4 Chapter 3

Is he really a Vampire?

It's been three months since nakapasok ako dito sa DEN Company. Well, I managed to get rid of the employees here. Kinalimutan kong isa silang bampira, they respect me so I must do the same. Mababait sila, at nagagawa ko na rin naman ng maayos ang trabaho ko.

Almost three months na rin simula noong makita ko ang Boss namin. Ako ang nag-aasikaso ng mga kailangan niyang asikasuhin. I am very proud na successful ang halloween toys namin last year. Yes, last year na iyon. It's already January 2020, another year for me!

"Mag-ingat po kayo sa pag-uwi Miss Valerie," sabi ng guard nang makalabas ako. Ngumiti naman ako. They are really kind, except sa board of directors na minsan seryoso sa meeting, at trabaho.

Inayos ko ang sarili ko at nagsimula nang maglakad sa madilim na daan. May mg dumadaan namang sasakyan dito pero mas madaling makahanap ng taxi sa unahan. Kailangan ko pa na maglakad, ayos lang naman, nasanay na rin ako.

Hindi ako maarteng tao dahil kahit pinalaki akong may kaya sa buhay, hindi ako spoiled na anak ng mga magulang ko. Sayang nga lang, kinuha kaagad sila ni Lord. Almost ten years na rin.

Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng malakas na busina ng kotse. May nakita akong isang batang babae na umiiyak, nasa gitna siya ng kalsada. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang paparating na itim na kotse sa bata.

Tumakbo ako pero napahinto rin nang may makita akong lalaki na niyakap ang bata. Nabangga sila ng kotse, makikita talagang malakas ang pagkakabangga dahil tumilapon sila. Kaagad naman akong tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki, at ng batang babae na nabangga.

Lumakas ang tibok ng puso ko, at nataranta ako nang makilala kung sino ang lalaking nakayakap sa batang babae na wala ng malay.

"Get him out of here," utos niya. Nilingon ko ang kotse, at may lumabas na lalaki doon. Nilapitan ko naman siya.

"Ayos lang sila. Ako na ang bahala. You can go now," sabi ko.

"Seriously? But they are--"

"Ayaw mo namang makulong hindi ba? Just go. Ako na ang bahala sa kanila," pananakot ko. Mukhang natakot naman dahil agad itong pumasok sa kotse niya, at pinaharurot iyon.

Binalikan ko ang pwesto ni Damon, oo, siya nga ang lalaking nagligtas sa bata.

"Grab a taxi, we will go to the nearest hospital," maawtoridad na sabi niya. Tumakbo naman agad ako at humanap ng taxi. Hindi naman nagtagal ay may nagpasakay din sa amin.

Nang makarating sa hospital ay kaagad na inasikaso ng nurses ang bata. Tiningnan ko si Damon, at nagulat nang may makitang dugo na umaagos mula sa ulo niya, at may galos rin siya sa kamay.

"Are you okay? You're bleeding!" natatarantang sabi ko. Tiningnan niya lang ako ng seryoso.

"Why are you asking when you know that I'll be fine?"

"What?"

"Take care of her. I'll go now." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay naglakad na siya papalayo sa akin, palabas ng hospital.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalabas siya ng hospital. Ilang sandali lang ay napatakip ako ng kamay sa bibig. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko, at tinuro ang pinto kung saan siya lumabas.

"B-bampira..." bulong ko.

Napabalik ako sa reyalidad nang biglang tumunog ang cellphone ko sa dala-dala kong bag.

"Alexa? Kamusta na? Napatawag ako dahil kailangan namin ang feedback ng Boss mo about sa iyo. Hindi pa siya nagbibigay, alam naman niyang after three dapat naming makuha iyon for our company. It is very important, can you ask it from him?" bungad sa akin ni Sabrina.

"Three months na hindi ko siya nakita o nakausap but ngayon, I'll try my best to convince him dahil mukhang babalik na siya sa kompanya."

"Thank you! I'll send you some informations related the feedback. Bye!" Binalik ko ang cellphone sa bag ko.

"Miss? Ikaw ba ang nagdala ng batang babae kanina?" Napalingon ako sa babaeng doctor na tumawag sa akin.

"Yes, kamusta po siya?"

"She's fine now. Nawalan lang siya ng malay dahil sa gulat, ano ba ang nangyari?"

"Mahirap po ipaliwanag. Kindly take good care of her. May pupuntahan muna ako."

Tumango ang doktor, at umalis na ako sa hospital. Pupunta ako sa malapit na police station para matulungang ang bata na mahanap ang guardians niya.

★★★

"We have prepared everything. May two weeks kayo to check the resort before we buy it. It is a good resort, at tamang-tama lang sa bagong itatayo na Toy Resort na connected sa company natin," sabi ni Vlad at may ipinakitang mga pictures ng lugar. Nandito kami ngayon sa meeting room, nag-uusap tungkol sa bagong itatayo nilang negosyo which is related pa din sa DEN Company.

"Maganda ang sorroundings ng resort, lalo na kapag gabi," dagdag ni Tyler.

Tiningnan ko naman si Damon na seryosong nakikinig lang sa presentation ng tatlo.

"That's all for now. Aalis muna kami dahil may kailangan pa kaming gawin," pagpapaalam ni Sebastian. Umalis na sila kaya tumayo na ako para umalis na din.

"How was the kid?" Napahinto ako nang magtanong si Damon.

"She's fine. Nahanap na rin ang guardians niya. Thanks to you, she's now completely fine," sagot ko naman.

"By the way, I need your feedback on my job. Kailangan iyon ng kompanyang pinanggalingan ko," dagdag ko pa.

"I'll give it whenever I want to. You can go now," utos niya. Napabuntong hininga naman ako at umalis na lang sa meeting room. Ayoko sa lahat ang makipagtalo, mas mabuti pa na magtimpi na lang kaysa makipagtalo na maaaring humantong pa sa gulo. Saka, kailangan kong magtimpi hanggang sa matapos ang kontrata ko sa kompanyang ito.

"Miss Valerie? Can you double check the things in the car kung ayos na ba lahat? It's for the both of you, and for Boss," sabi ni Kelly nang harangan ako sa daan. Tumango lang ako, at sumunod sa kanya.

Magkasama kami ni Damon na susuri sa resort. Marami raw ang mga gagawin doon kaya kailangan kong sumama para mapadali ang mga gagawin.

Nang marating kung nasaan ang kotse ay nagsimula na akong magtingin-tingin sa mga gamit na dadalhin. Si Kelly naman ay nagsasalita rin kung saan o paano gagamitin ang mga gamit.

"And lastly, a little supply of blood kapag nauhaw si Boss. Remember Miss Valerie, you must both convince the people in that resort na mababait kayo inorder them to accept our Boss as the new owner of that resort." Hindi naman ako umimik.

Malaki ang resort, at may maliit na village doon kung saan may mga nakatira. Kailangan naming makuha ang loob nila para kapag bibilhin ang resort ay walang magagalit na sino man. Kailangang magpakilala si Damon as new owner at dahil mukhang allergy yata siya sa mga tao, tutulungan ko siya. Siguro, kapag nabili niya ang resort, at nakuha ang loob ng mga nandoon ay ibibigay na niya ang feedback niya sa akin.

"Pangako, makukuha niya ang loob ng mga tao doon. Basta Miss Kelly, you will convince him for the feedback. It's our deal," confident na sabi ko. Tumango naman siya.

Ilang sandali lang ay nakita ko ang parating na si Damon.

"Let's go." Napakunot naman ang noo ko. Pumasok siya sa passenger's seat.

"Take care," paalala ni Kelly at kinuha ang kamay ko saka nilagay doon ang susi ng kotse. Agad-agad?

Nakatuon lang ang atensiyon ko sa pagmamaneho. Tiningnan ko ang katabi ko na nakapikit ang mata. Feel na feel niya talaga na ako ang nagmamaneho no?

"Ready yourself, that resort are not for humans. It's a resort with full of vampires," biglang sabi niya habang nakapikit pa rin.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at kaagad na hininto ang kotse. Tiningnan ko ng hindi makapaniwala si Damon.

"Are serious?! Bakit hindi mo sinabi sa akin sa meeting kanina?!" pasigaw na sabi ko dahilan para magmulat siya ng mata at tiningnan ako.

Akala ko ay magsasalita siya pero akala lang pala. Pinikit niya ulit ang mga mata niya.

"Drive," utos niya. Naiinis na pinaandar ko naman ang kotse. Binilisan ko talaga ang pagmamaneho pero parang wala lang naman kay Damon. Napamura naman ako sa isip ko.

"Park somewhere, I need to drink blood."

Inihinto ko ang kotse sa kung saan at nakatingin lang ako sa harap.

"Tell me, do you drink human's blood? Afraid of sunlight? Have some abilities? Do really Vampires exist?" sunod-sunod na tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.

"Are you going to get blood or I'll drink yours?" Kumilos namana agad ako. Tinanggal ko ang seatbelt at tinungo ang backseat para kunin ang stock ng dugo ng hayop.

Bumalik ako sa driver's seat nang maiabot ko na sa kanya ang kailangan niya. Hindi ako tumingin sa kanya.

"Vampires drinks blood of humans, and animals. Vampires who drinks human blood will be killed, it's our rule. We don't afraid of sunlights, or lights but we prefer darkness. We do have abilities, different abilities. And yes, vampires do exists, and DEN Company is the proof. Satisfied?"

Hindi naman ako umimik at pinaandar na lang ang kotse. Nanatili kaming tahimik hanggang sa marating namin ang resort. Inihinto ko ang kotse at nakita kong lalabas sana si Damon kaso napahinto siya nang hinila ko ng mahina ang tuxedo niya.

"Vampires are unbelievable creatures. I know that they really exist but I still can't believe it. Can I trust you to protect me if ever? I know that I am out of the line, and I am so overreacting but can you protect me right? As your executive assistant?" may kabang sabi ko.

Tiningnan lang niya ako at ilang sandali lang ay kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa tuxedo niya at kaagad na lumabas ng kotse. Napakagat naman ako ng labi, ano ba nga ba ang aasahan ko sa isang cold hearted Boss na bampira? Napabuntong hininga na lang ako.

Lumabas ako sa kotse at bumungad kaagad sa akin ang parking lot ng resort. Nakita ko si Damon sa may 'di kalayuan na may kausap na matandang babae. Naglakad naman ako papunta sa kinaroroonan nila.

"I am Santi, the leader of all the Vampires here. We are glad at bampira ang magmamay-ari ng resort na ito. Ihahatid ko na kayo sa tutuluyan niyo, kami na ang bahala sa mga gamit niyo," magalang na sabi ng matandang babae. Tumango lang si Damon at sumunod nang maglakad ito. Sumunod din ako sa kanila.

Naglakad lang kami hanggang sa marating namin ang isang maliit na bahay na gawa sa matibay na kahoy, at bato. Simple but yet elegant.

"Magkita na lang tayo mamaya Mr. Walter, and bring your wife," sabi niya at tumingin sa akin. Napakurap naman ako ng ilang beses. W-wife?!

"I will." Hinila naman ako ni Damon papalapit sa kanya. Ngumiti lang si Nanay Santi at umalis na.

Tinulak naman ako ng mahina ni Damon dahilan para mapalayo ako sa kanya kaya tiningnan ko siya ng masama. Magsasalita na sana ako kaso tinalikuran niya ako at pumasok na sa maliit na bahay. Napairap na lang ako at sumunod na rin.

"Why did you introduced me as your wife?" tanong ko kay Damon nang umupo siya sa couch. Maliit na sala kaagad ang bumungad sa amin nang makapasok kami sa loob.

"Did I? When?"

"Come on Mr. Damon Walter! Kausapin mo naman ako ng matino. How can I do my job properly kung naguguluhan pa ako sa mga nangyayari? I can't lose my job for dahil madadamay ang kompanyang pinanggalingan ko."

"I can take care of your company, just take care mine too. I will do everything to own this resort, you should not worry," kalmadong sabi niya.

Bumuntong hininga naman ako, "So, you will protect me at any cost because I can make you own this resort?"

"Dream on. I didn't say that I'll protect you. I can own this resort in my own ways. Do your job for now Ms. Valerie."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. How could you Damon? Wala ka ba talagang awa sa akin?

Napapikit naman ako nang maalala ang pagbabanta niya sa akin noong una kaming nagkita sa office niya.

"Don't you ever talk about what happened today or else...I'll kill you."

avataravatar
Next chapter