32 Ang Imbitasyon Mula sa Thunder Dojo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isa isang naglabasan ang mga prospective fighters sa main gate ng lungsod ng mga halimaw. Makikita ang bakas ng dugo sa bawat prospective fighter na naroroon, galing man ito sa mga halimaw o sarili nilang mga dugo. Mayroon ding mga prospective fighters na kinarga ng kanilang mga kaibigan palabas ng lungsod.

[BEEP~BEEP~]

Isang nakakabinging tunog ang maririnig at isang napakalaking truck ang lumabas mula sa lungsod. Ang truck na ito ay punong puno ng mga bangkay ng halimaw.

"Oi! Iyon ang mga bangkay ng mga prospective fighters na namatay sa loob tingnan natin sila" isa sa mga malalaking truck ang tumigil sa isang tabi at may laman nga itong napakaraming bangkay ng tao. Ang iba sa kanila ay nawawalan ng malalaking bahagi ng kanilang mga katawan, makikita naman sa iba na walang awang kinagat ito ng mga halimaw. Ibinagsak ng truck ang mga bangkay sa isang tabi.

"Ah!"

"Gan!"

"Yin!"

Sa loob ng ilang sandali ay makikita nang nagiiyakan ang ilan sa mga prospective fighters sa isang tabi. Ang iba pa nga ay lumapit sa mga bangkay at saka umiyak ng malakas.

"Anong iniiyak iyak niyo diyan?" nanlalamig na sinabi ng isang mapangibabaw na boses mula sa isang military officer na nagresulta sa pagtingin sa kaniya ng masama ng ilang mga prospective fighters sa kaniyang paligid. Pero tiningnan nito nang parang walang pakialam ang mga bangkay at sinabing "Sino ba ang hindi mamamatay sa pakikipaglaban sa mga halimaw!? Huh?! Pinili niyong maging isang fighter kaya maghanda kayong mamatay! Binigyan tayo ng espesyal na mga pribilehiyo ng lipunan, bakit? Hindi para enjoyin niyo kundi para pumatay kayo ng napakaraming mga halimaw na napapakinabangan ng sangkatauhan! Iyan ang silbi ng mga pribilehiyo ninyo!"

"Ang posisyon ninyo at ang awtoridad ninyo…. Kinakailangan niyong ilagay ang buhay niyo sa panganib para matanggap ang lahat ng ito!

"Binigyan lang kayo ng mahihinang mga halimaw sa pagsusulit na ito, ito ang mga klase ng halimaw na hindi gumagawa ng mga grupo. At kung hindi niyo man lang kayang ipasa ito, paano mo maeexpect sa sarili mo na makakasurvive ka sa kagubatan?" natahimik ang lahat ng mga prospective fighter sa sinabing iyon ng officer dahil wala rin silang gaanong alam tungkol sa mga halimaw.

Ang pinakamahirap labanan na mga halimaw ay ang tinatawag nilang mga 'pack types', na parang mga 'mastiff lion' na mga aso. Sila ay gumagalaw kasabay ng kanilang pack. At ang bawat pack ay may bilang na sampung mga halimaw kaya kahit ang isang intermediate level fighter ay takot lumapit sa mga ito.

"Dalawang tainga ng mga halimaw at sugatan na kaliwang braso"

"Lu Fang? Ok, tatlong tainga ng mga halimaw, pasok ka na, next!"

Ibinigay ng bawat isang prospective fighter ang mga taingang nakolekta nila sa loob sa mga officers na nakaposte sa gate ng lungsod para marecord ang kanilang mga puntos.

"Tingnan niyo, lumabas na si Luo Feng"

"Iyan si Luo Feng, ang henyong iniscout ng dojo of limits"

"Ilang halimaw kaya ang napatay niya sa loob?"

"Hindi porke mayroon kang magandang katawan ay magiging magaling ka na rin sa pagpatay ng mga halimaw"

Ang karamihan sa mga prospective fighters na nakalabas ay tumingin sa kalalabas pa lang sa gate na si Luo Feng, Wan Dong at Ma Xiao, ang tatlong ito ay ang mga prospective fighters na iniscout ng iba't ibang mga grupo. Nakilala ng lahat si Luo Feng nang makita nila ito.

"Huh?" Noong makalabas na siya ay nakita niyang tinitingnan siya ng malaking bilang ng mga prospective fighters kaya wala na siyang magawa kundi kilabutan sa mga tingin nila.

"Ikaw si Luo Feng hindi ba? Ibigay mo sa akin ang lahat ng nakolekta mong mga tainga ng mga halimaw sa loob" mayroong tatlong mga military officers ang nakaupo sa harapan ni Luo Feng. Ang dalawa ay gumagamit ng laptop habang ang isa ay nakatingin sa kaniya.

"Opo"

Tumango si Luo Feng at ibinaba niya ang bag na dala dala niya. Ilang sandali pa ay nagkumpulan na ang mga prospective fighers di kalayuan upang tingnan kung ilan ang mga taingang laman ng bag ni Luo Feng. Lahat sila ay sabik nang malaman kung ilang halimaw ang napatay ni Luo Feng mula kagabi.

"[HUA!] Agad na binaliktad ni Luo Feng ang kanyang dala dalang bag at isinalin ang napakaraming tainga sa isang bakal na lalagyan. Nangalahati ang lagayan sa dami ng mga taingang nakolekta ni Luo Feng.

"Napakarami"

"Napakarami niyang napatay na mga halimaw!" Ang lahat ng mga prospective fighters na nanonood hindi kalayuan ay nagulat sa kanilang nakita.

Sa mga panahong ding iyon ay sinimulan nang bilangin ng military officer an mga tainga. Nang matapos siya ay ngumiti siya kay Luo Feng at sinabing "Magaling Luo Feng 36 na mga halimaw ang napatay mo sa kabuohan. Ikaw ang may pinakamaraming napatay na mga halimaw sa ngayon at hindi ka rin nasugatan sa pakikipaglaban. Mahusay bata."

"Next" Tumingin na ang military officer sa taong kasunod niya habang nakangiti si Luo Feng na umalis sa main gate.

"Magiging isang tunay na fighter na rin ako sa wakas matapos kong makapasa ang fighter combat exam na ito!" napakasayang sinabi ni Luo Feng sa kaniyang sarili.

Matapos noon ay sumali si Luo Feng sa kumpulan ng mga prospective fighters na nakatingin sa mga bagong labas na mga prospective fighters na nagbibigay ng kanilang mga nakolektang mga tainga sa main gate ng lungsod. Ang iba sa kanila ay hindi manlang nasugatan, pero ang karamihan sa kanila ay nasugatan ng bahagya, ang sugat ng mga ito ay kayang gumaling matapos ang 10 hanggang 15 na araw na pahinga. Mayroon ding mangilan ngilang mga malubhang nasugatan na mga prospective fighters ang lumabas sa main gate.

"Yang Wu, hm, magaling bata, tatlong tainga ng mga halimaw ang nakolekta mo at mayroon kang mababaw na sugat sa iyong kaliwang braso. Next"

Ligtas ding natapos ni Yang Wu ang fighter combat exam.

"Kapatid na Yang" sigaw ni Luo Feng mula sa malaking grupo ng mga nagkukumpulang mga fighters.

"Crazy" Malakas na tumawa si Yang Wu habang papalapit kay Luo Feng "Kumusta ka na? Ilang mga halimaw ang napatay mo?"

"36" sabi ni Luo Feng habang naglalakad sila ni Yang Wu papunta sa isang sulok.

"36? Hayop! Wala ka na talaga sa sarili mo Crazy! Napakahirap patayin ang mga halimaw na ito" Tingin ni Yang Wu "Lalo na yung mastiff tiger na iyon na mas mabilis pa kaysa sa akin kaya hindi ako makaporma noong umatake na ang halimaw na iyon! Magkakapareho lang ito ng level sa isang beginner level warrior pero nakita kong mas malakas pa ito kaysa sa isang fighter! Inilagay ko na ang buhay ko sa panganib para lang makapatay ng tatlo"

Tumawa si Luo Feng, hindi mo puwedeng maliitin ang mga H level na mga halimaw. Dahil kahit ang isang intermediate warrior ay magkakaroon ng problema sa pito hanggang saw along mga H level na mga halimaw.

LNakayanan lamang magsanay ng ganoon kapanganib ni Luo Feng dahil sa kaniyang spiritual force.

"Wan Dong!"

"Iyan ang henyong iniscout ng thunder dojo na si Wan Dong. Ilan kaya ang mga halimaw na napatay niya? Sino kaya ang mas malakas sa kanila ni Luo Feng?"

"Oo nga, ang tanging tao lang na kayang makipagsabayan kay Luo Feng ay si Wan Dong"

Isang mainit na usapan ang nagsimula sa pagitan ng mga prospective fighters na nakapagpatingin sa nagtatago sa likod na sina Luo Feng at Yang Wu sa gulat. Mas nagulat si Yang Wu nang makita niya ito at sinabing "Ngayon lang lumabas ng gate si Wan Dong? Hindi ba halos magkapantay lang kayo ng pangangatawan ng Wan Dong na iyan? Ilang halimaw kaya ang napatay niya?"

Sa mga oras na ito ay tiningnan ng lahat ng mga prospective fighters ang bag na dala dal ani Wan Dang at nakinig silang maigi para marinig ang bilang ng mga ito.

"Makikita ang isang bungkos ng mga tainga galing sa mga halimaw galing sa bag na dala dal ani Wan Dong"

"Talagang napakarami ng mga iyon"

Napakalakas na mga ingay ang maririnig at sa ilang sandali pa ay nagsalita na ang military officer na nagbibilang ng mga tainga—"Wan Dong, hm, 51 na mga tainga ng mga halimaw sa kabuohan. Hahaha nalampasan mo si Luo Feng at ikaw ang prospective fighter na may pinakamaraming napatay na mga halimaw sa ngayon"

"51?"

"Higit na mas marami kaysa kay Luo Feng?"

"Walang duda na malakas talaga ang Wan Dong na ito. Ito ay dahil sa out of this world na bilang ng mga napatay na halimaw"

LAng mga prospective fighters na nakaranas ng bagsik ng mga halimaw na ito ay hindi na makapagsalita sa sobrang gulat.

"Mas marami ang napatay niyang halimaw kaysa sa iyo Crazy!" gulat na gulat na sinabi ni Yang Wu.

"Ano bang point ng pagpatay ng sobrang dami mga halimaw sa exam?" Tumawa na para bang walag pakialam si Luo Feng. Ginamit niya ang buong gabi para sanayin ang kaniyang technique. At kung gugustuhin man niyang patayin ang pinakamahihinang H level na mga halimaw gamit ang kaniyang lakas ay pipiliin niya ang mga halimaw na nagiisang naglilibot sa lungsod. Ito ay puwedeng magresulta sa higit isang daang mga patay na halimaw sa isang buong gabi.

"Luo Feng" tawag ng isang boses.

Lumingon si Luo Feng at nakita niya ang isang nakangiting military officer na may malaking bigote "Sumama ka sa akin Luo Feng, gusto kang makilala ng isang kaibigan sa may resting lounge doon"

"Talaga?" Nagsimula nang magduda si Luo Feng…..

Gusto niya akong makilala?

Pero hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at agad na sumunod sa military officer papunta sa isang resting lounge. Bago siya pumasok ay hinubad niya ang kaniyang uniform na may bahid ng dugo at nilabhan ito ng sandali. Pagkatapos ay nagpalit siya ng malinis at bagong damit bago pumasok.

�������

Makikita sa resting lounge ang isang matipunong lalaki na nakapikit. Ilang sandali pa ay dumilat ito at parang isang kidlat ay tumingin sa nakatayong si Luo Feng.

"Siya?" Gulat na gulat na tanong ni Luo Feng.

Kilala niya ang lalaking iyon, siya ang lalaking nakikipagusap sa Chief instructor na si Zhu ge at isa sa Big Four mula sa Thunder Dojo ng Jiang-Nan city.

"Ang pangalan ko ay Wang Heng, isa rin akong chief instructor sa Thunder Dojo" tawa ng lalaki "Maupo ka Luo Feng"

Umupo sa harap ng chief instructor na ito?

Gulat na gulat si Luo Feng sa kaniyang loob.

Naiintindihan niya ang taas ng katungkulan ng lalaking ito. Maikukumpara sa isang Wargod ang awtoridad ng chief instructor ng isang dojo! Mayroon silang hindi mapapantayang kapangyarihan. Maaari mong sabihin na hawak ng matipunong lalaki na ito ang kapalaran ng buong Jiang-Nan city.

"Bakit hindi ka maupo? Natatakot ka ba na baka kagatin kita?" Hahaha…" Nagsimulang tumawa ang matipunong lalaki ng malakas.

Tumawa si Luo Feng at umupo sa harap ng matipunong lalaki at sinabing "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo ngayon Mr. Wang?"

"Simple lang"

Nakangiting sabi ng matipunong lalaki "Nakita ko ang sitwasyon ng pamilya mo. Nanggaling ka sa isang pangkaraniwang pamilya at ang tatay mo ay nagtatrabaho sa isang remodeling company habang ang iyong nanay naman ay nagtatrabaho bilang isang cashier sa supermarket. Hindi gaanong kagandahan ang background mo pero nagawa mo pa ring makatungtong sa kinatatayuan mo ngayon sa edad na 18, ito ay napakadalang kung tutuosin"

Nagpakita si Luo Feng ng isang kumplikadong ngiti, walang duda na napakarami na ng pinagdaanan niya para makarating sa araw na ito.

"Naaapreciate kita at nakikita ko na magiging maganda ang kinabukasan mo"

L"Opisyal kitang iniimbitahan na sumali sa aking Thunder Dojo Luo Feng" sabi ng matipunong lalaki habang nakatingin kay Luo Feng.

"Per, Pero nakapirma na po ako ng kontrata sa dojo of limits Mr. Wang" nakangiting sabi ni Luo Feng habang umiiling ang kaniyang ulo.

Ang hindi nakumbinsing lalaki ay umiling at sinabing "Isang kontrata? Kung isa iyong kontrata ay puwede mong baliin iyon! Mayroon ka lamang halaga na babayaran kapag ginawa mo iyon. Ayon sa rules ng mga fighter, ang bayad dito ay hindi maaaring lumampas sa 100 million. Naniniwala akong mas mahalaga ka pa kaysa sa presyong iyon kaya ang Thunder Dojo na ang bahalang magbayad niyan para sa iyo.

"Kung sasali ka sa amin ay maghahanda ako ng isang special training contract para sa iyo sa aming Main Worldwide Thunder Dojo Headquarters!" Tawa ng matipunong lalaki "Kada taon ay may hindi hihigit sa sampung mga fighters ang makakakuha ng imbitasyong ito. Ang bawat isa sa kanila ay isang henyo katulad mo. Ngayong taon ay may naipadala na kaming tatlong imbitasyon. Isa sa kanila ay isang 20 year old na advanced fighter mula sa European Union. Ang isa naman ay isang henyo mula sa South America na isang spirit reader! At ang pangatlo naman ay ang 16 year old na intermediate fighter mula sa Jiang-Hua city sa China. Ikaw na ang magiging pang apat kung tatanggapin mo ang imbitasyon ko.

Wala nang ibang magawa si Luo Feng kundi magulat sa kaniyan mga narinig.

Ang bawat isa sa tatlo ay talagang malalakas. Malinaw na hindi qualified para sa imbitasyong ito sina 'Wan Dong' at 'Ma Xiao' na iniscout nila noong una pa lang.

Pero ako?

Sa totoo lang ay hindi rin qualified si Luo Feng kung ibabase natin ito sa kaniyang pangangatawan. Pero kung isasama mo ang kaniyang kaalaman sa Ru Wei technique, sapat na ito para maging karapat dapat para sa imbitasyong iyon. At dahil natutunan na ni Luo Feng ang Ru Wei technique sa murang edad niya na 18.

"Hangga't sasali ka sa aming Thunder Dojo ay ibibigay ko sa iyo ang special contract na ito ay ipapadala kita sa Worldwide Headquarters para sa iyong training. Maari ka ring maturuan ng personal ng legendary 'Thunder Lord'" nakangiting sabi ng matipunong lalaki sa kaniya "Buong puso ka naming iniimbitahan na sumali sa aming Thunder Dojo Luo Feng!"

avataravatar
Next chapter