80 Ang Pagdating ng Wargod

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nauna sa mga tatlong anino na nalaglag ang matandang beterano na si Liu na sinundan ng batang fighter at ang huli sa kanilang tatlo ay ang maputing maskulado. Malapit na sumusunod sa kanila ang captain ng Tiger Fang Squad na si 'Pan Ya'.

"HOWL~~"

"Protektahan niyo ang young master at sumugod kayo palabas!" noong bumagsak ang matandang beterano na si Liu sa lupa, tumama ang kanyang dalawang paa sa dalawang lion mastiff na para bang dalawang war axes. Sumigaw sa sobrang sakit ang dalawang lion mastiff habang lumilipad ang kanilang mga katawan na tumama sa pito o walo pang lion at tiger mastiff na malapit sa kanila na nagresulta sa isang kaguluhan sa loob ng isang sandali.

Walang pagdadalawang-isip namang sumugod ang maputing maskulado sa kanyang harapan habang hawak-hawak ang isang napakalaking two handed sword sa kanyang mga kamay! Sinuportahan naman ang maputing maskulado na ito ng captain ng Tiger Fang Squad na si 'Pan Ya' na nasa tabi niya.

Ang isa sa kanila ay mayroong hindi mapapantayang lakas habang ang isa naman ay talagang nakakatakot dahil sa mga unpredictable nitong mga galaw. Ang pinagsamang dalawa na ito ay parang isang bulldozer na sumalubong sa mga halimaw sa kanilang harapan.

"HOWL~~"

Isang mahina at malakidlat na tunog ang dumagundong na hindi kalayuan sa kanila. Isang sandali pa ay mayroong isang halimaw na may sukat na apat hanggang limang metro ang nagpakita. Mas malaki pa ang katawan nito kaysa sa isang regular na truck. Ang buong katawan nito ay kulay silver kung saan makikita ang pagreflect ng sinag mula sa araw dahil sa mga kaliskis na kasama ng mga balahibo nito sa katawan. Mayroon din itong isang maliit na bukol sa napakalaki nitong noo na para bang bibiyak sa mga balahibo nito.

Isa ito sa dalawang high level commander na halimaw sa buong monster horde!

Isang high level commander lion mastiff!

"BOOM!" sa isang talon pa lang nito ay lumipad na ito ng may distansiyang 20 meters na para bang isang silver na ilaw papunta sa kinaroroonan ng Thunderbolt Squad.

"Protektahan mo ang young master Pan Ya at bilisan mong tumakbo kasama niya!" sigaw ng matandang beterano. Sumigaw siya habang hawak-hawak ang kanyang blade ng "KA LONG!"

"UNDERSTOOD!" sigaw din ng maputing maskulado sa tabi nito.

Nilabanan ng matandang beterano na si Liu at ng maputing maskulado ang commander lion mastiff ng sabay. Kailangan nilang gawin ito kundi ay malalagay sa panganib ang buhay ng kanilang young master. "HOWL~~" umungol ang commander lion mastiff at nagsimulang magblur ang katawan nito sa sobrang bilis ng pagsugod nito gamit ang kanyang claws sa dalawang tao sa kanyang harapan.

"QIANG!"

"KUANG!"

"BOOM!" Lumikha ng isang malaking kaguluhan ang laban sa pagitan ng dalawang advanced level warlords at isang high level commander na mastiff lion. Tinamaan at nagtalsikan ang mga nakapaligid sa kanila at ng lion mastiff sa lakas ng mga ito. Maging ang mga nakapaligid na dingding at sahig ay nasira sa tindi ng labanang ito. Dahil sa dami ng mga lion mastiff na nakasuporta sa kanilang commander lion mastiff ay pumantay ang kanilang lakas sa pinagsamang lakas ng matandang beterano at ng maputing maskulado.

PENG! PENG! PENG!

Sa mga oras na ito ay nakatalon na rin ang gunner na si Dong Zi, ang kalbong maskulado at ang lalaking bulag sa isang mata.

Pero ang tatlong ito na huling tumalon ay nagpapanic. Nagawang tapatan ng grupo ng matandang beterano, maputing maskulado, ng batang fighter at ni Pan Ya ang monster horde habang malinaw sa grupo ng lalaking bulag sa isang mata na nahihirapan silang tapatan ang monster horde na binagsakan nila.

"Bilisan niyo, tara na!" sabi ng lalaking bulag sa isang mata.

"Bilisan mo!"

"DADADADA~~" dinala ni Dong Zi ang napakabigat niyang machine gun habang pinauulanan niya ng bala ang mga halimaw sa kanilang paligid.

Sa mga oras na ito---

"HOWL~~"

Matapos ang isang kakilakilabot na alulong ay may isa pang halimaw na mayroong napakalaking katawan na kulay silver na tumalon mula sa six story apartment. Noong makita ito ng lion mastiff commander na kalaban ng matandang beterano ay sabik na sabik itong umangil na para bang nakikipagusap sa napakalaking anino na bumagsak mula sa taas.

Isa pang lion mastiff leader! Isa ring high level commander!

Nagbago ng tuluyan ang mga mukha ng matandang beterano at maputing maskulado noong makita nila na nakalayo na ang captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya kasama ang kanilang young master…. Noong itinutuon nila ang atensyon ng mga halimaw sa kanila ay mabilis na nakatakas si Pan Ya kasama ang batang fighter.

"Bilisan mo, tara na!"

"Tara!"

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang matandang beterano at ang maputing maskulado. Kahit na wala ang monster horde na nakapaligid sa kanila ay hindi pa rin nila kakayaning makipaglaban sa dalawang high level commander na halimaw… maliban pa sa libo-libong halimaw na nakapaligid sa kanila!

"HOWL~" "HOWL~"

Umangil ang dalawang high level commander lion mastiff na ito habang papasugod sa matandang beterano at sa kalbong maskulado; hahayaan na lang ba nila na makatakas ang dalawang ito?

...

Tahimik naman silang pinanonood ni Luo Feng sa 2nd floor ng residential building na pinanggalingan nila. Tumakbo papalayo ang maputing maskulado at ang matandang beterano habang naiwan namang nakikipaglaban ang hirap na hirap na lalaking bulag sa isang mata, ang kalbong maskulado at ang gunner nilang si Dong Zi. Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Luo Feng sa mga oras na ito.

"Oras na!"

Agad na lumipad palabas ng bintana ang dalawang itim na throwing knives papunta sa kinaroroonan ng lalaking bulag sa isang mata at ng kalbong maskulado sa paligid ng isang horde ng mga lion mastiff na halimaw.

Mas maganda kung ganito!

Kung makikipaglaban siya ng harapan ay mahihirapan siyang mapatay ang lalaking bulag sa isang mata dahil isa na itong intermediate warlord fighter pero dahil sa kanyang ambush…

"PU!" "PU!"

Nasaksak at sumabog na para bang mga bumagsak na pakwan ang utak ng lalaking bulag sa isang mata at ng maputing maskulado. Hindi nagtagal ay tumagos naman ito sa ulo ng gunner nilang si Dong Zi na kasalukuyang nagpapaulan ng bala sa mga halimaw sa kanyang paligid gamit ang kanyang machine gun! Punong-puno ng takot, tanong at pagkadismaya ang tatlong ito noong namatay sila habang nakikipaglaban para makatakas sa nakapaligid sa kanilang monster horde.

Hindi naman nila alam kung ano ang pumatay sa kanila.

"RUMBLE~~" agad na sinugod ng napakaraming halimaw ang bangkay ng tatlong human fighters. Matapos nito ay sabik na sabik na kinain ng mga lion at tiger mastiff ang laman ng mga namatay na fighters.

Tahimik na pinanood ni Luo Feng sa loob ng pinagtataguan niyang banyo sa second floor ang pagsugod ng dalawang lion mastiff commander sa matandang beterano na si Liu at sa maputing maskulado na kasama nito.

"Patay na ang lima sa anim na miyembro ng Tiger Fang Squad!"

"Magaling, sumang-ayon lahat sa plano ko. Hinding hindi nila malalaman na ako ang tao sa likod ng lahat ng ito," natuwa si Luo Feng sa mga nagawa niya ngayong araw dahil ayaw niya ring masaktan ang batang fighter. At hangga't hindi ka ignorante ay malalaman mo ang rason niya kung bakit ayaw niya itong mangyari… ang mga tao sa likod ng batang fighter na iyon ay napakatindi!

Kaya---

Hindi inaatake ni Luo Feng ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad kapag kasama nila ang kanilang young master!

Pero dahil sa pag-atake ng isang horde ng halimaw ay nahati ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa tatlo. Tumatakbo sa harapan nila ang batang fighter kasama ang captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya, kasunod nila ang matandang beterano at ang maputing maskulado na hinahabol ng dalawang high level commander na halimaw habang nasa huli nila ang naubos na grupo ng lalaking bulag sa isang mata, kalbong maskulado at ng gunner nilang si Dong Zi!

Dahil medyo nakalayo na ang grupo ng batang fighter at ang grupo ng matandang beterano na si Liu ay hindi na nila nakita kung ano ang nangyari sa tatlo na nasa likuran nila kaya ito ang napiling oras ni Luo Feng para umatake!

"Pero mukhang mayroon nang malaking problema ang young master nila sa mga oras na ito," isip ni Luo Feng sa kanyang sarili.

Nang biglang---

Isang blurty na anino ng isang tao ang nakita ni Luo Feng sa labas ng building. May dala-dala ito na isang klase ng staff-type na sandata. Kaya nitong tumalon ng ilang daang metro sa loob lang ng isang kisapmata at sa loob lang ng isang saglit ay direktang sumugod ito sa monster horde na humahabol sa papatakas na Thunderbolt Squad.

"RUMBLE~~"

Isang kagulat-gulat na tunog mula sa pagsabog ang maririnig. Matapos noon ay makikita ang pagkakadurog-durog ng mga halimaw sa paligid ni Pan Ya at ng batang fighter. Ang malapaputok na tunog na iyon ay nagmula sa pagkabasag ng sound barrier na nililiparan ng fighter na iyon.

Agad na gumalaw muli ang aninong iyon!

Direkta itong pumunta papunta sa dalawang lion mastiff leaders. Nang makita ito ng dalawang commander na lion mastiffs ay agad silang gumawa ng isang kahanga-hangang alulong at ang mas nakagugulat pa rito ay nagsimula silang magsitakbuhan papalayo sa kanya!

"BOOM!"

Tumama ang staff-type na sandata sa katawan ng isa sa lion mastiff commander na para bang isang kidlat. Tumalsik ito ng layong 20 meters habang makikita ang pagbuka ng isang malaking sugat sa katawan nito. Makikita rin ang pagtalsik ng dugo nito habang tumatalsik sa layong twenty meters--

"BOOM!"

Agad namang hinabol ng anino ang isa pang lion mastiff leader at binigyan ito ng isang malakas na hampas mula sa hawak-hawak niyang staff-type na sandata!

Tumalsik ang isa pang lion mastiff leader na para bang isang itinirang bowling ball at pagkatapos ay tumama ito sa mga lion at tiger mastiff na halimaw sa likod nito. Takot na takot na nakita ito ng mga lion at tiger mastiff na malapit dito habang ang iba naman ay nagtalsikan nang tamaan ito ng tumalsik nilang commander.

Matapos nito ay gumulong gulong siya sa lupa ng ilang beses at hindi na gumalaw muli. Naglabasan ang napakaraming dugo ng high level commander lion mastiff na ito sa kanyang tainga at ilong.

"BOOM!" At sa mga oras na ito ay bumagsak na ang isa pang lion mastiff commander na tumalsik ng 20 meters sa ere at hindi na ito gumalaw pang muli.

Sa loob ng isang saglit!

Ay agad na namatay ang dalawang high level na halimaw na ito!

"AO WU~" gulat na gulat ang lahat ng lion mastiffs, tiger mastiffs at ang ibang mga low commander level na halimaw sa paligid nito. Nag-iyakan ang mga ito nang sinimulan nilang tumakbo para sa kanilang buhay.

Sa mga oras na ito lang nakita ni Luo Feng ng malinaw ang aninong pumatay sa dalawang high level commander na halimaw sa loob lang ng isang saglit.

Nakita ni Luo Feng ang itsura ng fighter na ito: Isang napakalaking maskulado na may tangkad na 2.3 hanggang 2.4 meters at may mukha na parang isang sculpture. Nakasuot siya ng isang gray battle uniform at may hawak na isang napakalaking...mace! Manginginig talaga sa takot ang kahit na sinong makakita sa spikes ng mace na ito!

"Nakakatakot talaga."

Nanigas si Luo Feng habang tinitingnan ang dalawang walang buhay na lion mastiff commanders. Sa sobrang gulat niya ay hindi niya nagawang huminga ng malakas, "Isa siyang wargod level fighter! Sigurado ako rito! Kailangan kong mag-ingat kundi ay mapapasok ako sa isang malaking gulo."

Maging ang dalawang throwing knives na pinakawalan niya ay inilibing niya sa lupa gamit ang kanyang spiritual force. Hindi ito magawang kunin ni Luo Feng sa sobrang takot nito.

"Uncle Li!" tumatakbong sigaw ng batang fighter habang paulithulit na nagpapasalamat sa kanyang kadarating lang na uncle.

"Mr. Lee."

Buong galang na yumuko ang matandang beterano na si Liu at ang maputing maskulado sa harap ng Mr. Lee na ito.

Tumawa ang napakalaking maskulado habang tinitingnan ang batang fighter, "Noong matanggap ng ama mo ang SOS signal at mahanap ang lokasyon mo Li Wei ay agad niyang kinontak ang dalawang wargod na malapit sa iyo: ako at si Kuya Wang. Una niya akong kinontact agad at mabuti na lang ay hindi ako gaanong kalayuan sa inyo…. kaya nakarating agad ako sa oras."

"Nandito rin si Uncle Wang?" kumislap ang mga mata ng batang fighter.

Sa mga oras na ito….

Ay dumating ang isang nagbublur na anino sa kanilang kinatatayuan na para bang isang dumaan na isang malakas na hangin. Matapos nitong tumigil at tumayo ay makikita ang isang napakaguwapong tao na may edad na nasa 20 hanggang 30 years old at nakasuot ng isang blue battle uniform.

"Uncle Wang!" sumigaw ang batang fighter.

"Tingnan mo ang sarili mong punong puno ng kahihiyan," tawa ng lalaking nakasuot ng blue battle uniform.

Hindi nagawa ng maputing maskulado at ng matandang beterano na gumawa ng kahit anong ingay sa isang tabi habang naghahanap naman sa paligid ang captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya para hanapin ang mga naiwan niyang kasamahan. Nang makita niya ang iilang battle uniform at buto na galing sa isang tao kasama ng isang machine gun na nasa lupa ay hindi na nito mapigilan ang kanyang sarili at agad na namula ang kanyang mga mata.

avataravatar
Next chapter