Ano ba ang totoo? Ano ba ang hindi imahinasyon? Bakit magulo ang mundo? Bakit malabo ang mundo? Bkit hindi patas ang mundo? Kailan magiging patas ang mundo? Tunghayan ang buhay ni Annie at ni John, saan sila dadalhin ng kanilang pagpapangap
Annie POV
Sabi nila masama ang magsinungaling , sabi din nila masama ang magpangap, paano naman kung magsisinungaling ka dahil kailangan mo ito dahil may tinatakasan ka, may naghahabol sayo at nanganganib ang buhay mo.
Tama pa ba ito o mali na para sa iba,
Simula ng takasan ni Annie ang buhay na kinagisan niya napunta siya Manila at nagtrabaho bilang isa sa mga katulong ng mga dela munoz, naging mapalad naman sa kanya ang tadhana, dahil nakilala niya ang kanyang naging kaibigan si Millary, mabait si Millary, alam ko kahit hindi man sabihin ni Millary may gusto ito sa boss namin na sir jann michael, iba ang kinang ng kanyang mata kapag binabangit niya ang pangalan ni sir jann michael, may kislapa ta ningning.
Dito ko din nakilala ang isa sa nagpagulo ng aking daigdig si john , driber siya dito sa mansyon ng mga dela munoz, napasungit nito pagdating sa akin pero kay Millary, napakabait nito, alam ko may gusto ito kay millary, kahit nga ilang beses na sinabi ni millary na wala itong gusto dito, mapilit din ang isang ito, ayun naman niyaya niya naman niyang lumabas sa linggo si millary, as usual tumangi naman ito.
Ayaw na ayaw ko si john kasi iba ang nararamdaman ko sa kanya, para may maitim na bagay na nakabalot sa kanyang pagkatao, prang kung titignan mo ito parang may mababasa ka na kakaiba, na parang marami itong mga lihim na nakatago sa buong pagkatao niya. Sino ba itong talaga?
Si Millary nararamdaman ko din may itinatago itong lihim , di bale malalaman ko din ito pagdating ng araw, kahit ano man ang lihim ng kaibigan ko na yun , mananatili pa rin siyang kaibigan ko kahit anong mangyari.
Bakit ba ako nandito sa mansyon ng mga dela munoz, simpli lang nagtatago kasi ako sa aking tito, balak niya kasi akong patayin, para makuwa ang yaman ng pamilya ko, noong namatay ang aking mga magulang, nais nito kuhanin ang mana ko, narinig ko ito ng isang araw ng napadaan ako sa library na balak niya akong ipapatay, katulad ng ginawa niya sa mga magulang ko pinapatay niya ang mga ito, pinalabas niya aksidente ang pagkamatay ng mga ito, nahulog ang kanilang sinasakyan sa isang bangin.
Hanngang ngayon, Hindi ko pa rin matanngap na namatay na sila ng sabay, at lalong hindi ko matanngap na tito ko ang papatay sa kanila, ang kapatid ng aking ina.
Bali isang taon na kong katulong sa mansyon ng mga dela munoz, kaunting panahaon nalang kaya ko ng harapin ang dmeonyo kong tito.