1 Huli Kana

HER POV.

Na alala ko nung una kitang nakita

Tumatawa sa isang sulok kasama ang barkada

Hindi man tayo mag kakilala

Pero Alam kong ika'y mahalaga

Malabo ba?

Ganyan ang nararamdaman ko nang makilala ka

Masaya akong kasama ka pero alam kong may iba

Alam kong kaibigan lang kita

Pero may namumuo na sa aking puso

Natatakot akong malaman mo

Baka hindi mo ako matanggap

Kahit isang kaibigan mo man lang

Sigaw ng utak kong kalimutan kana

Para hindi na ako tuluyang masaktan

Ano nga ba ang magagawa ko

Kung ang puso ko sinasabibg 'mahalin mo wala namang mawawala'

Sana naman nakita mo man lang ako

Bilang isang babaeng mahal mo

Wag mo naman isampal ang katotohanan

Na kaibigan mo lang ako

Masakit imulat ang katotohang wala naman talaga akong papel sa buhay mo

Kung meron man iyon ay ang pagiging kaibigan mo

Sana maramdaman mo ang nararamdaman ko

Pero alam ko sa panaginip ko lang mangyayari yun

Sana maisip mo na may puso pa ako

Ang sakit na kasi

Pero wala eh, wala ka naman kasing alam

Walang alam na Mahal Kita

Siya nalang palagi ang nakikita mo

Pati ba naman pag kakaibigan natin aalisin mo

Wag mo naman isampal sakin ang gusto mo sya

Hindi, mahal mo pala

Umamin ako sayo

Nag babakasakaling may pg asa pa

Pero bakit ganon? Kaibigan mo naman ako

Bakit tinalikuran mo ako

Bakit ba kasi nagiging tanga ako para sayo

Kung alam ko din naman malabo maging tayo

Alam kong kaibigan lang ako

Pero sana tinanggap mo pa din ako

Akala ko hanggang dun nalang ako

Sirang sira na mundo ko

Pero may isang taong dumating

At nag paramdam na mahal ako

Ginawa ko ang lahat para ika'y kalimutan

Hindi ko nga alam kung tinuturing pa kitang kaibigan

Sinanay ko ang sarili kong wala ka

Lahat ng alaala natin binura ko na

Sinabi nyang mahal nya ako

At hindi ko pinatagal, mahal ko na din siguro sya

Pero eto ka

Dumating sa eksena

Alam kong kaibigan kota

Pero sana naman na isip mong ayaw kitang makita

Sa sakit na nabigay mo

Sa pag talikod sakin

Kita ko yung saya sa mga mata mo ng lumapit ka samin

Pero unti-unti ding na wala ng makita mo ang kamay naming mag kahawak

Tinignan mo ako sa mata

Pero bigla kalang din tumalikod

Dyan ka din naman magaling

Sa pag-iwan mo sakin ng walang pasabi

Ilang araw tayong hindi nag papansinan

Na parang hindi mo ako nakikita

Ano paba maasahan ko

Hindi mo naman talaga ako nakikita nung una pa man

Bakit ka pa kasi nag paramdam

Kung kailan may bago na

Dun kapa nag sabing

Mahal mo ako

Masyado nading matagal ang pagkawala mo, at ang sakit na

HULI KANA...

avataravatar
Next chapter