2 Chapter 1

New Company, New Boss

"You will be assigned in a Toy Company. Our company trust you kaya your position there will be executive assistant. Remember Alexa, famous Company ang papasukin mo, they expect more than you think to us. Kapag may kalokohan ka na nagawa, hindi kami magdadalawang isip na tanggalin ka sa Company at hindi ka na rin makakapagtrabaho pa sa mga malalaking kompanya," mahabang sabi ng Head namin na nag-aasikaso ng mga job papers, and opportunities namin. We owe her a lot.

"Yes Miss Tolentino. Kailan ba ako magsisimula?"

"Today, so pack your things. I'll send you through email the informations that you needed. I'll go now." Umalis siya at naiwan akong mag-isa sa meeting room ng kompanya.

This company, BPRA (Business Person Recommendation Agency) is for those expert in businesses. Kapag nag-apply ka, they'll fix everything para makahanap ka ng trabaho sa mga companies. And those companies will pay to the company, and to you for the services.

Napatingin ako sa pinto ng meeting room nang bumukas iyon. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Sabrina. Isa siya sa mga naging close ko dito sa kompanya. Isa siya sa mga nag-aasikaso sa mga papeles namin kapag may kompanyang kumukuha sa amin.

"Good luck sa next job mo. Balita ko, this job can be your last kapag may ginawa ka na hindi maganda," bungad niya.

"Huwag kang mang-asar. Kahit mawalan ako ng trabaho, wala naman akong pakialam. I have nothing at all."

"You have yourself."

"Cut it. So what is the company's background?" tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko, at nagsimulang buklatin ang dala niyang brown envelope.

"DEN Company, a famous international toy company. The have been creating different toys worldwide. Mostly sa mga toys nila ay good for holloween. And the other informations ay malalam mo kay Miss Tolentino, at sa pagpasok mo sa kompanya mamaya."

"Seriously? You are good at getting informations Sabrina tapos iyon lang ang background na nakuha mo? How about their taxes, funds, history, employees, and the Boss?"

"It's for you to find it. Sobrang private ng DEN Company kaya iyon lang talaga ang informations na maibibigay ko Alexa."

"Sige, ayos lang. I'll pack my things. Ang contract nga pala?" tanong ko ulit.

"Pagdating mo sa kompanya, pag-uusapan niyo ng magiging Boss mo ang about sa contract." Tumango naman ako.

Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako para maghanda. May driver na maghahatid sa akin deretso sa bago kong papasukan. Maganda ang naging record ko sa past companies na napasukan ko, I hope, this time, ganoon pa rin. Executive Assistant is not hard for me as long as cooperative ang mga employees at nagkakasundo kami ng magiging Boss ko. Wish me luck.

★★★

"Salamat sa paghatid Manong," pasalamat ko sa driver na naghatid sa akin. Lumabas ako ng sasakyan habang dala-dala ang isang maleta ko na naglalaman ng mga gamit ko sa opisina, at mahahalagang papeles.

"Good morning Ma'am, may I know if may appointment ka sa DEN Company?" bungad na tanong sa akin ng guard.

Malaki, at mataas ang building ng kompanya. Hindi na rin ako magtataka kung magara, at sosyal ang loob nito.

"I don't exactly know. I am just here for my job as a new Executive Assistant. Ngayon na kasi ang umpisa ng trabaho ko."

"Ganoon po ba? Welcome po sa DEN Company! Just a wait a few minutes Ma'am dahil parating na ang sasama sa iyo around the office," magalang niyang sabi. Ngumiti ako ng tipid at tumango.

Ilang sandali lang ay pinapasok niya ako at may sumalubong na isang babae sa akin na may suot na blue dress. She seems professional base sa formal aura niya.

"Good morning Ma'am, I am Kelly, the secretary of the Company. I will assist you today to disscus about the Company. But before that, I will take you first to the meeting room for your contract. Iwanan niyo na po ang gamit niyo. The guard will take care for that. Kindly follow me."

Nauna siyang naglakad, at sumunod naman ako. Habang naglalakad ay inikot ko naman ang tingin ko sa paligid.

Expensive furnitures are everywhere! Mula sa kinatatayuan ko ay may natatanaw akong mini-restaurant. I think it is exclusive only for the employees, and visitors of the Company. And I think, expensive rin ang mga pagkain na inihahanda doon.

Pumasok kami sa elevator. Dalawa lang kami, at nakita ko ang pagpindot ni Kelly sa 19th floor.

"How many floors this Company have?" tanong ko.

"20 floors Ma'am. The 20th floor is the floor where the office of the CEO is located. May rooftop rin na may mini-bar, at swimming pool sa itaas ng 20th floor exclusive only for the Boss which is the CEO," sagot naman niya.

"How about the others floors?"

"We have the different offices from 5th floor to 18th floor. The ground floor is the cafeteria, first floor to fourth floor is our factory, where we the making of toys occur."

Tumango ako. "How many employees are here?"

"Five hundred, including you, the Boss, and the Board of Directors." Bumukas ang elevator at lumabas siya, sumunod naman ako.

May naaninag akong malaking pinto sa may 'di kalayuan. Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng magarang pinto na kung hindi ako nagkakamali ay gawa sa metal.

"I will wait here Ma'am."

Pumasok ako sa loob at bumungad kaagad sa akin ang madilim na paligid. Hindi naman ako kumilos dahil wala akong makita. Meeting room ba talaga 'to?

Napapikit naman ako nang may ilaw na bumukas deretso sa akin. Sa sobrang liwanag nito ay hindi ko masyadong mabuksan ng maayos ang mga mata ko.

"We are happy to meet you Miss Alexa Valerie. I am Sebastian, this is Vlad, and Tyler, we are the board of directors," rinig kong sabi ng isang boses.

"Paano ko naman kayo makikilala kung nakatutok sa akin ang ilaw?" tanong ko.

Ilang sandali lang ay nawala ang ilaw, at bumungad sa akin ang tatlong lalaki na nakaupo sa may upuan sa harap ko habang may malaking pabilog na mesa naman sa harap nila.

"Pasensiya na, excited lang talaga kami na makilala ka. Sebastian nga pala," pagpapakilala ng lalaking may blonde na buhok.

"I'm Tyler, and this is Vlad," sabi ng may itim na buhok, at tinuro ang lalaking blonde rin ang buhok pero magkaiba sila ng gupit ni Sebastian. Lahat sila ay nakasuot ng tuxedo...formal attire.

Umupo ako sa may bakanteng upuan nang may makita akong white folder. Binuksan ko iyon at sinimulang basahin ang mga nakasulat .

"So, nakasulat na lahat diyan sa contract ang mga dapat, at hindi dapat. Just read it clearly, besides, the contract states na one year ka lang dito sa amin. You can handle it right?" Tiningnan ko ang nagtatanong na si Sebastian.

"Why are you looking for an Executive Assistant kung may Secretary naman? And where is the CEO?" tanong ko. Kami dapat ang mag-uusap tungkol sa contract.

"Miss Valerie, stop questioning. And know the difference between the Secretary of the Company, and Executive Assistant. Just read the contract, sign it, and do your job properly. We will pay your services. We hate question so kindly sign the contract or do you want us to replace you?" seryosong sambit ni Vlad.

Kinuha ko naman agad ang ballpen na nasa harap ko at pinirmahan ang kontrata. This is not just for me but also for our company.

"Thank you Miss Alexa Valerie. You can go know," may ngiting sabi ni Tyler.

Tumayo naman ako at kinuha ang copy ng contract at lumabas na ng meeting room. Ganoon ba talaga sila mag-meeting? Bukod sa parang namimilit ay madilim din ang loob ng meeting room. Ang lights kanina na nakatutok sa akin ay nawala at napalitan ng ilaw ng lampshade na sakto lang para makita ko ang mga mukha nila. Ang mga kurtina ay nakasirado rin. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga board of directors.

Nakatitig lang ako sa pinto sa harap ko na parang gawa sa antique wood. Sa itaas ng pinto ay may nakasulat.

"CEO's Private Office," pagbabasa ko.

Hindi ko alam pero dinala ako dito ng mga paa ko. Nang makalabas ako kanina sa meeting room ay walang Kelly ang bumungad sa akin, at namalayan ko na lang na nandito na ako sa harap ng office ng magiging Boss ko.

Hindi naman ganito kalikot ang isip ko kapag pumapasok ako sa isang kompanya. May kakaiba talaga sa kompanyang ito.

Akmang hahawakan ko na sana ang door knob nang may kamay na pumigil sa akin. Napatingin ako sa may-ari ng kamay.

"CEO's Private Office, I think, you already know what PRIVATE is Miss Valerie. This office is for the Boss only. You can't enter here without the Boss' permission. This is a warning for you since you haven't read the whole contract together with the rules. It's already lunch time. Let's do lunch together para masabi ko sa'yo ang mga dapat mong malaman," mahaba niyang sabi.

Hindi naman ako nagsalita pa dahil mali nga naman ang ginawa ko. Napakagat ako ng labi.

"Madalas wala ang Boss dito kaya ikaw ang pansamantalang papalit sa kanya. Don't make him disappointed dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sayo," dagdag pa niya bago kami pumasok sa elevator. Nanatili naman akong tahimik.

"You can ask as many questions as you can. Sasagutin ko para maliwanagan ka," kalmadong sabi niya. Umaandar na ang elevator pababa, at dalawa lang ulit kami.

"I will just read the contract, just let me see each building, and familiarize it. I also apologize for my mistake a while ago."

"It's fine. You should take a lunch for now, I'll pick you up in the caferia after thirty minutes," sabi niya at bumukas ang elevator. Tumango lang ako at lumabas na, tinungo ko agad ang mini-restaurant dito sa ground floor.

★★★

Inayos ko ang damit ko habang papalabas ng opisina ko dito sa DEN Company. Medyo may information na akong nalaman about sa Company, sapat na para magawa ko ang trabaho ko. The history of the company will be send to me by the Boss. I want to meet him sooner, pangalan lang ang alam ko sa kanya. Since I am his assistant, dapat nagkakasundo kami, at nag-uusap o nagkikita.

Napabalik ako sa reyalidad nang may mabangga akong lalaki na hindi makalakad ng tuwid.

"Ayos ka lang?" tanong ko pero imbis na sumagot ay bigla na lang itong natumba.

Nataranta naman ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nilapitan ko siya at tinulungang tumayo. Nakasuot siya ng formal attire. Employee kaya siya dito?

"Should I take you to the hospital? Ano ang gagawin ko?" hindi mapakaling tanong ko.

"Help me go upstairs," he said in a cold voice kaya medyo nagdalawang isip naman ako.

Ilang sandali lang ay tinulungan ko rin siyang makatayo, at makaakyat sa may hagdan. Mga ilang minuto lang ay narating na namin ang opisina niya yata. Binuksan niya iyon at tinulungan ko siyang makaupo sa sofa. Medyo madilim ang paligid dahil may ilaw nga pero mahina naman. Hindi ko makita ang buong paligid.

"Teka! May sugat ka?!" gulat na tanong ko nang makita ang dugo sa may kamay niya. Akmang titingnan ko sana iyon pero iniwas niya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim dito sa may sofa.

"Leave." Malamig, at nakakakilabot niyang sabi. Napaatras naman ako dahil sa aura niya.

"Pero may sugat ka, at dugo--"

"Leave now or else..." Agad na humakbang naman ako papunta sa may pinto.

"Don't you ever talk about what happened today or else...I'll kill you," may pagbabanta niyang sabi bago ko buksan ang pinto at lumabas ng tuluyan.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa magkahalong kaba, at takot. Ano ang meron sa lalaking iyon? Tiningnan ko ang pintuan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mabasa ang nakalagay sa itaas ng pinto.

"CEO's Private Office," bulong ko.

Kaagad na tumalikod ako at nagmamadaling tinungo ang elevator. Ilang sandali lang ay nakarating din ako sa ground floor. Lumabas agad ako ng building.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi Ma'am," sabi ng guard bago ako tuluyang nakalabas sa building. May ibang employee na sa kompanya na natutulog at hindi na umuuwi pero ako, kailangan ko munang umuwi dahil sa matagal na rin akong hindi nakakauwi sa apartment ko.

Pumara ako ng taxi, at agad na sumakay doon. Pinakalma ko ang sarili ko dahil sobrang dami na ng mga bagay na nangyari sa araw na ito. Naalala ko na naman ang nangyari kanina lang. At naalala ko rin ang sinabi sa akin ni Kelly.

'Madalas wala ang Boss dito kaya ikaw ang pansamantalang papalit sa kanya. Don't make him disappointed dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sayo'

Napailing-iling ako. Sa dami ng mga nangyari ngayon, hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin. May tanong akong nabuo sa mga nangyari kanina na gusto kong masagot agad.

Ano ba ang meron sa DEN Company, at sa Boss nila?

avataravatar
Next chapter