webnovel

Nanakawin ko ba ang Dragon Egg?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nirerespeto ang pangalang Dragon maging westerner man ang isang tao o easterner.

Walang halimaw ang may karapatang matawag sa pangalang dragon noon bago maganap ang Grand Nirvana Period!

Pero matapos nito ay nag-iba ang anyo ng mga halimaw dahil sa pagbabago ng mga genes nito. Dito nagsimulang isilang ang mga katakot-takot na nilalang. Napakaraming kategorya ang mga pig type monsters, pati na rin ang dog type monsters ay marami ring kategorya, maging ang mga cat type monsters, rat type monsters, gecko type monsters, wolf type, tiger type, snake type, eagle type, bear type…..

Ang bawat type ng halimaw ay kinabibilangan ng iba't ibang species!

Mayroon ding mga espesyal at napakarare na halimaw maliban sa mga ito. Walang sinuman ang nakakaalam kung paano sila naging ganyan o saan sila nanggaling. Sila siguro ang mga uri ng halimaw na ipinanganak sa mga espesyal na kondisyon! Ang mga halimaw na ito ay nagtatanglay ng unique na pangalan depende sa kanilang mga lakas... Ginawa rin ito ng sangkatauhan para makategorya ang mga ito.

Ang steel armored dragon! Ito ay isa sa mga special dragon species!

Binigyan ito ng sangkatauhan ng titulong dragon dahil sa bilis, lakas, depensa, kaalaman, body structure nito at iba pa na halos perpekto na kung tutuosin. Maiisip na siguro ng kahit sino sa atin kung gaano ito katakot-takot dahil sa hindi nito mapantayang lakas sa pangalang ibinigay pa lang dito ng mga tao.

"HOWL~~" Makikitang mas mahaba ang buntot ng steel armored dragon kaysa sa katawan nito habang mabilis nitong winagwag na parang isang ahas na may nakakahilong buntot na kulay dark green.

Mabilis na sumusugod ang steel armored dragon na ito papunta sa kinaroroonan ng wargod na si 'Shadow Blade' Wang Tong.

"PU!" Nahati sa gitna ang bangketang gawa sa aspalto dahil sa pag-atake ng steel armored dragon.

"RUMBLE~~"

Unang binangga ng wargod na si Wang Tong at ng steel armored dragon na halimaw ang isang residential apartment sa kanilang harapan. Agad na nahati sa dalawa ang kongkretong dingding ng residential apartment na iyon na para bang isang hinihiwa na tokwa. At dahil sa isang brutal na paghampas ng steel armored dragon gamit ang kanyang buntot ay agad na nawasak ang mga dingding at haligi ng residential apartment na ito.

RUMBLE~~ Ilang sandali pa ay bumagsak ang buong residential apartment na nagresulta sa paglabo ng paligid nito dahil sa mga nagliliparang alikabok sa itaas nito.

Hu~ Hu~

Para namang isang ihip ng hangin ang buong katawan ni Wang Tong dahil hindi mawawala ang elemento ng hangin sa kahit anong galaw na gawin nito. Napakamalaya ng rhythm na ginawa ni Wang Tong sa kanyang katawan kaya kahit na gaano pa kalakas at kabilis ang pagatake ng kalaban niyang steel armored dragon ay hindi nito magawang tamaan si Wang Tong ng kahit isang beses. Bukod pa riyan ay mayroong mga kaliskis ng napakalakas na steel armored dragon na nahati sa dalawa.

"Sinong mag-aakalang ganito pa rin kalakas ang steel armored dragon matapos nitong mangitlog," nangangamba ng husto ang wargod na si Wang Tong, "Dahil isa akong tao ay hindi ko kakayanin ang mga pinsalang binibigay ko na kasalukuyang kinakaya ng kalaban kong steel armored dragon na ito."

"May isang kasabihan nga na siguradong matatalo ka kung palagi ka na lang nakadepensa. Kaya kong ilagan ang mga atake nito sa ngayon pero hindi ako nakasisigurong maiilagan ko ito sa mga susunod na sandali."

"Pero dahil din sa napakatigas na balat nito ay hindi ko siya naaapektuhan kahit na anong klase pa ang atake ang gawin ko kahit na mahiwa ko pa ang isa hanggang sa dalawang bahagi ng balat nito, maliban na lang kung tamaan ko ang weak spot nito," sumimangot si Wang Tong, "Wala na akong pagkakataon dito sa ngayon pero kinakailangan kong sumugal at gumawa ng sarili kong pagkakataon."

…..

"Yari na."

Hindi mapigilan ni Luo Feng ang kanyang pagkasabik habang nanonood sa isang building na may kalayuan sa puwesto kung saan nagaganap ang laban sa pagitan ng dalawang wargod at ng isang steel armored dragon na sinusuportahan ng tatlo nitong kasamang commander level na halimaw. Ang lahat ng mga kongkretong bangketa, aspaltong kalsada, commercial buildings at maging ang mga buildings na may taas na 10 stories ay nagkandawasak at nagbagsakan sa oras na daanan ito ng dalawang naglalaban na panig. Walang ni isa sa mga ito ang naging sagabal sa nagaganap na labanan. Maging ang pagbagsak ng isang 10 story building ay hindi makakasakit ng kahit kaunti sa kanila!

"Sinasabi nila na mas matibay pa raw sa isang diamond ang katawan ng mga horde leader level na halimaw kaya hindi ito kayang masaktan maging ng mga guided missile na ginagamit ng army! Mukhang totoo nga ang sinasabi nila!"

Ang mangilan-ngilan sa mga bumagsak na 10 story building na kanilang natamaan ay bumagsak sa steel armored dragon pero dahil sa tibay ng balat maging ng buntot nito ay agad na nahahati sa dalawa ang mga parte ng gusaling bumabagsak dito. At matapos iyon ihagis ng buntot ng halimaw ay makikitang hindi man lang nagasgasan ang balat ng tinamaang parte ng katawan nito na nagpapakitang napakatibay nga talaga ng balat ng isang horde leader level na halimaw.

Nalampasan pa rin nila ang speed of sound kahit na nakarelax pa ang mga katawan ng dalawang wargod maging ng steel armored dragon at dalawang horde leader level na humahabol sa kanila!

"Hindi lang ito isang ordinaryong halimaw, isa itong high level horde leader na steel armored dragon. Mas malakas pa ito sa isang black crowned golden eagle na nakita ko sa TV kani-kanina lang," kumulo ang dugo ni Luo Feng habang patuloy niyang pinapanood ang laban sa balkonahe. "Sa kasamaang palad ay napakabilis ng mga galaw ng mga iyon kaya hindi ko masyadong makita kung ano ba talaga ang mga ginagawa nilang atake o depensa." Ang tanging bagay na nakikita lang ni Luo Feng ay ang nakasisirang lakas na resulta ng laban ng dalawang panig na ito.

"HOWL~~"

"ROAR~~"

Kasama ng mga galit na galit na mga pag-ungol na iyon ay ang dumadagundong na pagsugod ng hindi bababa sa 10 million na halimaw na pinamunuan ng 30 commander level monsters na pumuno sa lugar na kinaroroonan ng pugad habang makikita ang pagsasanib-puwersa ng dalawang flame scale triple halberd boars na labanan ang kasamang wargod ni Wang Tong na si Li Kan na sabik na sabik namang gumawa ng mga sigaw na umabot hanggang sa kalangitan.

...

"Sigurado akong napakalakas ng higanteng maskulado na si Li Kan na iyon," nagpatuloy lang sa panonood si Luo Feng sa balkonahe sa paglalaban ng mga iyon na parang bang wala ng bukas, "Napakalakas ng mace na iyon at napakabilis niya ring umilag. Ang dodging technique niya siguro ay isa na ring Ru Wei class na sinamahan pa ng napakadami niyang experience sa paggamit nito. Kaya niya ring gamitin ang kahit na anong nasa paligid niya maging ang mga sumusugod na halimaw sa kanya kaya nakikita ko na mas may kontrol siya sa battlefield kaysa sa akin."

Inanalyse ito ni Luo Feng habang kinukuhanan niya ito ng experience.

Dahil kahit na isa na rin siyang Ru Wei class ay hindi niya pa rin magawa ng perpekto ang paggamit sa kanyang paligid upang magkaroon ng kontrol at advantage sa battlefield.

"At ang wargod na iyon na nagngangalang Wang ay mas malakas pa kaysa sa kasama niyang si Li."

Kitang kita sa mga mata ni Luo Feng ang matinding pagkasabik sa kanyang nakikita, "Hindi niya lang nalampasan ang Ru Wei class dahil nalampasan niya rin ang abilidad ng malaking maskulado na iyon na si Li sa pagkontrol sa kanyang kapaligiran… Naging sobrang dali na lang nito para sa kanya dahil natural na itong lumalabas sa kanyang katawan kaya ang kanyang katawan ay para nang isang ihip ng hangin. Maituturing ko na isang master na siya sa paggamit ng technique na iyan!"

Kahit na hindi kapanipaniwala ang technique ni Luo Feng ay makikita pa rin ang napakalaking agwat nito kung ikukumpara sa dalawang wargods na kanyang pinapanood.

Sa totoo lang ay hindi kilala ni Luo Feng kung sino ba talaga ang dalawang ito.

Si Shadow Blade 'Wang Tong' ay isang advanced wargod na sikat sa buong mundo! Ang kanyang pinakamalapit na partner naman na si 'Bear Strength' Li Kan ay isang intermediate wargod na mayroong isang specialty na nakadepende sa kanyang lakas. Ang lakas naman nito ay pumapantay na rin sa lakas ng isang advanced level wargod fighter.

Dumaan na ang dalawang ito sa napakaraming labanan sa gitna ng buhay at kamatayan at maituturing na mga absolute elite sa buong mundo dahil sa dami ng experience ng mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit hindi kapanipaniwala ang technique na kanilang ginagamit sa pakikipaglaban sa mga malalakas na halimaw.

"Mukhang nasugatan ata ng malubha ang Wang na iyon."

"Ay hindi, isa lang pala itong strategy. Mukhang nasugatan na ngayon ang ulo ng steel armored dragon na iyon," Dilat na dilat ang mga mata ni Luo Feng habang nagoobserba sa laban gamit ang kanyang binoculars.

"Jusko, mukhang galit na galit na ngayon ang buong monster horde, maging ang dalawang flame scale triple halberd boars na iyon."

"Teka, kahit na malubha na ang sugat ng steel armored dragon na iyon ay nagawa pa nitong lumakas pa lalo sa sobrang galit kaya sinusubukan ngayon ng Wang na iyon na ilagan ang mga atake nito sa abot ng kanyang makakaya."

Sabik na sabik si Luo Feng sa mga oras na ito, "Oo nga, sinusubukang ilagan ng Wang na ito ang spirit ng kalaban niyang steel armored dragon! Napakabangis talaga ng wargod na ito dahil sa sobrang bilis ng kanyang blade!" Narealize ni Luo Feng na desperadong sinusubukan ng wargod na si Wang na kontrolin ang rhythm ng laban pero nahihirapan siya dahil kahit kakatapos pa lang nitong mangitlog ay mas malakas pa rin ito kaysa sa Wang Tong na iyon.

"Ang rhythm, oo nga, kontrolin mo ang rhythm ng laban."

"Kung magpapatuloy ito ay baka mapatay na ng Wang na ito ang kalaban niyang steel armored dragon. Hmmm sa mga oras na iyon ay baka makuha rin nila ang itlog ng steel armored dragon na ito. Ang itlog na nagbibigay buhay sa isang kakaibang species na pinangalanang steel armored dragon. Sigurado akong napakalaki ng halaga ng itlog na iyon."

Nang biglang magflash ang dalawang mata ni Luo Feng.

Dragon egg!

"Lumabas ang steel armored dragon at ang dalawa pa nitong kasamang flame scale triple halberd boars sa pugad kasama ng dalawang wargods! Ang ibig sabihin nito ay… dahil walang mga horde leader na nagbabantay sa pugad ay mayroon akong isang pagkakataon na pumasok doon at nakawin ang itlog mula sa dragon!" Sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ay maririnig na ang pagtibok ng kanyang puso na para bang sasabog na. 'THUMP''THUMP'

Parang isang beat mula sa drum ang tibok ng kanyang puso sa mga oras na ito!

Ang pagkasabik na hinaluan ng pagkanerbiyos!

Noong una ay hindi talaga pinlano ni Luo Feng ang pagnanakaw ng itlog ng dragon dahil naisip niya na doon maglalaban ang dalawang wargod at ang dalawang horde leader level na halimaw kasama ang steel armored dragon kaya kung tatangkain niya mang gawin ito ay nakasisiguro na siya sa kanyang kamatayan pero…. nakita niya na iba ang sitwasyong nangyayari ngayon kaysa sa kanyang inisip kanina.

"Kinakailangan ng kapatid ko ang elixir of life para makatayo muli at makapaglakad na parang isang normal na tao. Nagkakahalaga ito ng 30 billion! Kaya aabutin ako ng napakatagal na panahon bago maipon ito lalo na't hindi pa ako isang wargod. Pero ngayon ay mayroon na akong isang napakagandang pagkakataon para nakawin ang itlog ng dragon na iyon at kumita ng napakalaking halaga!"

Hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili noong maisip niya ang mga bagay na ito.

Mas mataas pa sa mataas ang presyo ng isang dragon egg dahil mas mahirap itong kunin kaysa sa bangkay o materyales mula sa isang dragon. At dahil alam ng mga tao na napakahirap makakita ng isang dragon na nangingitlog at piling pili lang ang mga nilalang na pinapangalanang dragon ay mas pipiliin pa ng mga dragon na ito na wasakin ang kanilang itlog kaysa hayaang mapunta ito sa kamay ng mga tao.

At dahil dito ay napakakaunti lang ng mga itlog na nakukuha ng mga tao sa buong mundo kaya natural na ganoon na lang kataas ang magiging presyo nito.

"Kahit na isang pugad ng halimaw ang family mart na iyon na pinapaligiran ng milyon milyon na halimaw ay wala namang mga horde leader na nagbabantay dito ngayon! Kaya kung hindi man ako magtatagumpay, malaki naman ang tiyansa ko na makatakas!" nanggigigil na sinabi ni Luo Feng, "Susubukan ko itong gawin ngayon dahil nakasisiguro ako na kikita ako ng malaki kapag nagtagumpay ako sa pagkuha nito!"

Imbes na magpatuloy sa panonood ay agad na tumalon si Luo Feng sa balkonahe sa 16th floor ng residential apartment na pinuwestuhan niya at mabilis na bumagsak sa lupa na para bang isang bala ng cannon.

Next chapter