2 Prologue

Be aware of typos and wrong grammar

===========

Prologue

Sabi nila mahirap daw maging mahirap.

Mahirap daw maging isang kahig isang tuka.

Mahirap daw manirahan sa mga squatters area.

Totoo naman na mahirap. Hindi mapagkakaila iyon.

Mahirap talagang magutom. Mahirap maghanap nang pagkain o nang kakainin sa pang araw araw.

Mahirap kumain nang mga pagkaing tira tira lang. Yung tinatawag nilang pagpag.

Mahirap talagang mahirap kapag lagi ka nalang nahihirapan.

Pero ako.

Ang prinsesa nang squatters area. Ang prensesa nang kagandahan sa dalampasigan nang Baseco. Ang dalagang nagngangalang Sarrie Fuentes, the princess in the lusak kung tawagin nang mga mahahadera kong mga bullies sa school.

Pero ano bang paki nila. Mahirap man ako pero atleast buniyayaan naman ako nang magandang mukha.

Tsk!

Look at my face! I'm a living goddess.

Talbog lahat nang mayayaman kong mga kaklase kapag pagandahan na ang labanan.

Wala mang pera atleast may gandang di kumukupas. Never pang naestress my whole life. Hahaha! At kapag isinabak na sa Q and A talbog silang mayayaman, dahil talo nang mga walang perang matatalino ang mga mahahaderang mga mayayamanin na wala namang laman ang utak kundi ang magshopping at bumili nang mga luho nila.

Living in Baseco is so cool kaya. Daming mga gwapo dito. Dami ding mga abs na pagala gala kaya naman umaga palang ay busog na ako sa mga pandisal. Grabe minsan nga ayaw ko nalang lumabas dahil suyang suya na ako sa mga pandisal na nakabalandra sa labas nang bahay namin.

Kung di lang siguro ako napalaki nang maayos nang aking mga ina at ama baka buntis narin ako tulad nang mga kasing age ko diyan na maagang nagkaanak dahil sa mga pandisal na nagkalat sa paligid.

Tsk!

Pero ako. Ibahin niyo ako. Di naman ako sa mga magagandang katawan lang laging nakatingin kundi pati sa pag uugali nang lalaki at sa talino.

Well ang mga matatalino ang aasenso you know!

Pero di naman lahat.

May mga matatalino din na may pagka tanga dito saamin tulad na lamang ni Nico. Kaibigan ko yun kaso ang lalaki. Di kinaya nang hawakan ang abs niya nang isang babaeng mangkukulam. Charrr! Mukha lang mangkukulam.

Ang piste, ang bilis na buntis! Hayop isang beses lang nadali nang kaibigan ko e may anak na agad! Dahil sa kanya di na nag aaral ngayon ang kaibigan ko dahil kaylangan niya nang magtrabaho para matustusan ang bruhang adik at ang anak niya.

Buti nalang yung baby di kamukha nang ina. Mas lamang ang kaibigan ko. Buti nalang talaga.

Haysss... Nagkakaproblema ako dahil sa mga tao sa paligid ko e, di dahil sa sarili ko. Lam niyo yun parang pagka nagkaproblema ang mga tao sa paligid mo pati ikaw sali.

Tsk!

Dakilang tyismosa pa naman ako dito sa barangay namin kaya lahat nalalaman ko. Pero duh! Hindi naman ako ganung naiistress tas tinutubuan nang tigyawat. Fresh na fresh pa rin naman ang mukha ko at blooming na blooming pa.

Sabi nga nang iba, buti pa daw ako at maganda ako kahit mahirap. Kahit papaano ay kaya akong tanggalin sa kahirapan nang aking pagmumukha. Tsk! Di ko gets ang mga tao dito, mapagaaral ba ako nang kagandahan ko sa ibang bansa? Hindi naman noh! Jombagin ko mga plastik naming kapitbahay e.

Sasabihan kang maganda pagka nakaharap ka. May pangitingiti pang nalalaman. Yun pala ngiting aso lang at pinaplastik ka lang pala.

Mga to talaga di magbago.

So yun na nga pala. Nasa may gilid ako nang dagat ngayon. Sa may Baseco beach ba mga ate at kuya. Dito ko napiling tumambay bago gumabi.

Dito kasi sa Maynila makikita ang sikat na sikat na pinakamagandang view nang sunset at sunrise sa Pinas. Ang ganda nga e. Kulay kahel ang kalangitan. Tapos kahit puro basura nalang ang nakikita mo sa paligid nang malaburak na kulay nang buhangin nito ay maganda paring titigan at tingnan ang tanawin.

Nakaupo lang ako doon, nakangiti habang nakapatong ang mga brado sa tuhod at ang baba sa braso. Na parang isa akong batang bilib na bilib sa ganda nang tanawing aking nasasaksihan.

Kung may Northern lights ang mga bansa sa North at South pole kami dito sa may gilid nang equator may nakamamanghang sunset at rise.

Maipagmamayabang talaga sa ibang bansa.

Maipagmamayabang sana kung inayos nila ang manila bay.

Kung walang basura dito.

Kung walang sangkatutak na mga burak dito.

At kung sana ay puti parin ang beach na inuupuan kong ito. Na dati sa mga kwento nang namayapa ko nang lola. Rest in peace mahal kong lola doreng ay isa daw napakagandang beach na may mga hotels. Wew. Sana nakita ko yun.

Magnda ang kalidad nang tubig at sobra sobra ang dami nang isdang makikita sa tabi nang dalampasigan.

Pero now.

Mmmmmm... I don't think so na may titira pang mga isda sa gawing ito nang manila bay.

Kinuha ko ang mga batong inipon ko kanina habang naglalakad ako na itayapon ko sa dagat mamaya.

Wala lang. Trip ko lang masama ba?

Di naman pala e?

Kung may reklamo ka di ipagbigay alam mo na agad sa barangay hall namin. Dun ka naman masaya e sa manira nang puri nang ubang tao. Charrrrrr! Just kidding. Nacarried away lang ako mga sis.

So yun na nga ang nagyari habang binabato ko ang malawak na karagatan ay tinatanong ko kung bakit ang sama nang mundo saaming mga mahihirap.

Lalo na dun sa mas mahihirap pa saamin. Yung mga lumalaboy nalang talaga.

Para kasing di na sila nakikita at binibigyan nang pagkakataon na makapag baging buhay nang fates.

Parang ang sama sama sa kanila nang panahon at nang pagkakataon.

No choice sila kundi ang matulog sa semento ang kumain nang mga basura na at ang mamalimos na hindi naman dapat nila ginagawa.

Dapat may nagawa na ang gobyerno para dito e pero mukhang pati sila ay nabulag narin sa kapangyarihan. Buhat nang maluklok ay wala namang napatunayan. Mga taong naghahangad lang na maging mataas ngunit sa huli ay masasayang lang ang mga boto para sa kanila nang taong bayan.

Meron pang mga sitwasyon kung saan mga mahihirap pa ang naging target nang mga war against drug nila at mga sangkatutak na Ejk. Na uso din ang mga salvage at kung ano anong kremen na puro nalang mga mahihirap ang tinatamaan.

Hayssss... Buti pa nga ako. Atleast kahit hindi malaki ang bahay namin. Kahit wala akong masyadong pera di tulad nang ibang mga mayayaman na gasta nalang nang gasta nang pera nila. Atleast may bahay parin ako na masisilungan. Pagkain na makakain nang tatlong beses sa isang araw at mga magulang na nakaagapay saakin buhat nang ako ay ipanganak. Buti pa ako at nasa kalagayang maramung tao ang naghahangad. Ang pagiging normal, simple, pero masaya.

Naubos nang lahat nang bato.

Tumayo ako at pinagpag ang aking shorts na nalagyan na anbg maiitim na buhangin mula sa dalampasigan.

Magagalit nanaman si nanay sakin nito. Tsk! Napaka careless ko kasing tao.

Huhuhu! Sakit oa namang mangurot nun!

Kahit ngayin ay nasa ikaapat na taon na ako sa highschool ganun parin siya. Napaka istrikto pagdating sa mga damit. Tsk! Puti pa man din tong shorts ko. Haysss! Wqla na talaga akong kawala kay nanay.

"Haysss, buhay! Makauwi na nga!"

Nagalakad na ako patungo sa may daan patungo sa mga kabahayanan kung nasaan ako nakatira nang biglang may lalaking humarang saakin.

May mga sugat siya at mukhang ginahasa.

Hala! Anong gagawin ko mama!

Ayyyy! Jusme kita ko na ang dugo na umaagos sa kanyang may hiwang mukha.

"Luh! Kuya sana kaba galing?" Tanong ko. Grabe na kasi ang nakita ko.

Punit ang kanyang mga damit. Kita din mula sa mga Punit ang mga hiwa at sugat na nakuha niya muka sa kung saang matalim na bagay.

"Tu-tulong"

Yun lang ang narinig ko sa kanya bago siya mawalan nang malay at makabagsak saakin. Naout of balance ako dahil sa bigat niya.

At ang score 100!

Charrr! Grabe one hundred one'ng porsyento ko ata ang namanhid nang mayumba ako at nakadagdag pa ang bigat niya sa lakas nang pagtama ko sa lupa.

Buti nalang sand to kaya masakit lang pero di naman puputok ang uli ko at magkakabukol. Buti nalang at hindi ko siya naabutan sa may sementong daan na kundi baka nauna pa akong namatay sa kanya dahil sa Brain hemorrhage.

"Awwwww! Kuya bigat mo!" Sigaw ko.

Godd! Ang bigat niya talaga. Hindi ko na keri to.

"Ano ba naman yan! Uuwi nalang ako minalas pa!" Sabi ko nalang sa sobrang inis.

Inalis ko ang wala nang malay na katawan nang lalaki saaking katawan.

Grabe ang laki nang katawan niya kaya sobrang bigat niya.

At nang makatayo na ako ay saka ko palang siya itinayo at inakay patungo saamin.

Omg! Hirap pala nang ganito. Sakit sa balikat. Saakin lahat nang bigat. Buti nalang talaga at may mga taga barangay akong nakasalubong at nagpatulong akong buhatin siya hanggang saamin.

Buti nalang may alam ang kapitana namin sa pagpifirst aid kaya sa ngayon ay maayos na ang lagay niya.

Nakahubad siya at kita ko ang dami nang mga sugat sa kanyang katawan.

Kahit nga naman matangkad at malaking katawan tulad niya ay mahihimatay kung ganyan kadami ang mga sugat mo sa katawan.

"Mang Jojit, Ateng Mara, mas maganda kung dalhin niyo na sa ospital ang batang iyan. Baka mamatay pa yan sa sobrang daming nawalang dugo sa kanya. Kawawa naman, ano kayang nangyari sa kanya" Si kapitana.

Oo nga? Yun nga din ang tanong ko. Ano bang niyare duyan sa katawan niya?

Bakit napakaraming saksak?

At sa pagkilatis ko ay mukhang sadha ang pagkakasaksak sa kanya.

Sino namang walang puso ang sasaksak sa kanya?

Kawawa naman siya.

Nagkatinginan kami nina nanay at tatay.

Umalis narin naman si kapitana para magpaligid nang mga tanod sa pinangyarihan nang pagkakakita ko sa kanya para makita kung may mga tao ba doon na maaaring nang trouble sa kanya.

Nilapitan ako ni nanay.

"Sa ospital anak? Wala naman tayong perang pangpaospital sa kanya. Kahit pa mangutang tayo e hindi talaga natin kakayaning kung dadalhin natin siya sa ospital"

Napakibitbalikat ako.

Nagiisip kasi ako kung saan ako makakakuha nang pera na gagamitin sa pag aadmit namin sa kanya sa ospital.

Mukha naman siyang mayaman.

Wala ba siyang ID manlang para malaman namin kung sino ang tatawagan para matulungan siya?

Napansin kong wala naman siyang dalang bag. Baka naman nanakawan to kaya ganun ahhh? Kaya siya madaming sugat kasi nanglaban siya sa mga magnanakaw at nasaksak siya. Luh? Oo nga no!

Pero iniling ko lang ito sa ngayon kasi e kaylangan kong makakita nang kahit anong maglilead saakin para mahanap ang kanyang pamilya. Nakakaawa naman kasi siya. Baka mamatay pa siya kundi siya madadala sa ospital.

Nakaisip ako nang paraan. Baka kasi may ID siya sa busla ora kahit saan man. So kailangan kong mangalkal.

Inumpisahan ko sa Polo niya at nang walang makita ay sa coat niya naman ako naghanap nang hint.

Okay mga kababayan may nakapa akong something Plat. Hehehe! Naalala ko kaibigan ni author. Charrrrr!

Pero di nga may nakapa akong Plat, baka ID na niya to or simething. Sana to na yun para di na ako masyadong nagaalala sa kanya. Kapag nagkataon makokonsensya talaga ako kapag may nangyaring masama sa kanya.

At yun na nga, kinuha ko na nga ang something Plat na sinasabi ko na nasa loob na bulsa nang coat niyang malaki na may hiwa hiwa din.

At nang tingnan ko kung ano ito ay medyo wala akong nakita. Tinted ang kasi yung plastic na pinaglalagyan nang kung ano man yun.

So syempre dahil kuryoso ako sa nakalagay sa tinted something plat na plastic na nakuha ko sa loob nang bulsa nang coat niya.

Unti unti ko lang namang hinigot ang parang card na nakapa ko doon.

At to my gulat, yeah Taglish tayo ngayon, parang yung pinagaaralan namin sa Pilipino 11 ngayon, yung bilinggual kung saan gumagamit ka nang dalawang magkaibang mga salita sa pakikipag usap ganurns yun mga beh.

Okay mabalik na tayo sa kwento, dami kong side plot e. Ay yun na nga nagulat ako doon sa card na nakuha ko.

ID yun. Pero ang nakakagulat sa bagay na yun ay hindi lang ang kagwapuhan niyang taglay kundi kung saan siya nag aaral. Shete! Sana alll!

Yaman naman pala talaga niya! Langya pangkain na namin yun sa isang buwan, yung tuition fee nila.

May nakita akong mga nakalagay na something din sa kayang ID Like name, address, the name of mother and father, and the name of school.

Nakucurious ba kayo sa name nang school niya.

Tsk!

Okay then I tell kung saan nag aaral ang lalaking to.

Sa RHUP, ang eskwelahan nang pinakamayayamang tao sa buong bansa at sa buong timog silangang asiya.

Yesss, RHUP, or Royal Heiress University of the Philippines.

Ang yaman mo pagkanakapasok ka jan.

Madami na akong narinig about sa school nila.

Mayayaman lang at yung may malalaking utak ang nakakapasok doon.

Well I can see na mukha naman talagang mayaman ang isang to.

Pero wait hindi naman yung school niya ang hinahanap ko kaya ko kinuha tong ID niya e.

The number of his parents.

Sana mayroon.

Pangalan niya lang kasi ang nakita ko doon at puro mga letters na.

Bali his name pala ay Reign Lucius Helsinki.

Napaka unique naman nang surname niya parang pangalan ata yun nang City sa may Finland e. If im not mistaken.

Okay alisin mo na nga ayng mga shookness mo sa kanya. Mas kanyalangan mo nang makita kung nasaan yung mga no. nang parent or guardian niya. Baka mapano na to. Kanina pa naman tong naghahabol nang hininga. Baka mamatay na siya kung hahayaan kong lumipas ang oras na nauubusan siya nang dugo.

Sorry naman kuya, naexcite lang ako kung saang school ka galing.

Mayayamanin kasi.

I search the front of the id to find any phone no. just to help this poor man.

Pero ala.

Sunod kong ginalugad ang likod saka ko nakitang may mga numero nga doon.

Wala na akong inaksaya pang oras.

Binuksan ko ang aking Motorola na Touch screen na bigay pa saakin ni tatay noong bday ko 5 Years ago. Lakas Noh! Sana alll! May Forever!

Agad ko nang idinial ang numero sa ilalim nang pangalang may nakalagay sa taas na mother.

As I hear the ring of my phone natahimik ako.

Iniisip kung ano bang dapat kong sabihin.

At nang sumagot na ang nasa kabilang linya ay medyo nangatal ako.

Ang laki kasi mang boses niya na akala mo ay mangangain nang tao.

Pero ang ikinagulat at ikinataka ko talaga ay kung bakit lalaki ang sumagot sa numero nang nanay niya.

"Reynolds residents, sino to?"

Hindi ako nakasagot agad.

Nangatal talaga ako at nahinto at medyo naguluhan.

avataravatar
Next chapter