webnovel

Chapter 663

Ito ay walang iba kundi ang binatang si Wong Ming. Dire-diretso itong pumaimbabaw sa ere lalo na't mukhang sa kaniya ang huling halakhak.

Kaagad na nasunog ang nasabing talisman habang nagsalita pa ang mga West Courtyard Disciples.

"Grrr! May natira pang langaw! Hindi ko aakalaing magkikita tayong muli hehehe!" Nasisiyahan na saad ng West Courtyard Disciple na tila naaalala pa nito ang pagmumukha ng binatang nakalutang sa ere patungo sa mismong kinalalagyan ng Vermilion Fruit.

"Wag mo ng subukan totoy! Mabibigo ka rin naman, isa ka lamang hamak na Middle Purple Blood Realm Expert hahaha!" Natatawa pang sambit ng isa pang kasamahan nito.

"Kung yun ang sinasabi niyo hahaha!" Natatawa ring wika ni Wong Ming habang makikitang mabilis nitong nilapitan ang kinaroroonan ng Vermilion Fruit.

Kitang-kita niya pang halos magkanda-kuba ang mga kalaban niya nang mapansing nilalabanan pa ng mga ito ang talismang idinikit niya sa likod ng mga ito.

"Ano'ng ginagawa mo binata. Hindi maaari ito. Hindi kami makakapayag na sa'yo lamang mapupunta ang pinaghirapan namin!"

"Tama! Hindi kami sumali para lamangan lamang ng isang katulad mo totoy!" Sambit din ng Kasamahan nito na kitang-kita na nagpupuyos sa galit ang mga mata nito.

Skill: Golden Armor Body!

Kitang-kita na nagliwanag ang mga pares ng mga mata ng isang kalaban niya. Halatang ito ang mas malakas kumpara sa isa sa kasamahan nito.

Lumitaw ang kakaibang golden armor sa katawan nito at tila nag-fuse ito sa balat niya. Nakakamangha dahil nagawa nitong ibalanse ang sarili nito mula sa pambihirang talisman na ginamit ni Wong Ming sa katawan ng kalaban niya.

Tila nabuhayan ng dugo ang kalaban ni Wong Ming at mukhang hindi lamang ito ang gustong manlaban sa ginamit niyang talisman upang bumigat ang pangangatawan ng mga ito.

Skill: Abominable Vajra Body!

Kumislap ang buong katawan ng kalaban ni Wong Ming at tila nagkaroon ng kakaiba sa pangangatawan nito.

Halos hindi na nga ito naapektuhan ng ginamit nitong talisman.

Namangha naman si Wong Ming sa pagbabagong naganap sa katawan ng kaaban nito na mukhang ayaw pa ring sumuko.

"Totoy? Hindi na ko bata mga gurang! Ako na ang mananalo ngayon at ang buong South Courtyard hahahaha kaya pasensyahan nalang tayo!" Tanging nasambit ni Wong Ming sa mga ito habang makikitang nakangiti pa ng malawak si Wong Ming.

"Kumpara sa amin ay wala kang laban totoy kaya sumuko ka na at makipag-alyansa ka sa amin. Iyo na iyang Vermilion Fruit na yan dahil wala na kaming pakialam pa sa bagay na iyan!" Nakangiting turan ng West Courtyard Disciple na makikitang tila ikinalma nito ang sarili.

"Tama siya sa sinasabi niya. Kapag ipinawalang-bisa mo ang kung anumang bagay na dinikit mo sa likod namin ay magiging senior ka namin. " Ani ng isa pang kasamahan nitong nakangiting aso rin.

Kita naman ni Wong Ming ang masamang intensyon ng mga ito. Kung hindi niya lang naengkwentro ng mga ito ay mauuto pa siya ng mga ito ngunit sa palagay ng mga ito ay maiisahan pa siya nila? Hindi tanga si Wong Ming upang gawin ang bagay na iyon. At isa pa ay hindi siya sumali rito upang makipag-alyansa sa mga tusong nilalang na mga ito. Yun bang Gagawin ang lahat upang manalo lamang sa paraang gusto nila.

Unti-unting bumaba si Wong Ming at kitang-kita niya naman kung paanong mas lumawak ang ngiti ng dalawang natitirang kapwa niya disipulo. Kulang na lamang ay maglaway ang mga ito sa sobrang pagkakangiti. Kung hindi niya kilala ang mga ito ay aakalain mong mga tuta ang mga damuhong ito ngunit hindi dahil mapanlinlang ang mga ito.

Nagkatinginan naman ng palihim ang dalawang West Courtyard Disciples at mukhang may maitim na namang binabalak.

Pagkakataon na ng mga ito upang makaganti sa binata nang tumapak na ito sa kalupaan ay sinugod ng mga ito si Wong Ming ng walang pag-aalinlangan.

Skill: Hammer Punch!

Lumipad sa kinaroroonan ni Wong Ming ang malaking kamao ng kalaban nitong outer disciple na siyang maingat niyang iniwasan ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pagsugod ng isa pang West Courtyard Disciple na masasabi niyang malakas talaga.

Skill: Raging Sword Attack!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong mabilis siyang pinagtataga ng mga ito. Halatang hindi magpapatalo ang mga ito at gusto talaga siyang paslangin ng mga ito.

Gamit ang shadow steps niya sy mabilis niyang iniwasan ang mga magkakasabay na atake ng kalaban niya.

Walong talisman ang inilabas ni Wong Ming at mabilis na idinikit ito sa iba't-ibang parte ng katawan ng mga West Courtyard Disciples. Hindi niya hinayaan ang ganitong klaseng pangyayari na mapinsala siya kundi ay i-secure ang panalo ng South Courtyard sa Courtyard Friendly Match na ito.

Agad na lumipad si Wong Ming pataas habang naiwang nakadapa ang dalawang kalaban niya matapos niyang sunugin ang mga talisman. Katumbas ng 1000 jins ang bawat talisman na idinikit niya kaya alam niyang hindi na makakayanang makabangon pa ang mga ito.

Mabilis na tinungo ni Wong Ming ang kinaroroonan ng Vermilion Fruit at agad na kinuha ito.

Walang pag-aalinlangan na winasak ni Wong Ming ang protective barrier ng nasabing pumoprotekta sa Vermilion Fruit.

Doon napagtanto ni Wong Ming na napakasayang makuha ang pambihirang Cultivation Fruit na ito.

Sigurado siyang malaki ang benepisyong makukuha niya sa cultivation fruit na ito.

Bumaba pa si Wong Ming upang tingnan ang lagay ng kalaban niya. Tahimik lamang ang mga ito dahil nakapada ito at parang wala ng pakiramdam sa paligid.

Pinaparusahan kasi sila ng bigat ng mga talismans na nakakabit sa katawan nila.

GROWWWWLLLL! SHRRIIIIEEEKKKKK!

Alam niyang lulusob muli ang mga mababangis na magical beasts rito kung kaya't mas nagalak siya. Hindi niya aakalaing pabor sa kaniya ang sitwasyong ito.

Gusto niyang turuan ng leksyon ang mga walang hiyang mga nilalang na ito na kasalukuyang nakadapa.

Agad niyang nilagyan ng amoy ng Vermilion Fruit ang dalawang nakadapang mga disipulo.

Mabilis na lumipad muli si Wong Ming sa ere.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay umilaw ang itim na pulseras ni Wong Ming at nakangiti pa ito habang makikitang nilisan niya na ang lugar na ito.

Bago pa siya tuluyang mateleport pabalik ay rinig na rinig niya ang humihiyaw sa sakit na dalawang West Courtyard Disciples habnag dinif na dinig niya ang pagkabali ng mga buto ng mga ito sa kanilang katawan habang nginunguya sila ng mga halimaw.

Napangiti na lamang si Wong Ming rito. Bagay lamang sa mga ito ang nangyari sa kanila. Iyon ay ginawa niya biglang ganti na rin niya sa sarili maging sa naging biktima ng mga ito dahil sa kapalaluan.

Alam niyang marami rin ang natuwa sa ginawa niya. Ginanti niya na ang mga ito. Ang importante ay panalo sila na siyang hindi naman makapaniwala si Wong Ming.

Next chapter