81 Ang Palasyo ng mga Wargod

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi mapigilan ng captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Yan na sumugod sa mga battle uniforms at bangkay na kanyang nakita. Noong makita niya ang mga butong punong-puno ng dugo ay gigil na gigil na isinara ni Pan Ya ang kanyang mga kamao.

"Patay na sila Pan Ya. Ano pa ang point ng pagmamaktol mo riyan?" mapagpakumbabang sigaw ng beteranong si Liu.

"Oh? Anong nangyayari?"

Ngumiti ang wargod na si Wang habang tinitingnan niya ang captain ng Tiger Fang Squad. Hindi nagtagal ay tumawa ang batang fighter at nagpaliwanag, "Uncle Wang, ganito po kasi iyon. Pinayagan ako ni papa na makakuha ng combat experience dito sa Forsaken Land. Hindi lang po si Old Liu at Ka Long ang pumoprotekta sa akin kasi kumuha rin po sila ng isang warlord level fighter squad para tumulong kela Old Liu at Ka Long kung sakaling kailanganin nila ng tulong. Pero ang lima sa anim na miyembro ng kanyang squad ay patay na kaya siya na lang ang natitira sa kanilang lahat."

"Anim sila noon pero lima na sa kanila ang patay?"

Isang malalim na boses ang lumabas sa lalamunan ng malaking maskulado, "Hindi ba't napakahina ng squad na ito para protektahan ka!?"

"Mr. Li," gumagalang na sinabi ng beteranong si Liu, "Hindi po ito nangyari dahil sa mahina ang Tiger Fang Squad. Sa totoo lang, sa mga nakaraang araw na binibigyan namin ang young master ng combat experience, ang dalawang miyembro ng kanilang squad na nagbabantay sa aming tinutuluyan ang inatake ng napakaraming halimaw at namatay sa sobrang dami ng mga ito! At ngayon namang nagpapahinga kami sa 6th floor ng isang residential building ay misteryosong inatake naman kami ng napakalaking monster horde… mahihina pa ang tatlong iyon kaya hindi nila kinaya ang monster horde kani-kanina lang."

Bahagyang sumimangot ang wargod na si Wang noong marinig niya ito.

Dumagdag naman ang malaking maskulado at nagtatakang sinabi na, "Anong nangyayari?"

Napakadalang sa isang monster horde na umatake sa isang lokasyon na pinagtataguan ng mga fighters. At dahil dalawang beses na itong nangyayari ay hindi nakapagtatakang mayroon na ngang mali na nangyayari!

"May taong gumagawa nito sa inyong likuran."

Tahimik na sinabi ng lalaking nagngangalang Wang, "Mukhang mayroong isang tao na may matinding galit sa Tiger Fang Squad!"

Nagtatago pa rin sa banyo sa 2nd floor ng residential building si Luo Feng sa mga oras na ito. Pinahina na niya ang kanyang paghinga sa abot ng kanyang makakaya at hindi niya nagawang gumawa ng kahit anong ingay pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na masurpresa nang marinig niya ang sinabi ng lalaking may pangalan na Wang, "Tamang tama ang sinabi niya ah!"

"Isang taong may matinding galit sa Tiger Fang Squad?" naglakad si Pan Ya papalapit sa kanila.

"Uncle Wang?" maging batang fighter ay nagpakita ng pagtataka sa kanyang mukha habang tinitingnan ang kanyang uncle Wang.

"Kahit na may mga kaaway ang ama mo, ang lahat ng mga ito ay mga wargod na! Hindi gagawin ng isang wargod na pumunta rito para lang patayin ang isang batang katulad mo. Dahil kapag nangyari iyan ay magagalit talaga ang iyong ama at uubusin niya ng walang awa ang pamilya ng wargod fighter na iyon," nakangiting sinabi ng lalaking may pangalang Wang, "At kung gusto man ng isang wargod na patayin ka ay mamamatay ka na agad sa unang araw na tumapak ka dito sa Forsaken Land."

Tumango naman ang bata batang fighter nang marinig niya ito.

"Ginawa ng ama mo ang tama dahil ang training na ginagawa mo ay ang pinakamabisang training sa lahat. Pero ang kasalukuyang fighting strength mo ay pangkaraniwan pa lang." Matapos nito ay tinanong siya ng kanyang uncle Wang, "Kumusta na ang fitness level mo ngayon?"

"Ang fitness level ko ay nasa level na ng isang intermediate warlord. Pero…. ang mga halimaw na kaya ko lang labanan ay ang mga 'low level commander monsters'." sagot ng batang fighter.

"Pangkaraniwan nga! Napakapangkaraniwan! O puwede mong sabihin na… below average!"

Dismayadong sabi ng lalaking may pangalang Wang, "Mas mataas ang talino ng isang tao kaysa sa isang halimaw! At ang isang horde leader lang ang halimaw na kayang pumantay sa pag-iisip ng isang tao! Kaya….. dapat ang isang fighter ay kayang makipaglaban sa isang halimaw na katumbas ng kanyang body fitness level. Ang iba pa ngang mga talentadong fighters ay kayang makipaglaban sa mga halimaw na mas malakas kaysa sa kanila! At ang fitness level mo ay katumbas na ng isang intermediate warlord pero ang kaya mo lang labanan ay isang beginner level commander? Marami ka pang kulang na training bata!"

Itinango ng batang fighter ang kanyang ulo.

"Maganda ang fitness level mo kaya nagawa kang gastusan ng mama at papa mo!" seryosong sinabi ng lalaking nagngangalang Wang, "Dahil sa talento mo na sinamahan pa ng suporta galing sa iyong mga magulang ay mayroon kang tiyansa na maging isang wargod sa loob ng 10 years! Pero ngayon ay kinakailangan mo munang makaranas ng totoong battle experience! At kapag naging isang wargod ka ay puwede kang pumasok sa 'Palace of Wargods' na kung saan ka sisimulang respetuhin ng mga tao at tratuhin ka bilang isang malakas na nilalang at hindi isang spoiled brat na anak ng isang makapangyarihang lalaki."

"Naiintindihan ko po Uncle Wang," tango ng batang fighter habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.

Ang kanyang ama ay isang first generation fighter at ang ina niya naman ay isang makapangyarihang wargod fighter mula sa isa sa mga super families ng European Union. At dahil dito ay naging napakatalentado ni Li Wei na nakaabot siya ng intermediate warlord level nang hindi pumapasok sa Forsaken Land sa edad lang na 20 years old!

Kung hindi siya gagastusan ng malaki ng kanyang nanay at tatay ay magiging mahirap para kay Li Wei na makatungtong sa wargod level.

"Ipagpaumanhin niyo po ang pagtatanong ko senior pero ano po ba ang Palace of Wargods?" hindi maiwasang itanong ng captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya na hindi makaimik kani-kanina lang.

Maging ang nagtatagong si Luo Feng ay nakinig ng maigi rito. Oo nga ano nga ba talaga ang Palace of Wargods na iyon?

"Pangkaraniwan na kinokontak lang nito ang mga fighter na nasa 'advanced warlord level' na," tumingin ang lalaking nagngangalang Wang sa kanya, "Napakaganda ng ipinakita mo kanina kaya sasabihin ko na sa iyo ito agad! Ang Palace of Wargods ay isang grupo na ginawa hindi lang ng mga wargod fighters kundi pati na rin ng mga fighters na nakalampas na sa pagiging wargod level fighter sa bawat headquarter city sa lahat ng limang major countries sa buong mundo!"

"Puwede mong sabihin na parte ng Palace of Wargods ang lahat ng wargod fighters sa buong mundo!"

"At ang pinakamalakas na fighter na si 'Hong' at si 'Thunder God' ang mga taong responsable sa paggawa ng Palace of Wargods! Isa itong power na ginawa para sa ating mga fighters," ngumiti ang lalaking may pangalang Wang.

Natulala ang captain ng Tiger Fang Squad nang marinig niya ito.

Maging si Luo Feng na nagtatago sa malayong lugar ay nagulat sa kanyang narinig. Shit, maging ang lahat pala ng wargod sa buong mundo ay sama-samang gumawa ng isang power para sa mga fighters? At maging si 'Hong' at si 'Thunder God' ay nakipagpartner para gawin ang grupong iyon? At kapag nagawa ang power na ito ay walang magagawa maging ang mga pinakamakapangyarihang bansa sa kanila!

"Ang Palace of Wargods ay isang palasyo para sa mga fighters."

"Ang Palasyo ng mga Wargods ay ang huling depensa ng sangkatauhan sa pakikipaglaban nito sa mga halimaw!"

"Ginawa ang Palace of Wargods para sa dalawang rason. Ang una ay para abutin ang ating mga limit bilang tao at ang pangalawa ay para ubusin ang mga halimaw sa buong mundo!"

Sinabi ng lalaking may pangalang Wang habang kumikislap ang mga mata nito.

Kumulo ang dugo ng lahat ng tao sa lugar na iyon kasama ang matandang beterano na si Liu. Sabik na sabik na siya dahil isa na siyang advanced warlord level. Kahit na may isang hakbang na lang ang kanyang layo sa pagiging wargod ay nahihirapan pa rin siyang magpalakas dahil sa kanyang katandaan. Maging ang nagtatagong si Luo Feng na malayo sa kanila ay nasasabik sa kanyang narinig.

"Sige Li Wei, bilisan niyo na at umalis na kayo rito."

Ngumiti ang lalaking nagngangalang Wang habang sinasabi niyang, "Maghahanda na rin kami ng iyong Uncle Li na umalis para makipaglaban sa isang 'high level horde leader monster' na steel armored dragon. Napakadelikado ng operasyong ito kaya kailangan niyo nang lumayo rito. Mas mabuti kung pupunta kayong lahat sa highway sa labas ng sector na ito."

"Steel armored dragon?" nanlaki ang mga mata ng batang fighter.

Habang napahinga ng malalim naman ang matandang beterano na si Liu at ang maputing maskulado kasama ang leader ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya.

"Holy shit," maging si Luo Feng na nagtatago sa malayong lugar ay nasurpresa, "Napakatapang nga talaga ng dalawang wargod na ito. Isang high level horde leader na steel armored dragon!" Ang talino ng isang horde leader na halimaw ay katumbas na sa talino ng isang tao. At natural na ang fitness level ng isang horde leader na halimaw ay mas mataas kaysa sa taong kapareho nito ng level!

Pangkaraniwan na maging ang isang advanced level wargod ay kinakailangang tumakbo kung makakaengkwentro sila ng isang high level horde leader na halimaw na kagaya nito.

Magsasama silang dalawa para labanan ang isang high level horde leader?

Wala na ba sila sa kanilang mga sarili?

"Haha, kakaitlog lang ng steel armored dragon na ito kaya nawala ang napakaraming lakas sa katawan nito," ngiti ng lalaking may pangalang Wang, "Ito na ang aming pagkakataon!"

"Nangitlog?" surpresang tanong ng batang fighter at ng mga kasama nito.

"Sige na at bilisan niyo nang umalis dito. Ang steel armored dragon na ito ay may sampung milya lang na layo mula rito. At kapag gumawa na kami ng aksyon ay magsisimula na ring magsikilos ng napakalaking monster horde na nasa ilalim ng impluwensiya nito…. Kaya maaapektuhan ang lahat ng area sa paligid nito. Mas ligtas para sa inyo na umalis na sa Shanghai City at tumakbo na sa highway," paliwanag ng lalaking may pangalang Wang.

Napakatalino ng lahat ng horde leaders kaya mayroon itong isang napakalaking monster horde na nasa ilalim ng kanilang kontrol.

"Sige, naiintindihan ko po," tango ng batang fighter, "Good luck na lang po sa inyo Uncle Li at Uncle Wang."

"Tara na."

Matapos mag-utos ang batang fighter ay mabilis silang umalis palabas ng city kasama si Pan Ya at ang iba pa. Hindi nila magawang tumutol sa babala ng isang wargod kaya agad silang tumakbo papalabas ng city.

Sa kanilang daan palabas ng city.

Ay makikita ang hindi makapaniwalang mukha ng batang fighter at ng tatlo pa niyang kasama.

"Napakalakas talaga ni Mr. Wang at Mr. Li. Manghuhuli sa ng isang high level horde leader! Kahit na humina pa ito sa pangingitlog ay isa pa rin itong high level horde leader," hindi maiwasang sinabi ng matandang beteranong si Liu.

"Hindi ba ang dalawang taong iyon ay ang legendary shadow blade brothers na sina 'Shadow Blade' Wang Tong at 'Bear Strength' Li Kan?" hindi maiwasang tanong ni Pan Ya.

"Tama ka."

Buong pagmamalaking ngiti ng batang fighter, "Nasa iisang squad sila ng aking mama at papa noong mga bata sila kaya hanggang kamatayan ang kanilang pagkakaibigan!"

Ang tanging nagawa ng captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya ay mamangha.

Ito ang kanyang background! Ang kanyang mga magulang ay mga wargods kaya natural na mayroon itong mga iilang kaibigang wargod!

"Isang araw ay magiging isa rin akong wargod at makakasali sa Palace of Wargods! At kapag nakasali na ako rito ay madali na akong magkakaroon ng koneksyon sa ibang wargods…. At sa mga oras na iyon ay magkakaroon ako ng isang napakalaking koneksyon ng mga wargods!" hindi maiwasang pangarapin ni Pan Ya, "Oo, dahil ako na lang ang nag-iisang natitirang miyembro ng Tiger Fang Squad ay hahanap ako ng mas malakas na fighter squad na masasalihan!"

At nagtatago pa rin si Luo Feng doon at hindi magawang gumalaw ng kahit kaunti.

Ilang boses ang maririnig sa labas.

"Tapos ka na bang magdissect? Tara na at maghanda. Ang kalaban natin ngayon ay isang steel armored dragon! Napakadali sana para sa atin kung isa itong 'Silver Moon Wolf' o 'Black Cloud Tiger'! Pero ang kalaban natin ay isang steel armored dragon na may bilis, lakas at tigas na hindi mapapantayan. At ngayong kapapangitlog pa lang nito ay ito na ang tamang oras para sa atin na umatake," matapos makinig sa boses na ito ay malinaw para sa kanya na nanggaling ito sa lalaking nagngangalang Wang.

At matapos nito ay maririnig ang napakalalim na boses ng malaking maskulado, "Nakuha ko na Kuya Wang."

"Ok, tara na!"

Isang mahinang tunog ng hangin ang maririnig sa loob ng isang sandali at bukod pa roon ay wala nang iba pang tunog ang maririnig sa labas.

Tumingin si Luo Feng sa bintana at tiningnan ang labas ng building. Hindi na niya makita ang dalawang wargod na iyon.

"Masuwerte ang Pan Ya na iyon at nakaligtas siya. Mukhang hindi ko pa siya mapapatay ngayon," Malinaw kay Luo Feng na kapag umalis na ang batang fighter kasama ang iba pa sa #003 city sector ay wala na siyang magagawa kundi ay bumalik na lang din at maghintay ng panibagong pagkakataon, "Oo, hindi ko puwedeng isugal to! Kailangan ko na lang uling maghintay na magkrus muli ang mga landas namin sa loob ng Forsaken Land."

Isang guhit ng pagtataka ang makikita sa mga mata ni Luo Feng, "Ang dalawang wargods na manghuhuli ng isang high level horde leader steel armored dragon matapos nitong humina sa pangingitlog? At may layo itong 10 miles mula sa akin?"

"Kailangan kong mapanood ang labang ito."

Kating kati ang pakiramdam ni Luo Feng na mapanood iyon sa mga oras na ito at kapag hindi niya ito nagawa ay nakasisiguro siya sa kanyang sarili na pagsisisihan niya talaga ito.

avataravatar
Next chapter