40 The HR Alliance Market

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isa sa anim na mga major headquarters ng China, sa loob ng Jiang-Nan city makikita ang isang 88 story skyscraper ang matangkad na nakatayo at punong puno ng karangyaan. Mayroong dalawang malaking letra ng H at R ang makikita sa 1st floor ng skyscraper na ito. Makikita rin sa 1st floor nito ang isang napakagandang plaza kung saan din matatagpuan ang pinakamalaking fountain sa buong city. Nagpapatrolya naman sa paligid nito ang hindi bababa sa isang libong sundalo na armado ng mga totoong baril na handang pumigil sa kahit na sinong taong pumasok ng ni isang hakbang mula sa labas ng walang pahintulot.

Buong paghangang tinitingnan ang skyscraper na ito ng bawat taong madadaan sa labas nito.

Bilang na bilang pa lang ang mga taong nakakapasok sa lugar na ito.

[BEEP!]

Tunog mula sa isang electronic device.

Sa loob ng isang sandali ay nagbigay daan ang mga sundalong nakapalibot sa buong building isa isang military SUV. Makikita rin ang dalawang letra ng H at R sa katawan ng sasakyang ito. Huminto ito sa tapat ng gate sa lobby. HUA, tunog ng pinto ng kotse na bumukas, pagkatapos nito ay may tatlong armadong mga fighters ang bumaba mula sa sasakyan, isa ang may bitbit na spear, isa ang may bitbit ng isang blade at isang hexagonal shield at isa naman ang may bitbit na dalawang metal boxes sa kaniyang likuran.

"Pasok po kayo Mister" magalang na bati ng doorman na nakatayo sa lobby entrance ng skyscraper.

Agad namang pumasok ang tatlong fighters sa lobby ng skyscraper.

"Tara na Luo Feng umupo muna tayo doon malapit sa bar habang hininintay ang ating magiging captain at ang iba pa nating mga kasama sa paglabas ng city." Tawa ni Chen Gu.

"Ngayon ko palang makikita ang captain natin. Ano kayang itsura niya?" tawa ni Luo Feng habang nagoobserba sa paligid ng HR alliance market. Ito ang underground alliance na binuo ng makapangyarihang mga pamilya sa buong munda. Napaka gara kung titingnan pa lamang ang headquarters nilang ito sa Jiang-Nan city.

Malayo sa ordinaryo ang kilos ng mga taong makikita sa lobby, napakalaki rin ng pagkakaiba ng mga suot nitong mga gamit kaysa sa suot ng ordinaryong mga tao.

Makikita rin ang nagagandahan at nagwagwapuhang mga waiter na nakangiti sa sino mang makasalubong nila sa loob ng lobby.

Pareparehong umupo sina Luo Feng, Chen Gu at ang isa pang miyembro na si 'Zhang Ke' sa sofa malapit sa bar sa loob ng lobby.

"Mayroon po ba kayong gusto?" Nakangiting tanong ng waither habang nakayuko ang ulo nito sa tatlo.

"Tie Guan Yin"!

"Pu'Er tea, na may hint of Jasmine!"

Agad na sagot ng dalawang senior fighters na sina Chen Gu at Zhang ke na biglang gumulat sa tahimik na nakaupong si Luo Feng. Madalas na nagiinom ang dalawang ito sa loob ng Limit Hall. Tumatawang sinabi ng matipunong si Zhang Ke na may braso na kagaya ng isa isang gorilla na "Napakadelikado sa labas Luo Feng kaya hindi kami ngayon puwedeng uminom ng alcohol"

Biglang naisip ni Luo Feng na oo nga, hindi ka puwedeng magpakakampante sa labas ng city kaya bakit kayo iinom ng alcohol nga naman ngayon?

"Gusto ko rin ng isang cup ng Pu'Er tea" tawa ni Luo Feng.

Isang solemn na musika ang maririnig na tumutunog sa loob ng lobby. Isa itong kanta na tinutugtog sa pamamagitan ng flute. Hindi siya masabi kung ano ang ibig sabihin o ibig ipahiwatig ng kantang ito. Pero nararamdaman niya na sobrang nakakarelax at nakakapagparelax ng kantang ito. Mararamdaman ng kahit na sinong makinig dito ang pangkapresko ng kanilang mga isipan.

"Ang 1st floor ay nakalaan para maging isang resting area ng mga bisita. Pero mula second floor pataas, doon mo makikita ang mga gamit na ibinibenta sa ng HR alliance." Ngiti ni Chen Gu "mas mababa ng kaunti ang mga presyo ng bilihin dito kaysa sa internet market ng Limit Home. Pero siyempre, mas mataas pa rin ito kaysa sa half price ng mga gamit na itinitinda sa internet market.

Tumango si Luo Feng, alan niya na ang half price ay ang isang bagay na napapakinabangan lamang ng mga miyembro ng Dojo of Limits.

"Ang maganda lang sa market place ng underground alliance ay puwede tayong magbenta ng mga gamit at ingredients na makukuha natin sa mga napatay nating mga halimaw sa napakataas na halaga" paliwanag ni Chen Gu "Kung ibebenta mo naman sa ating Dojo, bukod sa pera ay makakakuha rin tayo ng contribution points na magagamit natin sa iba't ibang mga bagay sa Dojo. Pero ang presyo nito ay mas mababa kaysa sa presyong inaalok sa Underground alliance na kung saan ay wala kang makukuhang contribution points sa bawat gamit na ibebenta mo sa kanila. Nasasayo pa rin ang desisyon sa huli Feng."

Tumawa si Luo Feng, dahil sa dami ng mga post na nabasa niya sa fighter discussion thread ay matagal na niyang alam ang mga ito.

Alam niya na ang pagbebenta sa Dojo ay may kapalit na contribution points at pera.

At ang napakataas nitong halaga sa pagbebenta sa Underground Alliance.

"Kagabi kapa nagtatrabaho Kuya Wang, kaya ako na muna ang bahala rito at magpahinga ka na muna" mahinang sabi ng isang boses. Nang marinig ito ni Luo Feng ay para itong nakuryenteng lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Sa isang bar ay may isang batang babae na nakasuot ng puting collared shirt at napakahabang black pants na nakikipagpalit ng posisyon sa isang manager.

Mayroong 12 waiters at isang manager sa loob ng bar na ito. Ang bar ay bukas ng 24 oras at mayroon ang bawat isa sa kanila na 8 hour shifts kaya nahahati sila sa tatlong grupo.

"Xu Xin?" Hindi makapaniwalang tiningnan ni Luo Feng ang babaeng manager. Isang babae na may propesyunal na itsura at may aurang maihahalintulad sa isang prinsesa ang makikitang nakatayo sa bar na iyon. Hindi maaaring maging manager ng bar sa lobby ng headquarters ng Underground Alliance ang isang pangkaraniwang tao. Ginawa ang lugar na ito para sa mga fighters!

At para naman maging isang waiter ng bar na ito ay kinakailangan muna ng isang tao na makagraduate sa isang prestihiyosong college at sumailalim sa napakatagal na training para makuha lamang ang posisyong ito, paano pa kaya ang isang bar manager.

"Xu Xin....."

Paanong nagbago ng husto ang isang simpleng babaeng nakilala niya noong nasa high school pa lang siya?

"Pupunta muna ako roon saglit kuya Chen at kuya Zhang" iniwan ni Luo Feng ang kaniyang bag, shield, blade at iba pa sa sofa at nakangiti siyang tumayo at naglakad papunta sa bar.

Sa loob ng bar.

Iniyuko ni Xu Xin ang kaniyang ulo habang chinecheck ang supplies sa ilalim ng counter nang may biglang---

"Xu Xin" tawag ng isang pamilyar na boses.

"Huh?" nagulat ng husto si Xu Xin nang marinig niya ito. Dahil ang tawag lamang ng mga taong kilala niya sa lobby ay 'Manager Xu' at normal na hindi alam ng mga fighters ang pangalan niya. Kaya paanong mayroong tumawag sa kaniya ng 'Xu Xin' at ang boses din ay mula sa isang pamilyar na tao. Itinaas nito ang kaniyang ulo para tingnan kung sino ito.

Sa panahong ito ay ibinaba ni Luo Feng ang kaniyang uli para tingnan si Xu Xin sa ilalim ng bar. Sumabay naman ito sa pagtayo ng katatapos lang sa pagchecheck ng supply na si Xu Xin kaya…

Nagtama ang kanilang mga paningin.

Pareho nang naramdaman sina Luo Feng at Xu Xin sa mga sandaling ito. Malakas na kumabog ang kanilang mga dibdib.

"Anong ginagawa mo rito Luo Feng?" Tumatawang tanong ni Xu Xin nang magsimula na siyang magreact at tumayo.

"Kahit na ikaw ay naging manager dito Xu Xin kaya paanong wala ako rito hindi ba?" tumatawang sinabi ni Luo Feng. Habang tinitingnan niya ang batang babae sa kaniyang harapan ay wala na siyang magawa kundi maalala ang mga sandaling magkaklase pa lamang sila noong high school na kung saan ay tahimik niya itong tinitingnan habang nakaupo sa likuran nito sa loob ng classroom…. Matagal na niyang crush ito pero hindi lang niya ito maamin dahil sa sobrang abala niya sa pagaaral ng maigi para makapasok sa military academy.

Ang akala niya ay hindi na niya muling makikita pa si Xu Xin pero ang hindi niya alam ay magkikita sila nito sa HR alliance market bago ang una nilang misyon sa labas ng city.

"Isa ka palang fighter Luo Feng?" nakita ni Xu Xin ang suot ni Luo Feng at wala na itong nagawa kundi mapatanong sa sobrang gulat.

"Oo, lalabas na kami ng city mamaya" tawa ni Luo Feng.

"Sa Forsaken Land?" nagbago nang bigla ang itsura ni Xu Xin nang marinig niya ito.

Ang mga lugar sa labas ng mga city sa buong mundo ay tinatawag na 'Forsaken Land' ng karamihan. Para sa mga taong nakatira sa mga city, ang parang ay isang lugar na pumalit sa forbidden area of death. Ang lahat ng klase ng mga halimaw ay makikita mo rito: ang mga madidilim at kakilakilabot na mga nilalang, ang mga halimaw na may kakaibang mga itsura, ang malalaki at walang awang mga halimaw at iba pa. Mayroon din ditong mga halimaw na halos imposible nang mapatay sa sobrang lakas.

Tanging ang mga pinakamalalakas na uri ng mga taong tinatawag na 'fighters' ang pupwede lamang lumabas doon para makipaglaban sa mga halimaw.

Hindi maisip ni Xu Xin na isa nang fighter si Luo Feng at sa ilang sandali pa ay aalis na ito palabas ng city.

Sa totoo lang, alam ni Xu Xin na mayroong kaunting pagtingin si Luo Feng sa kaniya…. Ang bagay na kagaya nito ay napakahirap itago. Alam niyang tinitingnan siya ni Luo Feng araw araw noon sa klase at minsan ay nahuhuli niya itong nakatitig sa kaniya kapag may mga oras na lumilingon siya rito. Natural na naiintindihan ni Xu Xin ang nararamdaman ni Luo Feng para sa kaniya.

Talagang hindi lang masabi ng magkabilang panig ang mga punto nila.

"Halika na Luo Feng, andito na ang captain natin" sigaw ni Chen Gu.

"Mauuna na muna ako" sabi ni Luo Feng kay Xu Xin.

"Sige" tango ni Xu Xin.

Bumalik si Luo Feng sa pinanggalingan nito. Pero sa mga oras na ito ay nadagdagan na ang dalawang fighter na iniwan niya ng tatlo. Napansin niya na magkamukha ang dalawa sa tatlong bagong dating na fighter at sa sobrang magkamukha nito ay madaling malalaman ng kahit sino na sila ay isang kambal. Ang dalawa ring ito ay may dalang isang shield at scimitar sa kanilang mga likod. Ang ikatlong lalaki naman ay may sobrang laking katawan at may dala dala itong dalawang sledgehammers sa kaniyang likuran na mukhang gawa sa silver.

Note mula sa TL: ang scimitar ay isang espada na ginagamit ng mga sundalo sa middle east sa pakikipaglaban noong unang panahon. Kahawig nito ang machete o bolo na pangkaraniwang ginagamit nating mga Pilipino hanggang sa ngayon.

"Ito ang kilalang 'Twin Moon Scimitar' brothers ng Wei family Luo Feng, sila ay sina Wei Tie at Wei Qing" nakangiting pakilala ni Chen Gu sa dalawang fighters kay Luo Feng.

Tumango ang Wei brothers kay Luo Feng bago nito ibaba ang dala dala nilang mga shields at scimitars bago umupo sa sofa.

"Kuya Tie, Kuya Qing" nakangiting bati ni Luo Feng.

Ang ibang mga miyembro ng fire hammer squad ay mas matanda ng husto kaysa kay Luo Feng ng humigit kumulang sampung taon. Kung ikukumpara sa kanilang lima, walang duda na si Luo Feng ay parang kanilang bunsong kapatid.

"Ito ang captain ng ating fire hammer squad, ang 'Dual Wind Hammer' na si Gao Feng" pakilalal ni Chen GU. Walang nang magawa si Luo Feng kung hindi ay mapansin na hindi gaanong katangkaran ang kapitan nilang si 'Gao Feng'. Mayroon lamang itong taas na 180cm. Pero mayroon itong napakalaking katawan na para bang gawa sa bakal.

Suminghal si Gao Feng at habang papalapit ito kay Luo Feng, makikita ang mala bato niyang mga muscles sa buong katawan "Gumagamit ka rin ng blade huh. Pag pasok natin sa Forsaken Land ay sumama ka kila Wei Tie at Wei Qing para mas madali kang masanay sa labas. Nakikita ko na may talento ka bata kaya sigurado ako na mabilis kang magiging opisyal na miyembro ng aming team"

"Opo" Tango ni Luo Feng.

Kahit na anong mangyari, dapat ay hindi siya maging isang pasakit sa elite fighter squad na ito.

"Magpahinga muna kayo sandali bago tayo umalis" sabi ni Gao Feng.

"Opo captain"

Silang lima kasama si Luo Feng ay tumango sa captain.

Sa loob ng 20 minutos ay naubos na ni Gao Feng at ng iba pa ang kanilang mga iniinom at tumayo "Halika na sa Parang". Agad na kinuha ni Luo Feng ang kaniyang mga gamit sa sofa kabilang na ang kaniyang ghost blade, shield at iba pa.

"Luo Feng" tawag ng isang boses.

Napalingon si Luo Feng nang marinig niya ito.

Sa mga oras na ito ay kumakabog ng malakas ni Xu Xin at sa hindi malamang dahilan ay nagaalala ito ng todo kay Luo Feng dahil lalabas na ito ng city para manghuli ng mga halimaw. Siguro ay nagsimula nang magkaroon ng nararamdaman si Xu Xin sa binatang may crush sa kaniya noong high school pa lamang sila.

"Bakit Xu Xin?" tingin ni Luo Feng kay Xu Xin.

"Magsisimula na ang pasukan ko sa susunod na mga araw. Pero pagdating ng collage ay babalik ako sa pagiging manager ko rito tuwing weekends" sigaw ni Xu Xin "Kaya siguraduhin mong pupunta ka sa mga araw na iyon" habang sinisigaw niya ito ay nagsisimula na ring pumula ng mukha niya.

"Sige sisiguraduhin kong makakapunta ako"

Ngiti ni Luo Feng.

"Nakakilala ka na agad ng isa ng ganito kadali? Grabe!" pabirong pinalo ni Chen Gu ang braso ni Luo Feng habang tumatawa ito ng malakas.

"Ito ay isa sa mga magagandang bagay sa pagiging batang fighter, lalapitan ka ng maraming magagandang mga babae" tawa ni Gao Feng sa isang tabi. Dahil determinado na siyang isali si ito sa fire hammer squad, natural na iturin na niya si Luo Feng bilang isang kapatid.

Tumawa lamang si Luo Feng nang marinig niya ito.

"Halika na!"

"Sumakay na kayo sa sasakyan!"

Sumakay ang anim na miyembro ng Fire Squad team sa isang pribadong sasakyan na pagaari ng HR alliance na maghahatid sa kanila patungo sa istasyon ng train na kung saan sasakay sila ng tren palabas ng city.

avataravatar
Next chapter