9 Chapter Six

Kasalukuyan kaming kumakain dito sa may floating restaurant na pinag-dalhan sa amin ni Enzo. Apat kami, kami ni Enzo then sina Dion at Joan. It's kinda awkward. Parang ang bigat ng atmosphere na nabubuo sa'min.

"I'll cook the best dishes here for us." Prisinta pa ni Enzo. Tumango nalang kami at nagpunta na siya sa counter ng restau.

Nabalot kaming tatlo ng katahimikan. I know Joan knew na wala ako sa mood kaya tahimik lang siya. She understands me, I know.

"Why are you with him?" Finally, Dion breaks the silence.

"I just-"

"Do you know how you made us worried?" He sounds mad. I bit my lip. "Joan called me, and she told me you're nowhere to be found."

"I just needed-"

"You made me fucking worried, too. I left my job just to come here and see you."

Natahimik ako. Sino ba naman kasing nagsabi na iwanan niya iyong trabaho niya 'di ba? Tch. Baka gusto lang niya makita si Joan, kunwari pang nag-alala sa'kin.

Ilang sandali pa'y bumalik na din si Enzo, may dalang grilled steak at pork teriyaki. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti sa'kin. I smiled back. Nakakahawa talaga 'yung ngiti niya.

"Can you send me our picture together on your camera?" He asked me. Palipat lipat naman ang tingin sa amin nina Joan at Dion.

"Yes, sure."

"Ang cute nating dalawa. Mukha tayong coup-"

"Can we eat now? Gutom na ako, eh." Singit naman ni Dion. Nakita kong siniko siya ni Joan and he just mouthed 'what' then shrugged.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na kaming kumain. Napangiti nalang ako sa kasweetan ni Enzo. Halos siya na pati naghimay ng pagkain ko.

Good thing Enzo's here. Hindi ako magiging thirdwheel sa kanilang dalawa. Isa pa, ang light naman kasi ng vibes ni Enzo. Parang hindi man lang siya nakakaramdam ng lungkot. Kanina pa siya nakangiti.

"Thank you for this Enzo." I smiled at him nang matapos kaming kumain. So far naging casual naman ang brunch namin. Kinakausap ni Joan si Enzo, and while me and Dion, wala tahimik lang kami.

"Don't thank me yet. You still owe me a dinner."

"Mama mo dinner." I heard Dion's words. I looked at him at nakita kong ang talim ng tingin niya kay Enzo habang kinukutsilyo yung buto nung steak.

I let out a heavy sigh. Ano na naman ba'ng problema niya? Bakit kanina pa mainit ang dugo niya kay Enzo? Wala namang ginagawa sa kaniya 'yung tao.

Pumunta lang ba siya dito para inisin ako? Tch.

--

"Babe, can we talk?"

Napalingon ako sa pintuan. Nandoon pala si Joan at deretsong nakatingin sa'kin. I nodded my head and closed the book that I'm reading.

Matapos naming kumain ay bumalik na ako sa kwarto. I decided to reak a book, may ilan naman akong dala. Para libangan. Si Enzo naman, nakatanggap ng tawag sa daddy niya. While, the love birds, namasyal sila.

Naramdaman kong umupo si Joan sa tabi ko dito sa kama. "Bakit hindi ka sumama sa'min?"

"Ah, pagod na ako mag-gala eh."

Bakit ako sasama? Mukha namang masaya kayo na wala ako.

"Alam mo, nami-miss na kita. Hindi ka naman gan'yan katahimik, eh." She said, pouting her lips. At some point, my heart melted. Ayoko naman na maging ganito, kaso bakit kinailangang dumating ako sa ganitong punto?

I chuckled a bit. "Lagi naman tayong magkasama."

"Oo, pero parang ang layo mo..." She sighed.

Kasalanan ko ba talaga? Ako ba 'yung lumayo? O sila lang 'yung bulag para hindi ako makita?

"Ano'ng meron sa inyo ni Enzo? Hindi ka nagsasabi sa'kin, ha?" She asked. Alam kong napapansin niya iyong closeness namin ni Enzo, at alam kong medyo may sama siya ng loob. Ngayon lang ako hindi nagsabi sa kaniya ng mga kaganapan ko sa buhay.

"Nothing. Bakit mo naman natanong?"

"I just wanna know. Si Dion kasi-"

"Girls, ano ba 'yan! 'Wag kayong magkulong diyan. Tara sa tabing-dagat, maglalaro ang finance team!" Sigaw pa ni Aileen. Tumango nalang kami ni Joan at lumabas na rin.

Dito kaming finance team sa may bonfire area. Kung saan kitang kita ang nalalapit na paglubog ng araw. Naka-form ng circle ang iba pa naming kasamahan. Nandito din si Dion. Halos kaclose niya na kasi ang mga kasama namin sa trabaho.

"Joan, Keila, umupo na kayo. Mags-start na 'yung game natin." Sabi pa ni Sir Clark. Umupo na kami ni Joan, nasa kaliwa ni Joan si Aileen habang nasa kanan niya ako at sa tabi ko naman ay si Dion.

"So, since it's our first whole day here in Zamby. Maglalaro tayo ng spin the bottle. Siguro naman familiar na kayong lahat sa mechanic nito 'di ba? Kung kanino man matapat ang nguso ng bote, he'll/she'll choose whether truth or dare. Of course, bawal ang kill-joy dito!" Si Sir Clark na ang nagsimula ng game. Pinaikot niya ang bote at tumapat ito kay Joy.

"Dare."

"Wow, ang aga. Hmm, sige kantahin mo 'yung happy birthday ng regae version." Si Joshua ang nag-dare sa kaniya, since si Joshua ang natapatan ng puwet nung bote.

Pero siyempre basic lang kay Joy 'yung dare. Siya lang sa buong finance team ang magaling kumanta, may banda din kasi siya.

"Sana all maganda boses." Komento pa ni Aileen na nasundan naman ng tawa naming lahat. Pangalawang ikot ng bote ay sa'kin naman tumapat. I chose truth. And since si Aileen ang natapatan ng dulo ng bote, siya ang magtatanong sa'kin.

"Walang KJ, Keila ha? So, dederetsahin na kita. Bakit ka nakipag-hiwalay kay Jaycee?" She confidently asked. Minsan na kasi silang nagkausap ni Jaycee. Ilang saglit na natahimik ang mga kasama namin. Of course, they know Jaycee. CCTV kasi sila once na mapuntang kompanya si Jaycee.

Nadinig ko pa ang bulong sa'kin ni Joan. "You didn't tell me na kumalas ka na pala doon." Sinenyasan ko nalang si Joan na kekwentuhan ko siya sa kwarto namin. I feel guilty, ang tagal ko na palang hindi nakakausap ng maayos ang kaibigan ko.

"Ano na, Keila?" Napunta ang atensyon nilang lahat sa'kin. They're waiting for my answer.

"I just needed time and space for myself." I smiled. Tumango nalang sila hanggang sa mag-start na ulit yung laro. Hindi naman na ako nakarinig ng iba mula sa kanila.

"Can I join?" Napatigil kami sa paglalaro nang biglang sumulpot si Enzo. He was wearing a plain gray shirt and cargo shorts.

Tumayo naman si Sir Clark at inakbayan ito. "Fin Team, let me introduce you to my cousin, Lorenzo Del Rio. He's the son of the owner of this resort." Ngumiti naman si Enzo, Lorenzo pala ang totoong pangalan niya.

Binati naman siya ng buong team. Maya maya pa'y umupo na sila ni Sir, magkatabi sila. At dahil Sir Clark's in front of me, naging magkatapat na din sina Enzo at Dion.

Halos hindi na maituloy ang paglalaro dahil na kay Enzo na napunta ang atensyon ng team, iniinterview nila ito. Ineentertain naman sila ni Enzo. He's really friendly.

"Enough, team. Mas gwapo naman ako kay Enzo, ah. I'm your boss." Nakasimangot na sabi pa ni Sir. Sinimulan niya nang paikutin muli ang bote. This time, kay Dion naman natapat ang bote.

"Truth or dare?" Enzo asked him.

"Tch. Truth." He replied coldly.

Enzo just smiled. "May nagugustuhan ka ba dito sa finance team?"

My heart beats rapidly in an instant. I don't know why. Napalingon sa'kin si Dion, ngumiti siya ng magtama ang mga mata namin. "Meron."

"Ayieee. Ang sweet naman." Komento pa ni Joan. I bit my lip and bow my head down. Oo nga pala, katabi ko lang si Joan. Bakit ba ako nag-aassume? Sinasaktan ko lang 'yung sarili ko.

"Since kakarating mo lang, 'insan. Ikaw naman ang maglalaro. At ako ang magtatanong sa'yo." Nakangiting sabi ni Sir Clark kay Enzo. Hindi na niya pinaikot 'yung bote. Agad na siyang nagtanong kung truth ba o dare.

"Dare." Enzo replied.

"Dahil madaming nag-ga-gandahang babae dito sa fin team, puntahan mo 'yung pinaka-attractive na babae para sa'yo at halikan mo sa pisngi."

Nanatili akong nakatingin kay Enzo, wala man lang bakas ng kaba sa mukha niya. Inayos niya muna yung cap niya at tumayo, pinagpagan niya yung puwitan niya. His eyes met mine, nagsimula siyang maglakad papunta sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit ako nag-a-assume ng ganito pero bakit hindi niya maalis ang tingin niya sa'kin?

"Oh my babe. Papunta siya sa'yo." Bulong sa'kin ni Joan at kinurot ang tagiliran ko.

Nagsimula na din umingay ang mga kasamahan namin nang makalapit sa'kin si Enzo. Umupo siya sa harap ko para magpantay kami.

"W-why.." I kept biting my lip. Kinakabahan ako. Bakit sa akin siya lumapit?

"Don't ask me why.." Mas dumoble ang kaba ko ng magsimulang lumapit ang mukha ni Enzo sa'kin. At bago pa niya tuluyang mailapat ang labi niya sa pisngi ko ay nasuntok na siya ni Dion. Nagulat ang lahat sa ginawa niya, maski ako ay nagulat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"I don't do sharing, fucker."

avataravatar
Next chapter