."

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Levi sa likuran ko. Nakita kong tawa-tawa si kuya staff pati yung ibang mga kasama niya. Pinagtripan ba nila ako?

Ngumuso si Kuya sa likuran ko, "Narinig ka na niya."

Alanganin akong ngumisi at dahan-dahang pumihit patalikod. Nakita ko si Levi na nakatayo dun, hawak niya sa isang kamay ang malaking maleta at malaki ang pagkakangisi.

"Kanina ka pa ba diyan?"

Tumaas ang sulok ng bibig niya, "Oo."

Oh my God, pulang-pula na ako sa kahihiyan. "Anung narinig mo?"

"Lahat."

Napatakip ako ng mukha sa hiya pero sobrang saya ko na nandito siya. Hindi ko na napigilan ang sarili at tinakbo si Levi. Tinalon ko siya ng yakap at mahigpit naman niya akong sinalo.

"I love you, Levi. I love you so much."

"I love you too, Apple. Kahit ginawa mo akong si Pikachu."

Natawa ako at hinarap siya. Kinulong ni Levi ang magkabila kong pisngi, "Hindi-hindi na kita pakakawalan. Kaya wala ng bawian ng feelings."

"Hindi na ito libog lang," natatawa kong sabi.

Pareho kaming napangiti. Our eyes met as he slowly went down to kiss me, deep and sweet.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa paligid pero wala na kaming pakielam pa. Tanging ako at si Levi lang sa sarili naming mundo.

"I heard everything from Selena. Why didn't you tell me na sinakripisyo mo pala ang pagiging sex demon mo, just to become a human?"

He looked at me with his beautiful gray eyes, "Tama ka naman nung sinabi mo na isa ka sa mga assigntment ko. It made me realize, na magkaiba tayo. But I'm willing to sacrifice everything just to be with you. Kahit na sinabi mo sa'kin na si Kyle ang gusto mo. I still did everything para maging ganap na tao. I looked for you, and find where you are. Sinadya kong kunin ang kumpanya niyo para mag-krus ulit ang landas natin. Pero nakita kitang kasama si Kyle."

"Nung nakita ko kasi si Selena, nasaktan ako kaya ko nabitawan yung mga sinabi ko sa'yo. But ever since then, it was always you who I love. Sinagot ko lang si Kyle para makalimutan ka."

Ngumiti si Levi at muli akong hinalikan sa labi. "Selena was just one of my flings before. Hindi ko talaga siya—"

"Shh, it's okay, tapos na 'yun. In fact, tinulungan niya akong makarating dito sa airport."

"Talaga?"

"Yes. Pinapatawad ko na rin siya sa mga ginawa niya."

"That's good. Magsisimula tayo ulit. Ang mahalaga, ako na ang pinili mo. And I promise that I will love you, and only you."

"Me too, ikaw lang Levi… at wala ng iba."

From this day forward, we will hold each other arms and never let go. Hindi lang mga bagay tungkol sa sex at makamundong bagay ang tinuro sa akin ni Levi. Dahil higit niya akong tinuruan kung paano umibig ng walang katulad.

And I'll be forever happy and thankful that I have fallen in love with my sex demon… my sex teacher….

My one great love…

+++

Dear Diary,

Mas naging malibog kami ni Levi para sa isa't isa. Mula almusal, tanghalian, meryenda, hapunan at may midnight snack pa, ang sexy time namin dalawa.

Kasi nga. . . may kasama ng feelings.

~ THE END ~

Diary ng Birheng Maria (Sexy Monster Series) Written by Anj Gee

October 14, 2019 - November 13, 2019

________________

READ MY OTHER NOVELS TOO:

Adik sa'yo (Shabu o ako?)

My Boyfriend is a Grim Reaper

[Sexy Monster Series]

Strawberry Bite

Diary ng Birheng Maria

avataravatar