11 Chapter Eight

It's Sunday morning. I checked my phone. It's already 10:00 am. Hindi na ako nakapag-simba. Tuwing Sunday pa naman naging routine ko na iyon. Pero ngayon tinanghali ako ng gising.

Kakauwi lang kasi namin kagabi from Zambales. Syempre sa tagal ng ibinyahe namin, pagod ang bagsak namin. Kaya ni hindi na ako halos nakapag-palit ng damit.

Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko. I cooked ham and bacon for my breakfast. Kinontian ko nalang dahil ako lang naman mag-isa dito. Wala iyong mga magulang ko dito. Oh, well... Speaking of my parents, siguro dadalawin ko nalang sila sa Manila para kahit papaano magkasama sama naman kami. Day off ko naman, and I know day off rin ni Mama. Si Papa, well, I'm not sure. Sobrang busy naman kasi ng trabaho niya.

Matapos kong kumain ay umakyat na ako ulit sa kwarto at naligo. I took a quick shower, dahil bawal maligo ng matagal lalo na't pagod sa biyahe. Halos madaling araw na din ako nakauwi dito.

Mas pinili ko nalang mag ripped jeans and crop top blouse tapos pinartneran ko ng wedge rubber shoes.

Palabas na ako ng bahay nang may makita na naman akong notes na nakadikit sa may gate namin. Nilagpasan ko na lang iyon at pumara na ng tricycle papuntang sakayan ng bus.

Alam kong kay Dion nanggaling 'yun. Ganoon naman lagi ang ugali niya kapag magkakaroon kami ng small fights, magdidikit siya ng notes sa bahay namin. Noon, I find it sweet. Pero hindi ko na alam ngayon. Hindi pa ako nakakaahon sa sakit.

Hanggang ngayon naaalala ko pa rin 'yung nadinig kong pag-uusap nila ni Joan sa bar. Kung paanong nag-desisyon silang saktan ako.

Ipinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim. I shouldn't be thinking about them. May kaniya-kaniya kaming buhay. I shouldn't be minding their business. I have mine, so might as well I'd live with it.

--

Halos tatlong oras din ang itinagal ng biyahe ko para makapunta dito sa Manila. Sa QC na ako nagpababa, since nandito naman ang tinitirhan nila Mama kasama nila Tita. Katapat lang din halos nito iyong restaurant nila.

I smiled. Natupad na 'yung pangarap ni Mama. Ang magkaroon ng sariling restaurant at makilala ito sa buong Pilipinas. Sa katunayan kasi, ang El Francia na restaurant ay kabilang na sa isa sa mga matagumpay na restaurant sa buong Pilipinas. May mga other branches na din ito na nasa Manila lang din. Pero nandito sa Main Restau si Mama.

Sa kanila kasing magkakapatid, si Mama lang ang may kakayahan na magluto ng masasarap at talagang pang-malakasan talaga.

"Keila, ikaw ba 'yan?!" Nagulantang ako sa sigaw ni Auntie Levie. Pangatlo sa magkakapatid kila Mama.

Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya. "Ay, kagandang bata." Sabi pa nito. Napangiti nalang ako at nagpaalam na na pupuntahan ko si Mama.

Bitbit ang isang box ng doughnut with iced coffee ay mabilis kong sinugod ng yakap si Mama. Napapitlag naman ito sa gulat.

"Ay, kabayo ka!"

"Mama!" Muli ko siyang niyakap at tinadtad ng halik ang pisngi niya. Tanging yakap lang na mahigpit ang iginawad niya sa akin.

"Sino'ng kasama mo? Bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka? Kamusta ka na?" Natawa nalang ako sa sunod sunod na tanong ni Mama.

I stared at her for a while. She's blooming as ever. I know masaya siya sa trabaho niya. Sa edad niyang 53 ay hindi naman halata sa mukha niya na near to senior citizen na siya.

"Surprise nga, eh." I smiled at her.

Inaya niya ako sa sala at naglabas din siya ng pagkain. Nagluto siya ng chicken barbecue kaya naman halos mabundat na ako sa pagkain. Iniiwasan ko na ngang kumain ng madami eh.

"Kamusta ka, anak?"

"Okay naman po." I tried to ignore her eyes. Alam kong ramdam ni Mama 'yung aura ko na iba. Hindi talaga ako makakapagtago ng sikreto sa kaniya.

"Mukha ka nang ewan. Pinababayaan mo ba 'yung sarili mo?"

"Ma, hindi. Stress lang sa trabaho."

"Si Dion pala kamusta na kayo?" Natigil ako sa pag-inom ng juice sa tanong ni Mama. She really likes Dion for me. High school palang kami ni Dion shiniship na kami ni Mama.

I smiled a bit. "May dala pala akong milktea, Ma. May bagong bukas doon eh, siyempre dinalhan ki-"

"Anak, hindi ka okay.." Her voice becomes soft. She sounded worried.

"Okay kami Ma." Ngumiti nalang ako sa kaniya. Ayokong pag-usapan sa ngayon si Dion. Time namin 'to ni Mama. "Gala tayo, Ma?"

Akma na akong tatayo nang hilahin niya ako ulit sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kaniya. She caressed my face. "Sa'kin ka pa ba magtatago? 'Di ba nga, Mother knows best? Kaya kahit hindi mo sabihin sa akin, nararamdaman kong hindi ka okay."

I sighed. Okay, hindi talaga ako makakapag-sikreto kay Mama. She really knows me.

"Ma, okay lang naman iyon... Isa pa, masaya sila ni Joan."

Nakita kong nagpigil ng tawa si Mama. O-kay? Ano'ng nakakatawa doon?

Maya maya pa'y sumeryoso ulit ang mukha niya. "Sorry, nakakatawa naman kasi talaga."

"Ma naman..."

"Have you tried talking to them about d'yan sa issue na 'yan?" I shook my head. Bakit ko pa kakausapin? Pinapamukha naman na nilang okay sila, na masaya sila.

Mama tapped my shoulder. "It's like you're arresting someone who you thought is a criminal."

"Pero, Ma.. Alam mo naman na lagi kaming magkakasama hindi ba? Lagi din nilang pinapakitang masaya sila sa isa't isa."

"I don't think Joan can do that..."

I just shrugged. Kahit naman ako, hindi ko din na-imagine. Na sa lahat ng lalaki sa mundo, kay Dion pa talaga.

"Hayaan na natin, Ma. Maging masaya nalang tayo sa kanila." I smiled. I tried. For now, that's the least thing I could offer.

I saw pain drifted in her eyes.

"Nasasaktan ka.."

I chuckled. "I would never lie, Ma."

Kasi aaminin ko, oo nasasaktan ako. Ang sakit sakit, na 'yung taong gusto ko ay may gusto sa bestfriend ko. Kung kailan handa na ako.

Fuck, ito na ba 'yung karma ko sa pag-iwan kay Jaycee?

If only I knew this would hurt, a big time.

Kung pwede ko lang turuan yung puso ko na huwag siyang mahalin, gagawin ko. Kung pwede ko lang ibaling 'to sa iba. Kaso hindi, and I don't know I can be able to do that.

Dion had already captivated my mind. It's as if all I could ever think of is him.

"Keila, baby. You'll be okay..."

I just nodded my head as a sign of respond. I know I'll be okay. Not now, but soon. It takes time. And I don't wanna rush things. Hindi naman na siguro maganda kung siya pa rin ang iisipin ko after what have happened.

"Baka mas mabuting maging mag-kaibigan nalang talaga kayo, anak? Baka hindi naman kasi talaga kayo para sa isa't isa."

And by that, reality hits me very hard. Baka nga. Baka ako lang 'tong umaasa na pwedeng mangyari 'yung gusto ko.

Maaaring oo, pinagtagpo kami parehas ng tadhana. Pero hindi magtagpo 'yung puso namin.

avataravatar
Next chapter