webnovel

Strings Of Fate

Author: Mnemo_Seen
Fantasy
Ongoing · 7.1K Views
  • 1 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

A masterpiece about time, the chain of fate, and the hearts of two young souls. Separate Lives, The day the heavy rain fell, two lives changed forever. "And I'd choose you; in a hundred lifetimes, in a hundred worlds, in any version of reality, I'd find you and I'd choose you." starts: 121518 ԹՏ: This is written in Filipino.

Chapter 1PILOT

"Summer!" Nakuha ng isang malakas na sigaw ang atensyon ko. Napaharap ako at nakita ko ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa akin.

Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na ang lalaki. Tumingin ito sa akin na parang may gustong sabihin.

inabangan ko ang sasabihin nito...

"Ang pangalan ko ay Wi—"

"Sunny Moira Merliah!!"

Aissh! Napabangon ako bigla ng marinig ang malakas na sigaw ni Lola.

At talagang tinawag pa ako nito sa buong pangalan ko ah. Hays.

Nagmulat ako ng mata. Agad akong napatakip ng mga kamay sa aking mukha. si Lola, ayun at binuksan ang mga bintana sa aking kwarto dahilan para masilaw ako sa sikat ng araw. Ang madilim na apat na sulok ng aking kwarto ay muling nasilayan ang kaliwanagan.

"Jusko kang bata ka!" Napahilamos na lang ni Lola ang kamay niya sa kanyang mukha.

"Tulog mantika ka! Kanina pa kita ginigising, akyat-panaog na ko dito sa kwarto mo! Napuyat ka na naman siguro sa kababasa ng libro, ano?!" Ngayon naman ay nakapamewang na siya. "Hala, sige bangon! Kay tanghali na!"

"Opo, opo. Mauna na ho kayo sa baba." Medyo naiirita kong sagot.

Kunot-noong tumingin sa akin si lola at saka naglakad palabas. Nagulo ko na lang ang buhok ko. Ang ganda kasi ng bungad ng umaga sa akin. Hays.

At nga pala... natampal ko ang noo ko.

Buti naaalala ko pa. Sabi kasi sa nabasa kong trivia, ilang minuto lang ang itinatagal ng panaginip sa memory ng tao matapos nitong magising. 'Yong panaginip ko...

Arrgh! Si lola kasi e, kung kailan sasabihin na niya ang pangalan niya saka pa ko ginising.

Nagmuni-muni ako at sinubukang alalahanin ang aking panaginip.

"Wi." Sambit ko. Tama,

Wi lang ang nasabi no'ng lalaki sa panaginip ko dahil naputol na ito nang gisingin na ako ni lola.

"Wi?" Napataas ang kilay ko.

ang weird naman ng pangalan niya kung gano'n? Pero infairness, ang gwapo no'ng lalaki sa panaginip ko ah. Blurd 'yong mukha, err... Pero naiimagine ko ang posibleng itsura niya, sa boses pa lang ay mukhang gwapo na.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Napahiga na lang ako saka isinubsob sa unan ang mukha ko.

Nahagip ng mga mata ko ang librong nakatulugan ko kagabi na nakapatong sa night stand. Nasa climax na pa man din ako... hindi kaya ang napanaginipan ko ay si Wi—

"Ate!"

Napatingin ako sa may pintoan. Hays, dumating na ang asungot.

"Mukha kang kamatis!" E-Eh? Walanjo! Napansin niya ata ang namumula kong mukha.

"K-Kamatis ka d'yan!? Bakit ka ba nandito?" Binato ko siya ng unan upang tabuyin siya.

"Bumaba ka na daw sabi ni lola! mamamalengke daw tayo." sabi nito habang may lollipop sa bibig.

"Ang aga-aga pa e." Bulong ko.

"Anong maaga ka d'yan?! Dalian mo, Bumangon ka na!" Binato nito sa 'kin pabalik ang unan na binato ko sa kanya at saka sinarado ang pinto ng padabog. Aba, ang lakas ng panrinig niya ah.

Tumayo ako at humarap sa full lenght mirror. Hinawakan ko ang salamin. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayong araw. "Weird."

Binalewala ko ang nararamdaman ko at tumuloy sa banyo. I did my morning rituals at pagkatapos makapag-ayos bumaba ako para kumain.

"Summer, Rain." Humarap sa 'kin si lola na nagpupunas ng kanyang kamay. Marahil ay katatapos pa lang niya maghugas ng pinagkainan ng mga costumer sa karinderya.

"Ayon po sa ating weather forecast ay posibleng bumuhos ang malakas na ulan ngayong araw, kaya pinapayuhang magdala ng payong ang ating mga kababayan at kung maiiwasan ay mas mabuting manatili na lamang sa loob ng bahay." Balita ng weather forecaster.

Uulan daw ngayon? Pft, imposible. Baka mamaya fake news na naman 'yan. mataas ang araw at maaliwalas ang kalangitan oh.

Ipagdadasal ko na lang na hindi mag-video-oke ang kapitbahay para hindi umulan.

"Heto, bumili kayo ng mga ingredients sa palengke," inabot ni lola ang bayong kasama na rin ang listahan ng mga bibilhin at ang pera.

"'Lika na ate!" Sigaw ni Rain. excited ang bulinggit ah. Inunahan pa ko sa labas.

"Sandali lang!" Kinuha ko ang bike ko at pina-angkas si Rain sa harap. Sinuotan ko siya ng helmet.

Oo, tama. Ako si Sunny Moira Merliah Quizon, Summer for short. 18 years old.

Ang bulinggit na kasama ko naman ay ang nag-iisa kong kapatid.

Si Lorraine Quizon, Rain for short. 11 years old. Kung anong hinaba ng pangalan ko, siya namang kinaikli ng kanya, ano?

pareha kaming nasa puder ni Lola Lilya. Siya na ang nagpalaki sa aming dalawa mula noong namatay si mama five years ago. Si papa? Hindi ko rin alam. At wala akong balak itanong kay lola kung nasa'n siya. Simula nang mawala si mama ay nawala na rin siya ng parang bula.

"Pidal pa, waaah hihi!" Napatingin ako sa kapatid ko. Aba, abot tenga ang ngiti. Parang ngayon lang nakasakay ng bike.

"As you wish." Binilisan ko ng kaunti ang pag pipidal at napakapit naman si Rain ng mahigpit sa manibela.

Damang-dama ko ang hangin na dumadampi sa balat ko. Ang buhok ko ay nililipad din ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

Malapit na kami sa palengke kaya binagalan ko na lang ang pag-pipidal.

Walang pasok at marami-raming tao ngayon dito dahil malapit na ang piyesta ng Sitio Malinao. Ilang oras na lang at piyesta na. mamayang gabi gaganapin ang week-long fiesta kaya talagang abala na ang mga tao at dumagsa na rin ang mga turista mula sa Maynila at sa ibang bansa. May mga taong nagkakabit ng banderitas sa magkabilaang dulo ng mga poste at dagsaan din ang mga nagtitinda ng mga kakanin at iba pang produkto. Nakakatakam!

Habang binabaybay namin ang daan, may nakita ako. Isang pamilyar na mukha.

S-Siya ba 'yon?

'Di ako sigurado pero bigla akong kinabahan.

Napapreno ako bigla ng malakas dahilan para tumilapon si Rain sa may gilid at bumagsak naman ang bike sa tabi ko. Napansin kami ng iilang tao at inalalayan akong tumayo pati na rin si Rain.

"Ate, ano ka ba? Gusto mo ba'ng madisgrasya tayo!?" Sigaw ng kapatid ko na daig pa ang kapitbahay niyong masungit.

"Ate!" Agad naman akong napabalik sa wisyo ng makita kong nakatayo na siya sa harapan ko at pinitik pa ako sa noo. "A-Ano??"

"O-Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasugatan?" Tsinek ko pa ang mga binti at braso niya kung may sugat.

Hays, patay ako nito kay lola kapag nabalian 'to. Mabuti na lang at pinagsuot ko siya ng helmet.

"Ate!" muli na naman ako nitong pinitik sa noo. Ano ba'ng problema niya? Kanina pa siya 'ate ng ate'.

"Ateee, ayos lang ako! Ikaw yata ang may problema e, naalog ba ang utak mo? Bakit ka biglang pumreno? Ineenjoy ko pa 'yong hangin e!" Nakapamewang pa ito habang nagsasalita. Tsk tsk. Kahit kailan talaga maldita 'tong babaeng 'to e.

At ano daw? Mas inalala niya pa 'yong hangin kesa sa sarili niya. Siya kaya 'tong tumalsik. Hays.

Bakit nga ba bigla akong huminto?

"W-Wala." sagot ko at saka itinayo ang bisikleta. Hinanap ko sa paligid ang taong nakita ko pero wala na siya. Hindi kaya namamalik-mata lang ako?

"Sinong hinahanap mo, ha?" Sumulpot naman si Rain sa harap ko na sinusundan din ng tingin ang mga tinitingnan ko.

"Crush mo 'no? Yieee~" tukso nito.

Tsk. Ako may crush? No way.

"Tch. hindi ah. Tara na nga."

Sumakay na ako sa bike pero itong si Rain ay nakatayo pa rin.

"Oh, bakit ayaw mo pa sumakay?"

"Malas 'yang bike mo, baka kung ano pa'ng mangyari kapag sumakay ako ulit d'yan, kaya para safe maglalakad na lang ako." Sabi nito na naka-krus pa ang dalawang braso.

Malas? Aba, grabe 'tong batang 'to ah! Tsk, bahala siya d'yan.

hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaking nakita ko. ilang taon na ang nakalipas, 'di ko man nakita ng malinaw pero ang laki na ng pinagbago niya. ang taong nakita ko ay walang iba kun'di si papa.

Hindi ko na binanggit pa kay Rain, dahil siguradong kukulitin ako no'n na hanapin namin siya. wala akong panahon para doon. Isa pa, ayos na kami kahit wala siya.

"Sitaw, talong, bawang, sibuyas at kalahating kalabasa." Basa ni Rain sa listahan ng mga bibilhin.

"Ate, bahay kubo ba ang pinabibili ni lola?"

Halatang-halata ang pagtataka sa mukha niya, ibig-sabihin ay seryoso siya sa tanong niya. Pfft, 'di ko alam kung tatawa ako.

Kinuha ko sa kanya ang listahan at naglakad na kami. Bumaba na rin ako sa bike at tinulak na lang ito.

Nadaanan namin ang mga entertainment stalls. May mga nagma-magic, may mga raffles din at may mga laro din na katulad sa perya. Pero may isang nakakuha ng pansin ni Rain.

"Iha, gusto mo ba'ng magpahula o magpabasa ng palad?" Rinig kong sabi ng manghuhula kay Rain.

"Hindi po ako, ang ate ko po." Humarap sa 'kin ang aking kapatid ng may mala-demonyong ngiti sa labi nito. Tsk tsk tsk, mukhang may kalokohan na naman 'tong pinaplano.

"Lumapit ka, iha." Nginitian ako ng babae na nakapwesto sa likod ng stall. Naka-violet itong bistida at pulang shoal na nakabalot sa mga braso nito. May katandaan na rin siya. Kulot ang mahaba nitong namumuting buhok at maraming bracelet itong suot.

May nakasulat na "Fate teller" sa signage ng stall nito. Teka nga, 'diba fortune teller dapat 'yon?

Hindi sana ako lalapit pero agad naman akong itinulak ni Rain. 'di bale na, okay lang. Na-curious din ako e.

Nag-bayad muna ako ng limang piso bago magpahula.

"Ano ang gusto mong ipahula?" Tanong ng babae habang magkabigkis ang dalawang kamay.

"Ah... Eh—Ih, Oh, Uh!" biglang singit ni Rain. "Ate, dalian mo na! Ipahula mo kung kailan natin makikita si papa."

Sabi nito habang hinihila ang damit ko sa may likuran. napabuntong hininga na lang ako, hanggang ngayon si papa pa rin talaga ang iniisip niya.

"Kahit ano na lang ho, kayo ang bahala." sandali akong napaisip.

"Hmm... paano ho kaya kung 'yung future ko?" Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.

Nakakatakot na malaman ang hinaharap.

Tiningnan ko si Rain at magkasalubong ang kilay nito habang nakahalukipkip at nakasimangot pa. Tsk. Mukha siyang nagtatampong pato sa itsura niya.

Malamang ay hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sa manghuhula, dahil hindi ko sinunod ang gusto niya.

Nilahad ko ang palad ko at ti-nrace no'ng manghuhula ang mga guhit sa palad ko gamit ang kanyang daliri.

pagkatapos ay tiningnan ako nito ng mata sa mata. Err...creepy.

"Ikaw at siya ay magiging isa.

Sa pag-iyak ni tungkong langit sa gabing ito, ikaw at siya ay magiging isa." hinawakan ako nito sa magkabilang kamay at tiningnan ako ng maigi sa mga mata.

"Iha, ito ang tandaan mo. Makalalaya ka lamang sa sumpa sa pamamagitan ng halik ng isang tunay na pag-ibig, sa kaparehong oras."

Napakurap ako ng tatlong beses matapos marinig ang mga sinabi no'ng manghuhula. "Ale, manghuhula ho kayo 'di ba? Pfft, pinapatawa niyo naman ako e. Hahahaha!"

Napatingin naman ako kay Rain na 'di maipinta ang hitsura. Hahahaha! Pati siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ng babaeng manghuhula.

"Manang, mas bagay po sa inyo ang maging comedian kesa manghuhula."

Napapailing na lang ang kapatid ko.

"Tanggapin mo ito." Hinubad ng ale sa kanyang kamay ang isang bracelet na may colorless na heart shape pendant. nang walang pagdadalawang-isip ay isinuot ko ito. Ang gandang tignan.

"Bagay sayo." Puri ng matanda at saka ako nginitian. Ang bait niya kahit na sa totoo lang ay nawiwirdohan ako sa kanya.

"Malalaman mo ang mga sinasabi ko kapag nangyari na. Hindi mo maiiwasan ang itinakda ng tadhana." Pahabol nito.

Kumaway pa sa amin ang matandang manghuhula at nag-patuloy na kami sa paglalakad. Ang weird niya...lalo na 'yong mga sinabi niya. At sinong 'Siya' ang tinutukoy niya? Ay ewan, wala akong ideya.

"Rain, naniniwala ka ba do'n sa sinabi ng manghuhula?" Tanong ko ng makalayo na kami.

napakibit-balikat na lamang ang kapatid ko. "Hindi ate. Malay ba natin kung gawa-gawa niya lang 'yong mga sinabi niya. Baka nasabi niya na rin sa iba 'yon para kumita ng mas malaki."

Pagkatapos mamili ay umuwi na kami ni Rain. Kinahapunan ay nag paalam akong aalis at pupunta ako sa kaklase ko. Hindi kasi ako nakapasok the day before ang piyesta kaya kailangan kong manghiram ng notes.

"'Wag ka magpapagabi, Summer!"

Paalala ni lola nang paalis na ako.

"Opo!" pahabol kong sigaw.

Napatingin ako sa wrist watch ko, alas kwatro na ng hapon. Kailangan kong mag madali dahil malayo-layo ang lalakarin ko at baka gabihin ako. Dala ko din ang librong binabasa ko kagabi na may pamagat na "Inevitable Fate", naalala ko kasi ang panaginip ko kanina at gusto kong ikuwento 'yon kay Charissa.

Limang beses ako kumatok sa pintoan. "Charissa! tao po!"

"Chariss—Charissa! Bumaba ka rito, nandito si Summer!" Sigaw ng mama ni Charis na siyang iniluwa ng pinto.

Hanggang ngayon ay sUmmer pa rin ang pagkakabigkas ni Aling Pining sa pangalan ko, imbes na sAmmer.

Pinapasok ako ni Aling Pining at pinaupo sa kanilang sofa. ramdam ko ang lamig na nanggagaling sa aircon. Malaki ang bahay nila at mayroon ding tindahan si Aling Pining na pinagkukunan nila ng kabuhayan. Ang tatay naman ni Charissa ay nagtatrabaho sa ibang bansa, at nag-iisang anak lang siya kaya sunod ang lahat ng kanyang luho. Pero mabait 'yon si Charissa, at isa siya sa mga kaibigan ko.

"Oh, Summer, bakit nandito ka?"

Tanong ni Charissa na kabababa lang sa hagdan at kinukusot ang mata niya.

"Kagigising mo lang 'no?" tanong ko habang sumusubo ng cookies na inihanda ni Aling Pining sa lamesa.

Tumango ito. "Hahaha! Ang gwapo ni Kang Chul!" Kinikilig na sambit nito.

"Aba, pa'no 'di mapupuyat eh nag-marathon 'yan ng Kdrama hanggang madaling araw." ani Aling Pining.

Napailing na lang ako. Akala mo 'di nagpupuyat ano? Pft.

"Charissa, pahiram ako ng notes, baka kasi alam mo na, may surprise quiz si Sir."

"Kailangan pa ba 'yon?" Umupo ito sa tabi ko at batok ang inabot niya sa 'kin. "Loka-loka. Syempre 'no!" Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Aray ah! Eh hindi ko nga naintindihan 'yung lesson natin sa GenMath." ngumuso ito na parang pato.

"Aish! Tuturuan kita, pero sa ngayon mag toothbrush ka muna at maligo!" Umakto pa ako ng takip sa ilong.

"Oo na! Ako na mabaho!" Inirapan ako nito sabay lakad papuntang banyo. Natawa na lang ako, loka-loka talaga.

• • •

"Ito imu-multiply mo dito at makukuha mo na ang sagot," itinuro ko ang isang number. "Nagets mo?"

"Ahh okay. Gets ko na." Tinangoan ako ni Charis. "You're my savior talaga!" Niyakap pa nito ang braso ko.

Tiningnan ko ang relo ko, 6:30 na! tumayo ako para silipin ang bintana. Madlilim na at umuulan pa.

Dapat pala nag dala ako ng payong, hays.

"Charis, mauna na ko. Gabi na kasi e."

Nagpaalam na ko.

Pinahiram ako ni Charis ng payong.

Walking distance lang ang bahay nila sa bahay ko pero malayo pa rin.

Bitbit ko ang dalawang notebook na ipinahiram niya sa 'kin, pati na ang libro ko.

Malakas ang buhos ng ulan ngayon at may kasama pang kulog at kidlat, nanginginig na ko sa lamig! Dapat pala ay nakinig ako sa balita, hays.

Napahinto ako sa paglalakad ng maalalang hindi ko nga pala naikuwento kay Charissa ang dapat na ikukwento ko. Nag-lalakad ako sa gitna ng madilim at basang kalsada ng maaninag ko ang head light ng isang humaharurot na sasakyan. Nasilaw ako at napangunahan ng takot kaya hindi ko nagawang makatakbo...

Huli na.

"Aaaaaaaaaaaah!!"

You May Also Like
Table of Contents
Volume 1

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT