28 Ang Fighter Combat Exam

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malalim na gabi noong July 31, sa loob ng #199 villa. Makikita sa second floor nito ang apat na malalaking mga kuwarto: Isang kama, isang media room, isang guest room at isang napakalaking training hall. Ang training hall na ito ay may lawak na hindi bababa sa 120 ping. Ito rin ang sumakop sa kalahati ng buong second floor ng villa.

Malalim na ang gabi, makikitang nagrerefract ang ilaw mula sa streetlight papunta sa training hall.

Makikita si Luo Feng na nakaluhod sa sahig habang suot suot ang maluwag na dojo uniform. Dalawang liwanag na nanggagaling sa mga ilaw ang nakapalibot sa katawan ni Luo Feng na para bang masasayang mga ibong mabilis na umiikot sa kaniyang katawan.

Matapos ang ilang sandali ay mabilis na bumagal ang dalawang ilaw sa kaniyang paligid at lumutang sa tabi ni Luo Feng. Ang dalawang ito pala ay mga throwing knives.

"Hindi mahirap para sa level ng spiritual force na ito na kumontrol ng mga bagay bagay. Pero kung gugustuhin ko mang kumontrol ng apat hanggang lima… unti unting hihina ang bilis at lakas ng mga ito "Maliban sa pagpapalakas ng kaniyang katawan, itinuon din ni Luo Feng ang karamihan sa kaniyang oras sa buwan na ito sa pagsasanay ng kaniyang spiritual force.

Habang nakatira sa Ming-Yue si Luo Feng ay nakakilala at nakausap siya ng iba't ibang mga fighter. Dahil dito ay nakumpirma ni Luo Feng ang isang bagay—na ang telekinesis at spiritual force ay iisa!

"Kukuha na ako ng fighter combat exam bukas kaya kinakailangan kong matulog ng maaga ngayon"

Tumayo si Luo Feng at binuksan ang glass door, pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa kaniyang kuwarto para matulog.

������������

Noong August 1 sa ilalim ng papumuno ng isang fighter, mahigit 30 na mga prospective fighters kabilang sina Luo Feng at Yang Wu ang nagmadaling pumunta sa train station.

[KU-CHI~~ KU-CHI~~] Mabilis na umandar ang tren papunta sa sa station. Hindi halos madidinig ang tunog ng mga gulong nitong umaandar sa ibabaw ng mga riles. Ang mga bagon ay napuno ng ingay, pero selyado rin ang mga ito at walang mga bintana ang nalakagay para pagdungawan. Sa mga display ng bawat bagon makikita ang isang tao.

Naupo sa loob ng bagon ng tren ang mga prospective fighters na nanggaling sa iba't ibang mga region.

"Mga prospective fighters, mga future fighters, Mula ako sa HR alliance" isang middle aged man ang nagsalita sa display sa loob ng bagon, "Sigurado naman akong narinig niyo na ang HR alliance dati! Ito ang pinakamalakas at pinakamayamang organisasyon at ang organisasyong kinabibilangan ng karamihan sa mga fighters! At nakasisiguro rin ako na pamilyar ang lahat na kilala rin ang HR alliance bilang The Underground Alliance"

Ang lahat ng mga prospective fighter sa loob ng tren ay tumahimik.

Tumingin din sa malaking display ang magkatabing sina Luo Feng at Yang Wu.

"Narinig mo na ang Underground Alliance dati hindi ba Crazy?" tumatawang tanong ni Yang Wu "Talagang napakayaman ng mga iyan! Sila ang pinakamayamang organisasyon sa buong mundo at mag mayaman pa sila kaysa sa isang bansa"

"Alam ko"

Tumatawang sagot ni Luo Feng. Habang nakatira na siya sa Ming-Yue sector mula noong nakaraang buwan, marami siyang natutunang mga basic information mula sa mga fighters sa area na iyon. Bago pa man ang Grand Nirvana period, ang mga lugar katulad ng United States of America at Europe ay kinokontrol ng mga maiimpluwensiyang mga pamilya na nasa likuran ng mga bansang ito. Halimbawa ang Morgan Family, Rockefeller family, the Onassis Family, etc….

Ang mga pamilyang ito ang kumokontrol sa kalahati ng mga kayamanan sa buong mundo!

Pero noong dumating ang Grand Nirvana Period at nagsumulang umatake ang mga halimaw, maraming mga maliliit na bansa ang nawasak. Ang mga malalaking bansa naman na may malalakas na army ay nakaligtas at dahil sa pangyayaring ito ay patulog nilang pinalakas ang kanilang mga gobyerno. Sa takot na maoverpower sila ng gobyerno, nagsanib puwersa ang mga makapangyarihan at maimpluwensyiang mga pamilya at itinayo ang organisasyong HR alliance or Human Rights alliance.

Human rights alliance, napakasarap pakinggan. Pero isa itong alliance na pumapanig sa mga makakapangyarihang mga pamilya. Tinatawag ito ng mga fighters bilang 'Underground Alliance'.

"Ang alliance namin ang may pinakamalaking communication platform na para lang sa mga fighters sa buong mundo! Puwede rin kayong tumanggap ng mga high paying missions sa oras na sumali kayo sa alliance namin"

"Mayroon ding hindi mapapantayang lakas at impluwensiya ang alliance namin sa buong mundo! At kung pipiliin niyong sumali sa amin ay makakatanggap kayo ng mga top class service maging nasa USA ka man o sa European Union"

"Ang alliance naming ang may pinakamalaking army at humahawak sa karamihan ng posisyon sa gobyerno, kaya sumali na kayo….."

…..

Nagsalita ang middle aged na lalaki sa loob ng 15 minutos.

"Sa lahat ng mga future fighters"

Isang lalaki na may striktong mukha ang nagpakita sa screen "Hayaan niyong ipakilala ko ang sarili ko. Ako ng apala ang deputy chief ng Jiang-Nan City security agency. Ang pangalan ko ay Liu. Sa bansa nating China, walang makakapantay sa lakas ng ating army! Sumali na kayo sa puwersa ng gobyerno, sumali na kayo sa army nang magkaroon ka ng matinding suporta kahit saan mang dako ka pumunta sa China"

…..

"Mga Future Fighter" at muling nagbago ang taong nasa screen "Ako si Wang, ang Chief ng Thunder Dojo headquarters ng Jiang-Nan City. Ang ating thunder dojo ay nilikha ng pinakamabilis at pinakamalakas na fighter 'Thunder Lord'. Mayroong mga sangay ang 'Thunder Lord sa buong mundo….."

…..

"Lahat ng mga future fighters, naipakilala na nila ang tatlong nauna sa screen kanina. Hindi ko na kailangang sabihin dahil alam na ng lahat na ako ay nanggaling sa dojo of limits!" at biglang nagbago nanaman ang taong nakaflash sa screen "Ang pangalan ko ay Zhu Ge! Ang dojo of limits ang may pinakamalakas na dojo sa buong mundo at nilikha ng pinakamalakas na fighter! Ang dojo namin ang may hawak ng pinakamalakas na kapangyarihan sa buong mundo…."

...

Matapos nito ay maingay na nagusap usap ang mga prospective fighters sa loob ng tren tungkol sa sasalihan nilang grupo pagkatapos nilang maging isang fighter.

"Pangalawang kapatid, matapos mong maging isang fighter, saan mo binabalak sumali? Sa tingin ko kasi ay napakaganda ng dojo of limits para sa akin"

"Sasali ako sa Underground Alliance dahil dun ako kikita ng napakalaking pera, hahaha"

"Ang Thunder dojo ay magbibigay sa mga fighters ng magandang pamumuhay, mas maganda kaysa sa dojo of limits'. Kaya mukhang maganda rin sigurong salihan ang thunder dojo na iyan"

Ang sabik na sabik na usapan ng mga prospective fighters ay maririnig sa loob ng tren.

Mahina namang nagusap sina Luo Feng at Yang Wu: "Parehong sumali sa dojo of limits ang instructor at ang senior ko. At ngayon dahil sumali ka na rin sa dojo of limits edi sasali na rin ako doon! Puwede pa rin naman ako kumuha ng mga misyon mula sa Underground Alliance kahit na nasa dojo of limits na ako. Puwede tayong bumili ng mga bagay gamit ang mga kinita natin mula sa dojo of limits at Underground Alliance!"

"Ang Dojo of Limits, Ang Thunder Dojo, ang Underground Alliance at ang army ng bansa…" Napakalinaw kay Luo Feng ang isang bagay.

Na ang pinakamalakas sa kanilang lahat ay ang army ng China.

Ang Underground alliance ay binubuo ng mga pinakamakamakapangyarihan at maimpluwensiyang mga pamilya sa buong mundo, at kahit ang isang bansa ay iiwasang galitin ang mga ito dahil hawak ng Underground Alliance ang Halos kabuohan ng ekonomiya sa buong mundo!

Nasa likod naman ng dalawang ito ang thunder dojo at dojo of limits.

Pero kinakatawan naman ng dalawang malalaking dojo na ito ang kalayaan!

"Gaano karaming prospective fighters ang nakikita mo sa bagon na ito kapatid na Yang?" Tumingin si Luo Feng sa paligid nang makita niya na may halos isang daan katao ang nakaupo sa loob ng isang bagon ng tren.

"Napakaraming tao rito" nakangusong sabi ni Yang Wu "Narinig ko sa usapan ng iba kung paano ginaganap ang dalawang fighter combat exams kada taon. At ang bawat fighter combat exam ay dinadaluhan ng humigit isang libong mga prospective fighters sa buong Jiang-Nan city"

"Humigit isang libo?" Gulat na gulat na tanong ni Luo Feng.

Mukhang tama nga ang sinabi nilang iyon dahil ang buong Jiang-Nan city ay may populasyon na 200 million katao habang ang Yang-Zhou city ay may populasyon na 10 million katao. At kung susumahin, mayroon pang mga ilang dosenang prospective fighters ang nagiging fighters taong taon.

Matapos ang ilang sandali---

"Attention mga prospective fighters, ang tren ay paparating sa sa istasyon sa loob ng ilang sandali, kaya maaari lamang na maghanda na kayo para sa pagbaba sa istasyon" sabi ng boses na nagmumula sa mga speaker ng bagon. Ilang sandali matapos nito ay nagsimula nang bumagal ang tren hanggang sa huminto ito ng tuluyan sa loob ng istasyon.

Nagbukas ang mga pinto ng bagon at nagsimula nang magbabaan ang mga prospective fighters mula sa tren.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang malaking grupo ng mga prospective fighters sa loob ng isang napakalaking military camp na sumasakop sa napakalaking area sa paligid nito. Makikita rin sa bungad na bahagi ng kampo ang iba't ibang mga heated weapons. Isang kanyon din ang nakatutok sa labas ng kampo. At nakita rin nila ang malaking bilang ng mga sundalong may dala dalang mga supistikadong mga armas.

Nagtingin tingin sa paligid nila sila Luo Feng at ang iba pang mga prospective fighters.

"Tingnan niyo sa labas ng kampo" sabik na turo ni Yang Wu sa isang puwestong may kalayuan sa kanila.

Tiningnan ni Luo Feng nang maigi ang itinuturo ni Yang Wu at maliban sa security line ng kampo makikita ang mangilan ngilang mga gutom na gutom na mga halimaw na umaangil. Pero hindi nila na nagtangka ang ni isa sa mga ito na lumapit sa kampo.

[GA~~]

Ang nakakabinging alulong ang nakapagpatingala sa mga fighters sa kanilang itaas, doon ay nakita nila ang daan daang mga Fei-Qin na mga halimaw na umaalulong sa ilalim ng madilim at asul na kalangitan.

"Ayon sa mga libro ay makikita mo ang napakaraming uri ng mga halimaw kapag lumabas ka sa city na tinitirhan mo. Mukhang tama nga ang sinasabi ng librong iyon" kumislap ang mga mat ani Luo Feng "ang mga ordinaryong tao ay kaya lamang mabuhay sa loob ng mga cities o mga military camps. Tanging ang mga fighter lamang ang may kayang lumabas sa mga city nang mag isa at lumaban sa mga napakalalakas na mga halimaw na ito!"

"Mga prospective fighters--"

Sabi ng isang napakalakas na tunog na pumasok sa tainga ng bawat fighter "Welcome sa Northern military sector ng Jiang-Nan city. Ang mga kukuha ng pagsusulit ngayong araw dito sa northern military sector ay may bilang na 1,680 na mga prospective fighters na nakapasa sa kanikanilang mga prospective fighter exam. Sana makapasa ang karamihan sa inyo at sana ay makabalik kayong lahat dito ng buhay!"

avataravatar
Next chapter