10 Chapter 9

Immortel? What?

Nakatulala ako sa kawalan. Nandito na naman ako sa kwarto ng mga magulang ko. Bumalik ako dito dahil parang may kulang, may dapat pa ba akong malaman?

Tiningnan ko ang kwintas na hawak-hawak ko. Isinuot ko na naman iyon sa leeg ko, at bigla itong umilaw. Napapikit ako dahil sa liwanag na nagmumula sa kwintas.

'You are a unique creature. You have the power of creation, and destruction. You are born for a reason.'

Umalingaw-ngaw sa isip ko ang isang boses na hindi ako pamilyar. Magkahalong boses ng lalaki, at babae ang nagsalita.

'The right time has come. I am your power, and it's time for me, and you to become one. Accept me completely.'

Iminulat ko agad ang mata ko sa narinig ko. A-ano?

Napatingin ako sa may drawer nang umikaw ito. Ang kwintas na suot ko ay bigla na lang naglaho. Napahawak naman ako sa leeg ko habang nakatingin sa drawer na parang may umiilaw sa loob nito.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama, at lumapit sa drawer. Tinitigan ko ng mabuti ang umiilaw, at dahan-dahang binuksan ang drawer. Bumungad sa akin ang kumikinang na kutsilyo. Sobrang tulis nito, at nagniningning pa.

Kinuha ko ito, at tinitigan ng mabuti. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kutsilyong gawa sa pilak na bumaon sa katawan ng Hari, at Reyna ng Ferino. Ito rin kaya ang kutsilyong bumaon sa puso ng mga magulang ko? Ano kaya ang pakiramdam kapag bumaon ito sa katawan?

Ipinikit ko ang mata ko kasabay ng pagtulo ng luha ko sa mata ang pagbaon ko ng kutsilyo sa puso ko.

Ilang sandali lang ay wala akong naramdamang kahit na ano. Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Elley. Nakahawak siya sa nakaangat kong kamay kung nasaan ang kutsilyo.

"Doing that will not solve everything," seryosong sabi niya, at binitawan ako. Bigla namang tumilapon ang kutsilyo sa kung saan.

Lumuhod ako sa harap ni Elley, at umiyak.

"I'm sorry for everything. Hindi ko alam...wala akong alam. Hindi ko aakalaing nagawa iyon ng mga magulang ko. I'm really sorry for making your life miserable. I am their reason for committing that sin. Hindi ako aangal kung gusto mo akong saktan, tatanggapin ko."

"Tumayo ka na diyan. Kung maghihiganti man ako, maghihiganti ako sa mga magulang mo. Wala na sila kaya ayos na ako. Parehas tayong nawalan ng mga magulang, at wala man lang tayong nagawa. Naiintindihan kita, patawad din kung pinagtangkaan ko ang buhay ng mga magulang mo dati. At salamat dahil ginising mo ako, at pinangiti mo ang Kuya ko." Hinawakan niya ang balikat ko at pinatayo ako.

Umatras ako ng tatlong hakbang sa kanya. Pinahiran ko ang luha ko, at pinakalma ang sarili.

"Ang dami mo na sigurong luha na inilabas. Hindi malulutas lahat ng bagay-bagay sa pag-iyak. Nandito ako dahil kailangan ko ang tulong mo." Napatingin ako sa kamay niya na nakaabot sa akin. Napatitig ako sa litratong hawak niya.

"Nakita ko sa bulsa ng teddy bear. I didn't expect that my brother will smile again. I need your help to stop him. Maybe he hates you that much pero please...help him, help us," may pagmamakaawang sabi niya.

Nakatingin pa rin ako sa picture kung saan nakangiti ako ng malapad habang si Damon naman ay ngumiti ng konti. Totoo ba ang ngiting iyon o pilit lang? Tiningnan ko si Elley.

"How can I help you? Your brother almost killed me! Mas pagagalitin ko lang siya, at ayoko ng mangialam. I'm not even a full blooded vampire. I will just forget everything that happened. I'm so sorry Elley," paghingi ko ng tawad.

"If you are really sincere then help us. Yes, you are not a full blooded vampire but you are still have a blood of a vampire. A immortel like you will be a big help to us, to our world." Napatingin ako sa may pinto nang may magsalita mula doon. Nakita ko ang nakatayong si Lucas na seryosong nakatingin sa amin.

Naguguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Immortel? What?" naguguluhang tanong ko kay Lucas.

"A rare creature. Imposibleng magkaanak ang bampira, at ang tao dahil sa batas ng mga bampira. May nabuhay na nakagaya mo million years ago. Nabuhay sila dahil nawalan ng bisa ang batas na. Mawawalan ng bisa ang isang batas kapag namatay ang gumawa nito. In your case, sinadyang patayin ang gumawa ng batas para mabuhay ka," mahaba niyang sabi.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Alam ng lahat ng mga bampira iyon. May iba na kilala ka na, may iba rin na alam na ang nangyari noon pero hindi nila kilala ang anak nang pumatay sa Hari, at Reyna ng Ferino," sagot naman ng kaharap ko na si Elley.

"Nangyari na ang nangyari. We have no choice but to accept all of it. We are sorry for what we act last time. Sana, tulungan mo kami Alexa." Napatingin ako kay Lucas na lumalapit na sa kinaroroonan namin.

"Ano ba ang meron?" tanong ko.

"Hindi natuloy ang kasal ni Kuya. Ang nagpakasal sa kanila ay umatras dahil hindi sila pwedeng ikasal. Walang may alam kung ano, o sino ang humadlang sa kasal. Ngayon, galit ang mga Caprino kaya naghahanda sila sa isang labanan. Sasalakayin nila ang kaharian namin dahil sa hindi naituloy na kasal ng dalawang panig. Naiintindihan namin ang panig nila pero hindi namin alam kung ano ang rason kung bakit hindi natuloy ang kasal," mahabang sambit ni Elley.

Hindi ko alam pero bakit parang masaya ako sa sinabi niya?

"Ano ba ang maitutulong ko?" tanong ko.

"We also don't you. You can use your whole power, just help us," seryosong sabi ni Lucas.

"Alam kong malaki ang pabor na ito Alexa. I know that you are the one who can help us, who can help my brother. Galit man siya sa'yo but I won't never believe na hindi na gumagaan ang loob niya sa'yo. I heard that you are his executive assistant. Kapag may galit si Kuya sa isang nilalang, papatayin o pagdudusahin niya ito. Did he kill you? Or made you suffer?"

Napayuko ako sa sinabi ni Elley. He always said that he will kill me but he never did. Sabi niya na kaya niya ako pinasok sa DEN Company ay para magdusa pero nagdusa ba ako? I got scared for my life but, I don't think I've suffered.

"You suffered but it's just in the first place. I tried getting your virginity pero mukha nagustuhan mo rin naman ang nangyari ng gabing iyon."

Naalala ko naman ang sinabi ni Damon sa akin. How can he say that? At bakit parang natamaan ako sa sinabi niyang iyon? What the heck?

"Alexa, ayos lang kung tatanggi ka. You've suffered a lot. I can't blame you so don't blame yourself also. Live your life to the fullest. Forget what happen. Nabuhay ka bilang tao kaya mabuhay ka na katulad nila." Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak ni Elley. Umiling-iling ako at ngumiti.

"I will help you, just give me some time. Kailan ba ang sinasabi niyong labanan?" tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa. Seryosong tumingin sa akin si Lucas.

"Mamayang gabi."

★★★

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa dating kwarto nila Mom, and Dad. Kakaalis lang nina Elley, at Lucas. Nag-iisip ako ng pwedeng itulong ko sa kanila. Hindi ko sila matanggihan dahil gusto ko rin talaga silang tulungan para makabawi sa nagawa ng mga magulang ko noon.

Paano? Paano ko sila matutulungan kung wala akong alam sa sinasabi nila na isa raw akong immortel? Sabi ng kwintas kanina ay may kapangyarihan ako, destruction  and creation. Paano ko iyon gagamitin? Paano ko ilalabas iyon?

'The right time has come. I am your power, and it's time for me, and you to become one. Accept me completely.'

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa naalala ko. Accept my power completely? I don't know anything about it but I will try. Huminga ako ng malalim, at nag-concentrate. Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang buong paligid.

Ilang sandali lang ay wala naman akong naramdaman. Iminulat ko ang mata ko at wala ngang nangyari. Ano na ang gagawin ko? Paano ko sila matutulungan?

Nawala ang mga iniisip ko nang umilaw bigla ang leeg ko. Napatingin ako doon at nanlaki ang mata nang unti-unting lumilitaw ang kwintas. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya napapikit na lang ako. Wala akong naramdamang hindi maganda sa akin. Feeling ko, gumagaan ang pakiramdam ko. Parang may enerhiyang pumapasok sa loob ng katawan ko na naghahatid ng magandang pakiramdam sa akin.

Bigla kong naimulat ang mata ko nang sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako doon at pilit na ininda ang sakit. Napaluhod naman ako nang sumakit ito ng sobra. Ano ang nangyayari?

"Ahhhhh!" Napasigaw ako dahil sa nararamdaman kong sakit kasabay no'n ang pagguho ng bahay na kinatatayuan ko.

Nagulat ako sa nangyaring pagguho. Wasak na wasak lahat pero hindi ako nasaktan, o nasugatan, parang may biglang shield na lumabas nang gumuho ang bahay. Napakagat naman ako ng labi. Ako ba ang may gawa ng pagkaguho? Mabuti na lang at medyo malayo-layo pa ang mga ibang bahay dito. Magtataka, at magugulat talaga sila. Mabuti at hindi mahilig ang mga magulang ko sa kapitbahay kaya malayo-layo sa tao sila gumawa ng bahay.

Napatingin ako sa may tiyan ko nang biglang nawala ang sakit nito. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod pero biglang sumama ang pakiramdam ko. Umikot bigla ang paningin ko. Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay may naaninag akong isang pamilyar na mukha na papalapit sa akin.

"Damon..."

★★★

"Maraming salamat at tinupad mo ang iyong tungkulin. Ikaw ay nararapat na maging pinuno ng Ferino. Magiging maganda ang ating mundo dahil sa'yo." Napamulat ako ng mata dahil sa narinig kong pamilyar na boses. Inikot ko ang mata ko hanggang sa mapunta iyon sa harap ko kung nasaan si Damon, at ang Hari ng Caprino.

"Mabuti naman at gising ka na. Hindi magiging masaya ang iyong kamatayan kung wala kang malay," nakangiting sambit ng Hari ng Caprino. Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya. Tiningnan ko ang kamay, at paa ko na nakagapos. Nakaupo ako sa isang kama, at nakakulong sa parang isang selda? Kulungan ng mga kriminal sa mundo ng mga tao.

"Immortel...hindi sila dapat na mabuhay dahil kapag naging sakim sila ay mawawasak hindi lang ang mundo namin kundi lahat ng iba pang mundo. Alam mo Alexa, hindi ko naman nais gawin ang bagay na ito kung wala kang maalala. Nalaman mo na lahat, at hindi talaga iyon maganda," napailing-iling na sabi ng Hari.

"Ano? Pero—akala ko ay kailangan niyo ang tulong ko?" naguguluhang tanong ko.

"Nagtagumpay ang plano namin na paikutin ka. Akalain mo? Paanong hindi ka namin mapapaikot kung wala ka namang kakampi kahit isa?"

Hindi naman ako makapaniwalang tiningnan si Damon. So set-up lahat?

"Ano ang ginawa niyong plano?" seryosong tanong ko.

"Alexa, totoo talagang may labanan sana na magaganap kaso nagkasundo kami ni Damon. Hindi natuloy ang kasal nila ng anak ko kaya bilang kapalit, ibibigay ka niya sa akin para paslangin, para na rin sa kapakanan ng nakakarami."

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Ito ba ang paghihiganti na gusto ni Damon? Gusto niya ba talaga akong mamatay?

"Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo hangga't nandiyan ka sa loob ng kulungan na iyan Alexa. Tanggapin mo na lang ang iyong tadhana," nakangising sambit ng Hari.

"Sige na at may gagawin pa ako. Maaari ka ng umuwi Damon at mamuhay ng payapa kasama ang kapatid mo."

Umalis na ang Hari at naiwan si Damon. Hindi siya nakatingin sa akin pero nakatingin ako sa kanya.

"Do you really think na SAKIM akong nilalang Damon? Is this your revenge on me? Do you really treat me as your biggest enemy?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi siya sumagot at tumalikod na para umalis.

"Paano kung sabihin ko sa'yo na hindi talaga ang mga Dad ko ang pumatay sa mga magulang mo?"

Napahinto naman siya dahil sa sinabi ko. Biglang tumulo ang luha ko sa mata, at napapikit.

"Hindi mo nasaksihan ang pagkamatay ng mga magulang mo. Hindi mo nasaksihan ang pagsaksak ng silver knife sa mga magulang mo. You blamed my Dad dahil 'yon ang sinasabi ng lahat. How could you blame someone without any proof?"

"You're wrong! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa ng Dad mo! Nandoon ako sa kwarto nila sa mga sandaling 'yon!" galit na sabi niya.

Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakaharap na siya sa akin at may galit ang mga mata niya.

"You know my Dad very well Damon. He was once your bodyguard. He lost his ability because of loving a human, you know that. And, you know that he is a pure kind-hearted man." Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Napangiti ako ng mapait.

"You're smart. So tell me, sino kaya ang puwedeng gumawa ng bagay na iyon sa mga magulang mo?"

avataravatar
Next chapter