31 Ang Ru Wei Class

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagpatuloy ang karahasan sa loob ng bayan.

Mangilan ngilan sa mga prospective fighters ang pumindot sa kanikanilang mga emergency help button matapos lubhang masugatan sa una nilang pakikipaglaban sa halimaw. Ang iba naman ay namutla at natulala matapos makapatay ng isang halimaw. Habang ang iilang malalakas na mga prospective fighters ay nabuhayan at lalong naging excited sa pagpatay ng mga halimaw!

Hindi kalayuan sa bayan makikita ang isang napakalaking security screen na nakalagay sa isang napakataas na gusali. Pinapakita rito ang lahat ng nangyayari sa bawat sector sa loob ng bayan.

"Napakawalang kwenta naman ng diskarte ng batang iyan!" sa loob ng isa sa mga sa mga kuwarto sa malaking gusali na ito makikita ang isang military officer na nakikipaginuman kasama ang isang matipunong lalaki. Ipinapakita sa screen sa harap nila ang karahasang nangyayari sa buong city. Nagbubuntong hiningang sinabi ng matipunong lalaki na "Naalala ko ang mga sarili natin noong mga bata pa tayo habang pinapanood ko ang pakikipaglaban ng mga batang ito sa mga halimaw!"

"Oo nga, makikita ko sa isang tingin ko lang na karamihan sa kanila ay may edad na 20 years old, ito ang edad kung saan sila ay nasa kanilang marupok at murang punto ng kanilang mga buhay" buntong hininga ng military officer "Matandang Wang, sa loob lang ng isang kisapmata ay bigla na lang tayong tumanda ng ganito. Parang kailan lang ay nabibilang din tayo sa mga baguhan sa Jiang-Nan city. At ngayon, tingnan mo ang sarili mo, ikaw na ang chief ng Thunder Dojo. Hahaha"

Walang ganang tumawa ang matipunong lalaki at sinabing "Hindi ba papunta ka na rin sa pagiging major general Iron Monkey?"

"Huh?" gulat na gulat na tumingin sa display ang military officer. Habang tumatagal na nakatingin siya sa screen ay lalo ring tumitindi ang pagkagulat nito sa nakikita niya "Tingnan mo ito matandang Wang dali!"

Sa display na iyon makikita ang iilang videos ng bayan. At dahil sa sobrang dami ng mga camera na nagrerecord ay mabilis ding nagbabago ang mga footage na pinapakita nito.

"Bat nagbago?" mabilis na tumawag ang military officer sa teleport sa kaniyang gilid at nagutos na "Ilock niyo sa display sa prospective fighter na nasa camera #21!"

"Opo" malakas na sagot ng sundalong nasa kabilang linya ng telepono.

Naghihinalang tumingin ang matipunong lalaking si Wang sa kaniyang malapit na kapatid na si Iron Monkey "Anong nakita mo diyan Iron Monkey?"

"Makikita mo rin maya maya matandang Wang" Misteryosong tawa ng military officer.

Matapos ang ilang saglit ay bumalik na sa display ang footage sa camera # 21. Makikita sa video ang limang shadow cats na sabay sabay na umaatake sa isang prospective fighter. Ang limang shadow cats na ito ay limang level H shadow cats at nakita nilang may hawak na hexagonal shield at ghost blade ang batang batang prospective fighter na makikita sa camera. Ito ay walang iba kundi si Luo Feng!

"Ano?" kumislap ang mga mata ng matipunong lalaki.

"Tingnan mo iyan! Napakalakas ng batang iyan hindi ba?" sabi ng military officer, "ginamit niya ang exam na ito para sanayin ang kaniyang sarili! At tingnan mo ang technique na ginagamit niya! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko!"

"Isang Ru Wei Class!"

"Ang Ru Wei Class!" kumislap ang mga mata ng matipunong lalaki at tumitig sa limang mga shadow cats na umaatake kay Luo Feng. Makikitang hindi siya gumagawa ng malalaking galaw sa pagilag sa bawat pagatake ng mga shadow cats. Ang tindi ng kaniyang ginagawa ang tuluyang nagpamangha sa dalawang malalakas na mga lalaking ito na na nanonood sa kaniya!

Ang Ru Wei class technique, hindi ito kayang gawin kahit ng karamihan sa mga warlord level fighters.

"Nakarating na ang technique niya sa Ru Wei class. Kahanga hanga, talagang kahanga hanga!" huminga ng malalim ang matipunong lalaki at sinabing "18 years old pa lang ang batang iyan pero kasing ganda na ng kaniyang pangangatawan ang kaniyang mga technique. Sa pamamagitan ng iyong angking talento ay kaya mo pang mas mapagaganda ang iyong pangangatawan. Pero sa paggamit mo lamang ng iyong mga technique sa pakikipaglaban at ang kaalaman sa mga basics ang magiging batayan ng iyong pagpasok sa 'Ru Wei class'.

"Paano mong nalaman na 18 years old pa lang ang batang iyan?" gulat na gulat na tanong ng military officer "Kilala mo ba iyan?"

"Siya si Luo Feng. Bwisit lang talaga at naunahan tayo ng Dojo of Limits sa pagrecriut sa henyong iyan!" galit na galit na sigaw ng matipunong lalaki "Talagang sinuswerte ang mga taga dojo of limits na iyon. 18 years old pa lang si Luo Feng pero hindi lang ang pangangatawan nito ang kahanga hanga kundi pati ang mga technique nito! Kung nakatungtong na siya sa Ru Wei class sa edad na 18, ano pang puwede niyang maabot sa hinaharap?"

Naiintindihan nila….

Na kahit ang mga technique ng pinakamalalakas na mga warlord level na mga fighters ay hindi nakakatungtong sa Ru Wei class! Ibig sabihin, kinakailangan mong maging perpekto sa iyong technique para makatungtong sa level na ito.

Isang aspeto lamang ang pangangatawan sa totoong pakikipaglaban. Kinakailangan itong samahan ng technique, skill at will power upang maging matagumpay ang isang fighter sa larangang ito.

"HINDI MAAARI!"

Hinampas ng matipunong lalaki ang lamesa at sinabing "Hindi natin puwedeng hayaan na nakawin ng dojo of limits ang henyong iyan! Buti na lang ay nakita agad natin ang tunay na kakayahan ng batang iyan ngayon habang nakikipaginuman ako sa iyo iron monkey"

"Anong pinaplano mong gawin?" tumatawang tanong ng military officer.

"Ano? Edi gawin ang lahat para mapunta siya sa atin!" tingin ng matipunong lalaki "gagawin ko ang lahat kahit na anong mangyari! Hindi man napansin ng dojo of limits ito pero ang technique ng batang ito ay hindi mapapantayan. Uunahan ko sila sa batang iyan! Hindi ito tungkol sa pera lang hindi ba? Hmph! Napakaswerte ko at nakakita ako ng isang napakatalentadong taong gaya niya. Walang wala ang batang si Wan Dong ng 18,000 miles sa Luo Feng na iyan!"

Tumawa ang military officer nang marinig niya ito.

"Bigyan mo ako ng kopya ng video na iyan mamaya Iron monkey" sabi ng matipunong lalaki.

"Sige walang problema" tumatawang sagot ng military officer habang tumatango.

�������

Malapit nang sumikat ang araw sa bayang iyon nang mapalibutan si Luo Feng ng tatlong mastiff tigers dalawang shadow cats at dalawang iron fur boars sa loob ng isang sira sirang sector. Marami rami rin ang nagamit niyang lakas para mapagsama sama ang mga ito para labanan siya.

"Magaling"

"Lumapit lang kayo"

"Ituloy niyo iyan"

Napakakalmado ni Luo Feng nang mga oras na iyon na para bang naglalakad siya sa isang parke, minsan ay humahakbang siya pakaliwa, minsan naman ay pakanan, paabante, minsan ay igagalaw niya ang kaniyang baiwang at minsan namang ay iyuyuko niya ang kaniyang buong katawan….

Hindi siya matama tamaan kahit ang kaniyang buhok ng pitong mga halimaw dahil sa maliliit na mga galaw na ito.

"Grrrr~~~" Napansin ni Luo Feng nang tumingin siya gamit ang dulo ng kaniyang mata ang isang mastiff tiger na tumalon papunta sa kaniya. Sa likod niya naman ay makikita ang apat pang mga halimaw na naghahandang umatake ng sabay sabay. Matapos niyang marealize ang mga nangyayari ay agad na umikot ang kaniyang paa kasabay ng paggalaw ng kaniyang katawan.

"Hindi ito maganda, muntik na akong matamaan!" walang kabuhay buhay na sinabi niya sa kaniyang sarili.

Mukhang malapit nang madakma ng mga kuko ng shadow cat ang katawan ni Luo Feng nang sa hindi malamang dahilan ay biglang gumalaw ito ng 5cm na nakapagpailag sa kaniya sa atakeng iyon.

"Talagang nakakachallenge ang pagsasanay sa legendary Ru Wei class technique" Makikita na matagumpay na nailagan ni Luo Feng ang lahat ng mga atake pero alam ni Luo Feng sa kaniyang sarili na nabigo siya! Dahil sa huling sandali ay ginamit niya ang kaniyang spiritual force sa dala dala niyang hexagonal shield sa kanang braso para makalikha ng propulsion!

Ito pala ang dahilan nang biglang paggalaw ng katawan ni Luo Feng ng 5cm noong malapit na siyang madakma ng shadow cat!

Napakaimportante ng technique sa pakikipaglaban, kaya pinili ni Luo Feng na magsanay matapos niyang makuha ang kinakailangan points para makapasa sa exam. Natural na kinakailangan ang matinding pagintindi sa mga basics na tumatagal ng sampung taon ng pagtitiyaga para magawa mo ng maayos ang isang technique. At ang pakikipaglaban sa mga halimaw ang nagtatatak sa mga technique na ito sa iyong diwa. Kung sapat na ang iyong pagsasanay ay makikita mo ang kusang paggalaw ng iyong katawan ayon sa iyong mga reflexes sa kahit na anong sitwasyon.

Matibay na pangintindi sa basics, matinding pagsasanay at ang iyong reflexes!

Ang tatlong level na ito ang basics ng isang technique. At ang hihigit sa tatlong ito ay ang… Ru Wei class!

Ang ibig sabihin ng Ru Wei class ay mayroon ka nang kontrol sa iyong buong katawan at lakas. Kaya mo na ring gumamit ng kakaunting lakas para mabilis na makailag sa isang atake. Ang lahat ng klase ng pagilag na para bang kinakalkula ng isang computer! Ang rason kung bakit napakahirap ng Ru Wei class technique ay dahil kung gagamit ka lamang ng kaunting lakas ang bahagyang gagalaw, ang kahit na anong pagkakamali mo ay puwedeng maglagay sa iyo sa bingit ng kamatayan! Malubha ka namang masusugatan kung hindi ka susuwertehing mamatay.

Hindi gaanong epektibo ang pagsasanay sa Ru Wei class technique gamit ang mga halimaw na mas mahina kaysa sa iyo.

Si Luo Feng ay inaatake ngayon ng pitong mga halimaw sa kaniyang paligid, ang kaniyang lakas at bilis ay nagagamit niya ng husto sa mga halimaw na ito. Pero talagang napakahirap na makailag kung napapalibutan ka ng pitong mga halimaw na umaatake sa iyo.

"Sa tingin ko ay nasa Ru Wei class na ako siguro ngayon hindi ba?"

"Ginagamit ko ang pinakamaliit na paggalaw na sasapat para makailag sa isang pagatake. Normal na magkakamali ako paminsan minsan" Nararamdaman na ni Luo Feng ang kaniyang pagod kaya ang ghost blade na matagal na niyang hindi nagagamit ay biglang tumaas at humiwa habang ang mga halimaw ay umiiyak sa sakit na kanilang dinaranas. Limang malafountain na mga dugo ang lumabas at lima sa pitong mga halimaw ang namatay sa isang iglap. Nang makita ito ng dalawa pang natirang mga halimaw ay nagtakbuhan na ito palayo kay Luo Feng.

"Pero…."

"Matapos ang isang gabi ng pagsasanay na ito ay nakita kong dumoble ang inilakas ng technique ko" nakangiting sabi ni Luo Feng, anong klase ng training ang kayang pumantay sa totoong pakikipaglaban sa mga halimaw? At anong klase ng pakikipaglaban sa mga halimaw ang maikukumpara sa matinding pagsasanay na iyon ni Luo Feng?

Sa pamamagitan lamang ng pagpush mo sa iyong katawan papunta sa limits nito mo lang malalaman kung hanggang saan ang limit ng iyong mga pagilag.

Malaki ang naging pakinabang ni Luo Feng sa pagsasanay niya sa gabing ito.

Walang dudang mas malakas si Luo Feng kaysa sa isang H level mastiff tiger, shadow cat at isang iron fur boar sa one on one. Pero, ang pitong mga halimaw kahit na H level pa lamang ang mga ito ay kayang pumatay ng isang tao. Ang isang kamao ay may lakas na hanggang sa 3000kg pero ang 2000kg na atake mula sa isang halimaw ay sapat na para malubhang masugatan si Luo Feng!

Kahit na ang henyong si 'Wan Dong' ay hindi susubok ng ganito katinding uri ng pagsasanay!

Kung hindi ay maaari kang pagpirapirasuhin ng pitong mga halimaw na nakapalibot sa iyo.

Pero nagawa ni Luo Feng na gawin ang napakapanganib na bagay na ito!

Ito ay dahil mayroon siyang spiritual force na puwede niyang gamitin sa kaniyang ghost blade at hexagonal shield kung sakaling huli na ang lahat para makailag sa pamamagitan ng kaniyang technique gaya nang nangyari kani kanina lang.

"Sayang dahil puwede ko lang gamitin ang spiritual force ko na ito sa mga hindi gumagalaw na bagay. Kasi kung gagamitin ko ito malapit sa isang tao o halimaw, hihigupin lang ng katawan nila ito" Umiiling na sabi ni Luo Feng sa kaniyang sarili. Hindi kayang kontrolin ng kaniyang spiritual power ang mga tao at mga hayop. Ang mga bagay na kaya niya lamang kontrolin ay mga bagay na hindi gumagalaw gaya ng bakal at kahoy. Pero matagal nang napasaya ng spiritual force na ito si Luo Feng dahil sa angking lakas nito.

Atleast ay sapat na ang kaniyang kakayahan para sa Ru Wei class na pag ilag.

Siyempre, ito ay ibang klase ng Ru Wei dodging. Dahil gumagamit siya ng spiritual for sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakamali para makailag sa mga atake. Pero Hindi na ito masama kung ikukumpara sa ibang mga regular na Ru Wei class. At kung tutuusin ay mas kakaiba pa kaysa sa mga ito!

[BEEP~~~BEEP~~~BEEP~~~]

Isang nakakabinging tunog ang maririnig sa buong bayan. Kasabay nito ang isang malalim na boses na mabilis na kumalat sa buong bayan. "Time's up! Ang lahat ng mga prospective fighters ay inuutusang pumunta na sa labasan ngayon din!"

"Tapos na ang fighter combat exam?" tumatawang tanong ni Luo Feng.

"Gagamitin ko ang ganitong klase ng Ru Wei class technique hangga't hindi ko ito napeperpekto nang hindi gumagamit ng spiritual force. Makakarating din ang technique kong ito sa Ru Wei class" hiniwa ni Luo Feng ang kaliwang tainga ng limang mga halimaw na napatay niya at inilagay ito sa kaniyang bag bago tumakbo papunta sa main gate ng lungsod ng mga halimaw.

avataravatar
Next chapter