6 Chapter 5

Alexa's Parents, Damon's Sister

"You can rest. I'll give you one week for that." Seryoso lang na nakatingin si Damon sa mga papeles sa mesa niya. Pinatawag niya ako sa opisina niya para kausapin pero parang ang mga papeles niya yata ang kausap niya.

"Thank you is enough Mr. Walter."

"Even if we don't do the tradition, I can still own the resort in my own ways. You can go now Miss Valerie," seryoso niyang sabi habang hindi pa rin tumitingin sa akin. Napabuntong hininga naman ako. Hanggang kailan kaya mananatiling matigas ang puso mo Damon Walter?

Parang wala lang din sa kanya ang nangyari ng gabing iyon habang ako ay pilit na kinakalimutan ang mga nangyari. Nagsisisi talaga ako pero tapos na, nangyari na ang nangyari.

"Salamat sa feedback. Aalis na ako," pagpapaalam ko. Umalis ako ng opisina niya ng wala man lang narinig ulit na kahit isang salita sa kanya.

Tahimik na nilisan ko ang DEN Company. Nang makalabas sa building ay agad na pumara ako ng taxi.

"Sa Dynasty Memorial Cemetery po Manong," sabi ko sa driver ng taxi nang makapasok ako sa kotse. Tumango naman ito.

Isinandal ko ang ulo ko sa may bintana ng taxi at ipinikit ang mata. Hindi ko alam kung paano ko naharap lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon. Sobrang hindi kapani-paniwala. Kahit pilit kong paniwalaan ay minsan pa rin akong napapaisip kung totoo ba talaga ang mga nalaman, at nasaksihan ko tungkol sa mga bampira.

Sana, lahat ng mga nangyayari ay panaginip lang. Gusto kong bumalik sa normal na buhay ko. Kapag napapaligiran ako ng mga bampira, feeling ko, anytime ay pwede nila akong patayin. Ayoko pa na mamatay dahil hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko.

"Nandito na po tayo Miss," rinig kong sabi ng taxi driver. Iminulat ko ang mga mata ko, at nagbayad. Bumaba ako ng taxi at pumasok sa loob ng Dynasty Memorial Cemetery.

Ilang hakbang lang ang nilakad ko bago narating ang puntod ng mga magulang ko.

"Allan Valerie...Lizabeth Valerie..." pagbabasa ko sa pangalan ng Mom and Dad ko na nakaukit sa magkatabing lapida.

Umupo ako at tinanggalan ng mga dahon at mahahabang damo ang puntod nila para hindi matabunan.

"Mom...Dad...hindi niyo aakalain ang mga nangyayari sa akin ngayon. How can they exist? Possible ba talaga iyon? I don't know what to do. Wala akong napagsasabihan ng nararamdaman dahil kapag nagsalita ako tungkol sa kanila sa ibang tao, papatayin nila ako. Ano kaya kung sumunod na lang ako sa inyo? I can die anytime. I want to do that pero naiisip ko palagi ang sinabi niyo noon. Hindi solusyon ang pagkitil ng sariling buhay sa problema. I missed you so much Mom...Dad..." Unti-unting tumulo ang luha ko sa mga mata. Pinahiran ko ang luha ko pero patuloy pa rin iyon sa pag-agos.

"Bakit? Bakit palagi na lang akong umiiyak?" tanong ko sa sarili. Tiningnan ko ang kalangitan na kulay asul at punong-puno ng puting ulap. Napangiti ako ng mapait, hanggang kailan kaya? Hanggang kailan ako maghihinagpis sa pagkamatay ng mga magulang ko?

"Mom? Dad? May pag-asa pa kaya akong sumaya?" tanong ko sa kalangitan.

Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng jeans na suot ko. Inayos ko agad ang sarili bago sagutin ang tawag.

"Alexa? Where are you? Did you recieved my email? Nandoon na ang informations sa investigation about sa accident ng mga magulang mo na nangyari pass three years ago. Ikaw na ang bahalang bumasa, at alamin ang ibang details doon. If you want anything, just call me. I hope you'll do your job properly as an exchange," mahabang sabi ni Miss Tolentino bago pinatag ang tawag.

Binuksan ko agad ang email inbox ko sa cellphone at bumungad nga sa akin ang infornations about sa aksidente ng mga magulang ko. Nagsimula na akong basahin ito.

A car accident was found at Solomon St. in 3:37am in the morning. It was found out that the people in the accident are Mr. and Mrs. Valerie. They are planning to visit their child but the accident happened and they didn't make it. They spotted another car near the site, the investigation pointed out that it was a car crash.

Pagkatapos kong basahin ang article tungkol sa accident ay binasa ko naman ang information tungkol sa investigation ni Miss Tolentino sa sasakyan na nakabangga sa kotse ng mga magulang ko. We had a deal, I will be an executive assistant in DEN Company kapalit ng pagtulong nila sa akin na malaman ang tunay at buong impormasyon sa nangyaring aksidente ng mga magulang ko three years ago.

"We traced the owner of the specific car, and we found out that it was a young girl who was admitted in Resco International Hospital, and she was in comatose after the accident until now," pagbabasa ko.

Binaba ko ang cellphone ko at tiningnan ang puntod ng mga magulang ko.

"Everything was really an accident. I'm sorry Mom...Dad...kung hindi ko sana kayo pinapunta sa apartment noon, hindi sana kayo maaaksidente..." Napangiti ako ng mapait at pinigilang umagos ang luha ko sa mata.

"All this time, I thought, pinatay kayo but it's all my fault." Napahilamos ako ng mukha sa mga nalaman ko. Ipinikit ko ang mga mata ko  at pinakalma ang sarili.

Nanatili pa ako ng ilang sandali bago tuluyang nilisanan ang cemetery. Mataas pa ang sikat ng araw. Kaya ko pa na bumiyahe papunta sa Resco International Hospital.

★★★

"Miss? Saan dito ang room 483?" tanong ko sa isang nurse nang makapasok ako sa Resco International Hospital.

"Are you a relative of her?" pabalik na tanong nito. Tumango naman ako dahil alam kong hindi ako papasukin kung sasabihin kong hindi.

"Fifth floor on the left side Ma'am." Tumango lang ako at kaagad na tinungo ang elevator.

Sinunod ko ang sinabi ng nurse at ilang sandali lang ay narating ko rin ang room 483. Ito ang room number na ibinigay ni Miss Tolentino kung saan naka-confine ang babaeng kasama sa aksidente ng mga magulang ko.

Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahan itong binuksan. Tuluyan akong pumasok sa loob ng kwarto. Medyo madilim sa loob pero may nakita akong bukas na lampshade...katabi ng isang hospital bed kung saan may babaeng nakahiga.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naaninag ko ang nakakaganda nitong mukha. She looks young, and pale. I think she was eighteen years old. Napabuntong hininga naman ako, at umupo sa may silya na katabi ng kama.

Sinuri ko siya ng maigi hanggang sa napahinto ang tingin ko sa pangalang nakaukit sa itaas ng kama niya.

"Elley Walter..." pagbasa ko. Napatakip ako ng bibig, at biglang kinabahan.

Inikot ko ang paningin ko hanggang sa matigilan ako nang makita ang isang photo frame na nakatumba malapit sa lampshade.

Kinuha ko iyon at tiningnan. Nagulat ako at napatingin sa babaeng nakahiga sa kama.

"You are Damon's sister?" hindi makapaniwalang tanong ko. His parents died, and now, his sister is lying here.

Dahan-dahan kong ibinalik ang photo frame. Tiningnan ko si Elley na parang natutulog lang. I smiled bitterly. He was in so much pain right now. He have his reasons to be cold, and rude. Now I understand him.

Hinawakan ko ang kamay ni Elley.

"Wake up Elley. Your brother needs you right now. I hope, you will recover soon."

Pinagmasdan ko ng maigi ang kapatid ni Damon. Magkamukha sila, at kung hindi ako nagkakamali ay bampira rin ito kaya maputla. Ramdan ko rin ang malamig nitong kamay na hawak-hawak ko.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at tumalikod na para umalis. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ay napahinto agad ako nang marinig ang boses nito.

"Kuya..." mahina pero rinig kong sabi niya. Nilingon ko siya at nakita ko ang unti-unting pagmulat ng mata niya.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at agad na tumawag ng doktor dahil gising na si Elley. Pinuntahan naman ng doktor, at dalawang nurses ang kwarto ni Elley kaya nakahinga ako ng maluwag. I hope, she's fine.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground floor. Nang bumukas ang elevator ay nagsimula na akong maglakad patungo sa labasan ng hospital.

Ilang sandali lang ay napahinto ako nang makita si Damon na papasok ng hospital. Kaagad na nagtungo ako sa may gilid kung saan hindi niya ako makikita. Yumuko rin ako ng kaunti para itago ang mukha ko.

Nakita ko siyang mabilis na tumakbo papunta sa elevator. Magkahalong kaba, lungkot, at hindi mapakali ang nasa mukha niya nang makapasok siya sa elevator.

Pagsara ng elevator ay mabilis akong naglakad palabas ng hospital. Madilim na kalangitan, at malamig na hangin agad ang bumungad sa akin. Naglakad lang ako sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. At hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.

Akala ko, ako lang ang nawalan. May mas nawalan pa pala sa akin, and that's Damon. I hope, he can survive in that pain.

Napahinto ako sa paglalakad. Bakit ko iniisip si Damon? Bakit ako naaawa sa kanya kung hindi naman siya naawa sa akin noong gabing iyon? Tumango-tango ako. Tama, hindi siya dapat isipin at mas lalong hindi siya kaawaan.

Pero bakit parang may koneksiyon lahat ng nangyayari? Napailing-iling naman ako. Syempre may koneksiyon, kasali ang kapatid niya sa aksidente ng mga magulang ko noon.

Napahinto ako sa paglalakad dahil may naaninag akong isang pamilyar na naglalakad palapit sa akin. Imbis na matakot ay lungkot ang naramdaman ko nang makita ang walang ekspresiyon niyang mukha.

"What are you doing here?" seryosong tanong niya dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.

"A-ano..." Nataranta naman ako dahil hindi ko pwedeng sabihin na pinuntahan ko ang kapatid niya. Baka kung ano ang gawin niya sa akin lalo na't wala akong permiso mula sa kanya na dalawin ang kapatid niya.

"Doon! Doon ang punta ko. Gusto mong sumama?" Tiningnan niya ang itinuro kong lugar...amusement park.

"Libre ko, dali na!" Hinila ko siya. Mabuti na lang at nagpahila rin siya.

Habang bumibili ako ng ticket ay ramdam ko ang matalas na tingin ni Damon. Tiningnan ko naman siya.

"Let's enjoy this nigth. Itabi mo muna ang matigas mong puso, at ang pagiging CEO mo. Just this night Damon..." makahulugang sabi ko. Tiningnan lang niya ako, at parang galit talaga siya sa mundo. Hinila ko na lang siya papasok ng amusement park at ako na ang namili ng rides na sasakyan namin.

★★★

"Bakit ba palagi ka na lang galit sa mundo? Oh eto, gusto ko tamaan mo iyon para malaking teddy bear ang price." Ibinigay ko sa kanya ang isang laruang baril, at itinuro ang target niya.

"Why would I?" Tumalikod siya at naglakad pero hinarangan ko siya.

"Sige na! Gusto kong magkaroon ng malaking teddy bear!"

"Then buy, I'll give you money."

"Ayokong bumili! Teddy bear na price sa amusement park ang gusto ko," pamimilit ko.

"Do it by yourself. Don't bother me," seryosong sabi niya.

"Ngayon lang naman ito. Sige na! Pretty please?" Nagpacute ako sa harap niya.

"Yes!" masayang sabi ko nang agawin niya sa akin ang laruang baril at bumalik.

"Kaya mo iyan! Go Damon!" pagche-cheer ko. Agad na itinikom ko ang bibig ko nang tingnan niya ako ng masama.

Ipinutok niya ang baril at tinamaan kaagad ang target. Napatalon naman ako sa tuwa nang iabot sa akin ang malaking pulang teddy bear. Niyakap ko agad iyon.

"I'm going home," cold na sabi ni Damon at umalis pero hinarangan ko ulit siya.

"Last na lang talaga promise!" sabi ko at hinila siya sa isang photo booth. Pumasok agad kami sa loob at itinabi ko muna ang teddy bear. Walang tao kaya saktong-sakto. Humarap ako sa camera habang si Damon ay nakatayo lang sa may pinto.

"Halika na! Mabilis lang ito." Hinila ko siya sa pinatabi sa akin. Inayos ko ang camera at tinanggalan ng flash. Nagpose ako habang si Damon ay seryoso lang ang mukha.

Napangiti naman ako ng lihim. Atleast, hindi siya umangal sa mga pinaggagawa namin. Alam kaya niya? Alam kaya niyang kasama ang mga magulang ko sa aksidente ng kapatid niya noon? Kaya ba pinagbibigyan niya ako ngayon?

I think, everything about my parents, and Damon's sister are not yet clear.

avataravatar
Next chapter