9 Chapter 8

Revealed

"Mamamatay ang magiging anak niyo. Hindi kailan man makabubuo ng sanggol ang bampira, at ang tao," seryosong saad ng Hari ng Caprino.

"Maawa na po kayo mahal na Hari. Naglingkod ako ng mahabang panahon sa inyo. Sana'y pagbigyan mo ang nais ko. Buhayin mo ang anak namin," nagmamakaawang sabi ng magiting na kabalyero.

"Hindi ko magagawa iyon dahil hindi ako ang gumagawa ng batas sa mundo ng mga bampira. At alam mong, hindi mababago ng kagaya mo ang batas na ginawa ng Hari ng Ferino," sabi ng Hari.

May tatlong kaharian ang mga bampira. Ang Hasader, ang nangangalaga at nagbibigay ng mga bagay-bagay na ginagamit ng mga bampira gaya ng damit, tirahan, sandata, at iba pa. Caprino, ang nangangalaga, at nagbibigay ng mga pagkain, at dugo sa lahat ng mga bampira. At ang Ferino, ang nagbibigay, at gumagawa ng batas para sa ikabubuti ng mundo ng mga bampira. Nagtutulungan ang tatlong kaharian para mapabuti ang mundo nila.

"Gagawin ko ang lahat, alam kong may paraan pa," pursigidong sabi ng kabalyero. Nais niyang mabuhay ang anak niyang nasa sinapupunan ng isang babaeng mahal niya na isang ordinaryong tao.

"May paraan nga, patayin mo ang gumawa sa batas. Patayin mo ang Hari, at Reyna ng Ferino nang mawalan ng bisa ang batas na nagsasaad na hindi makakabuo ng anak ang isang bampira, at tao."

Magaling sa pakikipaglaban ang kabalyero pero alam ng Hari na hindi nito kayang pumatay ng walang kasalanan. Pinagkakatiwalaan niya ito.

"Tigilan mo na ang taong iyon. Kalimutan mo na siya, hindi siya nababagay sa isang bampirang kagaya mo. Panatilihin mo ang katapatan mo sa kaharian natin. Huwag mo sanang planuhin pa na gumawa ng gulo."

Hindi alam ng Hari ng Caprino na may plano na ang pinagkakatiwalaan niyang kabalyero.

Isang malalim na gabi, sa gitna ng kasiyahan ng kaharian ay hindi napansin ng Hari na nawawala na pala ang kanyang kutsilyong gawa sa pilak. Hari lamang ang may ganoon na kutsilyo, isang kutsilyong nakakapatay ng bampira kapag naibaon ito sa parte ng katawan ng isang bampira.

Lingid sa kanyang kaalaman, kinuha ito ng kabalyero, at kaagad na nagtungo sa kaharian ng Ferino para gawin ang binabalak nitong pagpatay sa Hari at Reyna.

Sa gabing iyon ay nagtagumpay ang kabalyero, napatay niya ang Hari at Reyna ng Ferino. Nakarating kaagad ang balita sa dalawang kaharian. Hindi makapaniwala ang Hari ng Caprino sa nagawa ng kanyang kabalyero. Nagluksa ang tatlong kaharian, lalo na ang dalawang anak ng Reyna, at Hari ng Ferino.

100 years later...

"Kailangan ba talaga nating itago sa anak natin?" tanong ng isang babae sa kanyang asawa.

"Alam mo naman ang nangyari noon hindi ba? Muntik na siyang makasakit ng tao dahil sa taglay niyang kapangyarihan," seryoso namang sagot nito habang nagmamaneho.

"Naiintindihan ko pero bakit pati ang ibang ala-ala niya tungkol sa kung ano talaga siya ay itatago mo rin?"

"Malalaman din naman niya sa tamang panahon."

"Saan mo itatago ang kwintas?"

"Ako na ang bahala."

Naputol ang pag-uusap ng dalawang mag-asawa nang biglang tumunog ang telepono. Sinagot naman ito ng babae.

"Hello? Mom? Nasaan kayo? Nasaan ako? Anong nangyari? Bakit parang may hindi ako maalala?" bungad na tanong sa kabilang linya.

"Don't worry baby. Papunta na kami ng Dad mo diyan. Magpahinga ka na."

"Okay Mom, I'll wait. Bilisan niyo po." Pinatay na ang tawag.

Napahinto sa pagmamaneho ang lalaki nang may humarang na kotse sa kanila. Ilang sandali lang ay may lumabas na isang batang babae sa kotse.

"Bakit siya nandito?" tanong ng babae sa asawa niyang lalaki.

'Huwag na kayong magtangka pa na lumaban. Sumuko na kayo, sumuko ka na Allan! Pinatay mo ang mga magulang namin!'

Rinig na rinig ng mag-asawa ang nakakakilabot nitong mga salita sa isip nila. Hindi masisisi ng babae ang galit ng nasa harap nila.

"Allan, sumuko ka na. Sumuko na tayo, oras na para pagsisihan natin lahat. Damay ako sa ginawa mo noon, sasamahan kita."

"Nababaliw ka na ba Liza?! Paano si Alexa?" galit na sabi ni Allan.

"Maiintindihan din niya balang araw. Naiintindihan ko ang pagmamahal mo sa akin, at sa anak natin pero taman na Allan. Nagkasala ka, tayo, kaya dapat tayong magdusa," sabi ni Lizabeth habang may luhang tumulo sa mata niya.

Tiningnan nila ang batang si Elley, at naging pula ang mga mata nito. Itinaas nito ang dalawang kamay kasabay ang pagtaas ng kanilang kotseng sinasakyan.

"Elley!" Isang malakas na boses ang narinig nila mula sa madilim na kalangitan.

"Ang paggamit mo ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao ay lapastangan! Ikaw ngayon ay mapaparusahan! Matutulog ka ng mahimbing at ang tanging makakagising lang sa iyo ay ang bunga nina Allan at Lizabeth," nakakakilabot na sabi ng Hari ng Caprino.

"Allan, ikaw ay hinahatulan ko ng kamatayan dahil sa pagpatay ng Hari, at Reyna ng Ferino kasama si Lizabeth. Hindi mali ang magmahal pero ang pagmamahal mo ay hindi na tama. Nakagawa ka ng hindi ka nais-nais gayong alam mo na lahat ng bagay ay may limitasyon. Nabulag ka sa pag-ibig ng isang tao! Ngayon, kasama ang asawa mo ay magiging kamatayan niyo rin ang ang pagbaon ng kutsilyong pilak sa puso niyo."

Nakaramdam ng makirot ang mag-asawa sa kanilang dibdib. Parang may bumaon na matulis na bagay sa kanilang dibdib.

"Patawad, sanay pagbigyan mo ang huling kahilingan ko. Ibigay mo sana ito sa anak ko mahal na Hari. Hayaan niyo siyang mabuhay sapagka't natatangi siyang nilalang," mahinang sabi ni Allan, at ibinuka ang kanyang kamay. Umilaw ang kwintas na nasa kamay niya at agad itong napunta sa kamay ng Hari ng Caprino.

"Masaya magmahal kung alam mo ang limitasyon mo," bulong ng Hari at itinaas ang kanyang kanang kamay.

"Ang lahat ng nangyari sa gabing ito ay mananatiling simpleng aksidente lamang sa mga tao." Ibinaba niya ang kanyang kamay at biglang umilaw ang paligid, kasabay noon ang maingay na tunog ng ambulansiya, tunog ng sasakyan ng mga pulis, at ang paglaho ng Hari.

★★★

Napaluhod ako, at tinanggal kaagad ang kwintas na suot ko. Unti-unting tumulo ang luha ko kasabay ng sunod-sunod na hikbi. Sobrang linaw, sobrang linaw ng lahat ng mga nakita ko.

"Mom? Dad? B-bakit niyo nagawa iyon?" tanong ko sa pagitan ng mga hikbi, at luha ko.

Itinakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko, at humikbi ng humikbi. Sobrang sakit, nagpatuloy ako sa buhay ng hindi alam ang nakaraan ko.

Napatingin ako sa kamay ko nang biglang umilaw ang kwintas. May mga imaheng lumabas doon, ipinakita ang mga ala-ala ko kasama ang mga magulang ko. Napakasaya namin.

Pinahiran ko ang luha ko at pinakalma ang sarili. Ilang sandali lang ay nag-iba ang imahe.

May ipinakitang batang lalaki na umiiyak, at batang babae na umiiyak. Lumipat-lipat ang mga imahe. Nakikita ko ang mga pagdudusa, at mga hindi magandang nangyari sa batang lalaki at babae.

Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko. Sobrang sakit ng pinagdadaanan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay sila ang anak ng Hari at Reyna ng Ferino. Tumulo na naman ang luha ko.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagulat ako, at napatakip ng bibig. Nagsimula na naman akong humikbi ng humikbi. Kaya ba ganoon na lang ang trato niya sa akin?

"I-Im sorry...Hindi ko alam..." utal na sambit ko habang nakatingin sa imaheng ipinapakita sa akin, ang seryosong mukha ni Damon, at ang masayang mukha ni Elley.

Ibinaba ko ang kwintas at patuloy pa rin ang pag-iyak. Paano iyon nagawa ng mga magulang ko?

Naging masaya kaming kasama ang isa't-isa pero ang kapalit naman ay ang pagkawala ng mga magulang ng dalawang inosenteng bata. Sobrang sakit.

"I'm sorry for everything Alexa. We love you so much. Lahat kaya kong gawin para sa'yo. Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko noon pero nangyari na, huli na." Napatingin ako sa umiilaw na kwintas. Bumungad sa akin ang mukha ni Mom, and Dad.

"Huwag kang umiyak anak. Wala kang kasalanan. Naiintindihan namin ang galit mo sa amin. Hindi ako nagsisising mahalin ang Dad mo dahil kung hindi siya ang minahal ko, hindi ako magkakaroon ng mabait, at napakagandang anak na gaya mo," may ngiting sabi ni Mom.

"Magpakatatag ka anak, tanggapin mo sana kung ano ka. Mahal na mahal ka namin ng Mom mo." Nawala ang imahe nila kaya napapikit ako ng mariin. Napahawak ako sa dibdib ko, at pilit na pakalmahin ang sarili pero hindi ko kaya.

"Mangyayari ang dapat na mangyari. Wala kang kasalanan iha. Hindi ikaw ang pumatay, huwag mong sisihin ang sarili mo. Mabuhay ka ng mahaba, bukas ang mundo ng bampira sa iyo." Tiningnan ko ng maigi ang lalaking kaedad ng Dad ko. May korona siya sa ulo at kung hindi ako nagkakamali ay siya ang Hari ng Caprino, ang Dad ni Kim.

Pinahiran ko ang luha ko sa mata, at ginawa ang lahat para pakalmahin ang sarili.

Ilang sandali lang ay agad kong kinuha ang kwintas, at lumabas sa kwarto ng mga magulang ko dito sa bahay namin noon, kung saan ako lumaki kasama sila. Kinuha nila ang ibang ala-ala ko at inilagay sa kwintas bago ako inilipat sa apartment noong gabing iyon bago sila naaksidente.

★★★

"Alam mo umpisa pa lang hindi ba?! Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?!" galit na sabi ko kay Damon. Naabotan ko siyang umiinom ng dugo dito sa opisina niya. Madaling araw pa lang pero nandito na siya sa kompanya.

"Is there any changes of telling it to you?" pabalik na tanong niya.

"How can you hire mean when you know that my Dad killed your parents?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Almost one hundred years namin kayong hinanap. When they died, I thought, everything will be okay but I just thought it. It will be more fine, and fun if I'll make their daughter suffer so I bring you here," simpleng sagot niya. Maliwanag sa buong opisina niya kaya kitang-kita ko kung paano naging kulay pula ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"You suffered but it's just in the first place. I tried getting your virginity pero mukha nagustuhan mo rin naman ang nangyari ng gabing iyon." Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi niya.

"You want revenge? Then kill me now!" sigaw ko siya kanya. Sa isang kurap lang ay hawak-hawak na niya ang leeg ko. Galit na galit ang pula niyang mga mata, at nakalabas din ang mga pangil niya.

Hindi ako natakot na salubungin ang galit niyang mata. Sapat na ang takot na naramdaman ko noon. Kung gusto niya akong patayin, hindi ko siya pipigilan. Tutal, ako naman ang rason ng lahat ng ito. Kung hindi sana ako nabuo sa sinapupunan ng Mom ko, hindi sana papatayin ng Dad ko ang mga magulang niya.

Humigpit ang pagkakasakal niya sa akin. Kitang-kita ko ang galit, puot, pagkasuklam, at inis sa mga mata ni Damon pero ramdam kong may halo itong lungkot.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa mata. Nginitian ko siya.

"M-make sure that you will live h-happily, and no raegrets after this," pilit na sabi ko dahil nauubusan na ako ng hininga sa pagkakasakal niya.

Ilang segundo lang ay may narinig akong malakas na pwersa dahilan para mapaatras si Damon, at mabitawan ako. Hinabol ko naman ang hininga ko.

"Kuya! Don't do it! Wala kang pinagkaiba sa mga magulang niya kung papatayin mo siya! Wala naman siyang kasalanan e!" sigaw ni Elley kay Damon, at nilapitan ako.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Do I deserve her care?

"What the hell Elley?!" galit na sabi ni Damon. Napatayo ako nang may biglang pwersang tumutulak sa akin papunta sa pinto.

"Umalis ka na dito!" sigaw ni Elley sa akin. Napahinto naman ako ng hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Stop it Kuya!" galit na sambit ni Elley, at tumilapon naman si Damon.

Nawalan ako ng balanse dahil nanghihina ang katawan ko pero dahil sa pwersang tumutulak sa akin ay nakalabas ako ng opisina ni Damon.

Natigil lang ang pwersang tumutulak sa akin ng tuluyan akong makalabas sa building ng DEN Company. Pumara ako ng taxi at kaagad na sumakay doon.

Napahawak ako sa leeg ko dahil humahapdi pa ito. Ano na ngayon ang gagawin ko?

avataravatar
Next chapter