711 Chapter 711

Isa-isa na namang napagtagumpayan ni Wong Ming ang mga sagupaan ng mga magical beasts.

Kasabay rin nito ang maraming mga Silver stone crystals ang nakuha niya mula sa pangangalaga ng mga dambuhalang halimaw na may taglay ding mga abilidad.

Yun lang ay dalawampong Gold Stone Crystals ang nakuha niya at napakaraming mga silver stone crystals ang nakamit niya mula sa pakikipaglaban.

Kasalukuyang naglalakbay ang binatang si Wong Ming ngunit pakiramdam niya ay may sumusunod sa kaniya.

Naramdaman niya ang mga matang nakamatyag sa kaniya ilang daang metro mula sa kaniya.

Kasalukuyang nasa masukal na kagubatan siya napadpad at talagang hindi niya inaasahan na mapusok ang kalaban niya at mukhang nagsama-sama pa ang mga ito upang paslangin siya.

Hindi makakapayag si Wong Ming lalo pa't hindi siya maaaring matalo.

Tinalasan ni Wong Ming ang mga senses niya. Mabilis na pinagana ni Wong Ming ang kakayahan ng Demon Eyes niya.

Walang makakakubli sa pambihirang kakayahan ng mga mata niya. 

Halos manlaki ang mga mata ni Wong Ming nang mapansing labinlima ang bilang ng mga nilalang na sumusunod sa kaniya.

It was a day broadlight ngunit napakaagresibo ng mga ito.

Hindi na ito iba kay Wong Ming lalo pa't sa kompetisyong ito ay marami ang bumubuo ng isang team. 

Hindi ito ipinagbabawal sa loob ng simulated environment na ito. 

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay binubuo ang bawat team ng dalawampong katao at hindi maaaring lumagpas pa rito.

Pero sa katotohanan ay hindi maaaring dalawampong sa mga ito ay makakapasok.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Wong Ming at binilisan ang kaniyang mga kilos. Ramdam niya ang mga murderous intent ng bawat isa sa mga ito.

Malamang ay kanina pa ito nakasunod at tila nakaagaw ng atensyon ang huling laban niya.

Sigurado siyang mayroong kakaibang mark ang ginawa ng nasabing kalaban na ito upang masundan siya.

Iba ang maghihirap na paslangin ang nilalang na iyon at sila ang papaslang sa nasabing kalahok para sa kanila mapunta ang loot.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa pagiging tuso ng mga ito.

1:1000 ang halaga ng bawat Bronze stone crystals at ng Silver stone crystals habang 1:100 ang nasabing value ng Silver stone crystals at ng Gold Stone Crystals.

Maya-maya pa ay kitang-kita ni Wong Ming na may nakaabang sa daraanan niya sa hindi kalayuan. 

Sampong Purple Blood Realm Experts at limang Purple Heart Realm Experts. Sa tingin ni Wong Ming ay ang isang Peak Purple Heart Realm Expert ang nasabing lider ng nasabing grupong ito na siyang natanaw niya ng ilang metro ang layo mula sa kaniya.

Nakangisi ito ng malademonyo at sa uri ng tingin nito sa kaniya ay alam mong hindi na ito gagawa ng mabuti.

Kalmado namang lumapit si Wong Ming sa nasabing nilalang na ito kahit na ramdam na ramdam niya pa rin ang maraming mga presensyang nakatunghay sa kaniya at ng nilalang na ito.

"O tingnan mo nga naman, ang pesteng Little Devil lang pala ang makakaharap ko. Mukhang umaayon ang lahat sa plano hehehe!" 

Hindi naman nagpahalata si Wong Ming na alam na niya ang binabalak ng nilalang na nasa harapan niya. 

Nakasuot ito ng kulay puting roba at isang pamaypay ang hawak nito.

Alam ni Wong Ming na isang fan user ang nasabing nilalang na kaharap niya. 

Isang pagkakamali kung lalabanan niya man ito sa malayo. 

"Kilala mo pala ako? Sino ang nagpadala sa'yo upang personal mo akong harapin sa gitna ng kompetisyong ito?!" Seryosong sambit ni Wong Ming na animo'y nagtataka.

Naningkit ang mga mata ng kaharap ni Wong Ming. 

"Wag kang mayabang Little Devil dahil sa oras na ito ay maililigpit na kita!" Sambit ng disipulong ito.

Agad na itinutok nito sa kinaroroonan ni Wong Ming ang pamaypay nito.

Walong kakaibang mga metal ang lumabas mula sa pamaypay na ito.

Sobrang bilis nito ngunit laking pasalamat ni Wong Ming nang naiwasan niya ito dahil sa mabilis na reflexes niya.

Tila nagulat ang nasabing kalahok na kapwa disipulo ni Wong Ming sa liksi ng Little Devil na ito.

Sigurado siyang kahit ang isang Peak Purple Heart Realm Expert na katulad niya ay hindi makakaiwas kaagad ng ganon kabilis. 

Nanlaki ang mga mata niya ngunit naniniwala siyang matatalo niya ang Little Devil na ito.

Mula sa pagkakakubli ay lumitaw ang labing-apat na mga kalahok na kasamahan mismo ng Peak Purple Heart Realm Expert na ito.

Nagulantang si Wong Ming nang mapansing ramdam niya ang kakaibang enerhiya mula sa ere.

Doon niya napagtanto na gusto siyang ikulong ng mga kasamahan ng nasabing Peak Purple Heart Realm Expert na umatake sa kaniya.

Dragon Fish Formation!

Iyon ang pangalan ng pormasyong kumukulong sa kaniya sa kasalukuyan.

Napakatuso ng nasabing kalaban niya. 

Imbes na mangamba si Wong Ming ay sumilay ang kakaibang ngunit sa pagmumukha nito na siyang ikinapagtataka ng kalaban niya.

Naalala niya na kung sino ito, kung di siya nagkakamali ay kilala sa katawagang Eight Pierce ang nasabing kalaban niya.

Mula sa pormasyong ito ay kitang-kita ni Wong Ming na hindi pa tapos ang nasabing kalaban niya upang ikulong lamang siya bagkus ay nakita niya ang naglalakihan at nagtatalasang mga Fan Needles. 

Nagmukha itong mga espada dahil sa haba nito. Masasabi ni Wong Ming na hindi siya maaaring matalo rito.

Mabilis na pinalaho ni Wong Ming ang hawak niyang pana at kinuha ang nasabing malaking espadang nakalagay sa likuran niya.

Parang wala lamang kay Wong Ming ang paghawak sa espadang bigay mismo ng amain niya.

He already mastered using this sword. Mabilis na inihagis ni Wong Ming ang espada niya patungo sa ere at nagsagawa ng sword skill.

Skill: Breaking Sword!

BANG! BANG! BANG!

Kitang-kita kung paanong nabasag ang buong formation na isinagawa ng labing-apat na mga experto. 

Maging ang atake ng kalaban nito gamit ang naglalakihang mga Fan Needles ay nagkapira-piraso.

Napasuka ng dugo ang lahat ng kalaban ni Wong Ming. Napangisi na lamang siya.

Kumpara sa kalidad ng nasabing sandatang hawak niya ay walang-wala ang mga kagamitan ng kalaban niya.

Ngayon niya lamang nagamit ang nasabing potensyal ng espadang ito. 

Sinamantala ni Wong Ming ang pagkakataong mahina ang kalaban niya.

Biglang umilaw ang kamay at mata ni Wong Ming. Kasabay nito ay nag-cast siya ng malakas na sword skill niya.

Skill: Sword Rain!

AHHHH! AHHHHH!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang daing ng kalaban niya ngunit sa bilis ng mga pagbulusok ng mga hindi mabilang na mga espada ay bigla na lamang naglaho ang katawan ng mga kalaban niya.

"Hindi mo ko matatalo Little Devil! Hindi ka magtatagumpay!"

Ito lamang ang nasambit ng kalaban niya sa kaniya at nagsagawa ito ng pambihirang skill.

Skill: Fan Escape!

Maya-maya pa ay nakita niyang tumatakas ang nasabing kalaban niya nang lumaki ang pamaypay at binalot sa loob nito ang katawan ng nasabing nilalang.

Huli na upang mahuli at mahabol niya ito. 

Wala rin namang pakialam pa si Wong Ming.

Ang tanging nagawa niya ay kolektahin ang mga Stone Crystals na nakakalat sa iba't-ibang parte ng lugar na ito. 

Hindi niya aakalaing marami-rami din siyang nakuhang mga stone crystals. 

Alam ni Wong Ming na magsusumbong ang nilalang na nakatakas na iyon o mangangalap muli ng mga kasamahan. 

Imbes na matakot si Wong Ming ay napangisi na lamang siya. 

Kung magtagpo muli ang landas nila ay sisiguraduhin niyang hindi na niya ito patatakasin pa. 

Sigurado siyang malaki ang mapapala niyang stone crystals dahil ito ang tumatayong lider ng nasabing grupong pinaslang niya.

avataravatar
Next chapter