1 Luo Feng

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mukhang isang napakalaking blue emerald ang maaliwalas na kalangitan habang ang araw naman ay nagmistulang isang malaking fireball na nakasabit sa taas ng kalangitan sa gitna ng tag init. At kung titingnan mo ang oras gamit ang posisyon ng araw ay iyong masasabi na alas tres na ng hapon.

Dito sa 3rd high school ng Zhi-An Region.

[DING DING DING]

Tunog ng napakalakas na bell na narinig sa buong campus, at biglang nagkaroon ng magulong ingay na nanggagaling sa mga estundyante na palabas ng naguumapaw nilang mga building. Sila ay nagtatawanan habang patungo sa school gate.

"Kapatid na Luo Feng! Kapatid Luo Feng!" galing sa isang lalaki na may makapal na boses

*Ang uri ng paggamit ng krito rito ay isang uri ng pagrespeto at hindi bilang isang kadugo.

"Feng may tumatawag sa iyo"

Isang teenager na may hawak an bookmark ang naglakad at lumabas sa gitna ng grupo grupo ng nagkukumpulang mga estudyante. Nakasuot siya ng regular na blue sports uniform, payat at may tangkad na 175cm. Nag-aalangan siyang lumingon sa mga oras na ito. Ang taong tumatawag sa kanya ay may mala tigreng mga balikat. Mala osong hita at may taas na umaabot sa 190cm. Ang kanya ring mga bisig ay sadyang napakatitikas at kamangha-mangha.

"At ikaw ay si?" Sabi ni Luo Feng habang hindi niya ito makilala sa pag-aalangan niyang pagtingin dito habang papalapit sa kaniya.

Kung sila ay ikukumpara, ang isang ito ay napakatikas na parang isang oso habang si "Luo Feng" naman ay parang isang pangkaraniwang tao lamang.

At sa kanilang mga tangkad…

Napakalaki ng agwat. Pero nagpakita ng formality ang lalaki na may malapad na balikat. Maingat siyang tumingin sa "Kapatid na Luo Feng" na kanyang kinahahangaan.

"Mukhang totoo nga ang mga sabi sabi na sadyang madaling kausap ang kapatid na Luo Feng na ito."

"Kapatid na Luo Feng, Ka… Kailangan ko po ng tulong niyo."

"Saan?" Sabi ni Luo Feng habang ay tumatawa.

"Habang ako ay nagtetraining ng aking mga kamao ay may napansin po akong mali sa aking pagsuntok. Ngunit nag-aalangan po ako kung mayroong oras ang kapatid upang mabigyan ako ng payo."

At nagpatuloy ang matipunong lalaking ito,

"Sa lakas kong ito ay makakapagpakawala ako ng isang suntok na may taglay na 50% na lakas ayon sa isang guro ng dojo. Pero hindi ko pa kailanman nakakamit ang lakas na iyon."

Tumingin ng puno ng pag asa ang matipunong lalaki kay Luo Feng.

"Oh… Kuha ko na." sabi ni Luo Feng habang tumatango ang kanyang ulo bago siya tumigil ng panandalian.

"Okay, hanapin mo ako sa dojo ngayong Biyernes ng hapon."

"Maraming Salamat po kapatid. Maraming Salamat po" sabi ng matipunong lalaki na paulit ulit na nagpapasalamat.

Maikling tumawa si Luo Feng at umalis kasama ng kanyang mga kaibigan.

Matapos makita ang pagalis ni Luo Feng ay nagpakita ng matinding pagkasabik ang matipunong lalaki. Isinara nito ng mahigpit ang kanyang mga kamao habang ang kanyang mga ugat sa kanyang mga bisig ay parang sasabog at saka sumigaw ng:

"SUCCESS!"

"Wow! Umoo si Luo Feng ng ganun ganun na lamang?!" Sabi ng isang batang lalaki na nakasuot ng school uniform.

"Totoo nga talaga ang mga sabi sabi na napakadaling kausap at napakabalit na tao ng kapatid na Luo Feng!" Pangiting sabi ng matipunong lalaki.

"Pero parang may hindi tama… Sa buong 3rd high school na binubuo ng 5000 na estudyante, tatlo lamang ang nakapagkamit ng titulong "Martial Arts Elite Student". At sa tatlong estudyante na iyon maliban kay Luo Feng, sina Zhang Hao Bai at Liu Ting ay punong puno ng pride at hinding hindi kailanmang magaaksaya ng oras upang turuan tayo." Nagaalinlangang sabi ng batang lalaki na nakasuot ng school uniform.

"Pero ganito kabait ang kapatid na Luo Feng?"

*Ang 3rd ay ginagamit lamang bilang ng High School na iyon at hindi ginamit bilang isang ranking.

Ang halos lahat ng mga high school students sa buong mundo sa panahon ngayon ay sumasali sa martial arts dojo puwera pa sa kaniyang basic education upang mailabas ang kanilang natatagong lakas.

Ang 3rd High School ng Zhi-An region ay may tatlong antas at humigit kumulang sa 5000 na mga estudyante.

Ang karamihan ay mga beginner lamang sa dojo! Napaka kaunti lamang ng bilang ng mga "intermediate members" at tatatlo lamang ang nakapagkamit ng titulong "Elite member"!

"To see is to believe. Kita mo iyon? Heh Heh talagang naiibi ang kapatid na Luo Feng kaysa sa dalawang iyon." Nagmamalaking sabi ng matipunong lalaki.

"Si Zhang Hao Bat at si Liu Ting ay nabibilang sa mga mayayamang pamilya. Ginastusan na sila ng todo todo ng kanilang mga pamilya upang mapalaki at matrain sila kaya siya ganyan kalakas ngayon. Pero itong si Luo Feng ay talagang naiiba sa kanila!"

Sumang ayon naman ang batang lalaki na nakasuot ng school uniform. "Narinig ko rin na nanggaling lamang si Luo Feng sa isang simpleng pamilya. Nakatira lang nga siya sa isang pinauupahang bahay."

"Oo para makarating sa kinatatayuan niya ngayon ang kapatid na Luo Feng ay kailangan niyang magkaroon ng napakatinding training. Na umaasa lamang sa kanyang mga kamao at paa para magsanay. Talagang naiiba kela Zhang Hao Bau at Liu Ting."

"Nais kong maging kagaya ng kapatid na Luo Feng at bago ako magcollege sa loob ng apat na taon na ito ay ipapasa ko ang test sa dojo at magkakamit ng titulo na "Elite Member"!" Sabi ng matipunong lalaki habang isinara niya ang kanyang mga kamao at huminga ng malalim.

...

Sa mga sandaling ito ay ang kapatid na Luo Feng na kanilang pinaguusapan ay sumasabay lamang sa dagsa ng mga tao papalabas sa third gate kasama ang isang lalaki na naka sports uniform.

"Feng, Nung umalis yung malaking lalaki na iyon na humihingi sa iyo ng payo, pinupuri ka niya ng husto." Sabay tawa ng lalaking nakasuot ng sports uniform.

"Pinupuri niya kung gaano ka kahanga hanga at kadaling kausap."

Tumawa si Luo Feng at nagsabing "Ano? Naiingit ka ba Wei Wen?"

"Naiingit sa iyo?" Sabi ni Wei Wen bago niya hawakan ang ilong nito at tumawa.

"In your dreams. Napapabuntong hininga nalang ako sa malaking lalaki na iyon habang wala siyang kalam alam sa totoong pagkatao talaga ng kapatid na Luo Feng. Pero naalala ko ng napakalinaw yung oras na iyon doon sa platform doon sa competition sa dojo na kung saan nilabanan ng hinahangaan niyang kapatid na Luo Feng ay nakipaglaban sa tatlong tao ng sabay sabay. At ang tatlong high schooler na iyon ay di na nakabangon pang muli.

Tumawa si Luo Feng

Iyong pagtutuos na iyon ang kanyang naging pagangat sa katanyagan.

Pabirong sinuntok ni Luo Feng ang balikat ni Wei Wen at nagsabing "Tara na, uwi na tayo."

Malakas na nanginig ang balikat ni Wei Wen, "Gaangan mo naman Feng. Halos mawasak na yung balikat ko sa isang suntok mon a iyon!"

"Heto ulit!"

Si Wei Wen ang pinakamatalik na kaibigan ni Luo Fen mula noong sila ay mga bata pa. Ang turingan nila ay parang magkapatid na kahit sila ay hindi magkadugo.

Sa Elementary, Sa Middle at sa High school.

Ang dalawang ito ay may napakalalim na pagsasama.

"Eh?"

Biglang napatingin si Wei Wen sa kanyang harapan.

"Tingnan mo Feng, ayun yung crush mo oh!"

"Hm?" Tumingin din si Luo Feng at ang kanya lamang nakita ay ang isang nakaponytail na babae na may suot na jeans at white polo T-shirt na lumabas sa maraming tao.

At humakbang ng isang tibok ang puso ni Luo Feng.

Isang pangalan ang dumapo sa kanyang puso – Xu Xin!

Ang nakakaalam ng sikreto sa pagkakaroon ng crush ni Luo Feng kay Xu Xin ay kakaunti lamang pero ang kanyang matalik na kaibigan na si Wei Wen ay alam na ito matagal na panahon na ang lumilipas.

Noong siya ay First Year High school pa lamang ay magkaklase sina Luo Feng at Xu Xin. At noong unang makita ni Luo Feng si Xu Xin ay naramdaman niyang parang may isang napakaliwanag na bagay sa kanyang harapan.

Dahil diyan, habang sila ay nagkaklase, Si Luo Feng na nakaupo sa likuran sa hindi malamang dahilan ay hindi makontrol ang kanyang sarili at biglang napapatingin ng tahimik kay Xu Xin.

Masaya na siya na nakikita niya ang likuran ni Xu Xin.

At dahil nagiiscramble ang mga klase kada taon ay hindi na naging magkaklase sina Luo Feng at Xu Xin noong second year na nila. At sa tuwing nakikita ni Luo Feng si Xu Xin ay hindi nito mapigilang tumingin papalayo sa kanya.

"Mayroon na lang isang buwan bago mag exams." Bulong ni Luo Feng sa kanyang sarili. "Wala akong oras at lakas ng loob para sa pag ibig nitong nakaraan. Sa huling buwan ay masigasig na nagrereview ang lahat at gusto ni Xu Xin na iimprove ang kanyang sarili. Paanong magpapakadistract siya sa pagibig? Ganoon din sa aking kalagayan. Hindi ako puwedeng mawalan ng focus kung hindi ay pagsisisihan ko ito sa buong buhay ko."

"Gagawin ko na lamang isang ala ala ang pagmamahal ko na ito."

Ang Romance….

Ay mapait. Hindi pa namumukadkad ang bulaklak ngunit ito ay lanta na.

Gusto lang ni Luo Feng na ilagay ang lahat ng ito sa kalooblooban ng kanyang puso ng tahimik.

"Nagkaroon ka na ng pagkakataon na ilabas ang iyong nararamdaman sa kanya. Ngayon na kung saan isang buwan na lang ang natitira." Sabi ni Wei Wen habang umiiling. "Maaaring hindi mo na siya makita sa hinaharap at huli na ang lahat kahit sa pagsisisi."

"Wei Wen" sabi ni Luo Feng habang ito ay umiiling. "Tumigil ka na. Hindi ko puwedeng idistract ang sarili ko sa pag ibig hanggat hindi ko nakakamit ang titulo na "Fighter"."

"Napakalupit mo sa sarili mo bro."

Itinaas ni Wei Wen ang kanyang hinlalaki. "'Fighter'? Sa buong paaralan natin na binubuo ng humigit kumulang 5000 na estudyante. Wala ni isa ang nakapagkamit ng titulong iyan. At sasabihin mo na kung hindi mo makakamit ang titulong 'Fighter'"hindi mo ididistract ang sarili mo sa pagibig?" Duwag, isa kang duwag!"

"Hm?" Tumingin si Luo Feng sa grupo na binubuo ng limang miyembro sa loob ng maraming tao sa labas ng gate. "Zhang Hao Bai?"

Sa grupo ng mga estudyante sa labas ng gate, mayroong limang tao na talagang kapansinpansin, ang kanilang leader na may taas na 180cm na nakasuot ng puting T-shirt, mahabang pantalong na kulay puti at may napakalaking mga chest muscles. Ang apat na taong nakapalibot sa kaniya, maging katipunuan man o ang peklat sa kanilang mga mukha ay sadyang katakot takot. At ang teenager na nakasuot ng puting T-shirt sa isang section ng 3rd High school ng Zhi An ay isa sa tatlong nagdadala ng titulong "Elite"– Zhang Hao Bai.

"Luo Feng" Pasinghal na sinabi ni Zhang Hao Bai.

Kung tatanungin mo si Zhang Hao Bao sa kung sino ang pinaka aayawan niya sa buong high school, Napakalinaw niyang isasagot sa iyo ang pangalang Luo Feng!

Dahil isa sa tatlong may hawang ng titulo ng "Elite" ay isang babae, dalawa na lamang ang mga lalaking may hawak ng titulong "Elite"!

At si Zhang Hao Bai ay nanggaling sa isang mayamang pamilya habang si Luo Feng naman ay isang pangkaraniwang tao lamang na nakatira sa isang murang paupahang bahay.

Higit na nangunguna naman si Luo Feng kaysa kay Zhang Hao Bau pagdating sa grades!

Sa lakas naman ay pareho silang nagdadala ng titulong "Elite" pero isang beses ay hinamon ni Luo Feng ang tatlong high schoolers at tinalo ang mga ito ng sabay sabay hanggang sa hindi na makatayo ang mga ito. Isa rito si Zhang Hao Bai na natanggalan pa ng ngipin noong panahon na iyon!

At sa kanilang mga sitwasyon, malinaw na pera si Zhang Hao Bai!

May magandang katayuan pero kung ikukumpara sa lakas at sa grades ay higit na lamang si Luo Feng. At sa kanilang paaralan, kung mayroong papuri para kay Zhang Hao Bai ay palaging mayroong isang magbabanggit ng pangalang Luo Feng at magkukumpara sa kanila!

Sama ng loob!

Napakalaki ng sama ng loob ni Zhang Hao Bai kay Luo Feng.

"Tara na" Sabi ni Zhang Hao Bai habang dinidilaan ang kanyang ngipin na kung saan mayroong kaunting kirot ang kanyang nararamdaman. Noong oras na iyon ay binugbog siya hanggang ang kanyang bibig ay mapuno ng dugo at matanggal ang isa niyang ngipin.

"Mula nung oras na iyon sa dojo ay mas nanahimik na itong si Zhang Hao Bai na ito matapos magtamo ng bugbog mula sayo. Hinding hindi ka na niya guguluhin pa." Sabi ni Wei Wen kay Luo Feng na nakatingin sa grupo ng lima na unti unting palayo sa kanila.

Zhang Hao Bai?

Hinding hindi nagpapaapekto si Luo Feng sa ganyang mga tao.

"Mas pipiliin ko pa na makipaglaban sa mas kakaunti kaysa sa marami" sabi ni Luo Feng habang sila ay naglalakad pauwi ni Wei Wen.

Habang sila ay papauwi.

[drip, drip] jan sa kalsada. Tunog ng busina ng isang sasakyan. Lahat na ng sasakyan ay gumagamit ng electric energy ngayon. Kaya wala ng mangagamoy gasolina sa kalsada.

"May isang buwan nalang tayo bago mag exam Wei Wen. Ilabas na natin ang best effort natin." Sabi ni Luo Fen habang sila ay naglalakad sa kalsada pauwo

"Puwede tayong magpahinga pansamantala sa dojo diyan. At magrestorative training araw araw habang nagcoconcentrate sa culture studies. Ang labingdalawang taon nating paghihirap ay para sa exam na ito"

"Oo nga, labingdalawang taon ng culture studies. Ang exam na ito ang magdidikta sa ating mga kapalaran." Sabi rin ni Wei Wen sabay buntong hininga. "Exams, Exams gaya ng isang hukbo ng sampunglibong kabayo na tumatawid sa isang tulay na gawa sa kahoy*"

*AKA sakit sa ulo

"Oo." Sabi ni Luo Feng habang ito ay tumatango.

Hindi kagandahan ang katayuan niya sa buhay kahit na dala niya ang titulong "Elite". Kahit na anong culture grade pa ang kanyang makuha ay pupwede siyang makakuha ng trabaho bilang isang "Elite Bodyguard" at kumita ng 20 hanggang 30 libong dolyar kada taon. Gayunman ay makukuntento ba si Luo Feng sa kanyang trabaho bilang isang bodyguard?

...

Sa mga oras na ito, sa isang lugar na ilang libong metro ang taas sa Zhi-An Region,

Isang malaki at may itim na koronang gintong agila ang lumilipad sa ibabaw ng city. Ang katawan nito ay may habang 20 meters gaya ng isang malaking fighter jet at ang kanyang mga balahibo ay maroon malamig at makinang na metal. Ang mga balabiho sa kanyang ulunan ay itim na itim gaya ng isang itim na korona. Ang mga kuko nito ay ginto rin.

Isang pares ng nagliliwanag na asul na mga mata na may tagong layunin ng pagpatay ang tumingin sa city ng mga tao.

"BOOM!"

Ang black crowned golden eagle na napakabilis nang lumilipad ay lumipad pa ng mas mabilis na nakasira sa sound barrier sa loob lamang ng maikling sandali habang isang napakalakas na tunog ang nabuo at lumabas sa tuka ng agila. Ang katakot takot na shockwave na makikita gamit ang ating mga maya ay mabilis na kumalat pababa.

Naghintay sa red light sila Luo Feng and Wei Wen sa intersection ng Zi-Tian road sa Zhi-An Region.

Nang biglang----

[AHN]

Isang kabingi binging iyak ang biglang narinig, pero hindi ito kagaya ng tunog ng isang kidlat na napaka lakas nat sadyang nakakabingi. Pero ang tunog ay bumubutas sa tainga, nakaramdam si Luo Feng ng pananakit ng kanyang ear drums at pangingilo. Maraming tao ang nagtakip na ng kanilang mga tainga.

"Isa iyong iyak ng isang ibon." Sabi ni Luo Feng habang siya ay nakatingin sa kalangitan.

"Hm?" sabi ni Luo Feng habang siya ay nasusurpresa

Ang shock na nanggaling sa nakabibinging iyak ay nagresulta sa pagtunog ng isang malaking piece ng salamin sa isang skyscraper.

Maraming salamin ng mga bintana ang nagcrack at dosedosenang nabasag na salamina ng nahulog mula sa mga building. Ang iba rito ay tumama sa daanan ng mga tao at nakatama ng mga tao mismo. At ang iba naman ay tumama sa mga ilaw sa kalye.

[PAI!] [PENG!] [PIPA (tunog ng mga nagkacrack na mga salamin)!] …..

Mayroon ding mga tunog ng pagsabog na sandaling narinig.

At isa sa mga salamin ay nahulog sa sa isang streetlight sa tabi ni Luo Feng.

"Wah!" Sabi ni Wei Wen habang mabilis itong humakbang ng dalawang hakbang paatras para ilagan ang isang piraso ng basag na salamin.

At isa sa mga salamit ang tumama sa sahig at isang matalim na piraso nito ang tumalsik kay Luo Feng na parang isang kutsilyo.

"Hm?" Sabi ni Luo Feng habang nakikita niya ito sa dulo ng kanyang mga mata.

Gayunman ay walang naganap na pag ilag. Kalmadong tumayo lamang siya roon at ilang saglit pa ay sinalo ng kanyang kanang kamay ang tumalsik na salamin papunta sa kanya na parang isang kidlat.

Nakita ni Luo Feng ang kanyang sarili sa piraso ng salamin na iyon. Agad niyang tinapik ito ng dalawang beses at tinapon ito ng random. Parang isang nakatagong armas ang pirasong iyon ng salamin na lumipad at nashoot sa isang malayong basurahan.

Ang mga sasakyan na unang naapektuhan ay mabilis na bumalik sa normal at ang mga tao sa kalye ay nagusap usap. Ang iba sa kasamaang palad ay nasugatan pero ang karamihan ay walang tinamong sugat.

"Ibang klaseng lakas iyon." Sabi ni Luo Feng habang siya ay nakatingin sa kalangitan.

"Napakalakas sa isang pagiyak lamang. Isa siguro itong napakalakas na hayop. Hindi ba't marami kang alam tungkol sa mga hayop Wei Wen? Alam mo ba kung anong uri ng hayop ito?"

At biglang nabanlag di Wei Wen. Kitang kita sa kanyang mga mata ang matinding pagkasabik.

"Mayroon tayong defense system 500 meters sa taas ng city na ito. Ang hayop na iyon ay lumilipad sa taas ng 500 meters o higit pa. Napakalakas pa rin ng iyak nito kahit na sa ganoon kalayong distansya. Ang mga pangkaraniwang hayop ay ni hindi magtatangkang umiyak ng ganoon sa taas ng city ng mga tao.

"Ang ganoong gilas, lakas at base na rin sa tunog na iyon… Kung hindi ako magkakamali ay nagmula sa isa sa mga kinatatakutang "black crowned eagles!" sabi ni Wei Wen.

"Black crowned eagle?" sabi ni Luo Feng habang kumikislap ang mga mata nito

Malamang ay narinig na niya ang tungkol sa tanyag na mga black crowned eagle.

"Ang black crowned eagle ay ikatlo sa mga Diao species monsters." Sabi ni Wei Wen habang kumikinang ang mga mata nito.

"Ang Black crowned eagle ay kayang lumaki hanggang 21 meters na haba. Ang wingspan naman nito ay umaabot sa 36 meters at ang bilis ng lipad nito ay umaabot sa mach 3.9 na ang ibig na bihin ay 3.9 na beses na mas mabilis ito kaysa sa speed of sound. Gamit ang 340 m/s bilang speed of sound, mga nasa 1326 meters per second, o 4774 kilometers per hour ang bilis nito."

Alam ni Luo Feng na napakalakas ng black crowned eagle pero nung kanyang marinig ang bilis nito na 1326 m/s ay napapigil ito ng hininga.

Sa isang segundo na maikukumpara sa isang kurap ng mata ay nakarating na ito ng ilang libong metro.

"Mas matigas pa sa mga diamante ang mga balahibo ng black crowned eagle. Kasing tigas ito ng isang third-grade Ke Lei alloy." Sabik na sinabi ni Wei Wen.

"Mayroong mga videos online na makikita ang black crowned eagle na humahabol at nakikipaglaban sa mga hukbo. Sinasalubong nito ang mga bala nanggagaling sa isang 20mm fire-god cannon na kayang maglabas ng 7000 na bala sa loob lang ng isang segundo. Napakaraming bala nun! At ang bawat bala nito ay kayang tumagos sa 50mm steel plate. Gayunman ay kahit tinatamaan na ito ng mga bala mula sa fire-god cannon ay hindi man lang ito nalalagasan ng ni isang balahibo."

"Matapos noon ay may isang misteryosong martial artist na may hawak na Ke Lei allow battle knife ang humati sa black crowned eagle sa dalawa!" Buong loob na sinabi ni Wei Wen.

Bumilis ang tibok ng puso ni Luo Feng.

Kumalat ang video sa kung saan saan kaya maging siya ay napanood ito.

"Makakamit ko rin isang araw ang titulo ng fighter… Gusto ko maging ganito ka senior*, na may kakayahang humawak ng battle knife at humiwa sa mga halimaw na gaya ng black crowned eagle at ang napakalakas na devil gorilla." Sabi ni Luo Feng sa kanyang puso. Ang bawat isang teenager ay nangarap ng ganito. Ganun din si Luo Feng!

*Senior na isang upperclassman at hindi isang matandang lalaki.

Ang misteryosong fighter na humati sa black crowned eagle sa dalawa ay nabibilang sa top 100 sa buong mundo. Isang super fighter ayon sa internet!

"Feng, Feng, anong ginagawa mo? Nakauwi na tayo" sigaw ni Wei Wen.

Mula rito ay nagising si Luo Feng mula sa kanyang malalim na iniisip habang nakatingin sa isang sector ng city na gawa sa tube. –Si Luo Feng ay 18 years ng nakatira sa Small South Coast sector h na murang pinauupahan ng gobyerno.

avataravatar
Next chapter