7 Chapter 6

The Enemy?

"You don't have to deny it. Alam kong nag-enjoy ka sa amusement park," nakangiting sabi ko.

"I don't," maikling sabi ni Damon. Naglalakad kami ngayon papalayo sa amusement park. It's almost midnight already. Madilim na ang daan na nilalakaran namin.

"Talaga? Bakit hindi ka umangal? Sumasabay ka sa trip ko, at minsan, nahuhuli kitang ngumingiti. Tell me, it is your first time in amusement park?"

"Mind your own business Miss Valerie."

Huminto ako sa paglalakad habang siya ay nagpatuloy lang.

"Come on Mr. Walter. You can talk to me. I am good at keeping secrets. You shouldn't hide your emotions. Malalampasan mo rin lahat ng challenges mo sa buhay."

Huminto siya sa paglalakad, at nilingon ako. Nanatiling seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"You know nothing. Distance yourself from me Miss Valerie. I hate annoying, and stupid humans. If you keep bothering me again, I'll kill you," may pagbabantang sabi niya at bigla na lang nawala sa harap ko.

Napabuga naman ako ng hangin. As if he can kill me? I know he's is a good man kahit bad ang ipinapakita niya. Inayos ko ang pagkakayakap ko sa malaking teddy bear na napanalunan ni Damon kanina. May maliit itong bulsa kung saan nakalagay ang picture namin kanina sa photo booth. Pinilit ko siyang magpose at ngumiti kaya ang ending, naging katawa-tawa kami sa pictures. Well, not bad.

Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang humarang sa akin. Tumingin ako sa paligid, at walang ibang tao. Pinakalma ko ang sarili ko. Wala siyang konsensiya! Nagawa niya akong iwan mag-isa dito sa madilim na kalsada! Kailan ka kaya maaawa sa akin Damon?!

"So, ikaw pala ang executive assistant ni Damon Walter. I am right Miss Alexa Valerie? Sige na. Kayo na ang bahala," sabi ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay nasa nineteen years old.

Nataranta naman ako nang may ilang kaedad niya ang lumapit sa akin. Bago pa ako makasigaw ay may itinakip na sa aking panyo dahilan ng pagkawalan ko ng malay.

★★★

Iminulat ko ang mata ko, at inikot ang paningin sa paligid. Itim lahat ng nakikita ko maliban sa ilaw na nagsisilbing liwanag sa paligid. Tiningnan ko ang sarili ko na nakagapos sa isang silya, at hindi ako makawala!

Napatingin ako sa may pinto nang bumukas ito at iniluwa ang isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay ang lalaking humarang sa akin sa daan. Nakasuot siya ng itim na polo, at itim na jeans. Lahat ng suot niya ay itim. Itim din ang buhok, at mata niya. Ang balat naman niya ay maputla.

"Sino ka? Anong trip niyo? Kidnap? Ano? Wala akong pera! Nakahithit ba kayo? Ha?!" sigaw ko sa kanya. Walang takip ang bibig o mata ko.

"Look Miss. We don't need money. Saka kidnap? Ano ka, bata? Hindi naman kita papatayin, gagawin lang na pain. Bago ang lahat, I want to discuss you something," sabi niya at may pumasok na lalaking may dalang upuan. Lumapit siya sa akin, dalawang metro ang layo namin sa isa't-isa. Inilagay sa likuran niya ang upuan at umupo siya doon.

"I am Lucas Cassius, the mortal enemy of Damon Walter," pag-uumpisa niya dahilan para mapatawa ako.

"Are you serious? Mabuti pa, mag-aral ka na lang ng maigi bata. Don't try to be an enemy of Damon Walter. Kalagan mo na nga ako dito."

"What the hell? How can you call me bata when I am already ninety five years old? Mas matanda pa ako sayo!" Nabigla naman ako sa sinabi niya. Ninety five years old?!

"Okay, back to business. I am his mortal enemy in our world. Wala akong ginagawa sa kanya pero kinaiinisan niya ako ng sobra! I hate it! I hate his attitude to others!" naiinis na sabi niya.

"Sure ka na wala ka talagang ginawa?" tanong ko. Hindi ko alam pero hindi ako natatakot sa kanya. Teenager lang talaga ang tingin ko sa kanya kahit alam ko na bampira siya base sa edad daw niya.

"Well, ano ba ang mali? I just love his sister. Loving is not wrong for every creatures in the world! Hindi kasi niya naranasang magmahal dahil sa ugali niya. Hindi siya sang-ayon sa pagmamahalan namin ni Elley!"

"You're right. He is really bitter pero intindihin mo rin sana. Elley was his only family in this world kaya siguro overprotective siya masyado," pangungumbinsi ko dahilan para matigilan siya at tingnan ako ng maigi.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Inikutan niya ako ng ilang beses, at parang sinusuri ng maigi.

"You don't smell human, or even a vampire. What are you?" tanong niya. Siguro ay naghalo na ang amoy ko bilang tao, at ang amoy ng bampira sa paligid ko.

"Ano ba ang kailangan mo, at gusto mo akong gawing pain kay Damon?" pag-iiba ko.

"Nadisgrasya si Elley, matagal na. Gusto ko siyang makita pero tinago siya ni Damon sa akin. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o patay na."

"Hindi mo pa rin makukuha ang gusto mo kung gagawin mo akong pain. Wala namang pakialam sa akin iyon."

Tiningnan ko siya nang umupo ulit siya sa upuan niya.

"I have everything, money, business, family, friends, and luxuries but it's all nothing without her. She's my strength, and my life. I can't afford to lose Elley," may lungkot na sabi ni Lucas.

"I know where she is." Tumingin siya sa akin at lumiwanag ang mukha niya.

"Really?" masiglang tanong niya.

"Yes, I can bring you there pero kalagan mo muna ako. At saka nasaan ang teddy bear ko?" tanong ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang dalawang lalaki. Dala ng isa ang malaking teddy bear ko habang ang isa naman ay lumapit sa akin at tinanggal ang nakagapos sa akin.

"Ang dali mo namang magdesisyon? Hindi ka ba nag-aalala na baka takasan kita, o lokohin?" tanong ko.

"I can sense personalities in just one look. And I know, I can trust you. What about me? Do you really believe what I am saying?"

"You're sincere," maikling sabi ko.

★★★

"She is sleeping," sabi ni Lucas at taimtim na pinagmasdan ang natutulog na si Elley. Mabuti na lang at hindi namin naabutan si Damon dito sa hospital. Mukhang umuwi yata siya. Hinayaan ko lang si Lucas na pagmasdan si Elley habang inaayos ko naman ang malaking teddy sa ibaba ng kama ni Elley. Dito muna ito, ako na ang magpapaliwanag kay Damon kung bakit napunta ang teddy bear sa hospital room ng kapatid niya. Hindi rin kasi ako mahilig magsinungaling, napapaamin kaagad ako.

"Magaling na si Elley. Nagtanong ako kanina sa nurse station tungkol sa situation niya, magaling na siya. Hihintayin na lang ang pagkawala ng bisa ng itinurok nilang pampatulog. Kapag nagising na siya, pwede na siyang iuwi ni Damon," sabi ko at tumabi kay Lucas. Nanatili pa rin ang tingin niya kay Elley.

"Umeepekto rin pala ang ibang medicine ng tao sa mga bampira?" tanong ko kay Lucas. Kami lang dalawa dito sa kwarto maliban kay Elley.

"Depende iyon. Kapag mahina ang katawan ng bampira, umeepekto talaga. Nakapagtataka lang, isang simpleng banggaan lang ang nangyari pero na-comatose agad si Elley. Hindi naman ganoon kadali mapatumba ang isang bampira." May point nga naman siya. Kung ganoon, may kakaibang nangyari noon bukod sa car crash? Hindi na lang ako nagsalita pa.

Pinagmasdan ko si Lucas habang nakatingin siya kay Elley. Kitang-kita sa mukha niya ang saya nang makita ulit ang mukha ng babaeng mahal niya. Ang swerte naman.

"Ano kayang feeling nang magmahal, at mahalin?" biglang tanong ko.

"Simple lang, masaya ka na makasama, at makita siya. Hindi mo kayang wala siya sa tabi mo. You can do everything, sacrificing, facing difficulties, and doing silly things just to make her/him happy. Love is when you can't explain your feelings, and emotions to someone," mahabang sagot naman ni Lucas.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

"Totoo ba na may mortal enemy si Damon sa mundo niyo? May portal ba na daan para makapunta sa mundo niyo?" tanong ko na naman. Ang dami kong tanong pero hindi naman mahirap magtanong kung may sasagot.

"Walang portal. Parte pa rin ng mapa ng buong mundo ang lugar namin. Hindi lang nakasaad sa mapa na mga bampira ang nakatira sa lugar na iyon. At maraming mortal na kaaway si Damon. Marami ang galit sa pag-uugali, at kakayahan niya pero may iba rin na tinitingala siya."

"Kakayahan? Ability? Ano ang kakayahan niya?"

"He can manipulate anything. Makokontrol ka kung magpapakontrol ka," sagot niya dahilan para matigilan ako.

"Possible kayang may magkapareho ng ability sa mga bampira?" Umiling-iling naman siya.

"Malapit nang sumikat ang araw. Gusto mo ba na ipahatid kita sa inyo?"

"Ayos lang. Huwag kang magtagal dito Lucas. Baka maabutan ka ni Damon."

"Salamat ng marami Alexa. Salamat dahil dinala mo ako dito kahit nagpakilala akong mortal na kaaway ni Damon. Sana maibalik sayo ang kabutihang nagawa mo," sabi niya.

"Bakit mo nga ba naisip na mortal na kaaway ka ni Damon?" tanong ko.

"Well, he hates me. He want me and Elley to separate." Nginitian ko naman siya at hindi na nagsalita pa. Nagpaalam na ako, at nilisan ang Resco International Hospital.

Naglakad lang ako na wala sa sarili. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

"Manipulation," maikling sabi ni Damon. Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala.

"She can control everything except for those who don't want to be controlled," dagdag niya pa.

Bakit niya sinabi na manipulation ang ability ni Nanay Santi kung iyon pala ang ability niya? Saka sino ang nagpatango sa akin? Siya ba? Bakit? Hindi ko maintindihan.

★★★

"Ano ang problema? Bakit ka nagpatawag ng meeting?" tanong ni Sebastian.

"Oo nga, hindi ba't binigyan ka ng one week rest ni Boss?" dagdag na tanong ni Tyler.

"Where is your Boss? Kailangan ay nandito rin siya," seryosong sabi ko.

"He's not here. Next week pa ang balik niya sa trabaho," sabi naman ni Vlad.

"Tell me, may alam ba kayo kung bakit ako ang pinili ni Damon para maging executive assistant niya?" tanong ko sa kanila.

"You are the one of the best employee in Business Person Recommendation Agency, bakit Alexa? Ano ba ang meron?" naguguluhang tanong ni Sebastian.

"Did you know about the accident of his sister three years ago?" tanong ko ulit. Nagkatinginan silang tatlo, at hindi kaagad sumagot.

"May alam ba kayo? Tell me! May karapatan akong malaman dahil kasama ang mga magulang ko sa aksidenteng iyon."

"Do you really believe na aksidente lahat ng nangyari noon Alexa?" seryosong tanong ni Tyler.

"Wala kami sa lugar para sabihin sa iyo lahat. Kung gusto mong maliwanagan, tanungin mo si Damon," dagdag ni Vlad.

"Huwag mo ng alamin pa ang nangyari noon Alexa, magdudusa ka lang. Just let the things pass by. Magpahinga ka na, be back next week," kalmadong sabi ni Sebastian.

Hindi ako nagsalita, at tumayo na lang. Hindi ko aalamin ang nangyari? Paano? Kasama ang mga magulang ko sa aksidente! Hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang buong pangyayari noon.

"Sometimes, when you seek for answers, it will just lead you to your real enemy."

Lumingon ako at kitang-kita ko ang ngisi sa labi ni Vlad. Kinabahan naman ako sa ngisi niya kaya kaagad akong lumabas ng meeting room.

Sumakay ako ng elevator, at pinindot ang ground floor. Ilang sandali lang ay bumukas ito, naglakad ako papunta sa labasan ng building. Napahinto ako nang makita si Damon na kakapasok lang, at naglakad papunta sa kinaroroonan ko.

Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Ilang hakbang na lang ang pagitan namin nang biglang bumagal ang paligid. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas nitong pagtibok.

Naramdaman ko ang paglampas ng presensiya ni Damon. Nilingon ko siya na patuloy lang na naglakad papunta sa elevator. Kakaiba ang aura niya ngayon. Hindi ko alam pero hindi maganda ang aurang iyon.

"Sometimes, when you seek for answers, it will just lead you to your real enemy."

Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Vlad kanina. Ano ang ibig niyang sabihin?

avataravatar
Next chapter