84 Tumungtong ka sa Iyong Shield at Lumipad!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang si Luo Feng ay mabilis na papunta sa pugad ng halimaw, ang Jiang-Nan City naman na may ilang libong milya ang layo mula rito ay nasa mapayapa pa ring kalagayan; Sa mga city na kagaya nito ka na lang makakakita ng kapayapaan.

Sa Ming Yue sector sa Yang-Zhou City.

Isang blizzard ang tumama sa kanila kagabi na nagresulta sa paglubog sa snow ng buong city sector. Makikita kinabukasan ang mga bata na masayang naglalaro ng snowball fights habang ang iba naman ay gumagawa ng kanya-kanyang mga snowmen. Ang mga matatandang nakatira naman dito ay malayang nakakapaglakad-lakad kahit na napabagal ang mga ito ng napakakapal na snow na bumalot sa buong kalsada sa loob ng sector. Napupuno naman ang kalye nito ng mga sports cars at mamahaling coupes na may mga napakagandang disenyo. Kung minsan pa nga ay makakakita ka ng isang napakamahal na sasakyan na mayroong kakayanang lumipad na lumilipad sa ibabaw ng sector.

Umupo si Chen Gu at ang kanyang asawa sa isang malinis na upuang gawa sa bato habang pinapanood ang kanilang mga anak na gumagawa ng snowmen hindi kalayuan sa kanila.

"Napakaganda na para sa atin na tumira sa mga protektadong headquarter cities na gaya nito," hindi maiwasang magbuntong-hininga si Chen Gu.

"Maganda sila dahil napupuno ang Forsaken Land ng mga halimaw kaya ang mga fighters lang ang nakakapunta doon. Ang sinasabi ko Old Chen ay kailan ka ba talaga magreretire sa iyong fighter squad?" malungkot na tanong ng asawa ni Chen Gu, "Ibinibigay mo na roon ang lahat mula noong magsimula ka sa pagiging fighter kaya oras na ngayon para magpahinga ka naman habang ineenjoy ang buhay."

Tiningnan ni Chen Gu ang kanyang asawa at ang kanyang anak hindi kalayuan sa kanila, "Asawa ko, hindi ko maaring isipin sa mga oras na ito ang pagreretire! Dahil nasa panahon ng paglakas ngayon ang aming Fire Hammer Squad kaya gusto ko pang makasama ang mga kasamahan ko sa pakikipaglaban ng kaunti pang panahon. Matapos siguro ang isa't kalahating taon ay hindi na ako makakasabay sa lakas ng aking mga kasamahan kaya oras na iyon para sa squad na kumuha ng mga bagong miyembro. At kapag nangyari na iyon ay oras na para sa akin na magretire sa pagiging fighter!"

Malinaw si Chen Gu sa kanyang sinasabi….

May katandaan na rin ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad bukod kay Luo Feng. at sa pamamagitan ng napakabilis na paglakas ni Luo Feng at matapos ang isa't kalahating taon ay normal na para kila Chen Gu, Wei Qing at Wei Tie na magretire dahil hindi na sila makakasabay sa lakas ng kanilang mga kasamahan.

"Narinig ko mula sa magulang nila Luo Feng na hindi pa rin siya nakakauwi hanggang ngayon. Nasa Forsaken Land pa ba siya?" tanong ng asawa ni Chen Gu.

"Hm, oo," tango ni Chen Gu.

"Hindi ba't masyado niyang sinasagad ang kanyang sarili," hindi maiwasang magbuntong-hininga ang asawa ni Chen Gu, "Alam niya dapat kung kailan ang tamang oras para tumigil dahil napakapayapa at napakakumportable sa loob ng headquarter city."

Napakakumportable sa headquarter city at protektadong protektado ito sa banta ng mga halimaw na sinamahan pa ng iba't ibang teknolohiya na nagbibigay ginhawa sa mga taong nakatira rito.

Hindi tulad sa Forsaken Land na palaging may nakaambang panganib kahit saang lugar ka man pumunta.

"Ano ba ang naiintindihan mo? Kung gugustuhin ng lahat ng manatili sa isang kumportableng buhay ay paanong lalabanan ng sangkatauhan ang mga halimaw?" hindi maiwasang sermon ni Chen Gu, "Ang ginhawang nararanasan nating lahat ngayon ay bunga ng paghihirap ng hindi mabilang na dami ng mga scientist na matiyagang nag-aaral para makaimbento ng bagong teknolohiya, at higit sa lahat ay ang lakas ng mga wargod fighters at mga fighters na nakalampas dito. Dahil sa kanilang pakikipaglaban sa mga halimaw ay napoprotektahan nila ang city na ito at ang mga iba pang headquarter city sa kahit na anong banta mula sa mga ito.

Magkaibang magkaiba talaga ang mundo sa loob ng isang headquarter city at sa loob ng Forsaken Land.

Ang isa ay ang napakakumportable at napakapayapang mundo.

At ang isa naman ay ang napakadugong mundo kung saan makikita ang lahat ng klase ng panganib sa kahit na anong sulok sa loob nito. Walang duda na ang mga fighters lang ang may kakayahang mamuhay sa loob ng mundong ito.

"Oo nga pala asawa ko, kapag tinanong ka ulit ng mga magulang ni Luo Feng, sabihin mo sa kanila na… malapit nang bumalik dito si Luo Feng," sabi ni Chen Gu.

"Naiintindihan ko," tango ng asawa ni Chen Gu,

���

Hindi gaya sa paligid ng headquarter city, isang labanan ang nagaganap sa pagitan ng dalawang wargods at tatlong horde leaders sa labas ng #003 city, ang city na may pinakamalaking populasyon ng halimaw sa buong Europe at Asia.

"Kailangan ko pang pabilisin ang sarili ko!"

"At kung hindi, kung mananalo ang mga horde leaders ng monster horde ay baka abutan nila ako rito pagbalik nila sa pugad. Sigurado akong napakaliit lang ng tiyansa kong makaligtas kapag nangyari iyon. Kung mananalo naman ang mga wargod ay wala na akong tiyansang mabuhay sa oras na abutan nila ako sa loob ng pugad ng mga halimaw," mabilis na tumakbo si Luo Feng papunta sa pugad, "Ang tanging pagkakataon ko lang ay ang isang napakaliit na timing habang hindi pa natatapos ang laban nila."

Ginagamit ni Luo Feng na suportado ng kanyang buong pamilya at mga kaibigan sa headquarter city ang kanyang buong lakas para makarating sa pugad na napapaligiran ng milyong milyong halimaw.

Mabilis na nakapasok si Luo Feng sa lugar na natatabunan ng usok.

"Huh?" Hiningal si Luo Feng habang tumatakbo paakyat sa 5th floor ng isang six story residential building. Nakita niya sa isang bintana nito ang milyong milyong iba't ibang klase ng halimaw na nag-uumapaw sa mga kalye at mga gusali sa paligid ng supermarket.

Makikita sa paligid ng supermarket na punong puno rin ng mga halimaw! Ang lugar pala na ito na nababalot ng usok ay napapaligiran ng milyong milyong halimaw!

"Anong dapat kong gawin?" Sumimangot si Luo Feng, "Napakaraming halimaw ang nakapaligid sa supermarket kaya walang kahit na ano akong paraan para makapasok doon nang hindi nakakakuha ng atensiyon ng mga ito."

Kahit ang dalawang wargods na sina Wang Tong at Li Kan ay hindi kayang pasukin ito nang patago. Ang tanging paraan lang nila ay sapilitang pumasok dito at makipaglaban sa mga halimaw na nakapaligid dito!

"Kung hindi kaya maging ng mga wargods na makapasok ng patago ay nakasisiguro akong mamamatay ako ng walang takas sa oras na subukan ko itong gawin."

"Mukhang mayroon pa akong isang paraan!" Umiiling na sinabi ng tumatawang si Luo Feng. Mayroong isang bagay na hindi kayang gawin ng kahit sinong wargod na kaya niyang gawin… iyon ay ang paglipad!

KA! KA!

Tinanggal ni Luo Feng ang hexagonal shield sa kanyang likuran at pinalutang niya ito sa kanyang harapan gamit ang kanyang spiritual force.

"Hmmm, nakakaexcite pala ang pakiramdam na lilipad ka papasok sa pugad ng mga halimaw," tumalon si Luo Feng sa kanyang hexagonal shield na lumulutang ng kalahating metro mula sa lupa.

"Go!"

Whoosh!

Napakabilis na lumabas ang hexagonal shield na ito sa bintana sa 5th floor ng residential apartment. Kaya ng mga throwing knives ni Luo Feng na higitan ang bilis ng isang bala galing sa sniper rifle gamit ang kanyang spiritual force pero napakabigat ng kanyang hexagonal shield na sinamahan pa ng kanyang bigat kaya hindi na nito kayang lumipad ng ganoon kabilis pero kaya pa rin nitong maabot ang bilis malapit sa speed of sound.

Pero…..

"Hindi ako puwedeng lumipad ng napakabilis dahil puwedeng maattract ng sonic boom ang mga halimaw na ito," tumayo si Luo Feng sa kanyang shield habang lumilipad ito sa taas na 50 meters mula sa lupa.

Dahil sa kapal ng usok na bumabalot sa supermarket na lumimit sa field of vision ng mga halimaw maging ng mga tao ay hindi siya nakita ng mga halimaw sa kanyang baba!

"Nakatulong talaga ang usok na ito sa akin."

Ganito lang kasi iyan…

Walang kahit anong halimaw man na nasa ilalim ng command ng steel armored dragon ang may kakayahang lumipad kaya kahit na paligiran pa nila ang loob at mga gusali sa labas ng supermarket ay hindi pa rin nila mapapansin si Luo Feng dahil sa kanilang limitadong field of vision.

"Ang family mart!"

Halos hindi makita ni Luo Feng na nasa ere ang mababa at malawak na building na ito. Mayroon lang taas na 5 stories ang buong family mart na ito. At ayon sa orihinal na design ng family mart, ang 1st at 2nd floor nito ay ang supermarket habang ang 3rd 4th at 5th floor naman ay nakalaan para sa mga naglalakihang home appliances, etc. Siyempre ay hindi mo na makikilala ang mga panindang ito matapos ang dose-dosenang taon matapos sirain at durugin ng mga halimaw.

Pero makikilala mo pa rin ang five story building na ito dahil halos hindi nagalaw ng mga halimaw ang orihinal na disenyo nito sa labas.

"Huh?"

Inilabas ni Luo Feng ang kanyang binoculars mula sa kanyang bag at maingat na nagobserba. Kahit na napakakapal ng usok na bumabalot dito ay mas maigi pa rin ang paggamit ng binoculars kaysa sa paggamit lang ng naked eye. Nakita niya na mayroon ding mga halimaw na nakapuwesto sa 3rd, 4th at 5th floor ng family mart.

Nakapagtatakang walang halimaw na nakapuwesto sa 1st at 2nd floor nito.

Makikita rin ang napakaraming bilang ng halimaw na nakakalat sa paligid ng buong supermarket.

"Parang isang tao kung mag-isip ang isang horde leader monster!" isip ni Luo Feng sa kanyang sarili, "Kung ako ay magiging isang horde leader ay pagbabawalan kong pumasok ang aking mga alalay sa lugar kung saan ako nakatira kaya mukhang ang 1st at 2nd floor ng supermarket na iyon ay ang tirahan ng steel armored dragon!"

"At ang mga elite ng mga halimaw lang ang may karapatang makapasok sa 3rd, 4th at 5th floor ng supermarket na iyon kaya sigurado akong mga commander level na ang mga nakikita ko sa mga bintana ng pugad na ito."

Maingat na inobserbahan ni Luo Feng ang pugad habang lumilipad malapit dito. Umikot din siya sa paligid nito para tingnan ang pugad sa lahat ng direksyon. Hindi niya papasukin ang pugad na ito ng walang kaalam-alam sa kung saan siya pupunta.

"Ito ay ang—"

Inoobserbahan ni Luo Feng ang mga halimaw sa kanyang baba gamit ang isang binoculars na ginawa para sa mga fighters. Napakamahal nito pero napakaepektibo. Sa sobrang epektibo nito ay nagawang matanaw ni Luo Feng ang mga halimaw na nakatayo sa front entrance ng supermarket…. Napakalalaki ng mga halimaw na ito na mayroon ding mga madudulas na balahibo at detalyadong balat.

"Iyon ay mga medium level commanders, ang isa rito ay isang medium level commander, medium level commander, high level commander…. Medium level commander…. High level commander…." Nagpatuloy si Luo Feng sa pagkakategorya ng mga halimaw na kanyang nakikita.

Matapos maikategorya ang umaabot sa 52 na halimaw ay tumigil na si Luo Feng sa pagtingin sa natitirang kalahati ng halimaw.

"Sa 52 na commander level na ito, 32 sa kanila ay mga medium level commanders habang ang natirang 20 naman ay mga high level commanders! Walang kahit isang low level commander sa kanila."

"Mayroon sigurong mga kulang-kulang 100 na halimaw na nakabantay sa harap ng pugad na ito. Naiistema ko na mga nasa 60 hanggang 70 sa mga ito ay mga medium level commanders habang 30 to 40 naman sa kanila ay mga high level commander," Nagbigay ng isang spekulasyon si Luo Feng sa pagbibilang sa mga ito pero hindi niya pa rin naiwasang masurpresa sa dami ng mga ito.

Holy shit!

Bukod sa napakaraming halimaw na nakapaligid sa buong pugad na ito ay mayroon din itong sariling 'commander squad', at 30 hanggang 40 sa mga iyon ay mga high level commanders!

Kung isa siyang beginner level wargod ay nakasisiguro siyang tatakas siya! Dahil alam niya sa kanyang sarili na ikamamatay niya ang paglaban sa mga iyon!

Habang ang isang intermediate level wargod naman ay mayroong tiyansang makaligtas at manalo sa mga halimaw na ito.

At sigurado siya na kayang suguring ng mag-isa ng isang advanced level wargod ang commander squad na ito.

"Anong dapat kong gawin? Mayroon ding mga halimaw na nakapuwesto sa 3rd, 4th at 5th floor ng pugad! Bukod pa iyan sa milyon milyong halimaw na nakapaligid sa supermarket na ito kasama ng isang commander squad na nagbabantay sa pintuan sa harap ng supermarket…. Paano ako makakapasok? Paano ko magagawang nakawin ang itlog ng dragon na iyon at makatakas ng hindi nila nalalaman?" mabilis na nag-isip si Luo Feng sa kanyang sarili habang nakatayo siya sa kanyang hexagonal shield na lumilipad sa hanging napupuno ng usok malapit sa pugad.

avataravatar
Next chapter