1 Chapter 1

Putspa ang init naman dito sa Pinas. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop, umiinom lang naman ng cappucino. Diba mukhang ewan lang, mainit pero umiinom ng kape.

Nandito ako dahil may sasabihin daw yung 1-year boyfriend ko. Baka magpropose na sya kaya nag-ayos ako. Ang suot ko ay peach off-shoulder dress na hanggang tuhod. Nagsuot din ako ng 3 inches heels.

Tumunog na ang wind chime na nakasabit sa glass door sa entrance ng coffee shop. Tumingin ako dito at nakita ko si Justin, ang aking boyfriend. Ngunit parang may kakaiba sa kanya at kinakabahan din ako ngayon.

"Hi! Umorder ka na?" tanong nya. Nangunot ang aking noo dahil hindi nya ako tinawagan na "baby" at hindi nya din ako hinalikan sa pisngi. Magsasalita na sana ako ng dumating ang waiter dala ang isang americano.

"So, ano sasabihin mo?" tanong ko habang matiim na nakatitig sa kaharap ko. Palinga-linga kasi sya eh para syang adik na takot matokhang.

"Ahmm...Kate...L-let's end this relationship" parang kinakabahan na sabi nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya, ang akala ko mahpopropose. Pero bakit? May iba na ba syang mahal?

"Bakit?" kalmado kong tanong. Medyo nagulat naman sya sa pagiging kalmado ko. Ano ba dapat yung reaction ko? Magmamakaawa ganun?

"N-nakakasawa na at m-may iba na ako" utal na saad nya. Tinignan ko muna sya ng mabuti bago sumagot.

"Okay" saad ko at sumimsim sa aking cappucino. Inayos ko na ang mga gamit ko at tatayo na sana ng magsalita ulit sya.

"Okay? Hindi mo ba ako pipigilan na makipagbreak sayo? Hindi ka magmamakaawa?" tanong nya. Uminit naman ang aking ulo dahil doon.

"Hindi kita pipigilan makipagbreak sa akin, dahil desisyon mo yun. Tyaka never ako magmamakaawa para lamg sa pag-ibig. Hindi ka diyos para luhuran ko hmpp. Bye na nga" saad ko at umalis na.

Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar ko ito sa aking apartment. Pero bago yun ay bumili muna ako ng isang galyon ng ice cream sa convenience store malapit sa apartment ko.

Pagdating ko sa tapat ng inookupahan kong bahay ay naririnig ko ang mga tsismis ni Aling Marites, ang aking landlord.

"Alam mo ba ung anak ni Rosita ay nabuntis ng isang foreigner" saad ni Aling Marites.

Hindi ko na narinig ang sinabi ng katsismisan nya dahil pumasok na ako sa bahay. Hindi ko naman kasi kilala si Rosita at ung anak nya.

Nang makapasok na ako ay hinubad ko ang aking sapatos at dumiretso sa kusina upang kumuha ng kutsara at umakyat na ako sa taas dala dala ang ice cream na nabili ko.

Naglinis muna ako ng katawan at nilock ang pinto then tinignan ng maiigi ang galyon ng ice cream. Mukha akong leon na lalapa sa kanyang pagkain.

Buong magdamag ay wala akong ibang ginawa kundi umiyak at kumain ng ice cream habang nanonood ng Titanic. Super classic ang peg ko.

Nang kinaumagahan ay puro tulog lang ang ginawa ko. Nagising lamang ako nang may walang habas na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya kamot ulo akong binuksan ang pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako at sinara ulit ang pinto. Shit, mukha pa akong chimpanzee ng dahil sa ginawa ko kahapon. Shittttt

avataravatar