11 Reaction Speed

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mukhang kampante ang matandang Jiang sa estudyante niya," tumatawang sabi ng punonggurong si 'Wu Tong'. Habang sinasabi niya ito ay nakatitig siya nang maigi kasama ng iba pang mga tao sa silid na iyon, sabay sabay silang nagaabang ng magiging resulta ng kanyang mga test.

Tumayo si Luo Feng sa harapan ng machine at nagpakawala ng napakalakas na puwersa galing sa kanyang balakang. Bahagyang umikot ang katawan nito na lalong nakapagpalakas sa puwersang nagmumula sa kanyang balakang. Sa ilang sandali lamang ay napunta ang lahat ng lakas na ito sa kanyang braso at napakabilis na lumipad ng kanyang kamao na para bang isang pana sa ilalim ng bilog na buwan. Matapos nito ay maririnig ang isang napakalakas na "PENG" sound na nanggagaling mula sa machine.

Natuwa naman si Luo Feng matapos niyang ibigay ang napakalakas na suntok na iyon at sinabing "Napakasarap sa pakiramdam na makasuntok ng ganoon kalakas kung saan ay ramdam na ramdam ko ang lahat ng lakas na nanggagaling sa katawan ko papunta sa aking braso". Tumingin siya sa display para malaman ang resulta ng una niyang test.

"1101kg"

"Magaling"

"Hindi na masama" Bati sa kanya ng ilang mga fighters sa silid.

Napakiskis naman ang kamay ng punong gurong si 'Wu Tong sa kanyang baba at tumatangong sinabi: "Hindi na masama bata. Basta ay huwag na huwag mo lamang mawawala ang iyong gitnang 'shi' habang sumusuntok. Kung binalewala ng isang tao ang lahat para lamang makakuha ng magandang result ay maaari nitong mawala ang kanyang gitnang 'shi'. Magiging malakas nga ang suntok nito pero kung ikaw ay may kaharap nang halimaw, isang napakapanganib na bagay ito na puwede mong ikamatay! Magaling, Magaling"

"Hahaha may angking talento ang batang ito sa pakikipaglaban" tumatawang sinabi ng gurong si 'Jiang Nian'"Madali niyang natalo ang tatlong elite members na kapantay ng kanyang lakas at bilis!"

Lalong natuwa si Luo Feng noong marinig niya ang papuri sa kanya ng kanyang guro at ng punongguro.

Ang dalawang beses niyang pagkakacoma ay nagresulta sa paglakas at pagbilis ng kanyang katawan. Mula noon ay nagkaroon na siya ng pangarap bilang maging pinakamagaling na fighter! Ang isang fighter ay nangangailangan ng angking talento sa pakikipaglaban. At noong kanyang mga early teenage days at hindi pa pumapasok sa dojo, Nagaral siya at nagsanay sa basics ng martial arts nang mag isa sa kanilang tahanan.

Ito ang dahilan kung bakit napakagaling niya sa pakikipaglaban.

"Isang napakagaling na batang binhi. Pass!" Muling bumunot si Wu Tong ng panibagong ID at iniscan ito sa machinte "Ang susunod ay si Bai Yang".

Bumalik na si Luo Feng sa kanyang kinauupuan kasama ang iba pang kumukuha ng exam.

"Hindi na masama crazy" Tumatawang bati ni Yang Wu.

Sumagot ng ngiti si Luo Feng

…..

Nang matapos na ng walo ang 'strength test', isa ang nadisqualified at umuwi dahil sa bagsak nitong resulta. Ang kanyang fist strength ay umabot lamang sa 892kg na napakalapit na sa 900kg na kinakailangan para pumasa. Ang susunod sa pagsusulit ay ang speed test na kung saan pitong tao nalang ang natitira sa kanila.

[KA!] Naglakad ang punonggurong si Wu Tong papunta sa speed tester machine at inon ito.

"Isa isa sa baliktad na pagkakasunodsunod." Utos ng punnonggurong si Wu Tong. Pinakahuling sumubok si Yang Wu sa strength test kaya siya ang mauuna sa sumunod na speed test.

Huminga ng malalim so Yang Wu.

Halos sampung beses na siya nagbakasakali sa Prospective Fighter exam at bumagsak dahil kakulangan ng kanyang bilis sa speed test.

"Kaya mo yang Kapatid na Yang" Pursigidong sabi ni Luo Feng habang tinatapik ang braso nito.

"Manood ka" sagot ni Yang Wu habang kinokontrol ang kanyang paghinga at saka ito tumakbo sa track.

Napasimangot ang gurong si Jiang Nian habang pinapanood niya ito. Nanggaling din si Yang Wi sa Zhi-An section pero maraming beses na itong bumagsak dahil sa kanyang bilis.

[WOOOOSSHHH!]

Tumapak si Yang Wu sa track at gumawa ng napakahinang ingay. Kasama ng lakas mula sa kanyang braso at ang napakabilis niyang simula, mabilis nitong naabot ang kanyang top speed. Naglabasan ang mga ugat sa kanyang mga peklat sa mukha habang ito ay tumatakbo nang may nagngangalit na mga ngipin. Nagawa rin nitong umalulong na parang isang wolf matapos ang kanyang test.

"Kailangan kong maipasa ito!" ungol ni Yang Wu at ito ay tumigil na.

Lumingon siya at nakita ang nagbibigay sa kanya ng 'thumbs up' na si Luo Feng. At matapos niyang makita ito ay naramdaman niya na para na siyang nasa langit.

"Hahaha, Sinisuwerte ka ngayon Yang Wu ah. Nakapasa ka" Masayang sinabi ni 'Jiang Nian' sa kanya habang ito ay tumatawa.

Nagmadaling tumakbo si Yang Wu sa maching upang tingnan ang resulta nito—'25.1m/s'��

"Phew, muntik na" Natatawang sabi ni Yang Wu. Kung hindi lang maganda ang kundisyon ng kanyang pangangatawan ay maaring hindi niya naabot ang 25m/s at bumagsak muli sa exam.

"Oo, Pasado!" nakangiting sabi ng punonggurong si Wu Tong "Susunod"

Isa isang sumubok sa test ang lahat. At dahil pangalawa si Luo Feng sa pagsubok sa strength test, siya ang magiging pangalawa sa huli sa pagsubok sa speed test.

Malapit na ang turn ni Luo Feng sa speed test.

"Luo Feng" Malakas na tawang ng Punonggurong si Wu Tong.

"Gawin mo ang lahat ng makakaya mo crazy. Mas maganda na magkasabay tayong kumuha ng Fighter Combat exam" sabi ni Yang Wu upang pursigihin si Luo Feng na ipasa ang kanyang speed test. Ngumiti at tumango naman ito bilang sagot kay Yang Wu. Naglakad na si Luo Feng papunta sa track at kinontrol ang paghinga nito. Dalawang beses din siyang tumalon ng magaan sa ibabaw ng track. Ibang iba si Luo Feng kay Yang Wu na may brutal at marahas na uri ng lakas; Nagpakita ito ng isang nakakarelax na aura.

[WHOOSH!]

At ibinigay niya ang lahat ng kanyang lakas sa pagtakbo na parang isang panther na may bilis na hindi mapapantayan. Naramdaman ang napakalakas na hangin sa mga kanyang nadaanan sa gilid ng track. Makikita mo sa isang tingin lang na ang bilis niya ay sadyang naiiba kaysa sa mga nauna sa kanya.

"Nararamdaman ko na ok lang ang bilis ng pagtakbo ko kanina" lumingon si Luo Feng at nakita naman nito si Yang Wu na nagbibigay ng 'thumbs up' sa kanya. At kahit na ang kanyang guro na si Jiang Nian at ang punonggurong si Wu Tong ay wala nang nagawa kundi mapatango dahil sa nakita nilang ito.

Naglakad si Luo Feng papunta sa machine upang tingnan ang resulta nito---

"28.6m/s"

"Mabilis, napakataas na nito kung pagbabasehan ko ang passing mark" tumatawang sinabi ng punonggurong si Wu Tong at tumango ito " at ang huli, Tong Guan".

������������

Dalawang estudyante ang bumagsak sa speed test at pinauwi. Ngayon na lima na lamang sila na natitira, nagtungo na sila sa bahagi kung saan gaganapin ang 'Reaction Speed exam'.

"Sundan niyo ako" dinala ng punongguro na si Wu Tong ang natitirang mga estudyante at ang grupo ng mga fighters patungo sa 'reaction speed testing room' na karugtong ng training hall.

Ang silid na ito ay may sukat na isang daang ping.

Kung ikukumpara mo sa naglalakihang mga training halls na may sukat ng ilang libong mga ping ang kada isa, sadyang mas maliit ang sukat ng mga reaction rooms na kagaya nito. At mayroong isang napakalaking machine na nakalagay sa gitna ng silid na ito. At kung titingnang maigi, maihahalintulad ang itsura nito sa isang 6 barreled gatling gun. Pero makikitang mayroon itong ilang dosenang butas kaysa sa anim na butas na makikita sa isang gatling gun. Kaya kung iisipin, kaya nitong magpakawala ng mas maraming bala kaysa sa isang gatling gun.

"Ang mauuna, si Tong Guan" Utos ng punongguro na si Wu Tong.

Tumayo ang balbas saradong lalaki sa harapan ng baril. Siya ay nasa loob ng isang bilog na may diameter na 3.6 meters.

[CLACK!] At ang switch nito ay bumukas na��

Isang pulang ilaw ang sumindi sa ibabaw ng bilog. At kung titingnan ay parang napapalibutan ang fighter na nasa loob ng pulang kurtina.

"Tandaan niyo na kahit anong mangyari, Huwag na huwag kayong lalabas sa bilog dahil magreresulta ito sa pagbagsak niyo sa pagsusulit na ito. At mayroon namang bawas ang ipapataw sa puntos niyo kapag dumampi kayo sa pulang kurtina na nasa paligid ninyo." Turo ng punongguro na si Wu Tong. Matapos nito ay naglakad siya papunta sa reaction speed tester at pumindot ng ilang mga pindutan para iadjust ang lakas nito. Mayroon itong iba't ibang power level.

Ang pinakamababa ay para sa mga pangkaraniwang members.

At ang pinakamataas naman ay para sa mga nangungunang mga fighters.

"Magsimula ka na!" sigaw ng punongguro at pinindot nito ang pulang pindutan.

[BEEP~~~BEEP~~~] At nagsimulang umikot ang napakalaking cannon ng machine na ito at naglabas ng pulang ilaw na para bang isang laser ang lahat ng isang dosenang mga butas nito. May mga mabibilis ay mayroon namang mga mababagal at kahit na ang trajectory nito ay wala sa ayos. Napakagulo at napakakalat nito. Matapos nito ay nagsimula ng tumira ang machine ng mga bala sa loob ng bilog.

Nakatitig ang balbas saradong lalaki sa harapan nito habang patuloy niyang iniilagan ang mga pulang bala na sinusubukan siyang tamaan sa kaliwa't kanan.

[PU! PU!] dalawang magkasunod na tama��

Pero ang mga balang ito ay parang goma at wala itong lakas at bilis kaya hindi ito nakakapanakit ng tao.

Mabagal na lumipas ang oras.

Ginagawa ng balbas saradong lalaki ang lahat ng kanyang makakaya at ang timer naman ay malapit ng dumating sa isang minuto.

[TOOT~~~] Matapos pindutin ng punonggurong si Wu Tong ang pindutan, mabilis na tumigil ang machine na ito. Ang display naman nito sa gitna ay nagpakita ng napakaraming impormasyon tungkol sa nangyaring pagsusulit.

"Sa loob ng isang minute, Mayroon kang 57 na mga tama at dumampi ang katawan mo ng tatlong beses sa pulang ilaw. Disqualified!" pasigaw na sinabi ng Punongguro na si Wu Tong habang binabato niya ang ID ng estudyante pabalik rito.

"Konti na lang mapapasa ko na sana" nanggigigil na sinabi ng balbas saradong lalaki habang naglalakad ito palabas ng bilog nang may nagngangalit na mga ngipin.

"Ang susunod, Si Luo Feng" utos ng punongguro na si Wu Tong.

Matapos makipag bump fist kay Yang Wu ay nagtungo na ito sa gitna ng bilog.

Napabuntong hininga si Luo Feng habang nakatayo ito sa harap ng machine. Bago pa man siya pumasok sa dojo ay nagsasanay na siya sa kanilang bahay. Ito ang pinaka specialty ni Luo Feng sa lahat ng bahagi ng pagsusulit. "Nagkakaroon ako ng tamang umaabot sa 50 hanggang 55 na beses sa loob ng isang minute bago pa ako kumuha ng exam sa high school. At ngayon na lumakas pa ang pangangatawan ko, maipapasa ko ito ng walang kahirap hirap"

"Tandaan mo na hindi ka dapat lumabas sa bilog kahit na anong mangyari kung ayaw mong bumagsak. Magkakaroon ka naman ng bawas sa puntos kung tatama ka sa mga pulang ilaw sa paligid mo" Sabi ng punongguro na si Wu Tong sa kanya. Matapos nito ay pinindot na niya ang pulang pindutan.

[BEEP~~~BEEP~~~]

Mabilis na umikot ang barrel ng reaction speed tester machine. Sumindi muli ang mga pulang ilaw galing sa mga butas nito at hindi nagtagal ay mabilis na itong nagsimula sa pagtira ng mga pulang bala na gawa sa goma.

"Hm?" Tumitig ito sa machine at nagsimulang icalculate ang mga posisyon na tatamaan sa kanyang isip na para bang isang dextrous cat. Patuloy siyang umilag sa kaliwa't kanan at naiwasan ang mga bala ng isa isa. Pero may mga ibang bala na sa sobrang bilis ay hindi na niya makayanan na maiwasan.

Nagsimulang magusap usap ang mga fighters nang makita nila ang pagiwas nito sa mga bala.

"Hindi na masama para sa batang ito, napakabilis ng kanyang reaction speed"

"Walang duda na napakabilis niya at mayroon siyang napakagandang pundasyon at porma ng galaw. Ang mga paa niya ay parang paa ng isang pusa. Hindi rin siya nawawalan ng balanse sa bawat turn kaya mabilis itong nakakailag papunta sa kabilang direksyon. Ang ganitong klase ng porma…. Hindi niya makakamit ito kung hindi siya nagsanay ng higit sa sampung taon o kung hindi man siya isang henyo.

Namangha ang lahat ng mga fighter na nanonood sa kanya.

Ang pangangatawan ng isang fighter ay kayang sanayin. Pero ang kakayahan at ang porma nito ay nakabase sa kanyang karanasan. At hindi ito nakabase sa pangangatawan lang ng isang tao.

[TOOT~~~] At matapos pindutin ang pindutan, tumigil na ang machine sa pagtira at naglabas ito ng impormasyon mula sa screen nito.

"Sa loob ng isang minuto, tinamaan ka ng 28 beses at hindi ka tumama sa pulang ilaw. Napakahusay!" Nakangiting bati ng punongguro na si Wu Tong. "Hindi na masama Luo Feng, Binabati kita. At pagkatapos dumating ng dokumento at marecord ang iyong resulta ay magiging isa ka nang prospective fighter!" Pagkatapos ng exam na ito ay bibigyan kayo ng isang official certificate. Ang mga resulta naman ng iyong pagsusulit ay ipapadala sa citizenship information agency sa loob ng isang linggo.

Isinara ni Luo Feng ang kanyang kanang kamao at sumigaw na: "Nagtagumpay din ako sa wakas!"

Isa na akong prospective fighter!

"Sa August 1 magaganap ang inyong Fighter Combat Exam. Dumating ka sa Limit Hall ng madaling araw. At sa ilalim ng isang guro ay lalabas kayo kasama ng iba pang mga prospective fighters para pumatay ng mga halimaw sa labas ng human base! At pagkatapos nito ay magiging isa ka ng fighter" tuwang tuwa na sinabi ng kanyang guro na si 'Jiang Nian' sa kanya.

avataravatar
Next chapter