82 Ang Peak ng Showdown

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maaamoy sa first floor ng wasak-wasak na residential apartment ang napakalakas na amoy ng dugo mula sa malalaking bangkay ng mga halimaw na nagsimatay sa loob at labas ng building… Dahil sa madugong pagpatay sa mga kasamahan nila kanina ay hindi na sinubukan pang lumapit ng mga tumakas na halimaw na nagresulta sa pagiging tahimik ng lugar na ito ng ilang sandali. Di nagtagal ay biglang lumabas si Luo Feng sa kanyang pinagtataguan na para bang isang bala ng cannon. Agad namang nagliparan at nagsibalik sa kanya ang dalawang throwing knives na kanyang ginamit kani-kanina lang.

"Hindi magtatagal ay magsisimula na ang dalawang wargods na iyon sa paglaban sa isang high level horde leader na steel armored dragon. Kailangan ko nang magmadali at humanap ng magandang puwesto!" Matapos nito ay tiningnan ni Luo Feng ang dalawang naglalakihang bangkay ng namatay na commander level lion mastiffs at huminga ng malalim, "Mukhang malinis na dinissect ng mga wargods na iyon ang dalawang bangkay na ito dahil wala na sa mga ito ang dalawang importanteng materyales na makikita sa kanilang buong katawan."

Noong una ay gusto ni Luo Feng na makakuha ng benepisyo para sa kanyang sarili.

Hindi nagtagal ay naging isa na siyang blurry na anino at mabilis na tumungo papunta sa south.

"Ang pugad ng steel armored dragon na iyon ay may layong 10 miles mula rito. Mukhang iyon ata ang family mart na nakikita ko roon….. Pipili ako ng mapupwestuhang residential apartment na tatlong milya ang layo mula roon." Nagdesisyon si Luo Feng habang mabilis siyang lumapit sa pugad ng steel armored dragon. Maging ang isang spirit reader ay hindi puwedeng magpadalos-dalos sa pinamumugarang city na ito na gawa sa bakal at semento.

Minsan ay tumatakbo siya ng mabilis at minsan naman ay babagal siya ng kaunti para tumingin-tingin ng mapupwestuhan.

Pero mabilis pa rin siya kung tutuosin. 10 minuto ang nakalilipas ay makikitang pumasok si Luo Feng sa 16th floor ng isang 18 story residential apartment building!

"PUCHI~~"

Umikot ang dalawang katakot-takot na itim na ilaw sa kanyang paligid bago magsibalik sa mga kinalalagyan nito sa kanyang bulsa. Nakangiting binuksan ng dahan-dahan ni Luo Feng ang isang kuwarto sa 16th floor ng residential building. Saradong-sarado ang kuwartong ito pero madali pa ring nabuksan ni Luo Feng ang napakalaking pinto na ito gamit ang kanyang spiritual force.

"Nakalock pa ang pintuan ng kuwartong ito ng maayos. Mukhang wala pang halimaw o fighter na nakakapunta rito mula noong Grand Nirvana Period hanggang ngayon." Pumasok si Luo Feng at isinara niya ang pinto sa kanyang likuran. Walang duda na malinis pang nakaayos ang mga gamit sa loob ng kuwartong ito.

Isang glass cabinet, isang sofa, isang marble table at isang 24 inch T.V.

Ang mga gamit na ito ay ang style bago dumating ang Grand Nirvana Period.

"Hu!"

Tinanggal ni Luo Feng ang kumot na gawa sa wool na nakapatong sa sofa at dahil malinis pa rin ang natakpang sofa na ito ay kinuha na lang ni Luo Feng ang kumot at agad na tumakbo sa balkonahe para punasan ang mga salamin nito bago buksan ang hindi pa nababasag na glass window.

"Napakaganda ng tanawin dito."

"Tatayo na lang ako rito para tingnan ng maigi ang pugad ng halimaw na iyon doon," Ibinato ni Luo Feng ang ipinampunas niyang kumot sa isang gilid at sumandal sa railing ng balkonahe habang nakatingin sa isang family mart na may layong 3 miles mula sa kanya pero ang tanging nakita niya lang ay isang usok na tumakip sa kanyang paningin sa family mart na pinamumugaran ng napakaraming halimaw. Hindi na niya kayang makita ang mga bagay na nasa likod ng usok na iyon.

Pero dahil napakaliwanag ng sinag mula sa araw ay mas malinaw naman ang paligid na kanyang nakikita kaysa dati.

Gamit ang kanyang binoculars na hawak hawak, tiningnan ng maigi ni Luo Feng ang area kung saan nagmumula ang usok. Nakita niya sa gilid ng usok na ito ang malalaking pig type na halimaw na nakahiga, naglalakad-lakad at ang iba ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng pakikipagbanggaan sa isa't isa.

"Wala man lang ni isang komosyon pa ang nagaganap. Nasaan na ang dalawang wargods?" Tiningnan ni Luo Feng ang buong area sa abot ng kanyang makakaya pero wala siyang makita kahit ni isang bakas mula sa dalawang wargod na ito.

����

Ang dalawang wargods pala na hinahanap niya ay kasalukuyang nakapuwesto sa 12th floor ng isang residential apartment kalahating kilometro ang layo mula sa kanya. Nagindian seat ang dalawang wargod na ito na sina Wang Tong at ang malaking maskulado na si Li Kang sa loob ng kuwartong iyon habang umiinom ng tubig para maibalik ang mga nawala nilang tubig sa katawan.

"Kan," tawag ng bata at guwapong si Wang Tong habang iniinom ang kanyang dala-dalang tubig, "Direkta tayong papasok sa nucleus ng pugad na iyon para direktang atakihin ang steel armored dragon sa loob nito…. Siyempre naman ay hindi mawawala ang dalawang 'low level horde leader flame scale triple halberd boars' na alalay nito kaya ikaw na ang bahala sa kanila Kan."

"Okay," mahinang sagot ng malaking maskulado na si Li Kan. Magaan niyang iwinagayway ang kanyang mace na para bang isang palito ng posporo.

"Rank 1 ang mga flame scale triple halberd boar sa lahat ng mga pig type monsters! Malaki ang magiging problema natin sa mga ito kaya ang misyon mo ay abalahin lang ang mga ito. Hindi mo na sila kailangan pang patayin dahil hindi naman sila ang ipinunta natin dito."

Ang isang steel armored dragon at dalawang flame scale triple halberd boars!

Sa ganitong klase ng kombinasyon ay tiyak na mayroong awtoridad ang mga ito na pamunuan ang iba pang halimaw sa buong #003 city sector. Kung hindi lang nanghina sa pangingitlog ang steel armored dragon na iyon ay hindi magkakaroon ng tapang si Wang Tong para sugurin ito.

"Handa na ako Kuya Li," tumayo ang malaking maskulado na si Li Kan.

"Okay."

Tumayo rin si Wang Tong at nanlalamig na tiningnan ang pugad na natatabunan ng isang malaking usok hindi kalayuan sa kanila, "Tara na't umalis na tayo!"

Whoosh! Whoosh!

Direktang tumalon ang dalawang anino ng tao sa 12th floor ng isang residential building na para bang mga tipaklong na sinlaki ng tao. Agad nilang narating ang building na may layong 100 meters sa loob lang ng isang talunan. At gamit ang building na iyon para makabuwelong muli sa pagtalon ay agad silang lumipad muli sa kagubatang gawa sa bakal at semento…. kanina pang nakalampas sa speed of sound ang bilis ng mga ito!

BOOM~~

Noong marinig ni Luo Feng ang sonic boom ay agad siyang lumingon patungo sa direksyong iyon at nakita ang dalawang mablur na anino ng mga taong pumasok sa loob ng napakalaking usok.

"Nakapasok na sila agad? Ang bilis!" Hindi pa rin nagpaka kampante sa kanyang paligid si Luo Feng at tinitigan niya ng mabuti ang area na natatabunan ng malaking usok.

"HOWL~"

"ROAR~~~"

Agad na narinig ni Luo Feng ang mga galit na galit na angil at alulong sa area na natatabunan ng isang malaking usok na para bang katapusan na ng mundo. Ilang sandali pa ay nasaksihan ni Luo Feng ang mabilis na pagpasok ng napakaraming halimaw na nagpayanig maging sa kinatatayuan ni Luo Feng sa area na natatabunan ng usok!

"Nagsisimula na silang makipaglaban?" Hinuhulaan lang ni Luo Feng ang mga nangyayari sa area na iyon dahil natatabunan ito ng isang napakakapal na usok.

…..

Walang sinumang fighter ang nagtangkang pumasok sa family mart na iyon na punong-puno ng alikabok dahil nagmistula na itong palaruan ng napakaraming halimaw matagal na panahon na ang nakalilipas.

"HOWL HOWL~~"

Isang napakalaking nilalang na nababalutan ng berdeng berde na balat ang kasalukuyang natutulog ng mahimbing habang nakahiga sa loob ng family mart. Makikita ang dalawang malalakas na usok na nanggagaling sa mga butas ng ilong nito na bumalot sa buong area. Ang 1st floor pa lang nito ay mayroon nang tangkad na 7 to 8 meters dahil matagal nang nawasak ang 1st at 2nd floor ng supermarket na ito. Ang pagkawasak na ito ay nagresulta sa pagluwag nito ng husto.

Nang biglang mayroong mga naglalakasang alulong galing sa mga halimaw sa labas ng supermarket.

"HOWL~" dahang dahang bumangon ang napakalaking nilalang na ito na mayroong pulang mata na kayang tumakot sa kahit na sinong taong makakita ng mga ito.

Ang nilalang na ito ay may tangkad na 5 meters at sukat na umaabot sa 10 meters. Maging ang buntot nito ay may haba ring umaabot sa 10 metro! Nagmukhang payat at mahaba ang napakalaking nilalang na ito habang makikita naman sa kanyang noo ang isang kurbadong itim na sungay. Isang kulay berdeng itlog naman ang makikita sa ilalim nito nang tumayo ang napakalaking nilalang na ito.

Sa isang galaw lang ng kulay berdeng halimaw na ito ay agad itong nawala sa loob ng supermarket.

…..

Ang family mart supermarket na ito ay ang nucleus ng buong monster horde kaya napapalibutan ito ng maladagat na dami ng mga halimaw!

Whoosh! Whoosh!

Mabilis na tumalon ang dalawang anino ng tao na para bang isang kidlat. Tumapak sila sa katawan ng mga halimaw habang mabilis silang sumugod papunta sa family mart supermarket.

"Bilisan mo! Huwag ka nang makipaglaban kung ayaw mong mataboy tayo ng monster horde," sigaw ni Wang Tong.

"Naiintindihan ko," pinigil ng maikling pasensyang si Li Kan ang kanyang sarili.

Makikitang nakapuwesto sa harap ng pinto papasok sa family mart ang isang napakalaking 'Bloodthirsty Tank' na halimaw kasama ang napakaraming horned boars sa paligid nito. Mas naging detalyado rin ang mga makikinang na balahibo ng mga ito kaysa sa balahibo ng mga pangkaraniwang halimaw na kanilang kauri. Makikita rin ang kaunting talino sa mga mata ng naglalakihang halimaw na ito.

Walang duda….

Na ang daan daang halimaw na ito ay mga commander level monsters! Hindi mo na rin ito dapat ipagtaka dahil ang supermarket na ito ay ang nucleus ng katakot takot na monster horde!

Sa harap ng horde na ito na kinabibilangan ng daan daang commander level monsters ay nakatayo ang dalawang galit na galit at naglalakihang halimaw na makapagpapakabog sa dibdib ng kahit na sinong fighter na humarap dito. Pulang pula rin ang balat ng dalawang ito! At agad mo ring mapapansin sa kanilang ulo ang tatlong naglalakihang sungay na nakaturo sa kanilang harapan!

Ito ay ang mga flame scale triple halberd boars! Sila ang nangunguna sa ranking ng pig type monsters! Ang pinakamahihinang uri ng mga ito ay mga medium level commanders habang ang dalawang ito naman ay mga low level leaders!

"HOWL~~" isang napakalakas na alulong na nakapagpayanig sa kalangitan ang maririnig matapos ang ilang sandali.

Isang blurry na anino ng isang halimaw ang biglang nagpakita sa harap ng dalawang flame scale triple halberd boars na ito. Matapos luminaw ang itsura nito ay makikitang mas maliit ito kaysa sa mga katabi niyang mga flame scale triple halberd boars, isang halimaw na may berdeng berdeng katawan. Dalawang galit na galit at sobrang lakas na usok ang makikita namang lumalabas sa kanyang mga nostrils habang ang dalawa naman niyang mga mata ay nakatingin sa dalawang tao na pumunta rito upang patayin siya.

"Mamatay kang hayop ka!" sumigaw si Wang Tong habang papasugod sa kanya ang napakaraming bilang ng halimaw sa kanyang paligid. Hindi nagtagal ay nagsimula nang umulan ng dugo habang nagliliparan ang katawan ng mga napatay niyang halimaw sa ere.

Naramdaman ng steel armored dragon na napakalakas ng mga tao sa kanyang harapan kaya agad itong bumalik sa loob ng supermarket para tingnan ang kanyang itlog na naroroon pa rin sa mga oras na ito….

Kung dito sila maglalaban!

Kung dito magaganap ang laban sa pagitan ng advanced level wargod at isang high level horde leader ay madaling matatamaan at mababasag ang itlog ng dragon!

"HOWL~~" gumawa ng isang napakalalim na angil ang steel armored dragon at mabilis na lumipad palabas ng supermarket. Sa sobrang bilis ng paglipad nito ay nakagawa pa ito ng isang sonic boom.

"Alam kong mangyayari ang lahat ng ito!"

Tuwang tuwa sina Wang Tong at Li Kan noong makita nila ito. Nahulaan na nila noon pa lang na…. dahil madaling mabasag ang itlog nito ay mas pipiliin nitong lumayo at makipaglaban sa isang lugar malayo sa kanyang pinagitlugan. Tataas lalo ang tiyansa ng dalawang wargod na mapatay ito dahil mas marami ng husto ang bilang ng halimaw na nakapalibot sa mismong pugad ng high level horde leader na ito.

"BOOM!" "BOOM!"

Agad na nalampasan nina Wang Tong at Li Kan ang speed of sound habang hinahabol ang target nilang halimaw.

"BOOM!" "BOOM!" nakalampas rin sa speed of sound ang dalawang low level horde leader flame scale triple halberd boars na humahabol sa dalawang wargod na humahabol sa kanilang leader.

30 lang sa lahat ng commander level monsters ang humabol sa kanila dahil mas prayoridad ng karamihan sa mga ito na bantayan ang pugad ng kanilang leader. 30 din sa 100 na commander level monsters na ito ay high level commanders. At dahil dito...

Ay hindi agad makakapasok maging ang isang wargod fighter sa loob ng pugad.

…..

Patuloy na nakatayo si Luo Feng sa balkonahe ng pinagpuwestuhan niyang building habang matiyaga pa rin siyang nakatingin sa supermarket nang biglang magpakita ang isang anino na sinundan ng dalawang anino, at sinundan pang muli ng dalawa pang anino na magkakasunod na lumabas sa pugad na nababalutan ng makapal na usok.

"Hahaha, lumabas silang lahat para maglaban," isang flash ang makikita sa mga mata ni Luo Feng, "Hmhm, lahat sila ay nasa horde leader at wargod level!"

avataravatar
Next chapter