2 Chapter Two: The Past

It's been a week since I woke up in this room. Hindi na muli pang nagpakita sa akin ang unang doctor na nagpakilala sa akin.

They said it might just be hallucinations pero hindi ako naniniwala. Naramdaman ko siya pati ang mga haplos niya, hindi ako pwedeng magkamali.

"It's time to eat your lunch!" masiglang pumasok si nurse Jem sa kwarto ko.

I groaned when I saw what's on the tray, gulay na naman.

"Ang yaman yaman ng pamilya ko tapos puro damo pagkain nila dito." bulong ko sa sarili ko.

"Hanggang kailan ako dito?" I asked her after being forced to eat the food she brought.

"Soon." I rolled my eyes after hearing the exact same word na sinabi niya sa akin kahapon at noong mga nakaraang araw.

Okay naman na ako, bukod sa ilang galos na hindi pa tuluyang gumagaling ay wala na akong nararamdaman pang iba sa katawan ko.

"Sa ngayon, drink this and then go back to sleep. Magpalakas ka so you can get out of this room immediately."

I stared at her for a moment. That line, hindi ko alam kung saan ko siya narinig but it's quiet familiar.

I shrugged, kung saan saan na naman lumilipad ang utak ko.

umalis na din siya matapos masigurong ayos lamang ako.

I laughed at the thought of being here in the hospital trying to survive when in the first place, I ended up in this situation because of my desire to die.

My life is chaotic.

Simula pagkabata ay nakaririnig na ako ng murahan, away at sumbatan. Laging umuuwing lasing si papa simula nang magsara ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Kasabay kasi nun ay ang pagkalugi ng maliit na kainang pinapatakbo ni mama. We ran out of savings kaya napilitan silang kumapit sa mga pautang, nagbabaka-sakaling muling maibalik ang maliit na negosyo ni mama.

Ngunit dahil nalulong si papa sa kaniyang bisyo, nabaon lamang kami sa utang hanggang sa lahat ng ari-arian namin ay naibenta na. Nang maipagbili ang bahay namin, we moved into a small apartment owned by tita Sylvia, mama's childhood friend.

Tuwing nag-aaway sila ay natatakot akong umawat kaya parati akong tumatakbo sa kung saan para magtago. Papa never laid a hand on me pero natatakot pa din ako sa posibleng mangyari sa akin.

Araw-araw ay ganun ang naging buhay ko hanggang isang araw, nagbago ang lahat.

pumikit ako habang inaalala ang gabi-gabing gumugulo sa pagtulog ko.

that unforgettable night.

"Wala na nga tayong maibili ng bigas, nagagawa mo pang umuwi dito na may bote ng alak!"

I hid behind the door so that my father could not see me eavesdropping to their argument.

"Ano bang pakialam mo! Hindi mo naman pera ang pinanglalaklak ko. Mabuti pa si Melissa, napapaligaya ako."

isang malakas na sampal ang natanggap ni papa mula kay mama. Nag-unahang tumulo ang mga luha sa mata ko so I immediately covered my mouth to avoid creating noise.

"Melissa, bagong babae na naman? Jake naman, this is not the life you promised me--"

Tumahimik ang buong paligid, wala na akong marinig kundi ang sarili kong nagpipigil humikbi.

I went out of my hiding place upang silipin sila.

Napaluhod ako sa nakita ko, hindi ko na napigilang ibuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.

"M-ma, paaa!" paulit-ulit kong sigaw habang malakas na umiiyak.

Humingi ako ng tulong sa katabing apartment namin ngunit huli na rin ang lahat.

"dead on the spot."

Umiiyak lamang ako sa gilid habang iniinterview ng mga pulis ang mga kapit-bahay.

"Lagi silang nag-aaway, araw-araw ay nakakarinig kami ng sigawan sa bahay na 'yan. Nakasanayan na namin kaya nagulat kami nang tumakbo ang anak nila sa labas para humingi ng tulong."

tinakpan ko ang tainga ko habang patuloy na umiiyak.

Iminulat ko ang mata ko at mapait na ngumiti habang pinupunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo.

Hanggang ngayon ay pala-isipan pa din sa akin ang pagkamatay nila. Ang sabi sa imbestigasyon ng mga pulis, sinakal daw ni papa si mama na naging sanhi ng pagkamatay nito bago ito nagpakamatay gamit ang kutsilyo.

Hindi ako naniniwala sa kanila. Kahit nakainom si papa ay never niyang sinaktan si mama physically. Sa katunayan, hindi siya lumalaban kapag sinasampal siya ni mama dahil sa sobrang galit.

Hindi ko rin maintindihan kung paanong may hawak si papang kutsilyo e kauuwi niya lang at tanging bote ng alak ang dala niya. Malayo sila sa kusina kung saan nakatago ang mga kutsilyo namin.

Sinubukan kong pabuksan muli ang kaso para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila ngunit hindi ako nabigyan ng pabor.

"case closed." iyan ang lagi kong natatanggap.

Since minor ako noon at wala kaming ibang kamag-anak ay napunta ako sa pangangalaga ng DSWD.

Then when I turned 17, a woman came to look for me. She told me that I was their missing child.

Of course, hindi ako naniwala nung una. Kaya pumayag akong magpa-DNA test.

Doon namin nakumpirma na ako nga ang anak nila. Sabi nila, ninakaw daw ako sa hospital. But I highly doubt that.

Noong maayos pa ang buhay namin nila mama, hindi nila naiparamdam sa aking ampon lamang ako. Hindi rin ako naniniwalang sila ang nagnakaw sa akin, hindi nila magagawa 'yun.

Mabubuti silang tao, ako ang lubos na nakakaalam nun.

My life has changed since I met my real parents. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking hospital sa bansa.

Panandalian ngunit kahit papaano ay nakalimutan ko ang sakit ng aking nakaraan, naranasan kong muli ang maging masaya at magkaroon ng pamilya.

6 months. 6 months lamang silang pinahiram sa akin. At the day of my 18th birthday, napagkasunduan nilang magkaroon ng isang malaking party for me. 'Yun din kasi ang araw na dapat ay ipapakilala nila ako sa lahat bilang anak nila.

I was so excited that day...

but my excitement ended in grief.

My debut should be my best day ever but it turned out to be the worst birthday for me.

Mommy had a heart attack so we rushed her to the hospital. Hindi na natuloy ang party. We stayed in the hospital for three days before she passed away.

Daddy loved her dearly so it was difficult for him to accept her death. That's the reason why after a couple of weeks, he immediately followed mommy's death.

Pinabayaan niya ang sarili niya. Hindi siya kumakain, puro alak ang naging laman ng tiyan niya. May mga araw din na uuwi siyang may pasa sa katawan tapos kinabukasan ay may darating na sulat, reklamo mula sa mga nabasag niyang gamit sa bar.

Dahil sa mga nangyari, si auntie Minerva ang napagkatiwalaan sa hospital at iba pa naming ari-arian na lahat ay nakapangalan sa akin.

Sobrang traumatic ng pagkamatay ng mga magulang ko sa akin. Pakiramdam ko ay kadiliman ang tunay kong pamilya dahil dito ako lagi naiiwang mag-isa.

Days after daddy's burial, isinugod ako sa hospital dahil sa stomach pain.

Doon ko nakilala si Shan, my best friend.

Hindi ko alam kung ano ang sakit niya pero sabi niya sa akin, ilang taon na daw siyang hindi nakakalabas ng hospital. Lagi kaming nag-uusap at komportable kong nai-share sa kaniya lahat ng hinanakit ko sa buhay.

Na-discharge din agad ako sa hospital pero hindi nawala ang communication naming dalawa. Since wala na akong pamilya, ang hospital at si Shan ang itinuring kong tahanan.

Ilang beses ko pa lang nakikita si tita Minerva, siya ang nagbibigay ng mga pangangailangan ko ngunit busy rin siya sa buhay kaya pakiramdam ko ay mag-isa nalang ako.

Ngunit dahil kay Shan, kahit papano ay nakahanap ako ng kaunting pag-asa na lumaban at magpatuloy sa buhay.

But after years of fighting his illness, Shan died.

That's when I gave up. I stopped wanting to survive. I badly wanted to end my life that night.

Pakiramdam ko ay kasalanan ang mahalin ako. Kasi lahat ng nagmamahal sa akin ay namamatay.

Matalim ang tingin ko sa mga sasakyang mabilis na dumadaan. Nakatayo ako sa gilid ng kalsada, handa nang harapin ang aking kamatayan.

Napangiti ako habang nakatingin sa isang pulang kotse na paparating. I took a quick step nang makalapit ito and everything went black.

Hindi ko alam kung paanong nabuhay pa ako sa ganung aksidente. Basta paggising ko, nandito na naman ako.

"Hey, what's wrong?" I quickly opened my eyes when I heard a familiar voice.

THAT'S HER, THE ONE WHO INTRODUCED HERSELF AS MY PERSONAL DOCTOR!

"who are you?" mabilis kong tanong sa kaniya.

"your personal doctor." she said smiling widely at me.

"stop fooling around, tell me your name."

naging seryoso ang mga tingin niya kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba sa dibdib ko.

"Yanna, let me help you heal from the wound of your past." she said

"Bakit ako magtitiwala sa'yo?" pinunasan ko agad ang luhang bigla na lamang tumulo sa mata ko.

"Kakampi mo ako."

Hindi ako nagsasalita, nakatingin lamang ako sa maamo niyang mukha. Bago siya lumabas ng kwarto ko ay may iniwan siyang papel sa gilid ng kama ko.

I stared at the words written on the small piece of paper...

"Be a survivor of the dark."

avataravatar