3 FIRST MEET

ROSSETTI'S POV

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana. Bumangon ako at nag-inat inat muna, exercise to teh.

"Good morning, sunshine," usal ko habang nakapikit.

Enrollment ko na pala ngayon. Tumayo na ako upang ayusin ang higaan ko saka na lang ako magtu-toothbrush. Maaga pa naman siguro. Lumingon ako sa orasan sa 'king harapan ng bumilog ang aking mga mata.

"Oh my..."

Kumaripas ako ng takbo papunta sa banyo. Gosh 8 o'clock na pala! Ba't walang gumising sa'kin. Urgh, bawal ako ma-late. Binilisan ko na ang pagligo ko, hindi na rin ako naghilod kasi pampahaba lang ng oras, hmpft.

"Teka, ano susuotin ko? Urgh! Bakit ngayon pa!" Kinalkal ko ang mga damit kong maayos na nakalagay sa kabinet. Sa ganitong sitwasyon, wala na akong pakialam basta 'di dapat ako ma-late.

Ah! Iyong binili ko na lang kahapon. Hinanap ko agad ang plastic bag kung saan nandoon lahat ng pinamili ko. Nang makita ko ay agad ko ng sinuot. Nagsapatos na rin ako at nagayos.

"Sa kotse na lang ako magme-make-up." Kinuha ko ang mga make-up ko at inilagay sa bag.

Kinuha ko na rin ang inihandang papers ni Miss Lei na nasa mesa—katabi ng kama ko.

Tumingin ako pansamantala sa salamin. Ayos na 'to. Ni-lock ko na ang pintuan ng kuwarto ko, mahirap na baka may makita silang kung anong libro. Hoy, iba 'yang nasa isip mo.

"Manong Dan!" sigaw ko habang bumababa sa hagdang walang katapusan.

"Oh, Rossetti. Kumain ka muna." Alok sa akin ni Lady Cuevas na 'di ko puwedeng tanggihan.

"U-Uhm, sige po pero mabilisan na lang," sabi ko.

Nagtungo agad ako sa hapag kainan nang may mukhang bago lang sa aking paningin. Umupo ako sa harapan ni Lady Cuevas dahil yun na lang ang natitirang upuan.

"Alam kong naninibago ka sa tatlong lalaking ito. Wala sila kahapon kaya 'di ko na nagawang ipakilala sayo," aniya Lady Cuevas.

"Gentlemen, introduce yourselves," dagdag niya.

"I'm Thyristor Cuevas, I'm the eldest of them all. You can call me Rist." Napayuko ako ng konti dahil sa mga mata niyang parang papatayin na ako.

"I'm Thyronne Cuevas, the second and the cutest. You can call me Ron." Napangiti ako ng bahagya sa inasal niyang pagpapa-cute.

"I'm Thyroyde Cuevas, the most handsome of them." Tumingin siya sa dalawa ng may panliliit. "You can call me Roy."

Yumuko ako ng bahagya at tumingin sa relo ko. Gosh, 8: 42 na, male-late na ako. 'Di pa ako kumain. Puwede naman na mamayang gabi na lang 'to eh. May hinahabol akong mas importante.

"Gentlemen, she's Selene Rossetti Cuevas. The daughter of William Ron Cuevas." Lumingon siya sa 'kin saka ngumiti. "Rossetti, they are the sons of Thomas Cuevas." Kaya pala puro T lahat ng names, mana sa tatay HAHAHA.

"Lady Cuevas, I'm late for my enrollment and if it's okay to you. May I go now?" sabi ko. Duh, kunwari magaling sa English.

Wrong move ata ako. Tiningnan niya ako ng matagal, para bang kinikilatis ako kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Eh siya naman nagsabing agahan ko ang pagpunta.

"You may go." Success!

"Mauna na po ako." Pamamaalam ko at umalis.

Nilisan ko na ang hapag kainan at lumabas para hanapin si Manong Dan. Ngunit sa 'di kalayuan ay nakita ko siya sa labas ng gate at naghihintay.

"Sorry po, late ako gumising," saad ko at agad pumasok.

"Okay lang yun Ma'am," saad niya. Pinaandar na niya ang kotse saka kami umalis.

"Hintayin niyo 'ko!" Isang sigaw ang narinig namin dahilan para tumigil muna si Manong Dan.

Sumulyap ako sa bintana ng makita ko si tukmol na naka-formal suit. Teka, huwag mong sabihin sasabay siya sa'min? Gosh, awkward. Please, please, sa harap ka umupo please lang.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang umupo siya sa 'king kanan. Sana mabilis lang 'tong biyahe. Malas ko ngayon.

"Manong Dan, sa Branden University tayo," saad niya na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Lagot na.

"Sige po," sabi ni Manong Dan. Pinaandar na niya ang kotse at lumabas na kami sa Village.

Hmpft, 'di natuloy ang pagme-make-up ko. Buti na lang dala ko ang earphones ko. Isa lang ang inilagay ko saka nagpatugtog. Walang nagtangkang nagsalita, nanatiling tahimik ang biyahe hanggang sa makarating na kami.

"Nandito na po tayo," aniya Manong Dan. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng may humawak sa braso ko.

"Stay here." Namilog ang mga mata ko ng marinig ang kanyang boses. Dahan dahan 'kong binaling ang tingin sa harapan, napalunok ako ng nakatingin pa rin siya sa'kin.

Binuksan ng mga security guards ang gate at saka pinasok ang kotse. Kaya pala, ngayon naiintindihan ko na, sorry naman, ignorante lang. Nagpark na si Manong Dan at saka kami bumaba. Tinalikuran ko sila at nagkunwaring may tinitingnan sa cellphone.

"Okay Rossetti, hanapin na natin kung saan ginaganap ang enrollment dahil ayaw ko sumama sa lalaking 'yon. Wait ano ulit pangalan non?"

"Thyronne."

"Ay, anak ng—" Napatakip ako sa bibig ng marinig ko ulit ang kanyang boses. Malay ko bang nasa likod ko siya?!

"A-Ano narinig m-mo?" Ay tanga! Ba't ko sinabi 'yon!

"Cute si Thyronne HAHAHA." Para siyang batang humahagalpak sa tawa, siraulo rin to eh. Grrr! Gusto ko siyang batukan!

"Namumula ka," saad niya at lalong uminit ang mga pisngi ko. Aish! Tinalikuran ko siya at lumakad papalayo sa kanya.

"Uhm, Rossetti?" Tumigil muna ako at nilingon ko siya. "Doon ang daan papunta sa magpapaenroll. Hindi diyan, papuntang CR 'yan." Aba, kabisado. Itinuro niya ang pathway sa gate.

Hindi ko na siya pinansin at itunuloy ang paglalakad. Dumiretso ako kung saan yung sinabi niya. Pumunta ako sa pathway at pumasok sa building. Pinagbuksan ako ng guard at pinasok ang malawak na building.

'Pag pumunta ka sa gitna, tapos titingin ka sa taas makikita mo hanggang sa 5th floor. Alam niyo yon, square siya tapos sa gitna hanggang taas walang palapag. Parang napapalibutan lang. Tapos may chandelier sa taas, bongga. Gets?

Nakita ko agad ang mga nagkukumpulang estudyante sa gilid. Baka enrollment 'yon. Nagtungo agad ako at saka nakipila.

"Nandito ka na pala." Urgh! Talagang inaasar ako nito. Hinarap ko siya at saka tinaasan ng kilay.

"Anong kailangan mo?" tanong ko rito.

"Bakit? Masama bang kausapin ka?" sagot niya at nag-pout. May saltik ata 'to.

"Oo sobra." Inirapan ko siya't tinalikuran.

I stepped forward hanggang sa ako na ang susunod.

"Kindly fill-up this form Miss," sabi ng babae.

Umupo ako at nag-fill-up ng form. Natapos ko agad dahil madali lang naman. Easy.

Liliko na sana ako ng may mabangga akong isang lalaki. Girl, ang malas ko ngayon.

"Bulag ka ba? Ha?" tanong ko ngunit nakayuko lamang siya. Nakahood siya ng black. T-Teka, siya 'yon!

"I remember you, ikaw yung nasa mall diba?" Nag-crossed arms ako habang nasa harapan ko pa rin siya. "Huh." Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga.

"What a small world," bulong ko at pinatid siya. Duh, he deserved it.

Sinumpa ata ako ngayong araw. Lumabas na ako sa building at nagtungo sa parking lot. 'Di na kaya ng pasensya ko.

All rights reserved.

Sandy @ItsCommanderA

avataravatar