webnovel

Ang Pagdating ni Hong

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makikita sa madulas at kulay dugong fighter jet na ito ang aura na maihahalintulad sa isang agresibong lumilipad na halimaw. Sa mga oras na ito ay dahan-dahang bumaba ang fighter jet na ito mula sa kalangitan habang tahimik na pinapanood ng bawat isang estudyante at wargod na guro ng elite training camp.

Walang kahit sino sa kanila ang gumawa ng kahit anong klaseng ingay.

Lumapag ang fighter jet at "HUA!" bumukas ang hatch nito!

Isang naninilaw na lalaki at isang maputing lalaki ang magkasabay na lumabas sa hatch ng fighter jet. Lumakad sila sa hangin na para bang naglalakad sa isang invisible platform na hindi nakikita ng kahit sino. Naglakad sila ng ganyan hanggang makababa sa madamong field ng training camp. Nanlaki naman ang mga mata ng mga estudyante nang makita ang eksenang ito.

"Dalawang fighter na lumampas sa pagiging wargod, dalawa sila!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter