85 Ang Pugad ng Steel Armored Dragon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang square shaped super market na ito ay mayroong isang napakalaking open space sa paligid nito. Ang space na ito ay ginawa bilang parking area ng mga customers nilang mamimili sa loob ng supermarket at nilakihan nila ito para mas maraming customers ang mamili sa kanilang supermarket. Nasa 100 million katao ang nakatira sa paligid ng supermarket na ito bago ang Grand Nirvana Period. Bukod pa ito sa potential customers nilang manggagaling pa sa ibang kalapit na lugar.

Pero ang open space na ito ay kasalukuyang napupuno ng milyong milyong halimaw na nakabantay sa pugad ng kanilang leader.

"Paano ako makakapasok at mananakaw ang itlog ng dragon na iyon sa loob ng supermarket na ito?"

"Kailangan ko bang magmadaling pumasok sa isang bintana sa 2nd floor nito?" Tiningnan ng lumilipad na si Luo Feng ang napakaraming halimaw sa kanyang baba, "Sa dami ng mga halimaw na ito ay napakaimposibleng hindi nila ako makita! At kung mangyayari iyon ay katapusan ko na!"

"Kailangan ko munang bumaba dahil napakarami na ng nagagamit kong spiritual force sa paglipad ko ng gamito," lumipad si Luo Feng sa gitna ng rooftop ng supermarket. Makikita ang napakalawak na rooftop ng supermarket na ito! Namangha si Luo Feng nang makita niya ito habang wala naman siyang nakitang ni isang halimaw na nakapuwesto rito.

Hindi na ito nakapagtataka dahil maging ang mga halimaw ay nagpapatupad ng mga batas ayon sa kanilang mga level.

Horde leader, commander, soldier!

Sa pagiging core ng pugad ang supermarket na ito, ang mga halimaw na maaaring tumira lang sa loob nito ay ang mga halimaw na may matataas na posisyon sa buong monster horde…. Maging commander level man o horde leader level! Ayaw ng mga itong magbabad sa init ng araw o sa lakas ng pag-ulan kaya ang karamihan sa kanila ay nakatira sa 3rd, 4th at 5th floor ng supermarket.

Sinolo naman ng steel armored dragon ang 1st at 2nd floor para sa kanyang sarili.

Ang dalawang low level horde leader 'flame scale triple halberd boars' naman ay nakatira sa isang commercial building na 100 meters ang layo sa gilid ng supermarket.

Tanging ang mga hindi mabilang-bilang na pangkaraniwang mga halimaw lang ang nakakaranas ng pagbababad sa ulan o sumagupa sa napakalakas na hangin dahil nakatira lang sila sa isang open space na walang kahit anong dingding o bubong. At natural na maging ang isang horde leader o commander level na halimaw na hindi payagan ang mga halimaw na ito na pumasok sa core area kaya walang kahit isang halimaw na makikita sa itaas na bahagi ng supermarket.

Whoosh!

Direktang lumapag si Luo Feng sa gitnang bahagi ng rooftop ng supermarket. Hindi siya nakita ng mga halimaw sa baba nito dahil sa sobrang lawak ng rooftop ng supermarket.

"Paano ako makakapasok sa 1st at 2nd floor?" tumingin-tingin si Luo Feng sa rooftop, "Ang 3rd 4th at 5th floors naman ay napupuno ng mga elite monsters!"

"Habang ang open space naman ng supermarket ay napapaligiran ng hindi mabilang-bilang na halimaw."

"Paano ako makakapasok sa loob?"

Ang lahat ng mga naisip na plano ni Luo Feng ay kinontra niya rin sa kanyang isip. Malinaw na para bang isang steel wall ang pugad na ito ng steel armored dragon na hindi mo basta-bastang magigiba.

"RUMBLE~~"

Nagpayanig sa langit at lupa ang hindi pa natatapos na laban sa pagitan ng tatlong horde leader na halimaw at dalawang wargods. Hindi mabilang na alulong ng mga halimaw ang agad na sumunod matapos ang isang roar at pagbagsak ng isang building sa pinangyarihan ng laban.

Habang si Luo Feng ay patuloy na nag-iisip sa gagawin niyang plano sa pagpasok sa pugad.

"Ayun!" kumislap ang mga mata ni Luo Feng, "Ang supermarket na ito ay may limang floors sa itaas ng lupa pero mayroon itong underground parking lot kaya mayroon itong 6 floors kung susumahin!"

"Ang mga ganitong klase ng supermarket ay mayroong mga elevators at nakasisiguro akong mayroong dalawang elevators dito. Ang isa ay para sa mga customers habang ang isa naman ay para sa paglipat ng mga produkto ng supermarket. Ang kinalalagyan ng elevator na ito ay puwede kong maging daanan papasok at palabas! At kapag nahanap ko ang isa sa mga ito ay kaya kong pumunta pababa ng 1st floor sa loob lang ng isang iglap!"

Siyempre ay maaaring matagal nang sinira ng mga halimaw ang elevator well na ito.

Pero dahil napakaliit ng elevator well na ito ay hindi ito magawang sirain ng mga halimaw sa takot na baka bumagsak ang buong supermarket kaya malaki ang tiyansa na buo pa rin ang elevator well sa gilid ng supermarket. Bukod pa riyan ang pagkakaroon ng dalawang elevator wells ng supermarket: isa para sa 'customer's elevator' at isa naman ay para sa 'freight elevator'.

"Ang elevator well!" sinimulan ni Luo Feng na maghanap sa bubong malapit sa gilid ng supermarket.

Napakasimple ng paraan ng kanyang paghahanap: gagamit si Luo Feng ng kanyang spiritual force psa hagdanan mula sa rooftop para makita ang mga lugar kung saan nakalagay ang mga elevator wells. Ang mga spirit readers lang siyempre ang may kakayanang makagawa ng paraang ito! Napakaingat na ginapang ni Luo Feng ang rooftop sa takot na makita siya ng mga halimaw sa ibaba nito.

"Nakita ko na!" nakangiting sinabi ni Luo Feng "Yes… bumaba ka, bumaba ka pa..."

"Fourth floor, third floor....."

Patuloy na pinababa ni Luo Feng ang kanyang spiritual force upang malaman kung nasira na ba ang elevator well na kanyang nakita. Hindi gaanong nasira ang elevator well na ito dahil protektadong protektado naman ito ng mga halimaw. Ito na rin ang kanilang tahanan kung tutuosin!

"CHI!"

Nagsimulang lumutang at gumuhit ng isang bilog sa bubungan ang dalawa niyang 9th grade throwing knives! Mas matigas pa ang mga ito sa diamond kaya mabilis itong nakagawa ng isang bilog na butas sa bubungang bahagi ng supermarket na para bang naghihiwa ng isang tokwa. Matapos nito ay lumutang ang natanggal na bahagi ng bubong dahil sa spiritual force ni Luo Feng at dahan-dahang nilapag sa gilid nang hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.

"Hmmm," ibinaba ni Luo Feng ang kanyang ulo habang tinitingnan ang butas sa kanyang baba "Itong elevator well...mhm, mukhang may kaunti itong bali sa elevator door sa third floor pero bukod dito ay wala pa ring pinagbago ito."

Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Luo Feng.

Nagsimulang lumutang sa gilid niya ang kanyang hexagonal shield na agad namang tinungtungan ni Luo Feng "Bumaba ka!" Dahan-dahan namang bumaba ang kanyang hexagonal shield nang hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Fifth floor, fourth floor, third floor..... makikita ang mga steel wires at ang elevator door na gawa sa bakal habang pababa siya sa loob nito. Mukhang napakatagal na panahon na ang nakalilipas noong may huling gumamit nito.

"Ito na ang pinto papasok sa 1st floor," lumutang si Luo Feng sa isa sa mga elevator doors.

Mahigpit na nakasara ang elevator door na ito pero sa loob ng isang iglap ay mayroong dalawang throwing knives na pumasok sa gap ng nakasarang elevator doors na ito. Matapos nito ay dahan-dahan itong binuksan ng mga throwing knives ang elevator doors sa magkaibang direksyon.

"CHI CHI~~"

Dahil matagal nang hindi nabubuksan ang elevator door na ito ay gumawa ito ng ganitong ingay na ikinatakot ng husto ni Luo Feng.

"Nasa loob na ako ng supermarket at walang kahit anong halimaw na makikita sa 1st at 2nd floor nito. Kung napakahina ng tunog na iyon…. Ay hindi iyon maririnig ng mga halimaw sa labas," huminga ng malalim si Luo Feng at dahan-dahang binuksan ang elevator door. Dahil dahan-dahan niya itong binuksan ay hindi gaanong nag-ingay ang mga lumang elevator doors na ito.

Noong nakabukas na ng kalahati ang mga elevator doors, sa tulong ng kanyang spiritual force ay agad niyang ginamit ang frame ng elevator doors para ijam ang mga ito.

"Tapos na!"

Nagpatuloy sa pagpigil sa kanyang paghinga si Luo Feng. Hindi niya magawang magrelax ng kahit isang beses. Magaan siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng itlog. Agad namang bumalik sa kanyang likuran ang hexagonal shield at pagkatapos nito ay ginamitan niya ng spiritual force ang dalawang tali sa kanyang likuran para talian ng mahigpit ang shield sa kanyang likuran.

"Napakabaho sa lugar na ito," isang napakakapal at napakabahong amoy ang kanyang nalanghap sa 1st floor. Matapos niyang huminga ng sandali sa amoy na ito ay nagsimulang mawala sa pagiging komportable ang pakiramdam ni Luo Feng.

"Nasaan na ba ang itlog ng steel armored dragon na iyon? Dahan-dahang naglakad paabante si Luo Feng habang gamit-gamit ang kanyang spiritual force sa kanyang katawan, shield at combat gear para gumaan ito na para bang isang ibon at makalakad ng walang ingay.

"Hu! Hmmm!"

Itinaas ni Luo Feng ang kanyang kamay at tumingin sa itaas. Doon niya nakita na wasak na pala ang kisame sa 1st at 2nd floor ng supermarket. Ang framework na lang ng supermarket sa mga gilid nito ang hindi pa nasisira. Ang lahat naman ng mga sira-sirang food stalls at sirang pagkain ay halatang itinulak sa gilid ng halimaw. Minsan ay nahaharangan ang dinadaanan ni Luo Feng kaya kinakailangan niyang gamitan ito ng spiritual force para makagawa ng isang maliit na daanan.

"Mukhang nakatira sa gitna ng supermarket ang steel armored dragon na iyon dahil iyon ang pinakamalawak na bahagi ng supermarket" direktang pumunta si Luo Feng sa gitna ng supermarket at hindi nagtagal ay unti-unti niyang nakita ang isang oval shaped na bagay na parang isang bola.

"Ang dragon egg?"

Pinigilan ni Luo Feng ang kanyang paghinga at naglakad paabante.

Maririnig ni Luo Feng sa loob ang alulong ng mga halimaw sa labas ng supermarket kaya lalong nag-ingat si Luo Feng at napakagaang naglakad papunta sa itlog.

"Mas malakas pa pala ang amoy dito," habang mas lumalapit si Luo Feng ay lumalakas ang amoy na kanyang nalalanghap, "Mukhang madalas sa lugar na ito ang steel armored dragon at ang amoy na ito ay nanggaling sa kanyang katawan," Mabilis na narating ni Luo Feng ang 10 metro mula sa dragon egg kung saan niya nakita ito ng malinaw.

Isa itong dragon egg na may taas na isang metro. Ang shell nito ay blue at may makikita ka ring mga maninipis na linya sa gilid nito.

"Ang dragon egg ng steel armored dragon!" kumislap ang mga mata ni Luo Feng. Nakarating na siya sa layo na kung saan ay kaya na niyang abutin ang itlog na iyon sa kanyang harapan.

"Pero sino bang nakakaalam kung anong klaseng bitag ang inilagay ng steel armored dragon sa paligid nito para hindi ito manakaw ng kahit sino. Pero dahil buhay ang dragon egg na ito ay hindi ito kayang galawin ng aking spiritual force," matapos nito ay ginamit ni Luo Feng ang anim niyang throwing knives para hiwain ang lupa sa ilalim ng dragon egg bago niya ito dahan-dahang pinapunta sa kanya. Nagmistulang parang isang iron ring ang lupa na iyon na bumubuhat sa dragon egg.

Ginamit niya rin ang mga mapupurol na bahagi ng kanyang kutsilyo para buhatin ang dragon egg papunta sa kanya.

"Halika rito dragon egg," nabuksan na ni Luo Feng ang kanyang bag at sinimulan itong palakihin ng paisa-isang layer. Inilatag niya ang kalahati ng kanyang bag dahil sapat na ito para mailagay ang dragon egg na kanyang nakuha. Kayang maglagay sa loob ng kanyang bag ng isang bagay na sinlaki ng isang buong tao.

Dahan-dahang lumipad papunta sa kanya ang dragon egg mula sa steel armored dragon…

avataravatar
Next chapter