1 chapter 1 what is love

what is love??

anu nga ba ang love.. mga tipikal na katanungan na madalas mong mababasa o maririnig sa kung saan saan. katanungan na nasagot na nang marami at katanungan na di pa nararanasan ng iilan. ang pagmamahal.

minsan mapapaisip ka? bakit kaya may mga taong di naman naghahanap o wala namang ginawa para makita ang taong para sa kanila ay masuwerteng parin nila itong natagpuan . ang isa ay nakatabi lamang sa sasakyan, ang iba naman ay nagkatinginan lamang. habang ang iilan naman ay idinaan sa magandang pruseso ng panliligaw. sila ung mga taong mapalad na nakita na ang taong para sa kanila. sila?? oo tama sila... silang mga mapapalad.

dahil kung hanggang ngayon ay nagiisa ka parin, kung isa ka pa sa mga taong umiiyak sa mga napapanood mo mula sa mga pelikula, kung isa ka sa mga naiingit sa mga magkasintahan na iyong nakikita o umaasa parin sa happy ending o naniniwala na walang forever, di ka nag iisa madami pa kayo.

VICTORIA SANTOS A.K.A RIA

-THE BOSS- Maputi,maganda,may makintab na buhok mistisang balat at abong mga mata

lahat na yata ng pwedeng pangarapin ng isang lalaki ay nasa kanya na kapag nakita mo sya sa unang pagkakataon. ngunit taliwas iyon sa ugaling meron sya na sinasabi ng mga taong nakakasalamuha nya . mataray,maarte, masungit na boss, yan ang kadalasang nakikita sa kanya.

dahilan na rin siguro ng kanyang pag iisa sa buhay. dahil ayaw nyang manirahan sa japan kasama ng kanyang mga magulang at pinili nalang na mamuhay mag isa.

sapat na nga pa ang pesikal na kagandahan na meron sya upang makita nya na ang taong para sa kanya.

SHIELA MARIE DELA CRUZ A.K.A SHIELA

-THE BREADWINNER -

pamilya,trabaho,pamilya,trabaho

yan ang mundong lage nyang ginagalawan. kung trabaho lamang ang pag uusapan ay mahihiya ang lahat gwardyang nag babantay sa kanilang kumpanya sa aga ng kanyang pag pasok araw araw. mahalaga kase para sakanya ang kinabukasan ng kanyang pamilya dahil iyon lamang daw ang meron sya. kaya kahit ang buhay pag ibig ay di nya na magawang mapansin pa.

may mamahal pa kaya sa kanya katulad ng pagmamahal nya sa kanyang pamilya.

ZARINNA ABRUSYO A.K.A ZAR

-THE PABEBE-

plantyadong uniporme, nakasalaming may grado,may braces ang mga ngipin,maayos ang buhok,mahaba ang mga medyas, at napakatalinong bata. yan ang unang mapapansin mo kapag nakita sya. kahit maaga syang naulila sa kanyang ina ay di iyon naging hadlang upang mapalaki sya ng maayos at magalang na bata ng kanyang ama.

magagamit nya ba ang kanyang katalinuhan upang turuan na mahalin sya ng taong gusto nya

JESSICA COLLEN DELA CRUZ A.K.A JECO

-THE KANTO GIRL-

Kung yaman lang ang pag uusapan di sya papahuli dyan. tagapagmana. yan ang maari mong itawag sa kanya. sa dami ba naman ng resort at negisyo ng kanyang pamilya sa panggasinan ay di na maipagkakaila na nanggaling sya sa marangyang pamilya. ngunit ang buhay na iyon ay pilit nyang iniwan dahil sa isang kasunduan na di nya kahit kailan pinangarap. ang pakasalan ang taong di nya mahal. ang magpakasal sa isang tao para lamang sa yaman.

kaya nya bang magtiis na habang buhay na mag isa o sasakmalin nya nalang ang pagkakataon na sumunod sa kanyang mga magulang.

JULIA VILLARAIZA A.K.A JUL'Z

- THE GREAT PRETENDER-

marangyang bahay, maraming pera, lumaki sa luho at nakukuha ang lahat ng gusto nya

yan ang buhay na meron sya... un ang sinasabi nya. ngunit ang lahat nag iyon ay kabaliktaran lamang. at ang mabuhay sa pagkukunyari at kasinungalingan ay ang lage nyang tangan.

may magmamamhal at tatangap pa ba sa kanya

kung mismong sarili nya ay di nya matanggap

avataravatar
Next chapter