11 Chapter 10

Vampire's Battle

Hasader, Caprino, at Ferino, tatlong kaharian na nagkakasundo sa mundo ng mga bampira. Pinamumunuan ng tatlong Hari, at Reyna. Ang pinakamataas sa tatlong mundo ay ang ang gumagawa ng batas, ang Ferino.

"Sakim? Ako? Hindi ako ang sakim kung hindi ang Caprino—ang kanilang Hari. Namatay ang Reyna ng Ferino dahil sa panganganak nito sa nag-iisa nilang anak ng Hari—si Kim iyon. Matagal ng sakim ang Hari pero hindi ito malala noong nabububay pa ang Reyna niya. Nang mamatay ang pinakamamahal niya ay doon siya binalot ng kasakiman—binalot ng inggit sa Hari, at Reyna ng Ferino."

Tiningnan ko si Damon na seryosong nakatingin sa akin. Kahit itago niya ay kitang-kita ko ang gulat, at sakit sa mga mata niya.

"Vampires do have different abilities. At ang ability ng Hari ng Caprino ay ang magbalat-kayo—kahit sino ay puwede niyang gayahin. Ginawa niya iyon sa Dad ko, at pinaikot niya ako gamit ang kwintas na ipinabigay niya sa akin ni Kim," dagdag ko.

"Huwag kang magbintang sa Hari. You're didn't know anything about the past!" sigaw niya sa akin dahilan para mapangisi ako.

"I am not an immortel Damon. Hindi ako ang napaikot mo, ikaw mismo ang napaikot ng mga pinagkakatiwalaan mo," seryosong sabi ko sa kanya.

"How could you not recognize me?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Ilang sandali lang ay biglang naputol ang mga tali sa kamay, at paa ko dahilan para magulat siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"I came from this world one-hundred twenty years ago. Inalis nila ang ala-ala ko para mailayo sa mundong ito dahil baka ako naman ang pag-initan ng Hari ng Caprino. My Dad—Allan Valerie is not a knight of Caprino—he was my bodyguard since birth. I am the daughter of the King, and Queen of Hasader. Inilayo ako sa mundong ito dahil ako ang nakatakdang ipakasal sa'yo na Prinsipe ng Ferino. Natakot ang tunay na magulang ko na baka magalit ang Hari ng Caprino kaya inilayo nila ako, at naging masaya siya sa pagkawala ko dahil ang anak na niya ang ipapakasal sa'yo," mahabang sabi ko.

"How—"

"I have the power of creation, and destruction, nawasak ko ang harang na ginawa nila para hindi ko maalala lahat."

"You're fooling me," sabi niya at umatras ng ilang hakbang. Ngumiti ako ng mapait. Right, hindi niya pala ako naalala, inalis din nila ang ala-ala namin ni Damon sa isip niya.

"Kuya! Anong nangyari? Akala ko ba wala ng labanan? Bakit nagkakagulo na sa labas?!" natatarantang sabi ni Elley. Bigla lang siya dumating ng hindi namin namamalayan.

"Alexa? Ayos ka lang? I'm so sorry." Nakita ko si Kim na binubuksan ang selda gamit ang susing hawak niya. She was a very nice vampire pero bakit naging sakim ang Dad niya?

Ngayon, naiintindihan ko na lahat ng tungkol sa akin. Hindi ako naaamoy ng mga bampira bilang tao dahil isa rin ako sa kanila. Hindi ako umiinom ng dugo, at kumakain ako ng pagkain ng tao dahil sa taglay na ability ko. Kaya kong wasakin ang pagiging bampira ko at bumuo ng panibagong nilalang sa loob ko—kaya nakaya kong mamuhay sa mundo ng mga tao.

It was very clear to me na hindi tao ang kinilala kong Mom, and Dad na sina Allan, and Lizabeth Valerie, they are both Vampires. Pinatay sila ng Hari ng Caprino pero hindi niya ako napatay at ngayon pa lang sana. Hindi makapaniwala ng utak ko sa mga nalaman ko.

"Tayo na! Alexa, halika na, ibabalik ka namin sa mundo ng mga tao. Manatili sanang lihim ang mga nalaman mo. Patawad," sabi ni Kim nang mabuksan na ang selda, at hinila ang kamay ko pero nanatili akong nakatayo.

"Tutulungan ko kayo," seryosong sabi ko.

★★★

"Mama? Bukod sa pagbuo, at pagwasak, ano pa kaya ang kaya kong gawin?" tanong ko kay Mama.

"Kaya mong magsakripisyo. Sa tingin mo, gagawin mo kaya iyon para sa kapakanan ng karamihan anak?" pabalik na tanong niya. Tumango naman agad ako.

"Pero Mama, kailangan ko ba na mamatay? Gusto ko sanang makipagsapalaran muna bago magsakripisyo," nakangusong sabi ko.

"Hindi lahat ng sakripisyo ang kailangang mamatay. Bata ka pa anak, marami ka pang magagandang bagay na gagawin," nakangiting sabi ng isang lalaking naglalakad papalapit sa amin.

"Papa!" sigaw ko at kaagad na dinambahan ng yakap ang Hari ng Hasader.

"Gusto ko na lalaki ka sa mundong gusto mo, at sa paraang gusto mo anak. Mahal na mahal ka namin ng Ina mo, tandaan mo iyan," nakangiti nitong sabi at hinagkan ako sa noo.

★★★

Mga bampirang naglalabanan kaagad ang bumungad sa amin sa labas ng palasyo ng Caprino. Ang panig ng Caprino, at Ferino ang naglalabanan. Ang Hasader ay tahimik na kaharian pero hindi ko alam kong makikisali rin sila sa labanan ng dalawang panig.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang sina Damon, Elley, at Kim ay nakikipaglaban na rin. Pilit na sinasabihan ni Damon, at Kim ang mga kasamahan nila na tigilan na ang labanan.

Tahimik akong namuhay sa mundo ng mga tao na hindi ko tunay na mundo. Ngayong nakabalik na ako dito sa mundo kung saan ako galing ay ganito ang bubungad sa akin? Labanan? Ano ba ang makukuha nila? Kapangyarihan? Bakit ba may sakim sa mundo?

Inikot ko ang tingin sa paligid hanggang sa may makita akong espada. Nakalimutan ko ba na sabihing, isa ako sa pinakamahusay na makipaglaban sa kaharian ng Hasader noon? Nasa dugo ko na ang magaling makipaglaban, at gumamit ng sandata. Palagi rin akong tinuturuan dati kahit bata pa dahil parte iyon ng pagiging prinsesa ko.

Akmang susugod na sana ako nang may makitang hukbo ng Hasader. Napahinto ako, ano ang ginagawa nila dito? Kanino sila papanig? Napatingin ako sa espadang hawak ko. Saan ko naman ito gagamitin? Sino ang magiging kalaban ko?

Isang hiyaw ang umalingaw-ngaw sa isip ko kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko makontrol ang kabang nararamdaman ko. Hinigpitan ko ang hawak ng espada ko, at naglakad papunta sa kung saan nanggagaling ang sigaw.

Hindi ko alam pero sa tuwing may umaatakeng bampira sa akin ay bigla silang tumitilapon, at hindi nila ako natatamaan. Agad na binitawan ko ang espada at tumakbo ng mabilis.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang babaeng nakahilata. Duguan ang tiyan niya, at naghihingalo. Nilapitan ko agad siya at bumungad sa akin ang napakaganda niyang mukha. Umupo ako sa tabi niya at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Unti-unti niyang iniangat ang kamay niya sa mukha ko at ngumiti. Tumulo naman ang luha ko sa mata.

"Mama..." bulong ko.

"Patawad anak, nais namin ng Papa mo na maging maganda ang nakatakda sa buhay mo. Gusto man naming pigilan pero iyon ang nakatadhana sa'yo. Sa kabila ng mga nangyari, at mangyayari pa, sana'y mabuhay ka na naaayon sa na kalooban mo. Mahal na mahal kita anak." Ibinaba niya ang kamay niya mula sa pisngi ko at ibinuka sa harap ko. May lumitaw doon na isang napakagandang korona na gawa sa iba't-ibang diyamante.

"Maging malaya ka sa lahat ng bagay anak," nakangiti niyang sabi at ipinikit ang kanyang mata. Bago pa tuluyang bumaba ang kamay niya ay kinuha ko na ang korona. Napaiyak naman ako dahil sa pagwala ng tunay kong Ina. Bakit ba palagi na lang akong nawawalan? Kailan ba matatapos ito?

"Mamatay ka na!"

Napalingon kaagad ako sa may 'di kalayuan nang makarinig ako nang sigaw ng Hari ng Caprino. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang pagbaon ng matulis na espada sa dibdib ng Hari ng Hasader.

Ilang sandali lang ay nakita ko naman si Kim na papalapit sa Dad niya. Bago pa ito makalingon sa kanya ay naitarak na ni Kim ang espada niya sa likod ng Dad niya. Napaluhod agad siya at tuluyan ng umiyak.

Napatayo ako at tinungo ang Hari ng Hasader.

"Papa..." natatarantang sabi ko habang sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Bakit? Bakit kailangang mangyari 'to?!

"Papa, I'm sorry. Wala akong nagawa, wala akong naitulong, at wala akong kwentang anak niyo," sabi ko at hinawakan sa kamay ang Papa ko.

"Maaayos pa ang lahat anak ko. Masaya akong makitang ligtas, at buhay ka. Sapat na sa akin ang mga panahong nakasama ko kayo ng Mama mo. Ito ang tadhana natin, tanggapin mo sana ng buong-buo."

"Sabi mo, hindi lahat ng sakripisyo ay kamatayan pero marami ang namatay para magsakripisyo sa buhay ko," umiiyak na sabi ko. Ngumiti siya sa akin.

"Nagkakamali ka, ikaw ang nagsakripisyo para sa kanila. Nananatili kang buhay para sa kanila—sa aming lahat. Bihira lang ang isang tulad mo anak. Manatili kang matatag, at mabuhay ka ng masaya. Mahal na mahal kita." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Humikbi ako ng tuluyan na siyang nawala.

Umiling-iling ako at ipinikit ang mata. Pinakiramdaman ko ang sarili at pilit na inilabas ang kapangyarihan ko para paggalingin ang Papa ko pero hindi gumana. I can create, and destroy anything except life.

Tuluyan na akong umiyak ng umiyak. Nawala na ang mga tunay kong magulang. Ano pa? Sino pa ang mawawala sa akin?!

Napahinto ako sa pag-iyak nang umilaw ang hawak kong korona. Ito ang koronang sinabi sa akin ni Mama noon na ibibigay niya paglaki ko. Pinahiran ko ang luha sa mukha ko at pinakalma ang sarili. Tumayo ako at inikot ang paningin sa paligid. May mga nag-aaway pa din sa paligid. Marami ang nagkalat na bampirang wala ng buhay.

Akmang susuotin ko na sana ang korona nang may marinig akong boses sa may likuran ko.

"If you'll wear that, you will suffer for the consequences. Don't do that, malapit ng matapos ang labanang ito." Lumingon ako at nakita si Damon na seryosong nakatayo at nakatingin sa akin.

"I'm sorry...for everything." Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Bakit ganyan siya? Sa tuwing kinakausap niya ako ay mas nagugustuhan ko siya? Did you remember me Damon? Did you already remember our promises?

"It's a part of the prophecy, you already know that. Two kingdom will fight and the other kingdom will save that fight."

"It's just a prophecy. Hindi mangyayari iyon kung hindi mo gagawin."

"I'll do it. Gusto ko rin na malaman kung totoo bang hindi lahat ng pagsasakripisyo ay kamatayan." Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin.

"Bakit mo ako pinipigilan? You hated me and now, you're concern."

"I will do my promise. I will protect you 'till the end." Humakbang siya papalapit sa akin pero huli na, isinuot ko na ang korona.

Nginitian ko siya ng mapait.

"I will always be your Princess but now, please...just let me go Damon."

"No!" matigas niyang sabi at tumakbo papalapit sa akin. Napahinto rin siya sa pagtakbo nang biglang umilaw ang buong katawan ko. Lumutang ako sa hangin, at umilaw ng malakas dahilan para huminto ang mga nakikipaglaban. And now, it's my turn.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko.

"I, the Princess of Hasader, will take the crown as a symbol of peace, and understanding for this world. I destroy every negativity in this world, and create positivity. Let this be happen, and I'll accept my consequences."

Kitang-kita ko ang pagpikit ng mga mata ng mga bampira sa paligid. My name was written in the Vampire's prophecy, I will destroy negative, and create positive. And, it was also written na marami ang mamatay para lang mabuhay ako. I didn't expect na kasama pala doon ang Hari, at Reyna ng Harades—ang mga tunay kong magulang. Mangyayari ang dapat na mangyari.

Pagkatapos nito ay gusto kong mabuhay ng walang sinusunod na propesiya. Gusto kong tuparin ang nais ni Mama at Papa—ang mabuhay ng naaayon sa kalooban ko.

Tiningnan ko ang gawi ni Damon na ngayon ay nakayuko, at nakaluhod na. I am happy na nakilala ko ang bampirang kagaya niya. Napapikit naman ako dahil may hindi ako nasabi sa kanya bago ako tuluyang mawala sa buhay niya. I'm sorry Damon.

Hinawakan ko ang tiyan ko, alam ko na kung bakit madalas sumasakit ito. Unti-unting naglalaho ang katawan ko. Bago ako tuluyang naglaho ay napangiti ako ng lihim. Nakatakda tayong ikasal noon kapag lumaki na tayo pero ang nakatakdang kasal natin noon ay hindi rason kung bakit hindi naituloy ang kasal ninyo ni Kim. Nawalan na iyon ng bisa dahil matagal na iyon.

Hindi iyon ang rason kung hindi ang nabuo nating buhay sa sinapupunan ko.

avataravatar
Next chapter