30 Ang Una Niyang Napatay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumalat ang 1,680 na mga prospective fighters sa loob ng bayang napaplibutan ng mga barbed wire at nagsimulang manghuli ng mga halimaw.

"Sigurado ka ba na manghuhuli ka ng mga halimaw dito nang mag isa?" tanong ni Luo Feng habang nakatayo sila ni Yang Wu sa gilid ng isang supermarket sa loob ng bayan. Tumango ng maigi si Yang Wu at sinabing "Ang Fighter Combat Exam na ito ay hindi basta basta isang exam para sa akin Crazy, ang pinakaimportante sa exam na ito ay ang pagsasanay ng tapang sa iyong sarili! At kung magisa man akong papasok at manghuhuli rito, ang panganib na kakaharapin ko ay mas mataas ng sampu hanggang daan daang beses kaysa sa mga fighter na mayroong mga kasama! At kung kakailanganin ko man ang tulong mo ngayon sa bayang ito, ano ang gagawin ko kung ako na lang ang magisa sa hinaharap?"

Tumatangong sagot ni Luo Feng: "Tama ka kapatid na Yang, magiingat ka."

"Sige Crazy, huwag mo rin sayangin ang pagkakataong ito para sa iyo" paalala ni Yang Wu kay Luo Feng "Punong puno ang bayang ito ng mga pinakamahihinang H level na mga halimaw, wala nang magiging mas magandang oportunidad kagaya nito sa susunod na kung saan ay masasanay mo ng husto ang iyong blade sa ganito karaming pinakamahihinang mga halimaw."

"Naiintindihan ko, isa itong bihirang pagkakataon na puwede kong masubukan ang mga kakayanang natutunan ko sa blade" nakangiting sinasabi ni Luo Feng habang siya ay tumatango.

"Sige magkita nalang tayo ulit bukas nang umaga" Matapos itong sabihin ni Yang Wu ay maingat siyang tumingin sa lahat ng direksiyon bago tumalon nang mabilis paalis.

Mabilis ding tumakbo so Luo Feng papunta sa isang liblib na lugar.

�������

Nang paparating na ang dilim ay may isang malaking searchlight ang nagbibigay liwanag sa border ng bayan. Halos lahat ng parte ng bayan ay naiilawan, pero mayroon pa ring mga lugar ang nababalot nang dilim.

"Ayon sa mga fighters na kapitbahay niya sa Ming Yue sector, ang mga halimaw daw ay nahahati sa tatlong uri, ito ay ang: sundalo, commanders at mga horde leaders". Binitbit ni Luo Feng ang kaniyang hexagonal shield sa kaniyang kaliwang kamay at ghost blade sa kaniyang kanang kamay habang tahimik na nakatayo sa isang abandonadong alley na punong puno ng alikabok.

"Ang sundalo, o mas kilala bilang H level monster, ay kasing lakas ng isang beginner level warrior"

"Kahit na napakaraming halimaw ang nakakalat sa sa buong bayan, mayroon lamang tatlong uri ang mga halimaw na nakakalat dito: ang napakabilis na pusang halimaw na tinatawag na 'shadow cat', ang napakalakas na heavy class na pinangalanang 'Iron fur boars', at ang mabilis at malakas na 'mastiff tiger'" sabi ni Luo Feng habang tinitingnan niya ang kaniyang paligid.

Nang biglang may isang anino ang kaniyang napansin sa isang sira sirang two story apartment. Agad itong nakita ng mga matatalas niyang mga mata, nakita niya ang matatalim na balahibo nito na may taas na 1.5meters. Nakita rin niya na nagreflect ang ilaw mula sa searchlight sa dalawang malalaking sungay nito sa magkabilang dulo ng kaniyang bibig na maaaring makapagpanginig sa kahit na sinong makakita rito.

Ang pangkaraniwang baboy na kinakain ng tao ay may taas lamang na 60-70 cm.

Sa madaling salita, doble ang sukat ng halimaw na ito kaysa sa ordinaryong baboy na kinakain ng mga tao. Kasing laki ito ng isang maliit na truck.

"Isang iron fur boar? Ikaw ang una kong magiging biktima!" Pinanood ni Luo Feng ang iron fur boar sandali bago siya tumalon mula sa alley papunta sa lugar na tinitingnan ng halimaw.

[Growl~~]

Itinaas niya ang hawak niyang shield at blade habang tinititigan niyang maigi ang iron fur boar. Lumikha ang halimaw na ito nang kakilakilabot na angil habang malakas itong tumatapak sa semento na naglikha ng napakalaking ulap mula sa alikabok. Dala nito ang masangsang na amoy habang tumatakbo ito papunta kay Luo Feng na para bang isang napakabigat na martilyong lumilipad papunta sa kaniya.

Tumutok din sa kaniya ang dalawang matatalim at mahahabang mga sungay nito.

[HU!] Madaling nailagan ni Luo Feng ang mabilis na paparating na iron fur boar. Wala na itong sapat na oras para makahinto ng tuluyan mula sa pagatake nito. At sa ilang sandali pa ay inipon niya ang lahat ng kaniyang lakas papunta sa kaniyang braso at hiniwa ang halimaw gamit ang kaniyang hawak na ghost blade bago pa man ito makaatakeng muli! Ang ghost blade ay tumama at sa leeg ng iron fur boar!

[THUMP]

Matapos nito ay agad na humiwalay at tumalsik ang ulo ng iron fur boar mula sa katawan nito. Makikita ang sariwang dugo na tumatalsik sa paligid ng katawan nito. Tumalsik din ang katawan nito ng mga sampung metro bago bumagsak sa lupa. Gumalaw muna ito ng kaunti bago ito namatay ng tuluyan.

"Hu, hu" dalawang beses na huminga nang malalim si Luo Feng habang nanginig ng sandali ang kaniyang dibdib matapos niyang masaksihan ang madugong eksenang iyon.

Ang pagpatay sa mga halimaw…..

Ang unang beses na pagpatay sa isang halimaw ay sadyang kagulat gulat para sa isang walang karanasang fighter.

"Kaya pala sinabi ni Uncle Wu na hindi magawang mailabas ng iilang mga prospective fighters ang kanilang tunay na lakas matapos makasaksi ng ganito kadugong mga pangyayari" nagreflect si Luo Feng sa kanyang karanasan kani-kanina lang. "Nagawa ko nang maayos ang pagilag sa halimaw kanina pero….. gumamit din ako ng sobra sobrang lakas sa paghiwa ko sa leeg ng iron fur boar na iyon"

Napakalakas ng depensa ng isang iron fur boar para sa isang pangkaraniwang prospective fighter.

Ang kasalukuyang lakas ni Luo Feng ay katumbas ng isang intermediate warrior level fighter. Kaya ang pakikipaglaban sa iron boar na ito kanina ay masyadong naging madali para sa kaniya.

"Ayon sa mga fighters na nakausap niya sa Ming-Yue sector, hindi mo dapat atakihin basta basta ang mga kalaban mong halimaw. Kailangan mo munang mahanap bago asintahin ang weak point nito"

"Hindi rin ako makapaniwala na hinayaan kong kilabutan ang sarili ko nang mahiwa ko nang maputol ko ang ulo ng halimaw na iyon. Kailangan ko nang masanay dito! Magiging pangkaraniwan na lang para sa akin ang pagpatay ng mga halimaw kapag naging isang fighter na iyo. Maaari akong mamatay sa isang importanteng sandali kung hahayaan ko ang aking takot na mangibabaw sa sarili ko kahit sandali" Naiintindihan ni Luo Feng na kinakailangan niyang maging mas kalmado sa mga mas importanteng sandali na kung saan ay maaari kang mamatay sa isang maling galaw mo lamang.

Pero napakaganda na ng pagiisip ni Luo Feng para sa isang prospective fighter kung ikukumpara sa iba na may mas malala pang mga reaksiyon sa unang beses na pumatay sila ng halimaw.

Matapos nito ay naglakad si Luo Feng papunta sa ulo ng napatay niyang boar at sa isang hiwa lang ay--

Nahiwa na niya ang kaliwang tainga nito. Matapos nito ay inilagay na siya sa kaniyang bag ang tainga ng unang halimaw na napatay niya. "Naka isa na ako!Sa susunod naman!" sa loob lang ng isang bahagyang paggalaw ng kaniyang katawan ay hindi mo na ito matatanaw sa kalyeng iyon. Tanging ang bangkay na lamang ng iron fur boar ang naiwan sa kalyeng iyon na punong puno ng dugo.

…..

Sa bawat lumipas na segundo ay makikita ang kabikabilang mga madudugong labanan sa bawat sulok ng bayang iyon! Kahit na hindi nalalayo ang lakas ng mga H level na mga halimaw sa mga prospective fighters, mayroong isang advantage ang mga tao sa mga ito: Talino! Hindi gumagamit ng talino ang mga H level monsters, ang kanilang instinct lang ang kanilang ginagamit sa pakikipaglaban.

Alas otso na ng gabi.

Makikita ang dalawang anino na mabilis na naglalaban sa ibabaw ng isang six story apartment.

[HUA!]

Nang isang malamig na ilaw ang suminag sa dalawang anino, makikita si Luo Feng na nakaluhod sa ibabaw ng platform. Makikita rin sa kaniyang ghost blade ang bakas ng dugo ng kaniyang kalaban. Ang isang anino naman ay kaawaawang tumilapon sa isang tabi habang nagiiwan ito ng bakas ng dugo.

"Ang shadow cat na ito ang pinakamabilis sa tatlong uri ng mga halimaw na makikita sa bayang ito. Kahit na isa itong H level monster, mayroon itong bilis na umaabot sa 40 m/s" Tumayo si Luo Feng at naglakad papunta rito. Mayroon itong balahibong kulay gray at may katawang hindi gaanong kalakihan. Mayroon lamang itong sukat na kalahating metro. Makikita sa duguang shadow cat na nakahandusay sa sahig ang isang malaking sugat nito sa tiyan mula sa atake ni Luo Feng na nagpalabas ng mga internal organs nito.

"Ang shadow cat ay isang katakot takot na kalaban para sa mga pangkaraniwang mga prospective fighters. Pero minalas ang isang ito at ako ang nakasalubong niya" umiling si Luo Feng at hiniwa ang kaliwang tainga ng shadow cat na napatay niya.

Walang wala ang bilis ng shadow cat kung ikukumpara sa bilis ni Luo Feng.

Maliban pa riyan ang pangangatawan niyang katumbas ng isang napakalakas ng intermediate level warrior.

"Pang lima ko na ito!"

Maingat na nilagay ni Luo Feng sa kaniyang bag ang mga taingang nakolekta niya "Siguradong makakapasa ako kung makakapatay ako ng tatlong halimaw. Pero ngayon, lima na ang napapatay ko kaya siguradong sigurado na ako na makakapasa ako sa fighter combat exam. Ang gagawin ko na lang ngayon ay sanayin pa ang aking blade at liksi!" Una ay pumapatay siya ng mga halimaw para makapasa, pero ngayon ay magsasanay na lamang siya sa mga natitirang oras ng exam.

"Gagamitin ko lamang ang 1000kg ng aking fist strength, kasama ng 30 m/s na bilis para makipaglaban sa mga halimaw na ito"

Lumalabas na parang binubully lang si Luo Feng ang mga halimaw na ito dahil sa sobrang laki ng agwat sa kanilang mga lakas.

Pero ngayon ay pinababa nito ang kaniyang lakas para pumantay sa mga halimaw para magkaroon ng saysay ang kaniyang pagsasanay. At hindi pupuwede na pumatay ka lamang ng mga halimaw na mas mahihina sa iyo sa susunod na pumasok ka sa danger zone.

"Heto na!"

Nakatayo si Luo Feng sa balkonahe ng isang residential apartmen habang tumitingin sa kaniyang paligid nang may makita siya sa kaniyang ilalim.

"Huh? Mukhang ikaw ang mauuna!" Nakakita si Luo Feng ng isang mastiff tiger na punong puno ng mga spots sa katawan malapit sa tuktok ng isang three story apartment sa gilid ng kaniyang paningin. Dalidaling tumalon si Luo Feng papunta sa mastiff tiger. Isang mabilis na talon lang ang kinailangan niya para makapunta sa three story apartment na iyon na may layo na sampung metro mula sa balkonaheng kinatatayuan niya. Yumanig ng husto ang rooftop ng apartment paglapag niya.

Gumulong siya sa sahig pagkalapag niya at mabilis na tumalon mula papunta sa mastiff tiger.

[HOWL~~~] alulong ng mastiff tiger habang mabilis na papunta kay Luo Feng.

….

Isang kakilakilabot na teenager na may suot ng damit na punong puno ng dugo ang aroganteng naglalakad sa kalya habang dala dala ang kaniyang darkmoon blade.

"Ilan na kaya ang napapatay na mga halimaw ni Luo Feng ngayon" isip ng teenager. Siya lamang ang kaisaisahan sa 1,680 fighters na pumapantay sa lakas ni Luo Feng. Siya ang henyong iniscout ng Thunder Dojo na si 'Wan Dong'. Pero mayroon lamang tatlong tao ang naiiscout ng Thunder Dojo sa ngayon.

Pero isa sa kanila ang may hindi kagandahang pangangatawan pero maituturing na isang henyo sa paggamit ng baril.

Tanging si Luo Feng at ang Wan Dong na ito ang mga henyong may magkapantay na pangangatawan.

"Huh?" Nabaling ang atensyon ni Wan Dong sa isang lugar nang may mapansin siyang gumagalaw doon.

Isang anino lang ang nakita niya na nakikipaglaban sa dalawang mga shadow cats. Mabilis na umatake ang mga shadow cats gamit ang kanilang mga kuko. Pero mabilis na nailagan ng kalaban ng anino ang mga ito.

"Luo Feng! Ang tagal mo ata bago mo mapatay ang dalawang mga shadow cats na iyan ah? Akala ko pa naman ay isa kang henyo" sigaw ni Wan Dong habang tumatawa.

[CHI!] [CHI!]

Nang biglang humiwa ng dalawa ang ghost blade na hawak hawak ni Luo Feng. Matapos nito ay biglang humandusay sa sahig ang dalawang mga shadow cats. At matapos ang ilang mga maliliit na paggalaw ay tuluyan nang namatay ang mga ito.

"Napakabilis" Gulat na gulat si Wan Dong sa mga nakita niya at napaisip siya na "napakalinis nang pagkakahiwa ng blade na iyon sa weak points ng mga shadow cats na iyon" Nakita ni Wan Dong sa mga hiwa ng mga shadow cats na hindi basta basta ang lakas ni Luo Feng.

"Gusto ko pa sanang makipaglaro sa inyo ng mas matagal para lalo pang masanay ang sarili ko" sabi ni Luo Feng sa bangkay ng dalawang mga shadow cats sa kaniyang harapan "pero nakakainis ang lalaking nanonood doon at ayokong makita niya ang pagsasanay ko sa liksi at sa paggamit ng blade" tinanggal ni Luo Feng ang kaliwang tainga ng dalawang mga shadow cats, inilagay ito sa kaniyang bag at umalis nang hindi manlang tumitingin kay Wan Dong nang kahit isang beses.

avataravatar
Next chapter