3 Chapter 2

Secrets

"We are planning to create a toys for this coming Halloween which is two weeks from now. We have a lists of designs, you will just choose some of it para magawa ng factory. We planned to create as many as we can to encrease the income of the Company," pagpapaliwanag ni Tyler.

Nandito kami sa meeting room, at tanging projector lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Kailangang masanay ako. That is one of the thing na gagawin ko, not just base on the contract but for the sake of myself. Baka isipin nila na I am not that professional dahil nagpapadala ako sa mga bagay-bagay, ngayon lang ito nangyari.

"What if you couldn't sell everything, or nobody will buy on that toys?" rinig kong tanong pamilyar na boses, ang Boss ng kompanya. Hindi ko siya maaninag, tanging si Tyler lang ang nakikita ko na nasa harap ng projector.

"Well, you are the one who will choose the designs kaya paniguradong may bibili," proud na sabi ni Tyler.

"Paano nga kung hindi lahat mabenta?"

"Tama si Vlad, may possibility nga na mangyari iyon."

"Any opinion Miss Valerie? I think, you are good in this," rinig kong tanong ni Boss.

"We can donate the toys kapag hindi nabili, charities are everywhere, hindi lang tayo makakatulong sa mga bata, taas din ang image ng kompanya. We can also create different toys na pwedeng hanapan ng model like celebrities. We can make them as a model to our toys, ofcourse, it is holloween so there must be a different twist designs in different toys. Their fans would be glad in that," mahabang sabi ko.

"Good. This meeting is over. Make the Executive Assistant choose the models, and designs. Dismiss."

Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng pagsara ng pinto. Pinatay ni Tyler ang projector, at biglang umilaw ang loob ng meeting room kaya kitang-kita ko na ang kabuuan nito.

"Kahit kailan talaga," sabi ni Tyler at umupo.

"Miss Valerie, na send ko na ang background ng DEN Company. You can open it on your office. Ipapadala ko na rin ang possible lists ng models, and toy designs," sabi ni Tyler.

"Okay, I'll go," maikling sabi ko at tumayo na. Nang makarating ko sa pinto ay napahinto ako nang magsalita si Tyler.

"We hope na kung ano man ang malaman mo ay mananatili ito dito sa kompanya Miss Valerie."

Binuksan ko ang pinto at tuluyan nang lumabas ng meeting room. Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot ko ang 15th floor kung na saan ang office ko.

★★★

Napakagat ako ng labi habang binubuksan ang file na galing kay Tyler. Bumukas ito at bumungad sa akin ang mga salitang sasagot sa mga tanong tungkol sa kompanya.

"The history of the DEN Company..." bulong ko. Inayos ko ang pag-kakaupo ko at tinuloy ang pagbabasa.

DEN Company was created on 1879. A smart kid who has a talent on creating a toy has created a company, and become a CEO of his own. The CEO was Mr. Damon Walter. His parents are died since his sister born. He witnessed their death. On February 1890, the DEN Company almost gone when the CEO's sister died in an accident. Years later, the CEO managed to rise up again, and start his success again. After so many years, he was now living successfully and still, the Boss of the DEN Company.

Napakurap ako ng ilang beses, at binasa ang mga iba't-ibang profiles ng mga employees ng kompanya. Ang iba ay hindi ko na binasa pa dahil kinakabahan na ako sa mga nababasa ko. Ilang sandali lang ay nakita ko ang profiles ng mga board of directors.

Sebastian Criso, date of birth, January 1850

Tyler Crismon, date of birth, April 1850

Vlad Crisler, date of birth, October 1851

Napatakip ako ng bibig ko. Binasa ko ang mga details na nakalagay sa profiles nila. Hindi ako makapaniwala! Nang matapos kong basahin ang details nila ay bumungad naman sa akin ang profile ni Damon.

"Damon Walter, date of birth, March 1850. The Boss of DEN Company, and the current highest rank in the Realm of Vampire," pagbasa ko.

Muntik pa akong mahulog sa upuan ko nang mabasa ang huling mga salita na nasa file.

'Yes we exist. You are the only human who knows about our existence. Don't you ever expose our identity or else, you will be killed. Just do your job properly, and think that you haven't read the history of the company. Let this information stay in the company.'

Pinatay ko ang computer, at kaagad na tumayo. Lumabas ako ng office, at tinungo ang elevator. Kailangan kong makausap ang mismong Boss namin.

Ilang sandali lang ay nakarating din ako sa CEO's Private Office. Kumatok ako ng ilang ulit. Nanginginig ang mga kamay ko, at napapalunok ako sa bawat katok ko sa pinto. Kinakabahan ako pero kailangan kong makaharap ngayon ang Boss ng DEN Company.

Lumipas ang ilang minuto at bumukas din ang pinto.

"May kailangan po ba kayo Miss Valerie?" Isang matipunong lalaki ang bumungad sa akin. Hindi pamilyar ang mukha niya at ngayon ko lang yata siya nakita dito sa kompanya.

"Nandiyan ba si Mr. Walter? I need to talk to him as soon as possible---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang isara niya ang pinto. Nagulat naman ako.

"Pumasok daw po kayo," sabi niya nang buksan ulit ang pinto. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na sa loob.

Nang makahakbang ako ng ilang beses papasok ay napahinto ako nang wala akong maaninag kundi kadiliman. Nakarinig ako nang pagsara ng pinto kaya napalingon ako sa may pintuan. Lumabas ang lalaki kanina, at nang makalabas ay isinara niya ang pinto.

"What are you doing here?" Bigla namang tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ang pamilyar na boses sa kadiliman. Kahit kinakabahan ay pilit na pinakalma ko ang sarili ko.

"What's the meaning of this? Are you fooling me around? I need the right background of the company!" seryosong sabi ko.

Napapikit ako ng mata nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Ilang sandali lang ay unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tiningnan ang buong paligid.

Itim, at puti ang pintura ng opisina. May mga antique na gamit, at painting sa paligid. Napahinto ako nang mapunta ang tingin ko sa lalaking Boss ko dito sa kompanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"I have no time for discussing it to you Miss Valerie. You already read the background of the company, and me, the secret was also revealed. You should do your job, instead of following your nonsense curiosity."

Naikuyom ko naman ang kamao ko. Ano ba ang mali sa ginagawa ko? Gusto ko lang naman malaman ang totoo, hindi makatotohanan ang nasa file na background ng Company!

Magsasalita na sana ako nang may maramdaman akong mga kamay sa may leeg ko. Napahawak ako sa kamay na sumasakal sa akin. Hindi ako makahinga!

"Mind your own business if you want to live long. I'll be watching you. One wrong move, and you will be killed Miss Valerie." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binitawan niya ako.

Hinabol ko ang hininga ko dahil sa higpit ng pagkakasakal niya.

"Back to work!"

Kaagad na napatayo ako, at napatakbo palalabas ng opisina niya. Dali-dali kong tinungo ang elevator, at sumakay doon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa, at tinawagan si Kelly. Ilang ring pa bago niya sinagot.

"Yes? May I help you Miss Valerie?" bungad na tanong niya.

"I need to talk to you," sagot ko.

★★★

"I don't want to work here anymore! This Company is not usual. Please, just get another Executive Assistant," pagmamakaawa ko kay Kelly.

"I'm sorry Miss Valerie, nakapirma ka na ng kontrata. You have to work for us until the contract ends. If you insist to distancen in this Company, you have to be killed, that is our rule as a vampire."

Tiningnan ko naman siya ng maigi. Hindi ko nakita, at nabasa ang profile niya kanina dahil hindi ko binasa lahat.

"Tell me, are you really one of them? How old are you? Paano kayo nakatagal sa mundong ito? May mundo rin naman ang bampira hindi ba?" sunod-sunod na tanong ko.

"Yes, I am a vampire. This world is also our world. And, I am one hundred fifthy years old." Napaatras naman ako sa mga sinabi niya.

"Don't worry, we won't bite you. Bawal sa amin ang dugo ng tao. But, it doesn't mean that you are free from death. Death will always chase you as long as you are in this company. Just do your job properly. Don't disappoint the Boss. Let the information about us, and the company stays inside the company. We trust you Miss Valerie. Do your job properly. I will go now," mahabang sabi niya. Hindi ako nakapagsalita, at tiningnan na lang siya na naglalakad papalabas ng opisina ko dito sa DEN Company.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Sabrina.

"Sab...Please, tulungan mo ako," pagmamakaawa ko.

"Bakit? Anong problema? May nangyari ba?" rinig kong sunod-sunod na tanong niya sa kabilang linya. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sebastian. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya agad na pinatay ko ang tawag, at ibinaba ang cellphone.

"Kung gusto mo ng mamatay, wala kaming pakialam. Pero sana, marunong kang magmalasakit, at rumespeto sa kung ano kami dito sa DEN Company. We are not hurting anyone as long as they didn't hurt us. Kapag sinabi mo sa iba kung ano kami, possibleng paniwalaan ka ng iba at possible ring hindi. Maapektuhan ang kompanya, alam mo iyan, lalo na ang mga empleyado sa loob nito." Hindi ako umimik sa mga sinabi niya.

Hindi ko alam pero imbis na matakot ay mas nanaig ang lungkot, at awa ko sa kanila ngayon.

"Hindi na mahalaga kung saan nagmula ang lahi namin pero sana kahit respeto lang sa isa't-isa Miss Valerie," dagdag niya pa. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili.

"I'm sorry, nagulat lang talaga ako. I just can't believe that fairy tales do exist. Sino ba namang tao ang hindi matatakot hindi ba? I'm really sorry. Just give me sometime to absorb everything," mahinang sabi ko.

"We understand, I hope, it will not affect your performance for handling this company. By the way, this are the designs of the toys, and the models. Ikaw ang pinapipili ng designs, and models ng mga toys, kaya mo naman iyon hindi ba?" Tumango ako at kaagad na kinuha ang papers na hawak niya.

Itinuon ko ang tingin ko sa computer, at ilang sandali lang ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Napabuntong hininga ako. Hinilot ko ang noo ko dahil mukhang sumasakit ito dahil sa dami na nang nalaman ko.

Hindi ko alam kung kailangan ko ba na maniwala o magkukunwari na lang na walang alam.

Napatingin ako sa cellphone ko na hawak ko pa nang tumunog iyon. Tumatawag si Sabrina.

"Wala bang paraan para malipat ako sa ibang kompanya?" bungad ko sa kabilang linya.

"Napirmahan mo na ba ang kontrata? You know that we have a rule na kapag nakapirma na ay wala ng atrasan pa. Let the contract ends Alexa. Kapag nalampasan mo ang trabaho mo ngayon, hindi lang para sa iyo ito, para na rin sa kompanya natin. We are so lucky dahil sa atin kumuha ng Executive Assistant ang famous international company na pinagtatrabahuan mo. Just do your job properly. Hindi naman matagal ang isang taon hindi ba?" Napakagat ako ng labi, at napapikit. I have no choice, this is also for the sake of our company.

"Kapag umatras ka ngayon, hindi lang ikaw ang masisira. Kayang hilain pababa ng Boss mo ang kompanya natin. He is powerful, so please...just let the time pass by, and do your job properly," may pagmamakaawa sa boses niyang sabi mula sa kabilang linya.

Tumango ako, "Okay, I will." I can do this.

Ilang sandali lang ay pinatay ko na ang tawag at inayos ang sarili. Itinuon ko ang atensiyon ko sa mga papel na dinala ni Sebastian. Okay, I'll just pretend na walang nangyari kanina, at wala akong nalaman about sa company, at kay Boss.

Everything will be okay as long as I will do my job properly.

avataravatar
Next chapter