12 Chapter 11

Let go

"Bata! Kunin mo nga iyon!" utos ko sa batang babae na dumaan sa harap ko.

"Anong bata? Magka-edad lang yata tayo e! Saka bakit mo ako inuutusan?!" naiinis na sambit niya.

"Bakit hindi? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang Prinsipe ng kahariang ito! Nag-iisang Prinsipe ng Ferino!" taas noong pagpapakilala ko.

"Ano naman ngayon? Pakialam ko sa'yo?" Umalis siya at naiwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Isang lapastangan ang babaeng iyon! Mapaparusahan siya sa hindi paggalang sa gaya ko!

★★★

"Siya si Prinsesa Alexa, ang Prinsesa ng Hasader. Balang araw, siya ay iyong papakasalan," pagpapakilala ni Ina sa batang babae na kaharap ko. Siya iyong bata na hindi gumalang sa akin. Kaya pala ang lakas ng loob.

"Hindi ako papayag. Isang Prinsesa na walang galang? Hindi mabuti iyan sa ating mundo," taas kilay na sambit ko.

"Mas lalo naman akong hindi papayag. Isang Prinsipe na mahilig mang-utos, at hindi kaya tumayo sa sariling paa? Ano ang mapapala ng mga bampira sa kagaya niya?" Tinuro niya pa ako kaya nainis naman ako.

"Anong wala?! Makikita mo, balang araw, sasamba ka rin sa akin."

"Ako? Sasamba? Nananaginip ka yata?"

"Mga bata, ano ba. Huwag kayong mag-away. Magkakaintindihan din kayo balang araw," sabi ni Ina. Hindi na ako nagsalita pa at tiningnan ng matalim ang kaharap kong Prinsesa.

★★★

"Ano? Akala mo aatrasan kita? Maglaban tayo!" paghahamon ko.

"Hindi ako lumalaban sa mga matandang hukluban," walang ganang sabi ni Alexa at umupo sa damuhan.

"Aba! Anong matandang hukluban?!"

"Alam mo Prinsipe ng Ferino, ayoko ng away. Maging seryoso ka nga, isa kang Prinsipe tapos astang bata naman."

"Masama kasi ang ugali mo!"

"Hindi naman. Hindi mo lang gusto, at hindi mo pa ako gaanong kilala. Saka dapat magkasundo tayo kasi nakatakda tayong ikasal."

Tumabi naman ako sa kanya.

"Ayokong makasal sa kagaya mo, ang pangit ng ugali."

"Ganoon din naman ako, pero may magagawa ka ba?" seryosong sabi niya.

"Mag-isip ka ng paraan para hindi nila tayo ipagkasundo," sabi ko naman. Tiningnan ko siya at mukhang nag-iisip nga siya.

Napatawa naman ako ng lihim. Ngayon ko lang yata siya natitigan sa malapit. Tunay nga na maganda ang nag-iisang Prinsesa ng Hasader.

★★★

"Anong iniisip mo?" tanong ko. Nakatingin kasi siya sa madilim na kalangitan.

"Ikaw," simpleng sagot niya dahilan para matigilan ako.

"Bakit ka namumula? Kinilig ka?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo! Hindi 'no!" Tumawa naman siya at napatingin ulit sa kalangitan.

"Nakatakda pala na ako ang magbibigay ng kapayapaan sa mundong ito balang araw," biglang sabi niya.

"Ano naman? Ayaw mo? Matutulungan mong maging payapa ang mundo natin?" tanong ko.

"Gusto pero sabi sa propesiya, marami ang mamamatay para lang mabuhay ako. Ayokong may mamatay," may lungkot sa boses na sabi niya.

"Hindi pa naman mangyayari. At kung mayroon nga, dapat na mabuhay ka para hindi masayang ang pagkamatay nila," sabi ko naman.

"Paano kung madamay kayo?"

"Sila siguro pero ako? Hindi iyon mangyayari. Mananatili akong buhay para manatili ako sa tabi mo para maprotektahan ka," nakangiting sabi ko. Tiningnan niya naman ako.

"Oo na."

"Sa loob na tayo, baka hinahanap ka na ng magulang mo." Tumango naman siya at sabay na kaming pumasok sa palasyo.

★★★

"Bakit hindi ka dumalaw sa palasyo?" tanong ko kay Lexi.

"Pasensiya na, may lagnat kasi ako. Nakahiga nga ako sa kama hindi ba?" mataray na sagot niya dahilan para mapatawa ako.

"Mabuti na lang at dumalaw ako. Dito na lang muna ako, aalagaan kita," may ngiting sabi ko.

"Talaga?" Lumiwanag naman ang mukha niya.

"Talagang-talaga."

"Kung ganoon, kumuha ka ng pagkain para sa akin. Bilis na!" Tinaboy niya agad ako.

"Oo na pero sandali, may sasabihin ako." Sumeryoso naman ang mukha ko.

"Ano?"

"Payag na ako sa kasal, sana ikaw din," nakangising sabi ko. Hinagisan naman niya ako ng unan.

"Matagal na baliw! Alis na! Bilis!" Naglakad naman agad ako palabas sa kwarto niya bago pa niya ako batuhin ng kung ano-ano. Napangiti naman ako ng lihim dahil sa huling sinabi niya.

★★★

"Ano na?" tanong ko.

"Anong ano na?" natatawang tanong ni Alexa.

"Kung payag ka sa kasal dapat mangako ka. Alam ko namang gusto mo talaga ako."

"Ano naman ngayon? Payag na nga hindi ba?" Inayos niya ang sarili niya at kinuha ang espada. Naglakad siya papalayo sa akin kaya sumunod naman ako.

"Mangako ka kasi," pangungulit ko.

"Oo na! Pangako, papasakalan kita. Alis na! Ang kulit mo, may ensayo pa ako."

"Tatandaan ko iyan!"

★★★

"Alam mo, bakit napapasunod mo ako? Si Ina, at Ama nga ay madalas kong suwayin tapos ikaw hindi ko matanggihan." Itinaas niya ang kamay niya at isinubo sa akin ang mansanas, kinain ko naman iyon.

"Mahilig kasi akong magpaamo ng mga hayop," natatawang sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kung kailangan pa na paamuin kita para maging mabait ka, gagawin ko iyon araw-araw," sabi niya at ibinato sa akin ang mansanas. Sinalo ko rin naman iyon.

"Talaga? Payag din ako kung ako lang, wala ng iba."

"Baliw ka talaga," pailing-iling na sabi niya.

★★★

"Damon? Ano ang nangyayari?!" sigaw ni Alexa. Nagkakagulo na ang mga bampira sa paligid. Ito ang gabi kung saan ipapakilala ng Hari ng Caprino ang anak niyang babae pero hindi natuloy dahil sa nagkakgulong bampira.

"Dito ka lang Alexa. Sa palasyo namin nagmula ang balita. Babalik ako," sabi ko at akmang aalis nang hawakan niya ang kamay ko.

"Ayoko, dito ka lang. Hayaan mo na sila. Huwag mo akong iwan dito," pagmamakaawa niya. Nakita ko ang Hari, at Reyna ng Hasader na kausap si Allan—ang nagbabantay kay Alexa.

"Babantayan ka ni Allan, huwag kang mag-aalala. Babalik ako, pangako."

★★★

"Allan?!" gulat na tanong ko nang makarating ako sa kwarto ng mga magulang ko. Ang sabi nila ay uuwi sila ng maaga kaya nandito dapat sila.

"Hindi mo dapat nasaksihan ito mahal na Prinsipe. Matulog ka muna," nakangisi niyang sabi at nag-iba ang wangis. Kitang-kita ko ang pagbago ng hitsura niya, Hari ng Caprino? Ilang sandali lang ay nakaramdam ako nang antok.

Nagising ako dahil sa boses na naririnig ko. Iminulat ko ang mga mata ko.

"Mabuti at gising ka na mahal na Prinsipe. Nakikiramay kaming lahat sa pagkawala ng mga magulang mo. Patawad," malungkot na sabi ng Hari ng Caprino.

"Ano?! Sino ang pumaslang sa kanila?" galit na tanong ko.

"Ang kabalyero ng Hasader, si Allan. Hinahanap na siya ng mga ibang bampira. Magpahinga ka muna."

"Hindi! Nasaan si Elley? Ang kapatid ko?"

"Nagluluksa siya ngayon sa pagkamatay ng Hari, at Reyna."

★★★

"Wala na si Allan. Sinama ko na rin si Lizabeth dahil marami siyang alam. Wala na sila pero nabubuhay pa ang anak nila," sabi sa akin ng Hari ng Caprino.

"Sino ang anak nila? Sabihin mo, ako na ang bahala sa kaniya." Ngumiti siya sa akin at sinabi lang ng tungkol sa anak ni Allan—ang kabalyerong pumatay sa mga magulang ko. Wala siyang puso! Kahit isang daang taon na ang nakalilipas, hinding-hindi ko siya mapapatawad!

★★★

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ng isang babae. Nakita ko ang pagkatranta nito nang makita niya ang hindi normal na paglalakad ko.

"Should I take you to the hospital? Ano ang gagawin ko?" hindi mapakaling tanong niya.

"Help me go upstairs," I said in a cold voice. Ilang sandali rin siyang nag-isip bago ako tinulungan.

Tinulungan niya akong maglakad papunta sa opisina ko. Naramdaman ko naman ang unti-unting paghilom ng sugat ko.

"Teka! May sugat ka?!" gulat na tanong niya nang makita ang dugo sa may kamay ko. Akmang titingnan niya sana iyon pero iniwas ko. Mabuti na lang at madilim sa loob ng opisina, hindi nila maaninag ang galit na galit kong mata.

"Leave." Malamig, at nakakakilabot kong sabi. Napaatras naman siya

"Pero may sugat ka, at dugo--"

"Leave now or else..." Agad na humakbang naman siya papunta sa may pinto.

"Don't you ever talk about what happened today or else...I'll kill you," may pagbabanta kong sabi bago niya buksan ang pinto at lumabas ng tuluyan. Nakatingin lang ako sa pinto. Naikuyom ko ang mga kamay ko, I finally meet you Alexa—the daughter of Allan who killed my family.

★★★

"Ano?! Bakit hindi na lang natin sabihin na hindi tayo lovers, or couples?"

"Did you see her reaction? She can kill us anytime. Don't worry, vampires can't make humans pregnant," kalmadong sabi ko at lumapit sa akin.

Nataranta naman siya sa paglapit ko.

"T-teka! S-andali!" pagpigil niya sa paglapit ko pero nagtuloy-tuloy pa rin ako.

"If we will not do this, we will both die in this resort." Huminto ako sa paglalakad at tinungo ang switch ng ilaw. Pinatay ko iyon.

Napamura ako sa isip dahil sa nagawa ng gabing iyon. She's a vampire! And, I also want her that night. Nababaliw na ba ako?

★★★

"You don't have to deny it. Alam kong nag-enjoy ka sa amusement park," nakangiting sabi ni Alexa.

"I don't," maikling sabi ni ko.

"Talaga? Bakit hindi ka umangal? Sumasabay ka sa trip ko, at minsan, nahuhuli kitang ngumingiti. Tell me, it is your first time in amusement park?"

"Mind your own business Miss Valerie." Iniwan ko siya dahil naiinis ako. Naiinis ako dahil nagiging komportable na ako sa kanya. Matagal ko na dapat siyang pinatay pero bakit parang hindi ko kaya?

★★★

"Kuya? Alam kong galit ka kay Alexa pero hindi naman siya ang pumatay sa mga magulang natin. Ang totoo, nilabanan ko sina Allan, at Lizabeth. Natalo ako sa laban na iyon, ayaw nila akong masaktan pero dumating ang Hari ng Caprino at siya ang nagparusa sa dalawa. Alam kong makapangyarihan ang Hari, pero parang may mali. Sinumpa ako ng Hari na matutulog ako ng mahabang panahon at tanging si Alexa lang ang makakagising sa akin dahil sa pakikipaglaban ko kina Allan. Ginising ako ni Alexa, hindi siya masama Kuya. May naaalala nga ako sa kanya e," mahabang sabi ni Elley sa akin.

"Hindi ko alam kung nagkataon lang ba pero parang kamukha niya si Prinsesa Alexa. Hindi mo ba talaga siya naalala? Ilang beses ko na siyang pinaalala sa'yo. Nakapagtataka lang, kung isa siyang immortel, dapat ay may amoy din siyang tao."

"Kung siya ang tinutukoy mo na Prinsesa, dapat ay nakilala niya ako. Stop creating stories Elley!"

"Hindi ako gumaggawa ng kwento Kuya. Kahit tanungin mo pa lahat ng mga Hasader. Bigla na lang naglaho ang Prinsesa ng Hasader sa hindi malamang dahilan. Nasaan na kaya siya?"

★★★

"Kuya? Puwede ba kitang makausap?" Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ng kapatid kong si Elley.

"Everything is fine now. Kahit marami ang nasawi noon, worth it naman. Vampires are glad, and celebrating. It's been months Kuya."

"Don't bother me if you didn't need anything," seryosong sabi ko.

"I am a bother to you Kuya? Hindi lang naman ikaw ang nawalan, marami kami. But we have to accept it. Let's start a new life. Nandito pa ako Kuya, huwag kang magpalamon sa lungkot mo." Tiningnan ko naman siya.

"Just let her go. Wala na siya. Walang mangyayari kung palagi ka na lang magkukulong sa lungkot mo."

Napapikit naman ako nang maalala ang huling sinabi ni Alexa sa akin.

"I will always be your Princess but now, please...just let me go Damon."

How can I do that? After what happened, I keep blaming myself. Bakit hindi ko nalaman lahat? Bakit kasabay ng paglaho niya ay saka ko pa naalala lahat-lahat?

"Kailangan pa kita Kuya. Nandito pa ako na kapatid mo kaya sana, huwag mong gawing miserable ang buhay mo." Tumayo si Elley at iniwan akong mag-isa dito sa opisina ko.

Huli na para magsisi. How can I let you go Alexa? You've been my everything ever since. Noon pa lang, alam kong may kulang sa akin. Dumating ka sa opisina ko, nawala lahat ng galit na nararamdaman ko.

Tiningnan ko ang kontratang hawak ko na may pirma ni Alexa. She went missing in human world, hinahanap siya ng kompanyang pinanggalingan niya and they keep blaming our Company. I don't care about it.  Wala na akong pakialam sa mga bagay-bagay simula noong maalala ko lahat. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko.

Nakarinig ako ng tunog ng cellphone kaya kinuha ko agad ang cellphone ko na nasa ilalim ng tuxedong suot ko.

"Hello Mr. Walter? I know where she is."

I'm right. She's not dead!

Naalala ko dati, after she told me about the Vampire's prophecy ay gumawa ako ng paraan para mabasa ang buong nakasulat doon. Only the Queen, and King of Hasader—ang nangangalaga rin sa propesiya ang puwede bumasa ng propesiya pero pasaway ako. Nakasulat sa pinakahuling bahagi na hindi lahat ng pagsasakripisyo ay kamatayan.

I'm sorry Alexa but I can't let you go, I will never do that. It's a promise.

avataravatar
Next chapter