29 Ang Lungsod ng mga Halimaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napakasigla sa loob ng military sector sa mga oras na iyon. Kasabay iyan ng isang magarbong tanghalian na inihanda para sa lahat ng mga prospective fighters na dumalo para kumuha ng prospective fighter exam.

Noong hapon.

Ang 1,680 na mga fighters ay tumayo sa isang open na plaza. Makikita namang nakaupo sa isang reception desk ang mga matataas na opisyal ng Northern military sector ng Jiang-Nan city at mga opisyal galling sa Thunder Dojo at sa Dojo of Limits.

"Lumapit ang mga Prospective Fighters na tatawagin ko. Pagdating niyo rito ay kunin niyo na ang inyong mga uniform at sandata"

"Yan Zhuo"

"He Feng"

"Wang Bing Jiang"

…..

May sampung mga officers na nasa desk ang nagtatawag ng mga pangalan. Nagsimula nang magpuntahan ang mga prospective fighters na tinawag para kunin ang kanilang mga uniporme at sandata.

"Luo Feng"

Nang marinig ni Luo Feng ang ringing sound na iyon sa pagtawag sa kaniyang pangalan ay agad siyang tumakbo papunta doon.

"Ito ang iyong battle uniform, battle boots, 2nd series ghost blade na kinakailangan mo. Ang pinakamabigat na mayroon kami ay 98kg lang dahil hanggang 98 kg lang ang bigat ng sandatang inihanda naming" ibinigay ng officer ang isang set ng mga gamit kay Luo Feng "Ito ay isang communication watch na kayang makapagsend ng mail at mayroon ding GPS. Ito ang iyong hexagonal shield"

Habang sinasabi iyon ng officer ay naghihinala itong tumingin sa mga mata ni Luo Feng…. Ngayon lang ako nakakita ng isang prospective fighter na humihingi ng napakabigat na ghost blade.

Ngumiti ng bahagya si Luo Feng at tumakbo palayo habang hawak ang mga gamit na may bigat na kulang kulang 200kg.

…..

Nakuha ng bawat isa sa 1,680 fighters ang mga sandatang hiniling nila at sa tingin nila ay angkop para sa kanila. Ang bawat isa sa kanila ay gagamit ng mga cold weapons! Isa itong requirement sa fighter combat exam; ipinagbabawal ang paggamit ng mga heated weapon. Matapos nilang makuha ang kanilang mga gamit ay bumalik na sila sa kanikanilang mga resting area para isuot ang kanilang mga battle gear.

�������

Malakas na tawanan ang maririnig sa buong plaza.

Sa mga oras na ito ay nakabihis si Luo Feng ng kaniyang metal alloy battle boots, military standard na pangibaba at isang battle vest na may special na Ke-Luo alloy sa loob. Dala rin niya ang kaniyang Hexagonal shield at ghost blade sa kaniyang likuran habang nakikipag usap sa isang fighter sa tabi niya.

"Kung ibebenta ko man ang mga suot kong ito ay maari lang akong kumita ng 7-10 thousand" sabi ng teenager na nakacrew cut habang nakaturo sa kaniyang uniporme "Ang vest at ang pangibabang ito naman ay hindi nabibilang sa mga pinakamagagandang battle equipment. Pinahiram lang ito sa atin para sa gaganaping fighter combat exam. Pero kaya nitong protektahan ka laban sa mga pinakamahihinang H grade na mga halimaw kaya mas pipiliin ko na ito kaysa sa mga walang kwentang bullet proof vest na ibinibenta sa loob ng city. Ang isang regular na bala maging ang mga kuko ng isang H grade na mga halimaw ay hindi makatatagos sa vest na ito."

"Hindi mo rin iyan kayang sirain!"

Sabi ng babaeng may seryosong itsura habang malagim na tumatawa sa isang tabi "Kahit na hindi man masira ng halimaw iyan, isang malakas lang na impact mula rito ang kinakailangan para magkadurog durog ang mga buto at mga internal organs mo sa loob ng iyong katawan"

"Hindi mahina at marupok ang lalaking ito!" singhal ng teenager na nakacrew cut habang nakatingin sa babae "Paano kaya kung subukin mo na lang ang lakas ko doon sa lugar na iyon nang makita mo munting binibini?"

"Tama na iyan" awat ng nakasimangot na si Luo Feng.

"Opo kapatid na Luo. Dapat tayong makinig kay kapatid na Luo" tumatawang sagot ng teenager na naka crew cut.

Ang balitang iniscout si Luo Feng ng mga miyembro ng dojo of limits ay mabilis na kumalat sa prospective fighter community. At sa 1,680 na mga prospective fighters, tatatlo lamang ang nirecruit ng dojo of limits maging ng thunder dojo! Alam ng mga prospective fighters na espesyal ang tatlong taong ito.

"Luo Feng, Luo Feng" sigaw mula sa malayo ang maririnig. Hanggang sa makita niyang papalapit ang punongguro ng limit hall na si Wu Tong.

"Uncle Wu"

Tumakbo si Luo Feng papunta sa kaniya matapos niyang magpaalam sandali kay Yang Wu at sa mga iba pa niyang mga katabi. Sa nakaraang buwan ay nagsimula na si Luo Feng na tumira sa Ming-Yue sector, kaya natural na magiging malapit ito sa punongguro na si 'Wu Tong' na nakatira rin sa sector na iyon. Tinatawag niya ito bilang 'Uncle Wu'.

"Luo Feng lumapit ka sa akin" matapos itong sabihin ni Wu Tong ay nanguna na ito sa paglalakad.

Punong puno ng pagaalinlangan si Luo Feng pero hindi na nito magawang magsalita. Mabilis silang nakarating sa 2nd floor ng isang tahimik na apartment. Sa loob ng living room makikita ang maraming taong magkakasamang nakaupo. Tumingin si Luo Feng sa paligid niya…. Sa lahat ng mga taong ito, isa lang ang nakilala niya; ito ay ang isa sa Big Four ng Dojo of Limits sa Jiang-Nan city headquarters na si Zhu Ge Tao!.

"Chief" malakas na pagbati ni Luo Feng.

"Hm, Luo Feng, umupo ka riyan sa tabi ni Wu Tong" natatawang sabi ni Zhi Ge Tong na nakasuot ng isang battle uniform na kulay dark na may nakakabit na mga kumikinang na mga silver pieces.

"Ito ba ang Luo Feng na sinasabi mo Zhu Ge? Tingnan natin, kung ikukumpara sa ating Thunder Dojo, hindi naman ganoon kagaling hindi ba?" sabi ng isang matipunong lalaki na nakasuot ng isang battle uniform na kulay dark violet habang nakaupo sa tapat ni Zhu Ge Tao. Maririnig ang boses nyang nageecho sa kaniyang dibdib habang siya ay nagsasalita "Nagrecruit na ang ating Thunder dojo ng dalawang tao kumakailan lang, isa ay mayroong pangangatawang napakalayo sa Luo Feng mo at ang isa naman ay isang tunay na henyo pagdating sa mga baril."

Tumingin ang matipunong lalaki sa dalawang batang lalaki sa kaniyang tabi, agad naman silang tumayo nang makita ito.

"Ang pangalan ko ay Wan Dong" sabi ng isang teenager na may purple na birthmark sa mukha na mukhang mahinhin.

"Ang pangalan ko naman ay Ma Xiao" nakangiting sabi ng isang teenager na may mukhang napakaganda! Oo, maaari nating sabihin ang salitang 'maganda' dahil kung ipapanganak man itong babae ay nakasisiguro akong magsisimula ito ng kalamidad sa sobrang kagandahan.

Ngumiti naman si Luo Feng at tumango "Luo Feng, kilala niyo na siguro ako"

"Luo Feng" sabi ng mahinhing teenager "kaya mo bang makipagpaligsahan sa amin? Tingnan natin kung sino ang makakakuha ng first place sa gaganaping fighter combat exam mamayang gabi!" kumislap ang mga mata ng mahinhing teenager na para bang gutom na gutom nitong nakita ang paborito niyang pagkain.

"Hindi ako interesado" umiiling na pagtanggi ni Luo Feng.

Nanginig ang mahinhing teenager pero matapos nito ay nanlalamig siyang tumawa at hindi nagsalita pa.

Tumawa naman sa isang tabi si Zhu Ge Tao at ang matipunong lalaking kasama niya "mukhang nagiging interesado na ako sa bata mo Zhu Ge.Napakakalmado nito at hindi basta basta nagiinit ang ulo niya! Gusto ko ang mga batang katulay niya. May plano ka ba kung sakali na sumali sa aking Thunder dojo Luo Feng?"

"Oo, oo, oo" titig ni Zhu Ge Tao.

"Nagbibiro lang ako. Hindi naman ako ganoong naging interesado sa iyo" tumatawang sagot ng matipunong lalaki.

Tingin ni Zhu Ge Tao: "Kailangan na rin nating umalis. Magsisimula na maya maya ang fighter combat exam!"

------

Si Luo Feng kasama ang 1,680 na malalakas na mga prospective fighters ay naglakad ng kalahating oras sa ilalim ng isang sundalo. Bumaba na ang araw at sumapit na ang dilim nang marating nila ang bungad na bahagi ng isang bayan.

[Roar~~~]

Iba't ibang uri ng mga alulong na kakilakilabot ang maririnog sa loob ng bayan. Ang bayang ito ay napapalibutan ng mga barbed wire at mga nagpapatrolyang sundalo na armado ng matataas na kalibre ng mga baril.

"Bilisan niyo hindi ma ganoon karami ang mga halimaw sa loob. Maglagay pa kayo ng 1,200 na mga iron fur boars, 300 na mga Zhi shadow cats at 500 pang mga mastiff tigers." Ilang sandali matapos marinig ang utos ay nakita nila ang ilang malalaking truck na paparating. Maririnig ang nagngangalit na alulong sa loob ng mga truck na ito.

Lumapit sila Luo Feng kasama ang malaking bilang ng mga fighters para tingnang maigi ang mga laman ng truck na iyon…..

"Sa loob ng bawat truck makikita ang mga hawla at ang bawat hawla na ito ay naglalaman ng mga halimaw. Nagdala ng takot sa sa puso ng iilang mga wala pang karanasang mga prospective fighters ang nagngangalit na pagalulong nga mga ito.

"Luo Feng"

Tumawa ang punongguro na si 'Wu Tong' sa tabi ni Luo Feng, "Kahit na lakas at maabilidad ka, hindi niyan ibig sabihin na kaya mo nang makapatay ng mga halimaw! Kapag nakakita na ng dugo at nahaharap sa napintong kamatayan, hindi na kayang ilabas ng iilan sa inyo kahit ang 10% ng inyong mga tunay na lakas. Kaya ang kailangan mong gawin sa fighter combat exam na ito ay sanayin mo ang iyong isip. Kailangan mong masanay na makipaglaban hanggang sa bingit ng kamatayan at mawalan ng awa sa pagpatay sa mga halimaw na ito!"

"Naiintindihan ko po" tumatangong sagot ni Luo Feng.

"Hm… ang lahat ng ito ay ang pinakamahihinang H level monsters. Katapat ito ng isang 'Beginner warrior' level fighter" sabi ni Wu Tong "Ang kahinaan ng mga ito ay ang kanilang mahinang pagiisip. Pero ang kalakasan ng mga ito ay ang pagiging sobrang agresibo at walang awa. Kaya mayroon palagi sa bawat figher combat exam na mga fighter na walang awang napapatay ng mga halimaw na ito"

Tumango si Luo Feng, walang kahit na anong dahilan para maging ligtas ang pakikipaglaban ko sa mga halimaw na ito hanggang sa kamatayan.

...

Matapos ang paglalagay ng mga karagdagang mga mahihinang H level monsters sa bayang ito, makikitang dumami ang mga ito sa katakot takot na bilang.

"Makinig kayong lahat"

Sabi ng isang boses na pumasok sa mga tainga ng bawat isang prospective fighter. Si Luo Feng kasama ang bawat isang prospective fighter ay tumingala mula sa pinanggalingan ng boses at doon ay nakita nila ang isang military officer na nakatayo sa isang abandonado at sira sirang three story apartment sa gitna ng bayan. "Ang magiging patakaran sa gaganaping fighter combat exam na ito ay kapareho lamang sa mga naging patakaran noong mga nagdaaang mga fighter combat exam! Magsisimula tayo mamayang 6:30PM at ng 6:00AM kinabukasan!"

"Mas maraming puntos ang makukuha mo kung makakapatay ka ng mas maraming mga halimaw. At kinakailangan niyong hiwain at itago ang kaliwang tainga ng bawat isang halimaw na mapapatay niyo bilang patunay na nakapatay kayo ng isang halimaw"

"Tandaan niyo na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalaban ng mga fighters sa isa't isa. Pinapanood namin ang mga kilos ng bawat isa sa inyo. Kung sino man ang mahuhuling lumabag sa mga rules ay agad na babarilin hanggang sa mamatay!"

"Sa kabuohan ng 1680 na mga prospective fighters, ang top 60% ang makakapasa at makakakuha ng titulo bilang isang fighter! Habang ang natitirang 40% naman ay kinukunsiderang bagsak o namatay sa gitna ng fighter combat exam. Ang mga bumagsak at nabuhay ay kinakailangan muling bumalik at kumuha ng fighter combat exam sa susunod na ganapin muli ito" at biglang nanlamig ang boses ng officer at sinabing "sa madaling salita, 1,008 lamang sa 1,680 sa mga inyo ang makakapasa at ang natira namang 672 ay makukunsidera bilang disqualified!"

Wala nang ibang magawa kundi magsimulang magusap usap ng mga nakikinig na mga prospective fighters sa ibaba, hindi sila makapaniwala na 40% sa kanila ang madidisqualified!

"Ito ay isang paala, makakapasa ang isang fighter kung makakapatay ito ng tatlong halimaw pataas. Tadhana na ang bahala sa inyo kung dalawang halimaw lang ang mapapatay ninyo" tumatak sa utak ng bawat fighter na nakikinig ang sinabing iyon ng officer "Kung magkakaroon ng pagkakapareho sa score, titingnan naming base sa tagal ng pagpatay ninyo sa halimaw at kung gaano kayo nasaktan para mapakita ang inyong mga rankings. Kaya kung tapos na ninyong patayin ang kinakailangang bilang ng mga halimaw ay magmadali na kayong tumakbo palabas ng bayan"

"Tatandaan niyo rin na pindutin ang emergency help button sa inyong communication watch kung malubha kayong nasugatan. Mayroong taong pupunta para iligtas kayo… pero, ito rin ay nangangahulugan ng inyong disqualification sa inyong fighter combat exam" at tumalon ang officer paalis sa kaniyang kinatatayuan.

[WHOOSH!]

Mayroong taas na 10 metro ang apartment na iyon mula sa tuktok hanggang sa lupa. At matapos ang dalawa pang magkasunod na pagtalon ay nasa labas na siya ng bayan.

"Pumasok na ang lahat ng mga prospective fighters sa lungsod ng mga halimaw" utos ng officer habang iwinawagayway ang kaniyang kamay.

Umapaw ang 1,680 na mga prospective fighters sa loob ng lungsod na para bang isang galit nagalit na galit na alon.

"Isarado na ninyo ang mga pinto!" utos ng officer.

[RUMBLE~~~] at sumara na ang nagiisang gate palabas ng bayan.

Ang Fighter Combat Exam ay opisyal nang nagsimula!

avataravatar
Next chapter