1 SUNSET

"Sunny, kanina pa kita hinahanap, san ka nanaman ba nagsususuot?" tanong sakin ni Mommy.

Kumamot ako sa batok ko at tumungo, "Namasyal lang po kami ni Hani." sagot ko. Si Hani yung aso ko na binigay sakin ng kaibigan ni Mommy noong 12 years old ako.

Mom sighed, "Hala sige, mag ayos ka na ng sarili mo. Your tita May and tito Brian will visit us today. Sige na, umakyat kana." sinunod ko si Mommy at umakyat na para mag ayos ng sarili.

Nagsuot lang ako ng simpleng yellow dress na may design na mga puting flower at pinartneran ko lang ito ng white converse at nilugay ang buhok na umaabot sa balikat ko at bumaba na ako.

Sakto namang dating nila tito. Nagmadali na akong bumaba at kumapit sa braso ni Daddy na katabi ni Mommy na inaabangan ang pagbaba nila tito sa kotse.

Tumingin sakin si Daddy, "You look beautiful, Sunny." puri niya sakin.

"I know, Dad. Dyosa yata ang napangasawa mo kaya pati anak ay dyosa rin." biro ko.

"I agree." He chuckled before holding Mom's waist and he kissed her temple.

Sinalubong ni Mommy sila tito at tita na kasama ang mga anak nila, at nakipagbeso beso.

"Long time no see, kapatid." Bati ni tito Brian kay Mommy. "Long time no see, jerk." bati rin ni Mommy bago humarap kay tita May. "I missed you, May." niyakap niya si tita.

Lumapit siya kay Brianna, pangalawang anak nila tito, at niyakap ito. "You look pretty, Brianna." Puri ni Mommy rito. "I know, mama." taas noong sagot ni Brianna kay Mommy na ikinatawa nila. Mama ang tawag nila kay Mommy at Papa naman ang kay Daddy.

Brianna is a fashionista. She likes pretty things. Hindi naman kasi maipagkakaila na talagang maganda si Brianna. Marami na siyang manliligaw noon pa man na nag aaral pa lang kami. She's also pretty confident with her beauty.

"Hi, Marion, you're still as handsome as the last time I saw you." puri naman niya kay Marion, panganay na anak nila Tita.

"You're still as beautiful as the last time I saw you, mama."

Humagikhik naman si Mommy "Napaka bolero mo talaga, Marion."

It's my turn. Lumapit ako kay tita at tito tsaka nagbeso sakanila. "Tito, tita, I missed you."

Ngumiti naman sila sakin. "We missed you too, Sunny." Si tito Brian ang sumagot na sinangayunan lang ni tita.

"OMYGOD! You look pretty, Sunny. You look beautiful in your dress." Brianna yeeted then hugged me. I chuckled and hugged her too. "You're prettier, Bri."

She let go of me so I went to her brother. "I missed you, kuya Marion." He smiled at me and hugged me tight. "Can't breathe." reklamo ko.

Pagkatapos naming bumati ay giniya sila ni Mommy sa kusina para kumain. Matagal tagal din ng huli kaming nagkasama kaya kahit tapos na kaming kumain ay naguusap usap padin sila.

Umalis na kaming tatlo nila Marion at Brianna at nagtungo sa mini garden ko. Oo, mini garden KO. Ayaw kasi nila Mommy ng garden dahil wala naman daw mag aalaga nito, pero pinilit ko siya.

I really love flowers, especially sunflowers.

Ito ang naging libangan ko mula ng...

...mula ng malaman kong may sakit ako, lung cancer, stage 3B. It won't be long until I die.

Naguusap usap pa kaming tatlo nang may isang lalaking dumating. Mukha siyang kaedad lang ni Marion.

Lumapit siya samin, na labis kong ipinagtaka. Sino siya? Naliligaw ba siya?

Lalapit na sana ako para tanungin kung sino siya, pero naunang lumapit si kuya Marion sakanya.

"Hey, man." Bati ni kuya Marion sakanya na tinangunan lang ng lalaki at nagfist bump sila.

Lumapit sila samin ni Brianna. "Since you already know my sister, siya nalang." turo sakin ni Marion "This is my cousin, Sunny--"

"Sunset, my name is Sunset." pagtatama ko sa sinabi ni kuya Marion. Nilahad ko ang kamay ko at tila kinakabahan pa na baka hindi niya tanggapin dahil itsura palang niya ay mukha nang snobbero.

Tiningnan niya muna ang kamay ko bago tumingin sa mata ko.

Natuwa ako nang tanggapin niya ang kamay ko. "Lucas, my name is Lucas." Pagpapakilala niya na tila ginaya pa ang pagkakasabi ko sa pangalan ko kanina.

Despite feeling anxious at his stares, I smiled and shook his hand.

Habang naguusap sila Lucas at kuya Marion, naguusap naman kami ni Brianna. Ngunit kahit si Brianna ang kausap ko, ay na kay Lucas ang atensiyon ko.

Kanina pa kasi ako tinititigan ni Lucas kaya pati ako ay napapatitig din sakanya.

He has these chocolate eyes that make me want to stare at it forever. It's hypnotizing me.

Kaya kahit hirap na hirap ay umiwas ako ng tingin at pilit na ngumingiti kay Brianna kahit hindi ko naintindihan ang kinukwento niya.

"...tapos ayon, I answered him. We've been dating for a year now. He's still as sweet as ever." pagtatapos niya sa kwento niya na tila kinikilig pa sa 'di ko malamang dahilan.

"Uhmm...good for you, stay strong." Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya iyan nalang, tutal hindi ko rin naman naintindihan ang kwento niya bukod sa sinabi niyang may boyfriend na ulit siya.

Natapos ang araw na iniisip ko parin ang kaibigan ni kuya Marion na halos tunawin ako sa mga titig niya.

Nang sumunod na araw ay nandito parin sila tita, even Lucas. I don't even know why he's here.

Hindi tuloy ako magkandaugaga sa gagawin ko dahil tinititigan nanaman ako ni Lucas at minsan ay ngumingisi pa.

Akala ko ito na ang huling araw na nadito si Lucas, pero nagkamali ako.

Halos dalawang linggo na nagstay dito sila tito at halos dalawang linggo ring nasa bahay si Lucas at tila nananadyang tinutunaw ako sa mga titig niya na sinasamahan pa ng ngisi.

Pag ako napikon, jojowain ko 'to!

Naalala ko, noong huling araw na nila tito sa bahay ay nilapitan ako ni Lucas at nginitian.

Sobrang nagulat ako noon kaya kahit ilang minuto akong inaalog ni Brianna ay hindi ako makagalaw.

Dapat magalit ako, I know. Pero...may part kasi sakin na gustong maulit 'yon. Corny.

He looks more handsome when he's smiling.

Umalis na sila tita after 2 weeks. Nalungkot pa 'ko --kasi matagal ulit bago sila makakabalik dito.

Dahil ba talaga don, Sunset?

Fine! Crush ko na siya! Crush ko na si Lucas!

I don't know if my eyes were just playing with me, but I saw Lucas in my garden. Sitting handsomely and smiling at me like he missed me.

I went towards him, "Lucas? What are you doing here?" taka kong tanong.

He smiled more, "I'm visiting you—"

"Me?" putol ko sakanya.

"Your garden." pagtapos niya sa sinasabi niya. Ouch, 'di naman masakit.

Napakunot ang noo ko sakanya, "My garden? Ano bang relasyon niyo ng garden ko?" Selos ako.

He smiled and walked towards me "Why, are you assuming that I'm visiting you?"

"Paano 'pag sinabi kong oo? Bibisitahin mo na ba 'ko araw-araw?" mabilis kong tinakpan ang bibig ko at nanlalaki ang matang tumingin sakanya.

I saw him stilled before slowly grinning.

My gosh, Sunset! Ano bang 'yang sinabi mo?!

Bago pa makapagsalita si Lucas ay dali-dali akong tumakbo palabas ng garden at dumiretsyo sa kwarto ko.

Gosh! Nakakahiya ka, Sunset!

Akala ko hindi na babalik si Lucas pero kinabukasan ay nandito ulit siya.

Nitong mga nakaraang araw, mas tumitindi yung pagkakacrush ko sakanya dahil sa ngiti niyang nagpapabright sa araw ko. Shet, landi!

Mas lalo pang nahulog ang puso ko nang sabihin niya ang tunay rason ng pagpunta niya dito araw-araw.

"Sunny, I don't know why, but I really want to see you every day. I want your heart because you stole mine. " Tameme ang ate mo. Emeged!

Well, I want your heart too because you also stole mine.

Pero kahit gusto kong umamin sakanya, pinipigilan ko ang sarili ko.

Dahil alam ko na maiiwan ko siya, na iiwan ko siya.

Nitong mga nakaraang araw ay mas lumalala ang lagay ko. Umaabot pa sa sitwasyong kinailangan nila akong dalhin na sa hospital dahil hindi ko na talaga kaya.

Then I found out, stage 4 na.

I smiled bitterly. Kung kailan nakatagpo ako ng isang Lucas Castellan, tsaka ko pa gustong magpatherapy na. But I know...it's too late.

Hindi kasi ako pumayag na magpatherapy, na pinagsisisihan ko na dahil nakilala ko si Lucas. I don't want to die yet, dahil ayaw kong iwan sila Mommy at Daddy. Pero ayaw kong pahirapan sila pati narin ang sarili ko. Mahina na ako, hindi ko na kakayanin na makita silang puno ng pagasang mabubuhay ako pero bandang huli ay madidisappoint lang sila. Kaya hindi ako pumayag na magpatheraphy.

Nalaman ni Lucas ang nangyari sakin kaya pinuntahan niya ako sa hospital. Nalaman din nila Mommy at Daddy ang nararamdaman sakin ni Lucas pero hindi sila tumutol. Gusto daw nilang maramdaman ko kung paano magmahal at kung anong pakiramdam na mahalin.

That's when I realized, I already love him. I don't know why, I just know that I love him. Sa isang na taon niyang panunuyo sakin, hindi na kinaya ng puso ko, bumigay na at minahal nalang siya. Traitor!

Hawak hawak ni Lucas ang kamay ko habang nakahiga ako sa hospital bed. "You still look beautiful in my eyes, my Sunset. I love you so much."

Namamayat, maputla, hinang-hina. Kahit ganito na ang kalagayan ko ay hindi siya pumapalyang sabihan ako araw-araw na maganda ako at mahal niya ako.

"Mas mahal kita." sagot ko dito at nginitian siya ng matamis.

He looked at me lovingly, "You know what, when I first saw you, I already knew that I will be crazy because of you. Hindi ko alam, basta bigla nalang pumasok sa isip ko na ano kayang pakiramdam na ngitian mo araw araw at sabihan na mahal mo ako. Biglang nagfast forward ang isip ko, nakita agad kita sa altar kasama ako." he chuckled "Corny mang pakinggan, pero unang kita ko sayo, alam ko na ikaw ang gusto kong makasama." Pag amin niya.

I giggled, "You're right, ang corny." pang aasar ko na nginusuan niya naman. "But I'll be corny too. Noong una kitang nakita, akala ko naliligaw ka lang. Pero ang seryoso kasi ng itsura mo kaya nagdadalawang isip ako kung tatanungin ba kita kung nawawala ka o hahayaan nalang kita. Tapos ilang linggong nag stay sila tito sa bahay at palagi ka ring nandon, nakangisi at tinititigan mo ako. Sabi ko "crush siguro ako nito"." I laughed "Hanggang sa tumagal, nagising nalang ako na ikaw agad ang hinahanap at gusto kong makita. Tapos ayon, narealize ko na mahal na kita." Pag amin ko pa. "But I have to leave you." Dugtong ko.

His face saddened as he looked at me. "You won't." He replied, nginitian ko lang siya.

"Lucas, pwede ba tayo sa rooftop ng hospital?" pagbabago ko sa usapan.

"Anything for you, my Sunset." senyales na gagawin niya ang lahat, makapunta lang kami sa rooftop kahit hindi pwede.

"Do you know why I love sunset?" Tanong ko kay Lucas. Nandito kami sa rooftop, nakaupo sa isang bench. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingin kami sa kalangitan

"Dahil Sunset ang pangalan mo?" Tanong din niya.

Umiling ako, "Because I was born when the sun set at Sunset Valley--favorite place ko sa Texas. Bonus nalang yung Sunset na pangalan ko. And I just love how the sun setting makes me want to see it every day. It makes me feel at peace." Sagot ko dito at hinawakan ang kamay niya.

"And you're looking at it now." He said.

"Lucas, kapag nawala ako, magmamahal ka ba ulit?" tanong ko.

I felt him shook his head, "I won't."

I smiled at ako naman ang umiling, "Gusto ko mag mahal ka ulit. Ayaw kong sakin lang umikot ang mundo mo." sagot ko dito. "Lucas, gusto ko na kahit wala na ako, magmamahal ka ulit, 'yung mas higit pa sa pagmamahal mo sakin." dugtong ko.

He shook his head again, "No, please, no don't leave me. Dito ka lang kasama ako." he pleaded with teary eyes.

I also shook my head and smiled sadly, "No one leaves for good, Lucas. Mawala man ako sa pisikal na anyo, kasama mo parin ang puso ko. Hinding hindi kita iiwan." I chuckled bitterly, "Well, iiwan pala kita, pero kapag alam kong kaya mo na...na wala ako, kapag nakahanap ka na ng kapalit ko, iiwan kita kapag panatag na ako na magiging masaya ka kahit hindi ako ang kasama mo." bumuhos na ang mga luha ko ng tuluyan.

"No...please..." are the only words that could come out from his mouth.

Hinarap ko ang mukha niya sakin, "Lucas, mangako ka sakin na tutuparin mo ang mga pangarap mo, ang mga pangarap natin."

"Paano? Paano ko tutuparin mag-isa ang mga pangarap na tayong dalawa ang bumuo? Paano, Sunny?" his tears are falling hard, so he looked away from me again, breaking me even more.

"Kaya mo, Lucas. Tuparin mo, kahit hindi na ako ang kasama mo." umiiyak na kami parehas. "Lucas, look at me."

Humarap naman siya sakin at tila nagpipigil ng hikbi, "Lucas, please. Don't make it hard for me to leave you. Alam ko na na darating ang araw na kailangan na kitang iwan, don't make it hard for the both of us, please." pagmamakaawa ko.

"I can't, Sunset, nangako ka sakin na tutuparin natin ang mga pangarap natin ng sabay, kaya hindi ako mangangako sa gusto mo." Sagot niya.

Pumikit ako ng mariin, "Lucas, please, nakikiusap ako. Ngayon palang gusto ko nang pakawalan mo na ako, and promise me that you'll let me go once I—"

"Don't say it!" pigil niya sa sasabihin ko. "Bakit ba gusto mong magmahal ako ng iba?" Naguguluhan niyang tanong.

I smiled sadly, "Because I want you to move on, but not with me. Move on with someone else." I replied while holding back my tears.

"How, Sunset?" he helplessly asked.

"I don't know." tanging sagot ko.

"Ikaw ang kasama kong bumuo ng mga pangarap tapos iba ang kasama kong tutupad?" tanong niya at tila naiiyak nanaman.

"Once I die— once I'm gone, don't think of me for a day, don't talk about me for a day, then continue doing it every day. Kapag nagawa mo 'yon, I'm sure you'll be happy sooner than you know." pilit akong ngumiti.

He cried again while shaking his head continuously.

"Please don't cry, Lucas. It makes me think that I'm breaking your heart."

"You are, Sunny. You are...breaking my heart." tuluyan nanamang tumulo ang luha niya.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, "I can't help it, Sunny." He sobbed "Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa kaisipang iiwan mo na ako. Hindi ko kaya, hindi ko kaya, Sunset." Umiiling iling siya habang umiiyak. "'Di ba ikaw na ang makakasama ko? Panghabangbuhay, 'diba?"

"No, Lucas. Ang sabi mo, noong unang beses na nakita mo ako ay alam mong ako na ang gusto mong makasama. At naniniwala ako don. Lucas, ako ang gusto mong makasama, pero hindi panghabangbuhay." hirap kong paliwanag dahil sa pagpipigil ng luha.

I smiled at him genuinely, "Look at me, Lucas." hinarap ko ang ulo niya sakin. "Lucas, if you miss me, just think of me and I promise you that I'll be thinking of you from there too."

"Lucas, if you let me go, I'll be happy. Ayaw mo ba 'non? 'Yung hindi na ako mahihirapan? Ayaw mo ba na maging masaya ako dahil wala na akong mararamdamang sakit?" I smiled weakly.

He looked at me with his eyes full of tears, then he shook his head. "All I want is for you to be happy, for us to be happy." hirap niyang sagot.

Unti unti niyang pinaglapit ang mga mukha namin, "I love you, Sunset." hinalikan niya ako sa labi at pinagdikit ang noo namin "I love you, my Sunset. I really do."

I kissed his forehead,"I love you too, Lucas, more than anything." sagot ko dito bago siya niyakap ng mahigpit.

Bumalik ako sa pagsandal ng ulo ko sa balikaw niya. "I promise you, my Sunset. Kahit anong mangyari, you'll always be my love. I want you to know that whatever happens, you'll always have a special place in my heart, always." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko habang tuloy parin ang pag-iyak niya.

Ngumiti ako kahit alam ko na hindi niya ako kita, "Ikaw rin, you'll always be in my heart, Lucas. Mahal na mahal kita."

Nakaramdam ako ng pagod mula sa pag-iyak kaya pinikit ko muna ang mga mata ko.

Habang nakapikit ako ay nagbalik sakin ang alaala ng unang pagkikita namin pati narin yung mga araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako at ngisian. Naalala ko rin yung niligawan niya ako at noong sinagot ko siya. He was so happy, so was I.

Tapos yung mga panahon na lagi kaming nagdedate pati narin yung pinakilala niya ako sa pamilya niya.

Every moment with him was magical. Parang gusto ko na nga lang kalimutan ang mundo at maging masaya nalang kasama siya...na alam kong imposible. Hindi ko gustong ikulong siya sa relasyon na alam kong masasaktan lang siya, dahil maiiwan ko siya. If only I had met you sooner. But I know, my days with him were worth it.

It feels good to have him by my side, until my last breath.

--Lucas--

Hawak ko ang kamay ni Sunset nang maramdaman kong unti unting gumagaan ang pagkakahawak niya sakin.

"Sunny? Sunny? Sunset?" tawag ko dito.

Ilang segundo pa ay walang sumagot sakin.

She's gone. My Sunset is gone...forever.

Tuloy tuloy na tumulo ang luha ko at niyakap ko siya ng sobrang higpit. "I love you, my Sunset."

'Wag kang mag alala, Sunset. Lahat ng gusto mo at ipinangako ko sayo ay gagawin ko, pero hayaan mo munang humupa ang sakit ng pagkawala mo dahil hindi madali para sakin na pakawalan ka.

Hindi ganon kadaling kalimutan ang babaeng minamahal ko. Nasanay na ako na lagi kang kasama at nakakausap tapos sa isang iglap ay mawawala ka nalang bigla.

I wish I had met you sooner para maraming araw, buwan, o taon pa tayong nagkasama. Sa madaling panahon na nagsama tayo, I found myself loving you unconditionally.

Unti unti, Sunset. Unti unti akong babangon at muling bubuksan ang puso ko para magmahal ulit. Pero kapag hindi ko kinaya, please, tulungan mo akong kayanin. Mahal na mahal kita eh, mahal na mahal.

I just wish we had more time.

"...tapos ayon tita Sunny, nagalit si Mommy kay Daddy." nakangiting pinapakinggan ko lang si Sunny na humahagikhik habang nagkukuwento kay Sunset.

Sunny Castellan, ang anim na taong gulang kong anak.

8 years ago, while my heart is broken, I found a girl. Her name's Luna and she loves sunset like I do. She mended my broken heart.

Gaya ng gusto ni Sunny, nagmahal akong muli, at 'yon ay si Luna. At first gusto ko lang magsimulang magmahal ulit, until I realized that I'm loving her more than I love Sunny.

We dated, got married, and we now have our 6 year old daughter, Sunset Castellan and our 1 year old baby boy, Sky Castellan.

I am now happy with my family.

Every death anniversary ni Sunny ay dumadalaw kami. Naikwento ko na kay Luna ang nangyari saamin ni Sunny, na tinanggap at inintindi niya. Siya pa nga ang nagsasabi na tuwing birthday, pasko, new year, at death anniversary ni Sunny ay dadalaw kami sakanya.

She's very loving and understanding, Sunset. I promise to keep her with me forever. Pinapangako ko na tutuparin ko ang mga pangarap na binuo natin na siya ang kasama. I promise to treasure her and our children like how I treasure you.

I love you, Sunny, you were my first love but Luna is my true love. Pero alam mo naman na kahit anong mangyari, kahit sino pang babae ang makilala at maging parte ng buhay ko, you'll always have your spot in my heart, always.

Kaya gagawin ko na ang bagay na hindi ko parin magawa-gawa noon, kahit may pamilya na'ko. Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon, kaya sana maging masaya ka na rin kung nasaan ka man. Thank you for everything. I will forever treasure our moments together.

I'm letting you go now, my Sunset.

avataravatar