41 Ang Forsaken Land

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

May makikitang military camp na may layo ng ilang daang milya mula sa hilagang bahagi ng Jiang-Nan City.

[KRIIISSHH~~] Dahan dahang huminto ang tren sa istasyon ng military sector.

Isa isang bumaba ang mga fighters mula sa tren na binubuo ng 20 katao. Ang 20 na fighters na lumabas ng tren ay natural nang bumuo ng apat na squads.

"Luo Feng, kapag lumalabas kaming mga fighters ng city para manghuli ng halimaw, pumapasok kami ng mga military sectors para magresupply," itinuro ni Chen Gu sa kanilang unahan ang isang napakataas na tower na gawa sa bakal na may taas na 50 hanggang 60 meters, "Nakikita mo yung tower na iyan? Sa loob ng China o maging sa buong mundo, nagtatayo ang military ng mga special sector sa gitna ng Forsaken Land para maging base ito ng mga fighters na kung saan pwede sila magpahinga at magresupply. Ang mga lugar na ito ay may mga lighthouses bilang palatandaan. Sa madaling salita, pinapakita ng mga lighthouses ang daan pauwi sa mga pangalawang tahanan ng fighters."

Tumango na lang si Luo Feng.

Mayroong isang napakaliit at tahimik na gusali sa loob ng resupplying base sa military sector. Makikitang nakakarelax ang itsura ng kapaligiran nito.

"Fire Hammer Squad, sa E6 kayo magiistay para makapagpahinga," sabi ng isang officer sa base habang binigay nito ang susi ng kuwarto sa captain ng Fire Hammer Squad na si Gao Feng, tumawa naman ito at tinapik ang balikat nito bago sabihing, "Ilang araw ang ilalaan mo ngayon sa paghuhuli ng halimaw, Old Gao? Kung may maganda kang makikita ay huwag ka nang magdalawang isip na ibenta ito sa underground alliance ko. Bibigyan kita ng magandang presyo."

Kahit na ang karamihan sa mga staff ay nakasuot ng military uniforms….

Sa totoo lang, ang mga service staff ay nagmumula sa Dojo of Limits, Thunder Dojo, sa Government Army, at sa Underground Alliance. Kahit na nandidito sila para sundin ang mga kinakailangan ng kanilang mga fighters, naririto rin sila upang bumili ng magagandang mga gamit na nakukuha ng mga fighters mula sa mga napapatay nilang mga halimaw.

"Hahaha, sige sige," tawa ni Gao Feng, "Bilisan mo na para makapaghanda na ng pananghalian yung mga tao."

Hindi ganoong kalaki ang resupplying base ng mga fighter.

"E6… Heto nakita ko na," mabilis na nahanap ng Fire Hammer Squad ang maliit na three story building na pinangalanang 'E6.' Mayroon itong chip na nagsisilbing susi nito papasok sa loob. Agad namang bumukas ang pintuan nito matapos islide ni Gao Feng ang susi sa isang electronic device. Sila ang pansamantalang may-ari ng gusali na ito hangga't hindi pa sila umaalis sa resupplying base para magsimulang manghuli ng mga halimaw.

"Hihiga muna ako para matulog ng sandali, di ako nakatulog ng maayos kagabi," ibinaba ni Chen Gu ang dalawang metal boxes na bitbit niya at humiga sa sofa. Inunat niya ang kanyang katawan para maging komportable ang kanyang paghiga rito.

"Kung gusto niyo matulog, matulog na kayo ngayon. Aalis tayo mamayang gabi. Mamaya, kailangan ko kayong lahat na magfocus," utos ng kanilang captain na si Gao Feng.

"Opo."

Ang 'Spear' na si Zhang Ke at ang Twin Moon Scimitar Brothers ay natawa nang marinig nila ang utos na ito, dahil matagal na nilang alam ang tungkol dito.

"Mamayang gabi tayo aalis?" surpresang tanong ni Luo Feng.

"Di mo ba napapansin yung panahon ngayon Luo Feng? Malapit na mag-October, ito ang pinakamainit na panahon sa buong taon. Tatakbo ka nang may bitbit kang ilang daang kilo sa gitna ng araw? Sa bandang huli, mararamdaman mong kulang yung dala mong tubig kaya wala ka nang magagawa kundi uminom sa mga ilog," tumatawang paliwanag ni Chen Gu habang nakatingin kay Luo Feng, "Hindi ba mas kumportableng tumakbo sa gitna ng gabi? Lalong lalo na kung hindi mo kailangang madalas uminom ng tubig?"

Hiyang hiya na tumawa si Luo Feng nang marinig niya ito.

Kahit na napakarami na niyang mga nabasang post ay hindi niya talagang naintindihan ang puntong ito.

"Hm?" Nakita ni Luo Feng ang isang pamilyar na tao nang tumingin ito sa bintana ng tinutuluyan nilang building sa resupplying base, "Kuya Chen tingnan mo, si Zhang Ze Hu iyan di ba?" Mula sa ulo hanggang sa paa ay nakatakip ng bandage ang katawan ni Zhang Ze Hu, habang may mga marka ng dugo ang mga sandbags. Halatang nasugatan siya sa Forsaken Land at nagrerecover siya dito sa resupplying base.

Lumingon si Chen Gu at nagsimulang tumingin sa bintana: "Oo nga, si Zhang Ze Hu nga iyan."

"Heh!" Naglakad si Chen Gu papunta sa pintuan at tuwang tuwa na sumigaw na, "Anong problema Mountain Tiger? Hindi ba parang napakasigla mo pa noong huli tayong nagkita? Paano kang nasugatan ng ganitong kabilis?"

Agad namang napalingon si Zhang Ze Hu nang marinig niya ang pangalan niya at makita niya si Chen Gu at Luo Feng na nakatayo sa pintuan ng building 'E6.' Agad itong nagngitngit sa galit nang makita niya ang batang si Luo Feng, "Ang Fire Hammer Squad ay isang elite unit, hindi ba Fire Cannon Chen? Bakit kayo nagsama ng isang rookie? Hahaha, pupusta ako na hihilahin lang kayo pababa ng pabigat na iyan!"

Pangkaraniwan na sa mga elite squads ang hindi pagsasama ng mga rookie.

Dahil kahit mayroong napakagandang pangangatawan ang isang rookie, hangga't wala itong experience ay pwede itong pumalpak sa mga mahahalagang oras na pwedeng ikahamak ng buong team.

����

Nagpatuloy sa pag-aasaran sina Zhang Ze Hu at Chen Gu hanggang sa sumigaw ang captain ng Fire Hammer Squad na si Gao Feng. Nang marinig ito ni Zhang Ze Hu ay bigla itong nanahimik. Kahit na may mga oras na kaya niyang makipagtalo kay Chen Gu, hindi niya kailanman tinangkang makipagtalo sa fighter na si Gao Feng! Ito ay dahil gumagamit si Gao Feng ng cold weapons habang si Chen Gu naman ay gumagamit ng mga heated weapons.

Kung gumagamit ka ng mga heated weapons, ang pinakamataas na rank na maabot mo ay ang 'Beginner warlord level' dahil ang pinakamalakas na mga halimaw na kayang mapatay ng mga heated weapons na tulad ng baril ay ang mga 'Low level commander level' na halimaw.

Napakalapit na ni Zhang Ze Hu sa pagiging isang 'warlord rank level fighter.'

"Bwisit! Hindi ako makapaniwala na isinali nila si Luo Feng sa Fire Hammer Squad!" nagmumurang naglakad si Zhang Ze Hu kasama ang kanyang mga kasamahan sa kalsada, "Akala ko ay masasali siya sa isang normal na squad para maturuan ko naman ng leksyon ang ginawa ng hayop na iyan sa akin. Pero nasali ang kutong lupa na iyan sa Fire Hammer Squad!"

Nagkiskisan ang mga ngipin ni Zhang Ze Hu sa sobrang galit niya.

"Tiger, hindi ba ang batang iyon na katabi ni Chen Gu ay ang Luo Feng na nagpagastos sa iyo ng 100 million?" sabi ng isang middle aged na lalaki na di nakakakita sa isang mata na nasa tabi niya.

"Oo, siya nga iyon."

Katakot-takot na kumislap ang mga mata ni Zhang Ze Hu matapos nito, "Hindi ko talaga inaakala na ganoon palang kabastos ang kutong lupang iyan. Matapos ng usapang iyon ay mabilis na nagpunta ang mga tao mula sa security agency sa bahay ng pamangkin ko! Nagsumbong talaga ang batang iyon sa security agency nang hindi man lang natatakot sa akin. Kaya mabilis akong nagbayad ng 100 million para maging isang one star civilian ang pamangkin ko pero matapos ng lahat ng ito, kinakailangan niya pa ring makulong ng ilang buwan!"

Lalong tumindi ang galit ni Zhang Ze Hu nang maisip niya kung gaano ninenerbiyos ang kanyang kuya at kung gaano natakot ng husto ang pamangkin niyang si Zhang Hao Bai noong kunin siya ng mga taga security agency.

At kahit na gumastos na siya ng 100 million para sa pamangkin niya ay hindi pa rin ito makakalaya ng ilang buwan sa kulungan.

"Ayos lang iyan, huwag kang magisip ng masyado. Maganda na rin sa pamangkin mo na makaranas ng kaunting hirap para lalo siyang lumakas," sabi ng lalaking bulag ang isang mata habang mahina itong tumatawa, "Dapat mo na muna sigurong gamitin ang oras na ito para makapagpahinga. Gagaling na iyang sugat mo pagkatapos ng tatlong araw at pagkatapos noon ay aalis ulit tayo para patayin ang matandang iyon. At pagkatapos noon ay pwede na tayong yumaman ng tuluyan."

"Sige," nakatangong sagot ni Zhang Ze Hu, at matapos nito ay sumulyap pa siya muli sa E6 building na hindi kalayuan at suminghal, "Handa akong pumusta nang kahit magkano na mamamatay ang Luo Feng na iyan o hindi kaya ay mababaldado habang buhay sa unang pagpasok niya sa Forsaken Land!"

"Hahaha, napakalaki talaga ng hinanakit mo sa batang iyon ano. Pero talagang hindi nga maiiwasang makapagtamo ng sugat sa unang pagpasok ng kahit na sinong baguhang fighter sa Forsaken Land," tawa ng lalaking bulag sa isang mata.

����

Hatinggabi na noong umalis ang anim na armadong mga miyembro ng Fire Hammer Squad mula sa resupply base para pumasok sa Forsaken Land.

"Ibigay mo sa akin ang isa mong dalang mga metal boxes Chen Gu," utos ng kapitan nilang si Gao Feng.

"Hahaha, salamat po captain. Sandali ko lang mabubuhat ang mga boxes na ito kung pagsasabayin ko silang bitbitin sa likuran ko," sabi ni Chen Gu habang ibinibigay niya ang isa sa napakalaki niyang mga metal boxes sa captain nila na si Gao Feng. Walang kahirap hirap itong kinuha ni Gao Feng gamit ang isa niyang kamay at agad na isinuot ito sa kanyang likuran. Walang wala ang bigat nito sa pinakamalakas na miyembro ng Fire Hammer Squad na si Gao Feng.

[KA!]

Binuksan ni Chen Gu ang isa pang bitbit na box na may laman na isang gray na machine gun. Ang muzzle nito ay may metallic luster. Maliban sa machine gun ay may tone-toneladang mga bala ang nakasiksik sa paligid nito na pumuno sa buong box. Mahahalata ng kahit sino ang napakaraming bilang ng mga balang iyon na kasama ng machine gun.

"Ano pong klase ng baril iyan Kuya Chen?" Nagtatakang tanong ni Luo Feng.

"Isa itong 12.7mm caliber M81 machine gun. Kaya nitong magpaputok ng 50 hanggang 300 rounds ng bala sa isang minuto, adjustable rin yung rate nito," tugon ng natutuwang Chen Gu, "Ito ay gawa sa 3rd Grade Ke-Luo alloy kaya hindi maaapektuhan ang accuracy nito kahit na uminit ng todo ang baril."

Nagtanong muli si Luo Feng dahil sa curiosity na bumabalot sa isipan nito, "Bakit hindi na lang po kayo gumamit ng Fire-God Cannon Kuya Chen? Hindi ba lahat ng machine gun ng Fire-God series ay may malakas na pwersa?"

"Hoy rookie!"

Napatitig si Chen Gu.

Tumawa ang 'Spear' na si Zhang Ke sa isang tabi at sinabing, "Tama ka nga, ang mga machine guns ng Fire-God series ay talagang napakalakas. Pero gumagamit naman ito ng walang katuturang dami ng mga bala. Kaya nitong magpakawala ng 7,000 na round ng bala sa isang minuto habang ang iba ay mas marami pa kaysa riyan. Alam mo ba ang ibig sabihin ng sinasabi ko? 7,000 shots sa loob lang ng isang minuto. At pinakamagaan na balang kayang makapatay ng isang low level commander na halimaw ay may bigat na 50 grams kada isa! Kung nagdala ka ng sampung libong bala, may kabuohang bigat ito na 500kg!"

"Tatakbo ka nang may dalang mga balang may bigat na 500kg. At pagkatapos mong pumatay ng halimaw, makalipas lang ang isa o dalawang minuto ay mauubusan ka na ng balang pwedeng gamitin," tumawa si Zhang Ke at tumingin kay Luo Feng, "Sa tingin mo, mas maganda pa rin ba ang Fire-God Cannon na sinasabi mo?"

Nanginig si Luo Feng sa pagkapahiya nang marinig niya ito.

Hindi niya ito naintindihan noong una pa lang. Oo nga naman, isa sa mga balakid para sa iyo ang bigat ng mga balang dadalhin mo. 7,000 na bala sa isang minuto lang? Isipin mo na lang kung gaanong karaming bala ang kailangan mong dalhin sa paglalakbay niyo?

"Ang pagdadala ng napakaraming mga bala kasama ng isang Fire-God Cannon ay ginagawa lang ng army o hindi kaya kung makikipaglaban ka sa isang napakalakas na uri ng halimaw. At para sa mga fighter na gaya natin, hindi tayo gumagamit ng mga ganoong uri ng baril dahil wala tayong sapat na lakas para dalhin ang dami ng mga balang kinakailangan natin sa paglalakbay na ito," tinawanan ni Chen Gu ang kanyang sarili at sinabing, "Nagdala nga ako ng 10,000 na bala ngayon pero kinailangan ko pang humingi ng tulong sa captain natin para buhatin ang isang metal box."

May dala dalang bala si Chen Gu na nakabalot sa kanyang buong katawan habang hawak hawak niya ang kanyang machine gun. At ngayong kasama ang rookie na si Luo Feng, ang dalawang ito ang nakapuwesto sa gitna ng team na pinoprotektahan ng iba pang mas malalakas na mga miyembro nito.

Ang Twin Moon Scimitar Brothers ay nakapuwesto sa unahang bahagi ng team. Sa harap nina Chen Gu at Luo Feng.

Habang ang kanilang kapitan naman na si Gao Feng at si Zhang Ke ay nakapuwesto naman sa kanilang likuran.

"Susundan natin ang highway na ito. Pagkatapos ng tatlong araw ay makakarating na tayo sa ating destinasyon, ang 0201 country level city," sabi ng captain nila na si Gao Feng, pero wala nang ibang magawa si Luo Feng kundi tumingin sa highway na nasa kanyang harapan. Dahil para sa mga taong kasalukuyang naninirahan sa mga city, ang paggamit ng highway ay mababasa mo lang sa mga alamat o hindi kaya ay maririnig sa mga kwento ng matatanda.

Sirang sira na ang highway na kasalukuyang dinadaanan nila. Kitang kita nila ang dami ng mga crack nito na resulta ng pagabandona rito ng matagal na panahon.

Kung titingnan mo naman ang kahabaan ng highway ay makikita mo ang napakaraming sira sira at hati hating mga kotse, van, truck at iba pang mga uri ng sasakyang nakakalat sa highway. Mayroon ka ring makikitang sira sirang mga gulong at natuyong mga dugo sa highway na iyon.

"Tara na!"

Ang pulang sinag ng araw ang nagpaliwanag sa tahimik at abandonadong highway na ito na nasira na noong ilang dekada na ang nakalilipas. Ang anim na miyembro ng Fire Hammer Squad ay nagpatuloy sa pagabante papunta sa kanilang destinasyon.

[GROWL~~]

[WAIL~~]

Maririnig ang mga dumadagundong na sigaw na nanggagaling sa mga iba't ibang halimaw mula sa dalawang sakahan at dalawang sira sirang mga subdivision sa gilid ng highway. Nakikita ni Luo Feng ang iba sa mga ito kaya hindi nito mapigilang kabahan habang relax na naglalakad ang iba pang mga miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Hm, Luo Feng, may isang horned boar sa harap mo. Ikaw na ang bahala diyan," tawag ng kapitan nilang si Gao Feng, "Ito ang magiging una mong laban sa loob ng Forsaken Land!"

avataravatar
Next chapter