8 Chapter 7

Vampire's fix Marriage

Halos isang linggo ko rin na pinag-isipan kung ano ang gagawin ko sa mga nangyayari.

"Miss Valerie? Nakikinig ka ba?" Napabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Sebastian.

"Ha? Ano nga ulit iyon?" tanong ko.

Kababalik ko lang sa trabaho. Nagpatawag ng meeting ang mga board of directors dahil may importanteng event daw na magaganap next month.

"You will not focus on DEN Company dahil ikaw ang mag-aasikaso ng mga kailanganin para sa incoming wedding ni Boss," pag-uulit niya.

"W-wedding?!" gulat na tanong ko.

"A fix marriage. So? Shall I continue?" tanong niya kaya tumango ako.

Bumalik ako sa trabaho na parang walang nangyari. Walang awkwardness sa amin ng mga board of directors, at hindi na rin ako nagtatanong sa kanila. Hindi rin ibig sabihin noon na titigil na ako sa pag-alam sa totoong nangyari sa mga magulang ko.

"You will going to settled everything here then after that, pupunta ka sa venue ng wedding para asikasuhin ang decorations," pagpatuloy niya.

"Saan ba gaganapin?" tanong ko.

"In our world...Vampires world. You need to be ready," biglang sambit ni Tyler.

Tumango naman ako pero natigilan ako nang mag-sink in sa akin lahat ng sinabi nila.

"What the hell?!" gulat na sabi ko at napatayo pa.

"Utos ng Boss iyon at wala kaming magagawa. Don't worry Alexa, walang mangyayaring masama sa iyo lalo na't sa DEN Company ka nagtatrabaho. This company, and the Boss of this company is known in our world kaya hindi ka nila basta-basta magagalaw. Just do your job," sabi ni Sebastian.

"Tell me, can I really be safe by that words? Just do your job?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Well, it's a yes for that question. Let's dismiss this meeting. I'll fix the papers, and other informations that you'll need Miss Valerie. We will go now." Tumayo si Sebastian at naglakad paalis ng meeting room. Sumunod naman sina Tyler, at Vlad.

Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Pinakalma ko ang isip ko bago iminulat ang mata. Tumayo ako at nilisan ang meeting room, tinungo ko ang opisina ko.

"Settled na lahat ng papers na ipinaasikaso mo Miss Valerie. We can now go to the Vampire's world inorder to do the decorations. I will help you so don't worry," nakangiting sabi ni Kelly.

"Sandali. Akala ko ba next month pa ang wedding? Tatlong oras pa lang ang nakalipas noong nagmeeting kami ng mga board of directors."

"I'm sorry Miss pero ang gaganaping event next month ay ang partnership ni Boss, at ng Bride niya. That partnership is only for vampires. Today is the schedule of their wedding," pagpapaliwanag niya.

Kailangan ko ba talagang pumunta sa mundo nila? Sa mundo ng mga bampira?

"I'll wait for you outside Miss Valerie. Nakahanda na lahat, ikaw na lang ang kulang." Umalis siya sa opisina ko at naiwan akong nakatunganga. Bakit ang bilis naman yata ng mga nangyayari ngayon? Bakit parang mas lumalapit yata ako sa mga bampira? Sa mundo nila? Hindi naman ako bampira!

Tumayo ako, at naglakad palabas ng opisina. May mali sa mga nangyayari. Bakit ako? Bakit ako ang naisipan ni Damon na mag-asikaso ng kasal niya kung meron naman siyang mga bampirang empleyado?

Siya ang kumuha sa akin bilang executive assistant. Bakit niya ako kinuha kung alam niyang tao ako? May mali talaga, palagi na lang si tadhana ang sinisisi ko. Paano kung sinasadya talaga ni Damon na mapalapit ako sa mga bampira? Possible iyon! Pero bakit?

"Miss Kelly? Mabibigyan ba ako ng pagkakataon na makausap ang groom before the wedding?" bungad na tanong ko kay Kelly nang makalabas ng building. Nakatayo siya sa may pinto ng kote, at parang hinihintay ako.

"You can't meet the groom, but you will meet the bride. Ikaw ang mag-aasikaso ng mga gamit na gagamitin niya bago ang kasal," sagot naman niya, at binuksan ang pinto ng kotse. Pumasok naman ako doon, at sumunod din siya.

"It's already ten o'clock in the morning. We will arrive there in one hour. The wedding will start at exactly ten in the evening. We have a lots of time to do the preparations, and decorations. Good luck to us Miss Valerie," seryosong sabi ni Kelly.

Naramdaman ko ang pag-andar ng kotse nang sumenyas si Kelly sa driver. Napasandal ako sa may bintana ng kotse. Ano na naman kaya ang mangyayari?

"I read some of your feedbacks from your previous jobs. You used to tame all your Boss," rinig kong sabi ng katabi kong si Kelly.

"Taming is not bad as long as you're in the right place. I used to tame some of my Boss to maintain my job, or to have a good partnership or connection to them," sabi ko naman.

"Really? Do you think that you're in a right place to tame our Boss?" tanong niya. Hindi ko siya tiningnan at ipinikit na lang ang mga mata.

"I wish I could do that. He can't be tamed easily since he was a cold-hearted vampire Boss, he always insult me, and he always threaten me," sarkastikong sagot ko.

"Well, we can't blame him."

Hindi na ako nagsalita dahil sa sinabi niya. Bakit parang may alam sila na hindi ko alam? Napapansin ko na minsan ay binibigyan nila ako ng mga salitang may kahulugan.

★★★

"The decorations are almost done. I'll take you to the bride's room to prepare her things," sabi ni Kelly. Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

Ramdam ko ang mga titig ng mga bampira sa paligid. Yes, maraming bampira sa paligid na tumutulong sa preparations, at mas dadami pa ito mamaya kapag nagsimula na ang kasal.

"Ang bilis naman yatang pumayag ni Damon na ikasal?" tanong ko kay Kelly habang naglalakad kami sa may daan na may mga patay na puno sa paligid.

Gabi na pero hindi madilim dahil maliwanag ang buwan, at may mga ilaw din sa paligid. Sa isang malaking mansiyon gaganapin ang kasal at marami ang dadali dahil kilala si Damon, at ang bride niya sa mga bampira.

"Well, he can't disobey that fix marriage, since he is a Prince, he need to marry a Princess," sagot naman ni Kelly.

"Prince? Prinsepe?" gulat na tanong ko.

"Don't ask questions again Miss Valerie. Finish your job here, and you will go home safe. This is the room, I'll pick you after an hour." Iniwan niya ako sa isang itim na pinto. Medyo malayo sa kinaroroonan ko ang mansiyon.

Simpleng bahay lang ang nasa harap ko. Kung susuriin ng mabuti, ay para itong haunted small house. Kung magpapadaig ka sa takot, matatakot ka talaga. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto, at pumasok sa loob.

"You're here!" Bumungad sa akin ang babaeng nakasuot ng wedding dress, at mukha siyang barbie. Sobrang puti, maganda ang katawan, at maganda talaga.

"Actually, everything is settled here. You are here because I want to meet you personally. Come, sit beside me," dagdag niya pa. Naglakad naman ako papunta sa couch kung saan siya nakaupo, at tumabi sa kanya. Siya ba ang bride?

"I want to give you this necklace. This is from your father, ibinigay niya sa Dad ko noon. Your Dad is the trusted knight of my Dad in our Kingdom, the Kingdom of Caprino. This necklace will reveal everything." Iniaboy niya sa akin ang isang kwintas na may pendant na diamond?

"What do you mean? Knight? Kingdom?" nagtatakang tanong ko. Baka nagkakamali lang siya.

"Just take it, if you'll wear it, you will see the truth." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang kwintas.

"And, I am sorry for the lost of your parents. But, I think, they really deserves it," may ngiting sabi niya. Gulat ko naman siyang tiningnan. Deserve nilang mamatay?! How can she say that?!

Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto kung saan ako pumasok kanina at iniluwa ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng pormal na tuxedo. Agad namang tumayo ang babaeng kaharap ko at sinalubong ng yakap ang lalaki. Hindi ko sila kilala.

"I'm sorry, I want to stop your wedding. I don't want you to marry that man Kim but it is the rule," rinig kong sabi ng lalaki.

"It's okay darling. No matter what happen, my heart will still remain for you," sabi naman ng babae na may pangalang Kim. Siya ang nagbigay ng kwintas. Kim? Wala akong kilalang Kim.

"Let's go?" yaya ni Kim at kumawala sa pagkakayakap sa lalaki. Ilang sandali lang ay nawala na sila sa paningin ko.

Napakurap naman ako ng ilang beses. Iniwan talaga ako? Uso talaga mang-iwan?

"So, you are the only daughter of Allan, and Lizabeth Valerie." Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni—

"Elley?" gulat na tawag ko sa pangalan niya. Tinago ko agad ang kwintas sa suot kong jeans.

"I don't want to cause any trouble. Is this yours?" tanong niya at ipinakita sa akin ang malaking pulang teddy bear na napanalunan ni Damon sa amusement park. Tumango naman ako.

"Lucas told me everything. I don't want to accept gifts from you. Here, I'll return it." Lumapit siya sa akun at iniabot niya ang teddy bear. Umiling-iling naman ako.

"Sa'yo na iyan. Napanalunan iyan ng Kuya mo sa amusement park. Just keep it," may ngiting sabi ko.

"I don't like the way you smile. Okay, I'll keep this, for my brother." Niyakap niya ang teddy bear. She's a beautiful girl.

"Elley! Nandito ka lang pala! Come! Malapit nang magsimula ang kasal ng Kuya mo." Napalingon kami sa may pinto at nakatayo doon si Lucas. Naglakad naman kaagad si Elley palabas ng pinto.

Nginitian ko si Lucas pero seryoso lang ang tingin niya sa akin.

"Stay away from us Alexa, for everyone's sake." Nawala naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Bigla siyang nawala sa pinto, at naiwan akong mag-isa. Bakit parang galit yata siya? May nagawa ba ako?

★★★

Naglakad ako papunta sa venue ng kasal dahil walang Kelly na dumating. Busy siguro sa pag-aayos, at pag-aasikaso sa mga bisita. Mabuti na lang at isang daan lang ang kailangang lakarin para makapunta sa venue.

Ilang sandali lang ay narating ko rin ang venue. Nagsisimula na pala ang kasal. Nakatayo lang ako sa isang sulok at pinagmamasdan ang unang paglalakad ng groom na si Damon sa red carpet. Seryoso lang ang mukha niya, palagi naman. Sumunod na rin ang iba pa.

Makalipas ang ilang minuto, ay sumunod na ang bride. She's wearing a white wedding dress na talagang bagay sa kanya. Siya lang ang nakaputi dahil lahat ay nakaitim, pati ako, itim din ang suot kong t-shirt, at jeans.

Ano kaya ang feeling? Na marating ang altar kasama ang taong mahal mo?

Napahawak naman ako sa dibdib ko nang biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Damon, at Kim. Naalala ko lahat ng mga oras na kasama ko si Damon, ang pagsusungit, at pang-iinsulto niya sa akin. Ano ang nangyayari sa akin?

"Love is when you can't explain your feelings, and emotions to someone."

Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Lucas. Napailing-iling naman ako. Bakit naman sumagi sa isip ko ang sinabi ni Lucas? Love? Impossible!

Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong sumakit. Napaupo ako nang mas lalong sumakit ito. Pinigilan kong makagawa ng ingay dahil baka malaking kahihiyan iyon. Napakagat na lang ako ng labi dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Ayos ka lang Alexa?" rinig kong boses sa tabi ko.

Napapikit ako at pinakiramdaman ang sakit sa tiyan ko. Nawala ito bigla kaya napahinga ako ng maluwag at tumayo.

"I apologize for not picking you, I am too busy here," pagpapaumanhin ni Kelly.

"Ayos lang, pwede na ba akong umuwi?" tanong ko. Tumango naman siya at sinamahan ako papunta sa kotse kung saan kami sumakay kanina. Ako lang ang at ang driver ang sumakay dahil hindi pa babalik si Kelly sa opisina. Gabi na pero mas gugustuhin kong umuwi kaysa magtagal pa sa mundong hindi naman ako nababagay.

"Manong, huwag mo akong ihatid sa opisina o apartment. Just drive, I'll lead the way," sabi ko sa driver nang umandar na ang kotse.

May lugar akong gustong balikan. Lugar na tamang-tama lang para matuklasan ang matagal ko ng gustong matuklasan. Ano ba ang gusto kong matuklasan?

Tiningnan ko ang kwintas na ibinigay ni Kim sa akin. Sa akin ba talaga ito? Malalaman ko ang sagot kapag naisuot ko na ito.

avataravatar
Next chapter