7 Chapter Four

Nandito ako ngayon sa town plaza at tumitingin tingin ng kung anong puwedeng bilhin. Ang dami kasing magagandang tinitinda dito. Since one week lang naman itong paandar ng plaza, might as well sulitin ko na.

It's 9:00 in the morning. Wala palang pasok sa kumpanya dahil rest day ngayon. Bukas na kasi start ng team building namin. Hindi ko naman nabasa sa group chat na rest day pala ngayon, nagpunta pa tuloy akong Allore. Hindi naman din ako nag-online kagabi. Nagkulong lang ako sa kwarto.

And now, instead of going home. Pinagkasya ko 'yung sarili ko dito sa town plaza. I wanna go to Joan's place or Dion's. But baka busy sila. So, hindi ko nalang iistorbohin. Hindi ko din alam kung papaano ko sila haharapin nang hindi ako nasasaktan.

I opened my messages and read Jaycee's texts. Ni isa doon wala akong nireplyan. He was worried.

I sighed as I composed a message to him. I needed to talk to him. Kailangan ko nang ayusin lahat. Bago pa man kami magkasakitan.

Minutes later, nag-text siyang nasa cafeteria daw siya. Hindi siya makahanap ng paparkingan sa town plaza, masiyado kasing madaming tao.

Nilibot ko yung paningin ko sa loob ng cafeteria until I meet his eyes. His smiles meet his eyes when he saw me.

He was wearing red polo and jeans. May mga bitbit din siyang gamit. Malamang nito ay ngayon pa lang siya papasok pero mas inuna niyang puntahan ako dito.

Somehow, I feel guilty. Nasasaktan ko na siya.

"Hey, goodmorning.." Bati ko sa kaniya. He stood up and kissed my cheek.

"Have you eaten?"

"Yes." I lied.

Wala pang laman yung tiyan ko simula kagabi.

Nang makaupo ako ay napatingin ako sa kaniya. He looks exhausted. He looks tired. But still, hindi niya 'ko pinapabayaan.

"I missed you."

"What are we?" I asked.

Natigilan siya sa tinanong ko.

"Why are you asking me that?"

I shrugged. "Ayaw mo na ba sa ganitong set-up?"

"Ayoko na."

He smiled. "Then, I'll court you-"

"No, what I mean is, ayoko na. I'm letting you go."

He tried to held my hand. "What? You're just joking, right?"

Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Magkakaroon na naman ng mahabang eksplanasyon sa pagitan namin. Sa aming dalawa, mas matanda siya pero mas matured pa ako mag-isip.

He's oftenly being childish.

"What's wrong?"

"Nothing," I replied. Hindi ko siya tinitingnan dahil alam kong nasasaktan ko siya.

"Is it because of Chris?"

I remained silent. Seconds later, he speaks again. "I see, so this is about-"

"No. Dion's nothing to do with this. It's about just the two of us. And I want to free myself. Free from being hurt, free from the pain."

Finally, I saw tears streaming down his face. He's such a cry baby. Feeling ko tuloy ang sama sama ko.

Mali ba ako? Na palayain yung puso ko sa sakit na nararamdaman ko? Mali ba na this time, sarili ko naman 'yung isalba ko?

"I can change."

"You can't."

He wrinkled his nose. "If you want to change, change for yourself. To be a better version of your self. Not because I wanted to."

"Keila, please. Don't choose him over me."

I immediately shook my head and looks away. "I'm not choosing him. Not even you."

"I'm choosing myself. I want to love myself. To take care of myself."

Pagod na 'kong idepende sa ibang tao 'yung sarili ko. Pagod na 'kong magbuhos ng pagmamahal sa iba habang napapabayaan ko 'yung sarili ko.

"Are you really sure about this?" He asked and I nodded my head as a 'yes'.

"I lost myself the moment I have loved you so much." I said before leaving the place.

--

Kinabukasan nung pag-uusap namin ni Jaycee ay maaga akong nagpuntang mall para mamili ng mga kakailanganin ko sa nalalapit na team building.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap nila Joan and Dion. I tried to talk to them, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Masiyado pang masakit. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa kanila.

About Jaycee naman, naging maayos 'yung pag-uusap namin kahapon. Hindi ako nakarinig ng any violent reaction from him. Siguro siya na din yung nahirapan para sa set-up namin. After nung paghingi ko ng closure, he unfriended me on facebook, also on ig and twitter, he unfollowed me. And I think, that was part of him getting over me.

Nang matapos akong bumili ng mga kailangan ko para bukas ay dumeretso na ako sa hypermarket para sa mga pagkain naman na babaunin ko. I also bought chocolates, that would be helpful to ease my sadness.

Time check. It's already 5:00 pm. Kararating ko lang sa Allore. 7:00 pm kasi ang alis namin papuntang Zambales. Doon kami magbabakasyon. Hindi naman pala talaga siya team building, na madaming gagawin. Libreng pabakasyon lang ni Sir Clark dahil birthday nito sa makalawa.

Kumunot ang noo ko upon seeing Dion's car. Ano'ng ginagawa niya dito?

I shook my head. Nagsimula na 'kong maglakad papunta sa opisina. Nang makarating ako doon ay nagtatawanan sila. Kumpleto ang buong Financial Team, nandoon din si Dion.. sa tabi ni Joan.

"Nand'yan ka na pala. Kinukwento ko sa kanila kung gaano ka katahimik kahapon sa lunch natin." Sabi pa ni Clark at nasundan naman ng tilian ng mga co-workmates ko.

"Ikaw ha? Nawala lang ako, may lunch date nang nangyayari." Tukso pa ni Joan. I awkwardly smiled at her.

Napatingin ako kay Dion at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Sir.

"Kumakain ka pa ba?" Tanong pa ni Sir nang umupo ako sa tabi ni Aileen.

"Sana all tinatanong." Saad pa ni Aileen. Natawa nalang kami sa sinabi niya. Malakas talaga bunganga nito kahit nandito pa si Sir.

Sir just chuckled. "Next time, maglalunch tayong lahat."

"Bakit po si Keila inaya niyo na kayong dalawa lang?"

"Sir ha? Baka may gusto ka na kay Keila niyan."

"Single naman kayo pareho, Sir."

Natahimik kaming lahat nang magsalita si Dion. "I better get going." Sabi pa nito at nagpaalam na. Yumakap pa ito kay Joan bago umalis sa pwesto nila.

Niyuko ko nalang ang ulo ko at nagpanggap na busy sa phone. Hanggang sa makadaan siya sa harap ko ay hindi man lang niya ako nagawang batiin.

Si Joan na lang ba talaga ang mahalaga sa kaniya? Bakit parang ang sakit?

Para lang akong hangin. Ni hindi niya ako nagawang pansinin. Ni hindi niya ako nagawang tapunan ng tingin.

Why does it feels like my best friend totally forget me? Why does it have to be this painful?

avataravatar
Next chapter